Pilit namang kumalma si Reid. “Pasok.” sabi niya.
“Sir, ito na po ang gusto ninyo.” sabi ng waiter at ini-swipe nito ang card at pumasok sa loob tulak-tulak ang isang trolley. Dahil doon ay bigla na lamang ulit namutla ang mukha ni Serene. Mukhang kasabwat nito ang waiter na kapapasok lamang.
Biglang napatingin si Reid sa mukha ni Serene kung saan ay bigla na lamang siyang napalunok nang makita niya ang kagandahan nito. “Tatawag na lang ako kapag may kailangan ako.” sabi niya rito.
Napatingin naman si Serene sa pinto kung saan ay malapit na ang waiter doon at tiyak niya na kapag sumara iyon ay muli na namang mala-lock iyon kaya inipon niya ang natitira pa niyang lakad at biglang hinila ang trolley na nasa tabi niya ay hinila patungo kay Reid. dahil doon ay nagkaroon ng malakas na ingay at ang lamang ng trolley ay nagkandalaglagan sa sahig. Pinilit niyang tumayo at dali-daling tumakbo patungo sa pinto upang makalabas siya habang hawak-hawak ang tiyan niya na sa mga oras na iyon ay nananakit na naman. Hindi siya lumingon sa likod niya at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
Agad na nalukot ang mukha ni Reid at napakuyom ang kamay. “Walang hiya ka talagang babae ka! Talagang inuubos mo ang pasensiya ko!” sigaw niya sa buong silid.
Hindi pinansin ni Serene ang sigaw nito, tumakbo lang siya papunta sa elevator. Kapag nakababa siya sa lobby sa unang palapag ay tiyak na makakaligtas siya mula sa kamay nito. Kahit na maabutan siya nito doon ay tiyak na hindi ito mangangahas na gumawa ng eksena sa karamihan ng tao. Tiyak na mapapahiya ito kung sakaling gawin nito iyon.
Sa elevator ay isang matangkad na pigura ang pumasok doon. Malapit nang magsara ang pinto nang bigla siyang sumigaw dahil sa desperasyon niyang makatakas mula sa lalaking iyon. “Sandali!” sigaw niya sa nanginginig na boses.
Nang marinig naman niya ang sigaw ay bahagya siyang natigilan.
Nagmamadaling tumakbo si Serene. Sa hindi inaasahan, dahil sa pagod at sakit na nararamdaman niya ng mga oras an iyon ay diretso siyang bumagsak sa lalaki. Gusto niyang lumayo rito ngunit talagang wala ng natitira pang lakas ang katawan niya kaya mas lalo pa siyang nabalisa. “Pa-pasensiya na—” tumingala siya upang tingnan ang lalaki at handa na sana siyang magpaliwanag rito nang bigla siyang manlamig nang makita niya ang mukha nito.
Sa dinami-dami ng pwede niyang makasalubong at makasabay doon ay bakit si Pierce pa? Kaya lang sa pinagdaanan niya kanina ay wala siyang ibang mahihingian ng tulong kundi ito lamang.
Biglang naamoy ni Pierce ang natural at malinis na halimuyak ng katawan ng dalaga na nasa kanyang mga bisig ng mga oras na iyon na naging dahilan nang pagbilis ng tibok ng puso niya. Bigla niyang naalala ang babaeng nakasiping niya noong nagdaang gabi. Ilang sandali pa siyang natigilan at ilang segundo lamang ang lumipas ay bigla siyang sumimangt at itinaas ang kanyang kamay upang palayuin ito sa kaniya.
Itinulak siya ng lalaki at humampas ang kanyang likod sa gilid ng elevator, dahil doon ay mas lalo pang tumindi at nadagdagan ang nararamdaman niyang sakit ng mga oras na iyon. Ang mukha ng lalaki ay naging malamig at mukhang walang pakialam.
Napatitig si Pierce kay Serene at doon niya nasabi sa sarili niya na napakagaling ng pag-arte nito. Kanina lang ay inimbestigahan na ni Liam ang lugar kung saan nagkita ito at ang kanyang lola. Kinumpirma ng isang empleyado doon na ang babaeng kaharap niya ang lumapit sa kanyang lola kaya simula pa lang ay may lihim na talaga itong agenda.
Kung hindi lang siya pinilit ng kanyang lola na pakasalan ito ay hinding-hindi niya ito pakakasalan, idagdag pa na nagkataon na may kailangang ayusin siya sa ibang bansa noon kaya hindi niya agad ito naasikaso. Hindi niya hahayaan na pagsamantalahan siya nito. Pakiramdam ni Pierce, habang tinitingnan niya ang babaeng kagaya nito ay narurumihan din ang kanyang mga mata kaya malamig siyang nagsalita. “Isara mo na ang pinto.” malamig na sabi niya kay Liam.
Wala namang nagawa si Liam na kanina pa nakamasid at itinaas ang kamay upang pindutin ang button.
Nang mga oras na iyon ay biglang narinig ni Serene ang nagmamadaling mga yabag at maging ang pagmumura ng lalaki kaya bigla siyang nataranta. Siguradong gaganti si Reid sa kaniya para sa sarili nito kapag nahuli siya nito at baka kung anong pagpapahirap ang gawin nito sa kaniya.
Napakagat-labi siya at inipon ang lakas ng loob niya na tumingin kay Pierce, wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi gawin ang bagay na iyon para makaligtas lang siya. “Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang asawa mo na pinakasalan mo ilang buwan na ang nakakaraan.” sabi niya rito.
Agad naman na nagyelo ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Do you need me to remind you that you sign a prenuptial agreement for a hidden marriage?” tanong nito sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya.
Ang pagtawag nitong asawa sa kaniya at insulto para kay Pierce.
Agad naman na nanlamig si Serene dahil sa lamig ng tinig nito at halos tumayo ang lahat ng balahibo niya. Noon lang niya naalala na pumirma nga pala siya ng confidential agreement noon araw ng kasal nila kaya hindi siya nito itinuturing na asawa nito.
Ilang sandali pa ay biglang dumating mula sa likuran niya si Reid na patuloy pa rin sa pagmumura ngunit nang makita nito kung sino ang nasa tapat ng elevator ay agad itong namutla at napuno ng pawis ang noo nito.
“ Kuay Pierce…” sabi nito.
Napalunok ng wala sa oras si Serene. Hindi niya akalain na magkakilala ito at si Reid.
Napatingin si Pierce sa itsura ni Reid. “anong nangyari sayo at anong ginagawa mo?” tanong nito na may malalamig na mga mata.
Agad naman nanghina ang mga binti ni Reid nang makita niya ang ekspresyon nito at pinagpawisan ang noo niya. Alam niya kung gaano ka-impluwensiya ang pamilya nila pero kapag nakikita niya ang lalaking nasa harap niya, pakiramdam niya ay para ba siyang tinotorture habang nakatitig sa mga mata nito.
“Ah, ako? Inimbitahan ako ng kaklase ko dito para sa isang bagay.” sagot nito at sumulyap kay Serene.
Galit naman na ikinuyom ni Serene ang kanyang mga kamay. “Sinungaling ka!” sabi niya rito.
Agad siya nitong nilapitan at sinampal siya nito. “Hoy mabahong babae, ang kapal ng mukha mo! Bakit ayaw mong magsabi ng totoo na ikaw ang nagpilit sa akin na pumunta rito?” tanong nito ang itinuro siya. “Kuya Pierce sinungaling ang babaeng ito, nakipagsabwatan siya sa kanyang ama para linlangin ako ng dahil lang sa pera.” sabi nito na punong-puno ng pang-aakusa.
Sa takot na hindi maniwala si Pierce kay Reid at itinaas niya ang kanyang kamay at inihagis sa sahig ang kahon ng gamot na nahulog sa bulsa nito kanina at tiningnan niya si Serene na puno ng panghahamak ang mga mata. “Kuya Pierce, tingnan mo. dala-dala pa niya ang gamit na yan, ibang klase siya hindi ba?” dagdag pa nito.
Agad naman na nataranta si Serene ng mga oras na iyon at gusto niyang magpaliwag. Ibinuka niya ang kanyang bibig. “Hindi, hindi yan—” hindi niya natapos ang kanyang sinasabi nang muli nitong ilabas ang cellphone nito at ipakita ang screenshot na ipinakita nito sa kaniya kanina.
“E ito? Masasabi mo pa ba na wala itong kinalaman sa tatay mo ha? Talagang magpapalusot ka pa.” sabi nito na punong-puno ng panunuya ang tinig.
Dahil rito ay hindi siya nakatanggi dahil nasa kamay nito ang screenshot na iyon. Hindi siya nakapagsalita. Kung sasabihin niyang wala iyong kinalaman sa kanyang ama ay tiyak na magmumukha siyang sinungaling kahit na ang totoo ay siya ang biktima doon.
Dahil rito, sa mga mata ni Pierce ay naging guilty ito sa inaakusa ni Reid. dahil doon ay mas lalo pa siyang nakumbinsi na isang sinungaling ang babae ay lumapit lang ito sa kanyang lola para sa pera.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Serene. “Aalis na ako.” sabi niya at pumasok na ng elevator. Nagdadalawang isip naman si Reid na sundan ito bagkus ay tiningnan niya na lamang ito na puno ng babala at pagbabanta.
Naiwan silang tatlo doon. Ilang sandali pa ay nilingon siya ni Pierce. “Kung patuloy ka pang makikipag-ugnayan sa mga taong walang mga kwenta ay hihilingin ko kay Beatrice na layuan ka niya.” malamig na sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang pinsan nito na kasintahan niya naman.
Biglang namuti ang labi niya at halos himatayin siya sa kahihiyan ng mga oras na iyon. Gusto niyang magpaliwanag rito ngunit puno ng pagkadisgusto ang mukha nito at halatang ayaw nitong marinig ang ang mga susunod pang sasabihin niya ngunit ibinuka pa rin niya ang kanyang bibig. “Kuya Pierce nilinlang niya talaga ako.” sabi niya rito.
Hindi siya pwedeng hiwalayan ni Beatrice dahil kailangan nang pamilya niya ang kasal na iyon at kung nagkaproblema sila, ang tatay niya mismo ang papatay sa kaniya. Tumalikod si Pierce sa kaniya at nang makita nitong nakatayo pa rin siya doon ay malamig siya nitong tinapunan ng tingin. “Umalis ka na.” sabi nito bago tuluyang nagsara ang elevator.
…
Nang makita ni Pierce ang lumuluhang mukha ng dalawa ay hindi niya maipaliwanag ngunit bigla na lamang niyang naalala ang babaeng nakaniig niya kagabi. Tahimik itong umalis at ni hindi man lang niya ito nakausap o ni natandaan ang mukha nito. Isa pa ay ayaw niyang magkautang siya sa iba. Kung mahahanap lang niya ito ay handa siyang bayaran ito para mawalan siya ng utang rito. Ngunit ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo.~~~Makalipas lamang ang limang minuto ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Serene at nang tingnan niya ito kung ano iyon ay nakita niya ang isang text message na galing sa isang hindi niya kilalang number. “Hindi pa tapos ang nangyari kanina. Dapat kang magkusa na lumapit sa akin sa loob ng tatlong araw dahil kung hindi ay baka hindi mo kayanin ang gagawin ko.” sabi ng text message at habang binabasa niya iyon ay isang tao lang naman ang mabilis na pumasok sa isip niya. Alam niya na kaagad na ang text message na iyon ay galing kay Reid.Hindi niya na laman
Kinabukasan ay pumasok si Serene sa kanyang pinapasukang paaralan at pagkatapos ng klase niya ay agad siyang dumi-diretso sa pinapasukan niyang part-time job. Ganun ang naging set-up niya sa loob ng tatlong araw, sa tatlong araw na iyon ay napansin niya na hindi niya nakikita si Reid sa paaralan at mukhang hindi ito pumapasok sa hindi malamang dahilan. Dahil doon ay medyo gumaan pa rin kahit na papano ang pakiramdam niya dahil sa wala nang panggulo sa buhay niya.Isa pa ay hindi niya naman kayang labanan si Reid dahil nga napakayaman nito at kapag ginawa niya iyon ay alam niya na siya lang ang mapapahiya. Kaya nang hindi niya ito makita ilang araw na ay mas nakahinga siya ng maluwag at napaisip na sana ay tumigil na nga ito ng tuluyan sa pagpasok doon. Ang mga katulad naman nilang mayayaman ay hindi naman mahalaga kung makapagtapos sila o hindi dahil hindi naman iyon magkakaroon ng malaking epekto sa mga ito dahil tiyak na sila naman ang mga magmamana ang mga negosyo ng mga pamilya ng
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin sa wakas si Serene sa mansyon ng mga Smith. Nang mga oras na iyon ay ibinaba ng isang kasambahay sa pear wood coffee table ang umuusok pang tinapay. Dahil nga gustong-gusto ng matandanag babae si Serene ay talaga namang nagpapaluto siya ng masarap na meryenda kapag alam niyang darating ito doon. Nang pumasok si Serene sa loob ay agad niya itong nakita maging ang nakahandang meryenda para sa kaniya.Nang makita siya ng matanda ay agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “Hija, narito ka na pala. Halika maupo ka, nag-utos ako sa chef na ipagluto ka ng cinnamon roll dahil ito ang paborito mo hindi ba?” nakangiting sabi nito sa kaniya.Ilang sandali pa ay napahigpit si Serene sa kanyang mga palad habang papalapit rito at kinakabahan. Isa pa, iniisip niya na hindi lang siya basta nagpaunlak sa imbitasyon nitong pumunta doon kundi dahil sa gusto niyang humingi rito ng tulong kahit na alam niya na magiging nakakahiya siya sa m
Halos kaladkarin siya nito patungo sa may sasakyan na nakaparada sa harapan ng mansyon. Pagkabukas nito ng pinto ng kotse ay mabilis siya nitong pinapasok nang walang pag-iingat at dali-dali rin naman itong sumakay sa loob pagkatapos ay malakas na isinira ang pinto ng kotse kung saan ay halos napapikit siya dahil sa lakas ng tunog.Ang kabaitan sa mukha nito ng mga oras na iyon ay tila ba naglahong parang isang bula nang makapasok ito ng tuluyan sa loob. Napalitan ng napakalamig na ekspresyon ang mukha nito ng mga oras na iyon. “Paandarin mo.” utos niya sa nasa harapan ng sasakyan kung saan ang magnetic voice nito ay napaka-kaaya aya ngunit ang tono nito ay nakakatakot. Nang marinig niya ito ay agad na umahon ang kaba sa kanyang dibdib.Halos nangingig ang kamay niyang nilingon ito. “Sa-saan mo ako dadalhin?” nauutal na tanong niya rito.Malamig ang gwapong mukha ni Pierce ng mga oras na iyon at hindi nagsalita. Ang babaeng nasa tabi niya ay isang manloloko kung saan maging ang kanyan
Niyakap niya ng sobrang higpit ang mga hita nito at kahit na anong tulak nito sa kaniya ay hindi siya bumitaw sa pagkakahawak doon. Ang lalaking ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha at pagkatapos ay muling nagmakaawa rito. “Kailangan ko talaga ng pera…” humihikbing sambit niya rito. Halos mapatawa naman si Pierce dahil sa hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa babae. Kanina lamang ay takot na takot ito para sa buhay nito ngunit ngayon ay kung ay tila nawala na parang bula ang takot nito. Sa mga oras na iyon ay inis na inis na siya rito at galit na galit na rin. Ilang sandali pa ay halos maubos na ang pasensiya niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang mga hita ngunit napakahigpit ng pagkakahawak nito roon. Takot na takot naman si Serene nang mga oras na iyon at halos manginig ang buong katawan niya. Kahit na ganun ay mahigpit pa rin siyang kumapit sa hita nito at pagkatapos
Ang sasakyan ay mabilis na nawala sa kalagitnaan ng gabi. Ilang minuto pang nanatili sa ganuong ayos si Serene bago siya tuluyang tumayo. Mabuti na lamang at maraming dumadaan doong sasakyan. Hindi siya sumakay ng bus at matyaga siyang naghintay ng taxi upang doon sumakay. Nang makasakay siya ay kaagad siyang nagpa-diretso sa ospital.Isa pa, wala siyang balak bitawan ang bag na hawak niya hanggat hindi niya nasisiguro na naibayad na nga niya iyon ng lubusan sa ospital kung saan a doon naman ito talaga nakalaan. Dahil sa perang iyon ay paniguradong makakaligtas ang kanyang ina sa bingit ng kamatayan na kinasasadlakan nito ng mga oras na iyon.Kinabukasan, pagkatapos ng kanyang klase ay nagpunta kaagad si Serene sa mikt tea shop kung saan siya nag papart time job. Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay bigla na lamang silang nagkaroon ng napakalaking order at hiniling sa kaniya na siya mismo ang maghatid ng order sa ikaanim na palapag ng mall kung nasaan ang sineha
Nang marinig ni Serene ang sinabi nito ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha. Alam niya na tama si Reid sa sinabi nito at wala siyang kakayahan na lumaban rito. Isa pa ay alam niya na kaagad kung ano ang magiging dulot sa kaniya ng tsismis na ipapakalat nito kung sakali. Hindi niya hahayaang sirain nito ang pagkatao niya.Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at nang mapansin ni Reid ang pagbabago sa ekspresyon niya ay halatang naging masaya ang mukha nito. “Ano ka ba, hindi kita sasaktan dahil paliligayahin lang naman kita. Halikan na lang muna kita para gumaan ang loob mo.” sabi nito sa kaniya.Maituturing niya itong isang pampagana para sa gagawin nilang pagsasaya mamaya. Ilang sandali pa ay mabilis na tinakpan ni Serene ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay tumitig kay Reid bago siya nagsalita. “Natatakot ako. Nabalitaan ko na may kasintahan ka at galing din siya sa kilalang pamilya. Kapag nalaman niya ang tungkol r
Nang makita naman ng lalaki kung sino ang lumabas sa silid ay hindi siya nangahas na pumasok pa o ni sumilip sa loob ng silid kundi dali-dali na lang din siyang tumalikod at umalis doon. Samantala, dahan-dahan namang napadausdos si Serene hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Pagkaraan lamang ng ilan pang minuto ay lumabas na rin siya doon.Sa katunayan ay hawak niya sa kanyang kamay ang isang recording pen na nasa kanyang bulsa ng mga oras na iyon. Mabuti na lang din at may dala siyang ganuon at mabuti na lang din at naalala niya ang sinabi ni Pierce nang mga nakaraang araw sa elevator.Si Beatrice na pinsan ni Pierce ay ang kasintahan nito at sinabi sa kaniya ni Reid na hindi ito natatakot sa babae ngunit halata naman sa mukha nito na nagsisinungaling lamang ito. Isa pa, napaisip siya na kung talagang may pakialam ito at may interes ito sa relasyon nila ng Beatrice na iyon ay tiyak na hindi ito mangangahas na gumawa ng kahit na anumang kabalbalan na maaaring makasira sa relasyon ng mg