Nang makita ni Pierce ang lumuluhang mukha ng dalawa ay hindi niya maipaliwanag ngunit bigla na lamang niyang naalala ang babaeng nakaniig niya kagabi. Tahimik itong umalis at ni hindi man lang niya ito nakausap o ni natandaan ang mukha nito. Isa pa ay ayaw niyang magkautang siya sa iba. Kung mahahanap lang niya ito ay handa siyang bayaran ito para mawalan siya ng utang rito. Ngunit ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo.
~~~
Makalipas lamang ang limang minuto ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Serene at nang tingnan niya ito kung ano iyon ay nakita niya ang isang text message na galing sa isang hindi niya kilalang number. “Hindi pa tapos ang nangyari kanina. Dapat kang magkusa na lumapit sa akin sa loob ng tatlong araw dahil kung hindi ay baka hindi mo kayanin ang gagawin ko.” sabi ng text message at habang binabasa niya iyon ay isang tao lang naman ang mabilis na pumasok sa isip niya. Alam niya na kaagad na ang text message na iyon ay galing kay Reid.
Hindi niya na lamang ito pinansin at pagkatapos ay muli na naman niyang tinawagan ang kanyang ina habang nanginginig ang kamay niya. Matapos niyang malaman na hindi naman lumabas ang kanyang ina para gumawa ng ibang trabaho ay nakahinga siya ng maluwag at ngunit pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba walang lakas ang kanyang katawan at halos hindi na makagalaw pa mula sa kanyang kinatatayuan.
Pagkatapos lang niyang ibaba ang tawag ay halos dumulas at nahulog sa sahig ang kanyang cellphone. Akala niya ay tuluyan na ngang nagbago ang kanyang ama sa ginawa nito dalawang taon na ang nakaraan. Akala niya ay hindi na nito muling magagawa ang bagay na iyon sa kaniya kaya nang dumating ito noon sa harap ng pinto nila upang humingi ng tawad sa kaniya at sa kanyang ina na punong-puno ng pagsisisi ang mukha ay kaagad nila itong tinanggap dahil ang akala nga nila pareho ay matututo na ito ngunit hindi niya akalain na muli na naman pala itong masisilaw sa pera at maaatim nitong ibenta ang sarili niyang anak ng walang pag-aalinlangan.
Dali-dali niyang pinulot ang kanyang cellphone mula sa sahig at pagkatapos ay idinial niya ang number ng kanyang ama at doon niya nalaman na naka-block na pala siya at hindi na iyon nakakagulat pa. Magkakahalong emosyon ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. Lungkot, sakit at awa sa sarili niya. Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang emosyon at biglang nanginig ang kanyang mga balikat at napaiyak siya. Dahil sa bagal niyang maglakad ay mas nauna pa palang nakababa sa kaniya ang tauhan ni Pierce kung saan ay hinihintay na pala siya sa lobby ng hotel.
Nakaupo ito sa may sofa at nang makita siya nito ay dali-dali itong tumayo at pagkatapos ay lumapit sa kaniya. “Ms.Serene, ito ang divorce agreement. Pakipirmahan na lang po ito.” magalang na sabi nito sa kaniya.
Napaisip siya nang mga oras na iyon na talaga hindi na talaga makapaghintay si Pierce na maghiwalay sila. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang divorce agreement o ni kung anuman ang nakasulat doon. Dali-dali niyang inabot mula sa kamay nito ang ballpen at walang kabog na pinirmahan iyon. Pagkatapos niyang pirmahan iyon ay kaagad niyang ibinalik iyon rito at mabilis na tumalikod.
Ngunit nakaka-isang hakbang pa lamang siya nang bigla na lamang niyang naramdaman ang paghawak nito sa kanyang braso upang pigilan siya. “Teka lang Ms.Serene, hindi niyo man lang ba babasahin ito?” tanong nito sa kaniya.
Tumigil naman si Serene sa paglalakad at nilingon ito dahil pag nagtuloy-tuloy siya sa kanyang paglalakad ay magmumukha lang siyang bastos. Nang marinig niya ang sinabi nito ay bahagya siyang napakunot ang noo at walang maintindihan sa sinasabi nito.
Nang makita naman ni Liam ang pagkalito sa mukha nito ay bigla siyang nagsalita. “Ah ano po, ang ibig sabihin ni Sir ay dapat na ninyong ayusin ang mga gamit ninyo at umalis na kayo sa mansyon.” sabi niya rito.
Ang kasunduang iyon ay ginawa nang madalian at sinong mag-aakala na sa paglipas lang ng ilang minuto ay ilang milyon na ang mawawala sa kaniya. Ni hindi na nagulat pa si Serene dahil halata namang galit sa kaniya ang lalaking iyon. Isa pa ay gusto niyang sabihin rito na kung hindi lang din naman dahil sa lola niya ay hindi niya rin naman ito pakakasalan. Pero alam niya na kahit na sabihin niya pa iyon ay hindi na ito maniniwala pa sa kaniya.
Ibinaba ni Serene ang kanyang ulo at muling kunuha ang mga dokumento at pagkatapos ay isa-isa niyang pinirmahan ang mga iyon kahit na sa totoo lang ay hindi niya naman talaga binasa ang mga nakasaad doon, gusto niya lang na tantanan an siya ng mga ito at tuluyan na nga silang maghiwalay dahil iyon din naman talaga ang gusto niya, ang makipaghiwalay rito.
Habang nakatingin naman si Liam sa dalaga ay bahagya siyang napakunot ang noo. Sa totoo lang ay inihanda na niya ang sarili niya sa mga sasabihin niya sana para pirmahan lang ng dalaga ang mga iyon ngunit ni hindi niya lubos akalain na ni isa sa mga iyon ay hindi niya kailangan pang sabihin rito dahil napakabilis nitong pinirmahan iyon at ni hindi man lang ito tumutol o kung ano pa man.
Nang matapos piramahan nito isa-isa ang mga dokumento ay muli nitong inabot iyon sa kaniya. Tinanggal niya ang pagkabigla sa kanyang mukha at pagaktapos ay tumitig rito. “Ang pagkuha ng sertipiko ay magkahiwalay at aayusin ko pa ang tungkol sa bagay na iyon. Sasabihin na lang kita Ms.Serene.” sbai niya rito.
Tumango lang ito sa kaniya at ni hindi man lang nagtanong ng kahit na ano sa kaniya. Sa mga panahong iyon ay sasalang sa isang heart stent surgery ang matandang babae kaya ang pagkuha nila ng sertipiko ng diborsyo ay maaari lamang maayos pagkatapos ng operasyon nito. Nang makita niya ang pagtango nito ay muli lang siyang napatitig rito. “Isa pa po pala ay umaasa si Sir na hindi niyo na po muling guguluhin pa ang kanyang lola sa hinaharap o ni makipagkita man lang rito.” dagdag niyang sabi rito.
Bagamat ginawa na ang lahat ni Liam ang kanyang makakaya upang mas maganda ang pagkakasabi niya rito ng salitang iyon ay napansin pa rin ni Serene ang babala sa sinabi nito.
Naisip kasi ni Liam na kinamumuhian ito ng kanyang amo kaya hindi nito pinapayagan na magkaroon pa ito ng kahit na anumang relasyon sa kanilang pamilya.
Samantala, bagamat nag-aatubili si Serene na iwan ang matandang babae ay mabilis siyang tumango rito. “Naiintindihan ko. Aalis na ako, dahil kailangan ko pang pumasok sa part-time job ko at anong oras na.” sabi ni Serene rito at pagkatapos ay nagmamadaling tumalikod rito at umalis na sa hotel.
…
Kinabukasan ay pumasok si Serene sa kanyang pinapasukang paaralan at pagkatapos ng klase niya ay agad siyang dumi-diretso sa pinapasukan niyang part-time job. Ganun ang naging set-up niya sa loob ng tatlong araw, sa tatlong araw na iyon ay napansin niya na hindi niya nakikita si Reid sa paaralan at mukhang hindi ito pumapasok sa hindi malamang dahilan. Dahil doon ay medyo gumaan pa rin kahit na papano ang pakiramdam niya dahil sa wala nang panggulo sa buhay niya.Isa pa ay hindi niya naman kayang labanan si Reid dahil nga napakayaman nito at kapag ginawa niya iyon ay alam niya na siya lang ang mapapahiya. Kaya nang hindi niya ito makita ilang araw na ay mas nakahinga siya ng maluwag at napaisip na sana ay tumigil na nga ito ng tuluyan sa pagpasok doon. Ang mga katulad naman nilang mayayaman ay hindi naman mahalaga kung makapagtapos sila o hindi dahil hindi naman iyon magkakaroon ng malaking epekto sa mga ito dahil tiyak na sila naman ang mga magmamana ang mga negosyo ng mga pamilya ng
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin sa wakas si Serene sa mansyon ng mga Smith. Nang mga oras na iyon ay ibinaba ng isang kasambahay sa pear wood coffee table ang umuusok pang tinapay. Dahil nga gustong-gusto ng matandanag babae si Serene ay talaga namang nagpapaluto siya ng masarap na meryenda kapag alam niyang darating ito doon. Nang pumasok si Serene sa loob ay agad niya itong nakita maging ang nakahandang meryenda para sa kaniya.Nang makita siya ng matanda ay agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “Hija, narito ka na pala. Halika maupo ka, nag-utos ako sa chef na ipagluto ka ng cinnamon roll dahil ito ang paborito mo hindi ba?” nakangiting sabi nito sa kaniya.Ilang sandali pa ay napahigpit si Serene sa kanyang mga palad habang papalapit rito at kinakabahan. Isa pa, iniisip niya na hindi lang siya basta nagpaunlak sa imbitasyon nitong pumunta doon kundi dahil sa gusto niyang humingi rito ng tulong kahit na alam niya na magiging nakakahiya siya sa m
Halos kaladkarin siya nito patungo sa may sasakyan na nakaparada sa harapan ng mansyon. Pagkabukas nito ng pinto ng kotse ay mabilis siya nitong pinapasok nang walang pag-iingat at dali-dali rin naman itong sumakay sa loob pagkatapos ay malakas na isinira ang pinto ng kotse kung saan ay halos napapikit siya dahil sa lakas ng tunog.Ang kabaitan sa mukha nito ng mga oras na iyon ay tila ba naglahong parang isang bula nang makapasok ito ng tuluyan sa loob. Napalitan ng napakalamig na ekspresyon ang mukha nito ng mga oras na iyon. “Paandarin mo.” utos niya sa nasa harapan ng sasakyan kung saan ang magnetic voice nito ay napaka-kaaya aya ngunit ang tono nito ay nakakatakot. Nang marinig niya ito ay agad na umahon ang kaba sa kanyang dibdib.Halos nangingig ang kamay niyang nilingon ito. “Sa-saan mo ako dadalhin?” nauutal na tanong niya rito.Malamig ang gwapong mukha ni Pierce ng mga oras na iyon at hindi nagsalita. Ang babaeng nasa tabi niya ay isang manloloko kung saan maging ang kanyan
Niyakap niya ng sobrang higpit ang mga hita nito at kahit na anong tulak nito sa kaniya ay hindi siya bumitaw sa pagkakahawak doon. Ang lalaking ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha at pagkatapos ay muling nagmakaawa rito. “Kailangan ko talaga ng pera…” humihikbing sambit niya rito. Halos mapatawa naman si Pierce dahil sa hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa babae. Kanina lamang ay takot na takot ito para sa buhay nito ngunit ngayon ay kung ay tila nawala na parang bula ang takot nito. Sa mga oras na iyon ay inis na inis na siya rito at galit na galit na rin. Ilang sandali pa ay halos maubos na ang pasensiya niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang mga hita ngunit napakahigpit ng pagkakahawak nito roon. Takot na takot naman si Serene nang mga oras na iyon at halos manginig ang buong katawan niya. Kahit na ganun ay mahigpit pa rin siyang kumapit sa hita nito at pagkatapos
Ang sasakyan ay mabilis na nawala sa kalagitnaan ng gabi. Ilang minuto pang nanatili sa ganuong ayos si Serene bago siya tuluyang tumayo. Mabuti na lamang at maraming dumadaan doong sasakyan. Hindi siya sumakay ng bus at matyaga siyang naghintay ng taxi upang doon sumakay. Nang makasakay siya ay kaagad siyang nagpa-diretso sa ospital.Isa pa, wala siyang balak bitawan ang bag na hawak niya hanggat hindi niya nasisiguro na naibayad na nga niya iyon ng lubusan sa ospital kung saan a doon naman ito talaga nakalaan. Dahil sa perang iyon ay paniguradong makakaligtas ang kanyang ina sa bingit ng kamatayan na kinasasadlakan nito ng mga oras na iyon.Kinabukasan, pagkatapos ng kanyang klase ay nagpunta kaagad si Serene sa mikt tea shop kung saan siya nag papart time job. Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay bigla na lamang silang nagkaroon ng napakalaking order at hiniling sa kaniya na siya mismo ang maghatid ng order sa ikaanim na palapag ng mall kung nasaan ang sineha
Nang marinig ni Serene ang sinabi nito ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha. Alam niya na tama si Reid sa sinabi nito at wala siyang kakayahan na lumaban rito. Isa pa ay alam niya na kaagad kung ano ang magiging dulot sa kaniya ng tsismis na ipapakalat nito kung sakali. Hindi niya hahayaang sirain nito ang pagkatao niya.Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at nang mapansin ni Reid ang pagbabago sa ekspresyon niya ay halatang naging masaya ang mukha nito. “Ano ka ba, hindi kita sasaktan dahil paliligayahin lang naman kita. Halikan na lang muna kita para gumaan ang loob mo.” sabi nito sa kaniya.Maituturing niya itong isang pampagana para sa gagawin nilang pagsasaya mamaya. Ilang sandali pa ay mabilis na tinakpan ni Serene ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay tumitig kay Reid bago siya nagsalita. “Natatakot ako. Nabalitaan ko na may kasintahan ka at galing din siya sa kilalang pamilya. Kapag nalaman niya ang tungkol r
Nang makita naman ng lalaki kung sino ang lumabas sa silid ay hindi siya nangahas na pumasok pa o ni sumilip sa loob ng silid kundi dali-dali na lang din siyang tumalikod at umalis doon. Samantala, dahan-dahan namang napadausdos si Serene hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Pagkaraan lamang ng ilan pang minuto ay lumabas na rin siya doon.Sa katunayan ay hawak niya sa kanyang kamay ang isang recording pen na nasa kanyang bulsa ng mga oras na iyon. Mabuti na lang din at may dala siyang ganuon at mabuti na lang din at naalala niya ang sinabi ni Pierce nang mga nakaraang araw sa elevator.Si Beatrice na pinsan ni Pierce ay ang kasintahan nito at sinabi sa kaniya ni Reid na hindi ito natatakot sa babae ngunit halata naman sa mukha nito na nagsisinungaling lamang ito. Isa pa, napaisip siya na kung talagang may pakialam ito at may interes ito sa relasyon nila ng Beatrice na iyon ay tiyak na hindi ito mangangahas na gumawa ng kahit na anumang kabalbalan na maaaring makasira sa relasyon ng mg
Pagkatapos lamang sabihin iyon ni Pierce ay agad na itong tumalikod at humakbang na palabas at halatang naman na tila ba ayaw na siya nitong makita pa. Sa isang iglap ang mga mukha ng mga pumasok kanina kasama nito ay biglang nalukot. Ilang sandali pa ay tiningnan siya ng direktor ng paaralan ng matalim. “Ipinapangako po naming aayusin namin ito at pagbubutihin.” habol nitong sabi sa papalabas na si Pierce.Nang tuluyan ngang makalabas si Pierce ay bumaling ang director sa kaniya. “Lumabas ka!” walang kagatol-gatol na sabi nito sa kaniya.Nang mga oras naman na iyon ay nakatulala lang si Serene habang nakatitig sa galit na galit na mukha nito. Hanggang sa muli na naman niyang narinig ang pagsigaw nito. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Lumabas ka!” ulit nitong sabi sa kaniya.Napakuyom na lamang ang mga kamay niya bago siya naglakad palabas ng silid at ni hindi man lang niya nagawang nagsalita bago siya umalis.Pagkaalis niya ay pinalabas ng direktor ang lahat at hindi nagtagal ay n
NANG MAKITA NI PIERCE NA AYAW MAGSALITA ni Serene ay tumaas ang sulok ng kanyang labi at napakalamig ng mga matang tumingin dito. “Ganyan na ba talaga ng ugali mo at talagang dis-oras ng gabi ay may kasama kang lalaki?” tanong niya rito.Agad na namutla ang mukha ni Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Alam niya na kaagad kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito, na napakakati niya at hindi makuntento kahit na ilang araw pa lang itong wala. Ilang sandali pa ay narinig niyang muling nagsalita si Mike mula sa likod niya. “Mr. Smith, huwag naman kayong magsalita ng ganyan dahil hindi niyo naman alam ang tunay na nangyari.” sabi nito.Ano? Huwag magsalita ng masakit? Bigla niyang tinapunan ito ng tingin at napatitig sa hubad nitong katawan. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at muling napatingin kay Serene ng malamig. “Hinding-hindi ko na pag-iinteresan ang babaeng para sa lahat, kung gusto mo siya then take her.” sabi niya at agad na tumalikod at umalis doon.Biglang natahimik ang pal
DAHIL SA TONO NG KANYANG PAGTATANONG ay biglang napasimangot si Pierce ng wala sa oras. “Bakit ganyan ang reaksyon mo? Dahil ba dumating ako sa hindi tamang oras dahil may kasama ka sa loob?” tanong niya rito.Ang hindi nasisiyahang tono nito ang nagpabilis ng tibok ng puso ni Serene.Walang ibang naisip si Pierce noong panahong nasa ibang bansa siya kundi tanging ito lang pero ito ay mukhang hindi man lang siya naisip at nakakatulog pa ito ng mahimbing. Dahil dito ay gusto niya tuloy itong parusahan dahil sa hinanakit niya na parang wala lang itong pakialam. Ilang sandali pa nga ay dali-dali niyang itinaas ang kanyang kamay at hinila ito pagkatapos ay hinalikan niya ito ng mariin. Wala na siyang pakialam pa kung ang dala niya ay nahulog na sa sahig. Hinalikan niya ito ng marahas.Agad naman na nataranta si Serene nang halikan siya nito at pagkatapos ay mabilis niyang itinulak ito ngunit sa halip ay hinawakan lang nito ang kanyang mukha gamit ang dalawa nitong kamay. Tumigil ito sa p
HINDI ALAM NI SERENE KUNG PAANO siya nakabalik sa subdibisyon. Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan. Basang-basa ang katawan niya at gulo-gulo pa ang buhok niya na may hawak na kahon at naglakad papasok ng building pagkatapos ay sumakay ng elevator. Kung titingnan ay mukha siyang isang basang sisiw sa itsura niya.Pagbukas ng elevator ay bigla na lang bumigat ang katawan niya. Nakalabas naman siya ng elevator ngunit habang inihahakbang niya ang kanyang paa ay parang matutumba siya. Ilang sandali pa ay bigla na lang umikot ang paningin niya kasunod nito ay bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.Nang muling magmulat ng mata si Serene ay bigla siyang napahilot sa kanyang ulo. Napabangon siya, nasa loob na siya ng unit niya at pakiramdam niya ay para bang nag-aapoy ang buong katawan niya. Inalala niya ang nangyari, kanina ay papasok na sana siya sa loob ng unit niya pero, pero bigla siyang nawalan ng malay. Pero paano siya nakapasok?Ilang sandali pa ay nilingon niya ang kanyang da
NANG LUMABAS SI SERENE NG KUMPANYA ay may hawak siyang kahon sa kanyang mga bisig. Paglabas niya ay napatingala siya sa kalangitan kung saan ay kitang-kita na niya ang kadiliman at mukhang uulan pa yata.Nakakatatlong hakbang pa lamang siya nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan at halos lahat ng tao sa labas ay nagmamadaling nagsitakbuhan para sumilong ngunit siya, hindi siya tumakbo at sa halip ay mabagal na naglakad sa gitna ng malakas na ulan.Nang makarating siya sa sakayan ng bus ay basang-basa ang kanyang damit ang hawak niyang kahon ay halos napuno ng tubig ulan. Umupo siya sa isang bench at naghintay ng bus.Sa mga oras naman na iyon ay may dumaan na isang kulay itim na mamahaling sasakyan sa hintuan ng bus kung saan ay biglang bumaba ang bintana. Kitang-kita ni Serene ang isang maputla ngunit nakangiting mukha ng babae sa loob ng sasakyan.“Pierce, umuulan!” sabi ng malambing na tinig at umabot yon sa pandinig ni Serene, hindi nagtagal ay sumagot ang kasama nito
MAKALIPAS ANG ILANG ARAW AY WALA siyang naging balita mula kay Pierce na para bang bigla na lang itong naglaho bigla sa mundo niya. Bagamat napakarami niyang iniisip ay pinilit niya pa rin ang mag-focus sa kanyang trabaho hanggang sa dumating ang biyernes ng hapon.Hiniling sa kaniya ng sekretarya ng general manager na pumunta sa VIP room. Bagamat gulat siya ay agad siyang sumunod at naglakad patungo doon. Pagkatarating niya sa pinto ay agaw siyang kumatok sa pinto bago tuluyang pumasok. Wala siyang ideya kung sino ang nagpapatawag sa kaniya, hindi kaya si Pierce? Napalunok siya at hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang kinabahan bigla.Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang DAddy ni Pierce na nakaupo sa harap ng mesa. Halata sa mukha nito ang galit at disgusto nang makita siya nito. Nang makita siya nito ay itinaas nito ang kamay. “Maupo ka.” sabi nito. Agad siyang naglakad patungo sa harap nito kung saan ay napakalakas ng tibok ng puso niya.“Tapos na ang paghihintay para maku
DAHIL SA TUNOG NG CELLPHONE ni Pierce ay nagising si Serene. Naramdaman niya na bumangon si Pierce. Bumangon ito sa kama at sinagot ang tawag sa cellphone nito. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya nito nakita na maging siya ay gising na. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang nagbibihis na ito habang may kausap sa cellphone. Mahina ngunit malinaw na narinig ni Serene ang dalawang salita. Nicole at gising. Iyon ang narinig niya kung saan ay agad siyang nanigas mula sa kinahihigaan niya. Gising na si Nicole? Samantala, nang matapos naman na magbihis ni Pierce ay hindi sinasadyang mapasulyap sa kama at sa pag-aakalang napagod ito kagabi sa pagniniig nila ay hindi na niya ito ginising pa pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa pinto at marahang isinara din ito. Pagkarinig ni Serene ng pagsara ng pinto ay parang piniga ang puso niya. Nagpakurap-kurap siya ng wala sa oras. Gising na si Nicole. Ibig bang sabihin ay oras na para umalis siya sa puder ni Pierce? Hindi na nakaramd
PAGKAALIS NIYA DOON AY AGAD NA DUMIRETSO SI Serene sa may banyo ng mga babae at pumasok ngunit laking pagtataka niya nang lahat naman ng cubicle ay nakabukas at walang bakas ni Amber. Agad siyang kinabahan at talagang inisa-isa pa iyon ngunit wala talaga ito doon.Ilang sandali pa ay bigla na lang niyang naisip na tawagan ito at dali-daling lumabas sa banyo. Habang naglalakad ay kabang-kaba siya at hindi nagtagal ay nag-ring iyon at bigla niyang narinig ang pamilya na ringtone nito at may pinanggalingan ito na malapit lang sa kaniya. Iniikot niya ang kanyang paningin sa kanyang paligid at pagkatapos ay nakita niya ang isang pinto na para bang isang stockroom at para bang doon nanggagaling ang tunog. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serene habang inihahakbang niya ang kanyang mga paa.Malapit na siya sa pinto nang biglang lumabas doon ang isang lalaki. Ilang beses siyang tiningnan nito at pagkatapos ay binati ng may interes. “Hello, hija.” bati nito sa kaniya.“Sino ka?” nanlalaki
KINABUKASAN NANG MAGISING SI SERENE ay nakita niya na tahimik na nakaupo sa isang tabi si Pierce at para bang pinapanuod siya nito habang natutulog siya. Agad niyang napansin na namumula ang mga mata nito na para bang puyat na puyat at ni hindi man lang nakatulog. “Good morning.” sabi nito sa kalmadong tinig ngunit medyo malabo ang mga mata nito.Agad na natigilan si Serene at hindi maiwasang magtanong. “Maaga ka yatang nagising?” tanong niya rito.“Ah, oo. Well anyway hinintay lang kitang magising.” sabi nito pagkatapos ay tumayo na at doon niya lang napansin na nakabihis na pala ito ng pang-opisina na agad niyang ikinakunt-noo. “Hindi ba at walang pasok ngayon?” tanong niya.“Marami akong naiwang gawain kaya hindi ako pwedeng magpahinga. Aalis na ako.” sabi lang nito at tuluyan na ngang naglakad patungo sa pinto. “Bumangon ka na at kumain.” sabi nito bago tuluyang lumabas ng pinto.Ipinilig na lamang ni Serene ang kanyang ulo at ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano. Bumangon na si
SAGLIT NA TINITIGAN NI PIERCE ang natutulog na mukha ni Serene bago niya kuhanin ang kanyang cellphone. Nakita niya ang tatlong missed calls ng kanyang ama doon. Dahil dito ay agad siyang tumayo mula sa kama at nagbihis. Bago umalis ay muli pa siyang napasulyap sa kanyang likuran at muling lumapit dito upang kumutan ito. Mukhang himbing na himbing na ito sa pagtulog.Hindi niya napigilan ang sarili niyang mapayuko at pagkatapos ay kinurot ang pisngi nito at hinalikan ang noo nito bago tuluyang lumabas ng silid.Habang naglalakad siyang pababa ay bigla niyang binuksan ang ipinadala sa kanyang text ,message ng kanyang ama sa kaniya. “Anong klaseng pag-iisip meron ka ha? Ang paghintayin doon si Ashley at inutusan mo si Liam na humingi ng paumanhin dahil sa paghihintay niya sayo ng matagal?” iyon ang nakalagay sa text message nito kaya mas binilisan niya pa ang kanyang paglalakad.Nang makasakay siya sa kanyang kotse ay agad niyang pinaandar iyon patungo sa kanilang mansyon. Mukhang alam