MULA sa isang luxury car na Bentley Spur ay bumaba si Knives na punong-puno ng charisma. Bagay na bagay sa lalaki ang suot nitong Dormeuil Vanquish ll— a million dollar high-end suit. Walang hindi mapapatingin kay Knives Dawson ng mga sandaling iyon dahil napakalakas ng aura nito habang naglalakad papasok sa lobby ng Celestial Hotel. He was at the hotel because he had a meeting with Mr. Davis, one of their investors an they will discuss their company's new project.
"Mr. Dawson, I have chosen a condo for Ms. Aragon. It's in Manila and near the university where she studies so it's more convenient," saad ni Liam sa kanyang boss. Kasa-kasama siya ng kanyang boss kung saan man ito magpunta, dahil kahit wala ito sa trabaho ay marami pa rin itong inaasikaso. "Good," matipid namang sagot ni Knives. Bagaman sa papel lang sila kasal ni Lalaine Aragon ay ito pa rin ang babaeng gusto ng kanyang Lola Mathilde kaya naisip niyang i-compensate ito kahit papaano. Isa pa'y nakipag-sex siya sa ibang babae noong isang gabi kaya gusto niyang linisin ang konsensya sa pamamagitan ng pera. Besides, ang ganoong kaliit na halaga ay barya lang para sa kanya. Nang maisip ni Knives ang kanyang Lola Mathilde ay binalingan niya ang secretary. "Don't let Lola Mathilde know about the annulment," bilin niya rito. Mahina ang puso ng kanyang Lola Mathilde kaya iniiwasan niyang magalit ito sa kanya. Iyon din ang dahilan kung bakit pumayag siya sa kagustuhan nitong magpakasal sa babaeng hindi niya kilala. Natatakot siyang baka atakihin ito sa puso dahil sa matinding sama ng loob. Mabilis namang tumango ang secretary niya. "I understand, Mr. Dawson," sagot nito subalit mayamaya ay natigil ito sa paglalakad nang may pamilyar na babae siyang nakita papasok din sa lobby ng naturang hotel. 'Ano ang ginagawa n'ya rito?' tanong niya sa isipan na puno ng pagtataka. "What's the problem?" tanong ni Knives sa kanyang secretary nang makitang natigilan ito. "Mr. Dawson, Lalaine Aragon is the young girl in front of you." wika ni Liam. Isang beses lang niyang nakita ang babae nang utusan siya ng kanyang boss na kunin ang marriage certificate, subalit dahil matalas ang kanyang memorya na kailangan niya sa trabaho ay mabilis niya itong natandaan. Pinagmasdan naman ni Knives ang babaeng tinutukoy ng secretary niya. Nakasuot ito ng simpleng kulay pink na blouse at maong na pantalon. May sukbit rin itong bag pack sa likuran na tila ba papasok ito sa school. Napakabata pa rin nitong tingnan dahil sa maliit nitong mukha at balingkinitang katawan, na kung hindi tatanungin ang tunay na edad ay mapagkakamalan itong minor. Frankly speaking, iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Knives ang mukha ng kanyang so-called wife. Because on the day they took their marriage certificate, he didn't look at the woman for even a second. Hindi niya maisip kung ano ang ipinakain nito sa kanyang Lola Mathilde at nagpumilit ang matanda na pakasalan niya ang babaeng ito. As Knives watched the woman, he couldn't understand why she seemed so familiar. He's a hundred percent sure that he has never seen the girl before and this is the first time. Mayamaya pa'y lumapit ang isang security guard kay Lalaine Aragon saka nagmamadaling umalis ang mga ito at sumakay sa elevator. Samantalang nagtataka naman si Liam kung paano napunta roon si Lalaine Aragon. Ang Celestial Hotel ay isang luxurious hotel sa Makati at pawang nasa high-society lang ang may access na makapasok doon. Paanong naroon ang tulad nito sa ganoong hotel? Si Knives naman ay hindi na pinagtuunan pa ng pansin kung bakit naroon ang babae at ipinagpatuloy ang matikas na paglalakad, subalit nang hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng dalawang staff ng hotel kaya nilingon niya ito. Ang isa roon ay ang security guard na kasama ni Lalaine Aragon kanina lang. "Nakahanda na ba ang lahat ng hinihingi ni Mr. Scott?" tanong ng security guard sa waiter na may dalang cart na natatakpan ng puting tela. "Hindi ko talaga maintindihan ang trip ni Mr. Scott. Mukhang inosente pa ang babaeng iyon. Makayanan kaya niya ang trip ni Mr. Scott?" sagot naman ng waiter na hindi mawari kung nag-aalala o natatakot. "Shhh! Tumigil ka nga! Gawin mo na lang ang trabaho mo. Napakagalanteng magbayad ni Mr. Scott kaya hindi mo kailangang makonsensya. Kailangan mo rin ng pera 'di ba? Kahit mamatay ka kakatrabaho hindi ka makakahawak ng ganyan kalaking pera, tandaan mo 'yan." "Pero napakabata pa niya at mukhang inosente—" "Maraming babae ngayon na mukhang inosente lang sa panglabas na anyo, pero walang pinipili ang mga 'yan pagdating sa pera. Kasehodang ibenta ang sarili para mabili ang luho ay gagawin..." Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na ang mga ito at naiwan naman si Knives na hindi malaman ang magiging reaksyon. "Mr. Dawson, gusto mo bang alamin ko kung si Ms. Lalaine Aragon ang tinutukoy nila?" tanong naman ni Liam sa kanyang boss. Dahil walang idea si Knives sa tunay na pagkatao ni Lalaine Aragon at hindi naman niya ito nagawang ipa-background check, kaya hindi niya alam kung anong klaseng babae ito. Naisip din niyang baka na-brainwash lang nito ang matanda kaya napapayag ito na magpakasal sila. "Go ahead!" malamig niyang utos sa kanyang secretary. Gusto niyang malaman kung ano ang motibo ng babae sa pagpunta nito sa hotel na iyon. Isa ba itong call girl? O baka naman nagpapanggap lang itong inosente pero nasa loob naman ang kulo? "Alright, Mr. Dawson." ——— Nagmamadali si Lalaine na sumunod sa security guard na sumundo sa kanya sa lobby ng naturang hotel, pero nagtaka siya dahil pagdating niya sa isang kwarto ay nawala na ito pagtapos nitong sabihin na naroon sa loob ang kanyang kapatid. Kahit nag-aatubili ay pinihit ni Lalaine ang doorknob, at kipkip ang kanyang bagpack ay pumasok siya sa loob ng malaking kwarto. Ngunit ipinagtaka ni Lalaine nang makitang walang katao-tao roon at napakatahimik ng paligid. Inilibot ni Lalaine ang paningin sa kabuohan ng kwarto. Kasinglaki iyon ng suite ni Knives, subalit ang interior design nito ay mas madilim. Pinghalong red at gold ang motif ng kwartong iyon kaya nasabi niyang mas madilim ito. Mayroong king size na kama at eleganteng chandelier sa pinakasentro, at three-seater sofa. "Luke! Nasaan ka? Nandito na si Ate Lalaine!" pagtawag ni Lalaine sa kanyang kapatid habang naglalakad-lakad sa loob ng silid. "Luke! Umuwi na tayo—" Naputol ang sana'y sasabihin ni Lalaine nang marinig niyang bumukas ang pinto, at mula sa kanyang likuran ay isang pamilyar na tinig ang nagsalita, "There you're, Lalaine..." TO BE CONTINUED.“B-BAKIT nandito ka?!" nauutal na tanong ni Lalaine.Ang lalaking iyon ay si Benjamin Scott —schoolmate niya ito sa university kung saan siya nag-aaral, at paris niya ay nasa second year na rin ito sa kolehiyo. Hindi niya ito personal na kilala subalit ang pamilya ng lalaki ay kilala dahil politiko ang ama nito. Hindi rin niya alam kung may gusto ang lalaki sa kanya pero sa tuwing nagkikita sila nito sa university ay palagi itong nakatitig na para ba siyang hinuhubaran.Awtomatikong umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Masama ang kutob niya sa lalaking kaharap niya at nakangisi ng nakakaloko. Elegante man itong manamit subalit hindi naman maitatago niyon ang tunay nitong kulay."N-Nasaan ang kapatid ko? Bakit ikaw ang nandito?" nauutal niyang tanong sa lalaki saka pasimpleng naglakad paatras. "Kapatid?" nakangising tanong nito saka naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Naalerto si Lalaine kaya naman mabilis siyang pumihit patungo sa direksyon ng pi
NANG makita ni Benjamin ang box ng birth control pills ay nanlisik ang kanyang mga mata kaya dinaklot niya ang leeg ni Lalaine at sinakal. Lalo pang siyang nag-apoy sa galit nang makita ang leeg ng babae na mayroon mapupulang marka na sigurado siyang ang lalaki nito ang may gawa. He thought she was still a virgin because that was what Lalaine's mother assured to him. It turned out that the shameless old hag was just lying to get his money. 'Humanda ka punyetang matanda ka! Makikita mo kung sino ang tinarantado mo!' nanggagalaiti niyang saad sa isipan. Pumalatak si Benjamin at saka buong pagkadismaya na pinasasadahan ng tingin ang dalaga. "I thought you were still a virgin. But fuck! Natikman ka na pala ng ibang lalaki," nagngingitngit na wika ni Benjamin pero mayamaya rin ay nag-ngising aso ito. "Siguro naman papayag ka na sa gusto ko? Tutal nilaspag ka na ng iba." Natigilan naman si Lalaine nang makita ang kahon ng contraceptives na binili niya. Hind niya naitapon iyon sa pagm
AYON sa nakalap na impormasyon ng kanyang secretary, simula't simula ay nakilaglapit ito sa kanyang Lola Mathilde dahil mayroon itong ibang motibo. Palabas lang ng babae na kaibigan ang turing nito sa matanda, at ang plano nito ay kuhain ang loob ng kanyang lola. Kung hindi lang isinangkalan ng Lola Mathilde niya ang kompanya, at kung hindi lang sana nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya sa California dahilan para mamalagi siya roon ng isang taon, hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na iyon. He would never allow someone like Lalaine Aragon to take advantage of his Lola Mathilde's kindness. Pakiramdam ni Knives ay nanakit ang kanyang mga mata sa pagtitig pa lang sa mapagpanggap na babae, kaya binalingan niya ang secretary at malamig na nag-utos, "Press the button." Mabilis namang sinunod iyon ng secretary ni Knives subalit naudlot ang sana'y pagsara ng elevator nang mula sa kung saan ay humahangos ang isang lalaki. Naalerto naman si Lalaine dahil alam niyang si Benjamin i
“IF YOU keep hanging out with people like this, I will personally tell Olivia to cancel your engagement," mariing wika ni Knives kay Benjamin.Tila naman sinampal si Lalaine ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Knives. Kahit hindi sa kanya sinabi iyon ng lalaki, alam niyang siya ang pinatatamaan nito ng mga oras na iyon. Gustong dipensahan ni Lalaine ang sarili pero nang tingnan niya si Knives ay bakas sa mukha nito ang matinding disgusto, kaya naman minabuti na lang niyang huwag nang magpaliwanag pa. Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki kahit maglupasay pa siya."I'm sorry, Kuya Knives. This will never happen again, I promise," hinging-paumanhin naman ni Benjamin subalit sa isipan niya, gustong-gusto niyang sakalin ang punyetang si Lalaine dahil kung hindi sana ito tumakas, hindi sana siya makikita ni Knives Dawson na ganoon ang itsura.Hindi maaaring ma-cancel ang engagement niya kay Olivia dahil kailangan ng pamilya niya ang kapangyarihan ng mga Dawson. Kung masira
"MS. LALAINE Aragon, here's the annulment agreement. Please, sign it," magalang na saad ni Liam. He invited the woman to a coffee shop near the hotel to sign the said document, as ordered by his boss.Lihim namang nakahinga ng maluwang si Lalaine. Mukhang tulad niya, nais na rin ni Knives na tapusin na ang kanilang kasal. Kaya kaagad na kinuha ni Lalaine ang ballpen na nakalapag sa kanyang harapan at pinirmahan ang dokumento nang hindi man lang ito binabasa.Kumunot naman ang noo ni Liam at sandaling pinigilan ito sa ginagawa, "Hindi mo man lang ba babasahin ang nakasaad sa annulment paper, Ms. Aragon?" tanong niya.Bakas naman ang pagkalito sa mukha ng babae kaya napilitan si Liam na prangkahin ito at ipaliwanag kung ano ang nilalaman ng nasabing dokumento. "Nakasaad sa agreement na wala kang matatanggap kahit na isang kusing mula kay Mr. Dawson."Kung noong una ay balak ng kanyang boss na bigyan Ms. Aragon ng isang condo unit at 5 million pesos bilang compensation, sa isang iglap ay
NAGING normal ang mga sumunod na araw para kay Lalaine. Pumapasok siya sa university at diretso sa kanyang part-time job sa gabi. Maayos rin ang kalagayan ng kanyang kapatid dahil umuwi siya sa kanilang tahanan sa Paco noong nakaraang araw. May kalayuan din kasi mula sa kanilang tinitirhan ang university kung saan siya nag-aaral kaya minabuti niyang mag-boarding house kung saan malapit sa kanilang eskwelahan. Umuuwi naman siya tuwing araw ng Sabado at Linggo para bisitahin ang kanyang kapatid at para bigyan ito ng allowance. Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng high school ang kapatid niyang si Luke sa St. Mary Academy—ito ay pambublikong paaralan para sa mga kabataang may special needs. Libre ang pag-aaral dito kaya wala siyang problema sa tuition ng kanyang kapatid, at ang tanging sagot lang niya ay ang allowance nito.May kakulitan lang ang kapatid niya dahil gusto rin nitong suma-sideline sa mga kung anu-anong trabaho katulad ng pagiging kargador sa palengke, tagawalis, o kaya nama
NANG makarating sa hospital ay naabutan ni Lalaine na nakaratay sa emergency room ang kanyang kapatid na duguan at walang malay. Napahagulhol si Lalaine at saka nanlulumong napaupo sa sahig habang hawak ang kamay ng kapatid. Napakasakit ng kanyang puso na makita sa ganoong ayos ang nag-iisa niyang kapatid. "Laine, be strong..." pang-aalo naman ni Troy sa dalaga. Naaawa siya rito dahil kung siya man ang nasa ganoong sitwasyon ay baka magwala pa siya. Mayamaya pa'y dumating ang doktora saka lumapit kay Lalaine at nagtanong, "Ikaw ba ang relatives ng pasyente?" Mabilis na tumayo si Lalaine mula sa pagkakasalampak sa sahig at saka humahagulhol na hinarap ang doktora. "Doc, iligtas niyo ang kapatid ko. Nakikiusap ako..." pagmamakaawa ni Lalaine. "Please calm down, Ms. Aragon dahil kailangan mong maintindihan nang maayos ang ipapaliwanag ko sa'yo," anang doktor na may bakas ng kaseryosohan sa tinig. "Laine, please calm yourself," wika naman ni Troy na bakas ang pag-aala sa tinig hab
KINAUMAGAHAN, sandaling nagpaalam si Lalaine sa nurse para umuwi dahil kailangan niyang maghanap ng pera para sa gastusin ng kanyang kapatid sa hospital. Balak din sana niyang umidlip kahit sandali dahil magdamag siyang gising at nag-aalala siyang baka bumigay din ang kanyang katawan.Ayaw sana niyang iwan si Luke dahil wala itong bantay, pero dahil hindi pa rin niya ma-contact ang kanyang nanay ay wala siyang choice kundi iwan ito. Nakiusap na lang siya sa nurse na tumitingin sa kanyang kapatid at ipinaliwanag ang sitwasyon. Mabuti na lang din at nagkataong Sabado iyon at wala siyang pasok sa university.Habang naglalakad papalabas sa lobby ng hospital, isang pamilyar na pigura ang namataan niya sa hindi kalayuan, at kahit nakatalikod ito sa gawi niya ay nakikilala niya ito. Nakalimutan niyang sa hospital din palang iyon nagpapa-check si Lola Mathilde dahil minsan na niya itong sinamahan doon.Dahil nangako siya sa secretary ni Knives na puputulin na ang ugnayan sa matanda, ipinasya
••••••“BITIWAN mo ako, Elijah...” ani Lalaine na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ito tinawag na kuya. Sinadya iyon ni Lalaine para mapaniwala n'ya ang lalaki, at isipin nitong nagseselos sa pakikig-usap nito kay Madam Faye.Nang marinig iyon ay kumabog naman ang dibdib ni Elijah lalo pa't kitang-kita n'ya sa mukha ng babae na nasasaktan ito at nagseselos dahil sa pagdating ni Faye sa eksena.“Ipahahatid na kita kay Lu Sy. Kumain ka at magpahinga. I just have business to discuss with this bitch,” nakangiting saad naman ni Elijah.“S-Sige...” sagot ni Lalaine saka inalalayan siyang tumayo ni Lu Sy.Parang gustong manakbo ni Lalaine ng mga sandaling iyon dahil sa labis na pandidiri at pagkasuklam sa lalaki pero dahil hindi pa magaling ang kanyang paa kaya mabilis na lang siyang naglakad kahit masakit iyon makalayo lang sa baliw na si Elijah.“About business, huh?” nanunuyang saad naman ni Faye nang tuluyang makaalis si Lalaine. Bakit, Flynn? Natatakot ka bang makita kung paano tay
“ISA iyan sa mga parusa para sa mga babaeng tumatakas sa lugar na ito. Hindi lang 'yon, bubuhusan ka rin ng asido sa mukha sa oras na mahuli ka...”Nangingilabot si Lalaine habang pinakikinggan ang mga sinasabing iyon ni Elijah. Hindi rin n'ya makayanang tingnan ang babaeng nasa loob ng salaming kwarto na pinagpapasa-pasahan ng maraming kalalakihan kaya inalis niya ang paningin dito.“Sa tingin mo, tatagal ka kaya sa lugar na 'to na wala ang tulong ko?” nakangising tanong pa ni Elijah. Kasabay niyon, isang loud speaker ang biglang tumunog at nangilabot si Lalaine nang marinig mula sa speaker na iyon ang nakakadurog pusong iyak at pagmamakaawa ng babaeng nasa salamin.Awtomatikong nanginig ang buong katawan ni Lalaine dahil sa narinig. Mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tenga subalit ang atungal ng babae mula sa kwarto ay para bang nanonood sa kanyang kaibutiran.Uminit ang sulok ng mga mata ni Lalaine habang nakapikit. Ang sakit-sakit ng kanyang puso dahil sa matind
•••••“I'M NOT crazy, Lalaine. I would have liked to wait for you to get better before I did this, but you're making me angry. Kaya kung ako sa'yo, mag-behave ka lang para hindi ka na masaktan pa...” “Ayaw ko! Hayop ka! 'Wag mo akong hawakan, nakakadiri ka!” sigaw ni Lalaine habang patuloy na nagpupumiglas. Pero dahil may sugat siya ay nanghihina pa kaya halos hindi naman iyon nararamdaman ng lalaki.Napangisi naman si Elijah habang patuloy na tinatanggal ang pagkakabutones ng suot ni Lalaine. “Kung 'di mo ako gusto, sino ang gusto mo? Si Knives Dawson?” puno ng pang-uuyam na tanong nito. “'Wag ka nang umasa. His first love and fiancé is back. You have no place in his life anymore, Lalaine...”Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Lalaine ng mga sandaling iyon.Samantala, tuluyan na ngang natanggal lahat ng demonyong si Elijah ang pagkakabutones ng damit ni Lalaine. Tumambad sa kan'ya ang maputi at makinis na balat ng dalaga. And even though it was covered with a white shirt as an
DAHAN-DAHANG iminulat ni Lalaine ang mga mata. Ang kisame na nasasabitan ng magarbong chandelier ay unti-unting naging malinaw sa paningin ni Lalaine. Puno ng karangyaan ang malaking bahay na iyon na unang beses lang na makita ni Lalaine simula nang mapunta siya sa Chína.Malayong-malayo iyon sa maliit at madilim na kwarto kung saan siya nakakulong noon, kaya alam niyang nasa ibang lugar siya sa pagkakataong iyon.Nagtangkang bumangon si Lalaine gamit ang isang kamay, subalit dahil nakalimutan niyang may malubhang sugat pala siya sa kaliwang paa ay malakas siyang mapadaing nang mapuwersa iyon.“Miss...” isang maputing babae na mukhang Chinese. Lumapit ito kay Lalaine ay maliksi siyang inalalayan. “Yóuyú shāngshì yánzhòng, nín hái bùnéng dòng (Hindi ka pa p'wedeng gumalaw dahil malubha ang sugat mo),” anang babae na hindi naman naintindihan ni Lalaine.Iwinasiwas ni Lalaine ang kamay saka alanganing ngumiti. “I don't understand Mandarin. Please just speak English,” pakiusap ni Lalaine
AT the CEO's Office.Nakatayo sa harapan ng French window si Knives at masamang ang mukha dahil sa ibinalita ng kanyang secretary. “What the fúck did you say?!” “Ms. Lalaine has lost contact,” pag-uulit ni Liam. “Ang huling nai-trace sa kan'ya ng team ay bumili siya ng ticket sa bus pauwi sa Tierra Nevada. Pagkatapos no'n, wala nang balita sa kan'ya, Sir.”Mariing naikuyom ni Knives ang mga kamao at halos magdikit na ang makakapal na kilay dahil sa pagkakakunot ng noo. “How about her mother? May balita ba kayo sa kan'ya?”Umiling naman si Liam. “According to the team, Mrs. Aragon has not been seen since she left Tierra Nevada. And no one knows where she is when we ask around to those who know her.”Nagdilim ang anyo ni Knives ng mga sandaling iyon, at hindi n'ya maipaliwanag kung bakit pero umahon ang pag-aalala sa kanyang dibdib. May nangyari kayang masama sa babae? O nagtago lang ito para mapigilan ang kanilang annulment?“Just keep searching. Find her no matter what.”“Alright, Si
“WELL, dahil sinubukan niyong tumakas, kailangan niyo itong pagbayaran...”Naikuyom ni Lalaine ang mga kamao habang galit na galit na nakatingin kay Elijah. “Gusto lang n'yang makauwi mula sa impiyernong lugar na 'to! Anong masama roon?!” umiiyak pa ring sagot ni Lalaine.“That's the problem, she wanted to go home so I killed her,” kaswal namang sagot ni Elijah na kung umasta ay para bang pumatay lang ng hayop. “Let's go, I need to treat your wound,” anyaya pa ng lalaki saka umastang aakayin pa si Lalaine.Pero sa halip na sumunod, Wala sa sariling hinablot ni Lalaine ang baril ng lalaki na nakasukbit sa baywang nito saka itinutok iyon kay Elijah.“Hindi ako sasama sa'yo!” sigaw ni Lalaine habang nanginginig ang kamay na may hawak ng baril. Humakbang siya paatras kay Elijah pero dahil malala ang sugat niya sa kaliwang paa kaya muli rin siyang natumba sa sementadong kalsada.Gumasgas ang kamay ni Lalaine sa mabatong kalsada nang itukod niya iyon, pero nanatili sa kanyang kamay ang mahi
PINAGMASDAN ni Lalaine ang masuyo at gwapong mukha ng lalaki. Maging mapuputi nitong ngipin ay kitang-kita kahit sa pinakamadilim pa yatang kapaligiran.Ang truck nito na may simbolo na isa ito opisyal sa lugar na pinaggalingan niya at ang red name tag na nakasukbit sa dibdib nito ay sumisimbulo kung ano ang katauhan ng lalaki nakatayo sa kanyang harapan. Hindi maaaring magkamali si Lalaine. Base sa itsura nito at lahat ng mga nakita niya, si Elijah...ay isa sa miyembro ng apat na taong nagpapatakbo ng impiyernong iyon...Ito ang taong hindi nakilala o nakita ni Veronica dahil madalang lang itong magpakita sa mga naroon, at tanging si Madam Faye at Madison lang ang nakakaalam sa tunay na katauhan ni Elijah Montenegro o kilala bilang “Flynn” sa lugar na iyon.Ito ang taong halos isamba na ni Lalaine dahil sa kabutihang loob...Ito ang lalaking pinagkatiwalaan ni Lalaine higit kaninuman...Ito ang taong mistulang anghel na bumaba sa langit at tinulungan at ginamot ang mga taong may saki
NAGKATINGINAN si Lalaine at Veronica sa isa't-isa. Si Veronica ang taong bumaril kay Madison. Kaninang madaling-araw, habang mahimbing na natutulog ang mga bantay ay palihim na pumuslit si Veronica sa kwarto ni Lalaine dala ang isang Calibre 45 na matagal na niyang itinatago. Ang baril na iyon ay nadampot n'ya nang minsang may patayin si Boss M na isa sa mga tauhan nito.Ang unang hakbang ng kanilang plano ay tiyempuhan si Madison na mag-isang gumagawa ng kahayupan sa live sex show. At pagkatapos niyon ay lalansiin ito ni Lalaine papasok sa kanyang kwarto at doon naman kikilos si Veronica para barilin ang lalaki.Nangislap ang mga mata ni Veronica. Nagkaroon siya ng pag-asa na makakatakas sa impiyernong iyon dahil successful ang unang hakbang ng kanilang plano— ang mapatay ang demonyong si Madison.Mabilis na dinampot ni Lalaine ang red name tag na nakasukbit sa baywang ni Madison dahil iyon ang gagamitin nilang gate pass para makalabas sa mga security doors. Mahalaga ang bagay na iyo
“ALAM mo ba kung bakit ganito ang mukha ko? Dahil nang una akong mapunta rito, katulad mo rin ako na gustong tumakas. Pero nahuli ako ni Madam Faye, bilang parusa ay binuhusan n'ya ng asido ang mukha ko...”Naaalala pa ni Veronica— ang piping doktor kung gaano kasakit ang ginawang iyon sa kan'ya ng demonyong si Faye nang minsan magtangka siyang tumakas. Iyon bang pakiramdam na sinusunog ka ng buhay at naaamoy mo pa ang sarili mong laman na naluluto.At alam ni Faye na isa si Veronica sa magaling na medical students sa kolehiyo kung saan ang nag-aaral ang babae. Kaya sa halip na patayin ay binuhusan lang nito ng asido ang mukha niya at nilagyan nito ng proteksyon ang mga mata niya nang sa gayon ay hindi madamay sa pagkasunog at mapakinabagan pa siya.Pagkatapos ng pangyayaring iyon na bumago sa buhay ni Veronica, tuluyan na niyang kinalimutan ang ideya ng pagtakas sa mala-impyernong lugar na iyon para na rin sa ikabubutu niya.Matapos malaman ang salaysay ng babaeng pipi ay matamang p