Share

CHAPTER 4

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2024-09-03 15:26:18

“B-BAKIT nandito ka?!" nauutal na tanong ni Lalaine.

Ang lalaking iyon ay si Benjamin Scott —schoolmate niya ito sa university kung saan siya nag-aaral, at paris niya ay nasa second year na rin ito sa kolehiyo. Hindi niya ito personal na kilala subalit ang pamilya ng lalaki ay kilala dahil politiko ang ama nito. Hindi rin niya alam kung may gusto ang lalaki sa kanya pero sa tuwing nagkikita sila nito sa university ay palagi itong nakatitig na para ba siyang hinuhubaran.

Awtomatikong umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Masama ang kutob niya sa lalaking kaharap niya at nakangisi ng nakakaloko. Elegante man itong manamit subalit hindi naman maitatago niyon ang tunay nitong kulay.

"N-Nasaan ang kapatid ko? Bakit ikaw ang nandito?" nauutal niyang tanong sa lalaki saka pasimpleng naglakad paatras.

"Kapatid?" nakangising tanong nito saka naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Naalerto si Lalaine kaya naman mabilis siyang pumihit patungo sa direksyon ng pinto subalit mabilis siyang nahawakan nito sa braso.

"Easy, baby. Where are you going?" tanong pa ni Benjamin na tila tuwang-tuwa sa nakikitang takot sa kanyang mukha.

"Bitiwan mo nga ako! Ano bang gusto mo?" mataas ang boses na tanong ni Lalaine habang pilit hinahatak ang kanyang braso subalit dahil malakas ito ay nasaktan lang siya. Kumakabog rin nang husto ang kanyang dibdib at para bang kinakapos na siya ng hininga nang mga sandaling iyon.

"Hindi ba sinabi sa'yo ng magaling mong nanay? Binayaran na kita sa kanya, Lalaine Aragon. Pagmamay-ari na kita," saad nito sabay tawa ng malakas.

Dahil sa narinig ay tinakasan ng kulay ang kanyang mukha. "A-Ano ang ibig mong sabihin? A-Anong binayaran?" lakas-loob niyang tanong kahit puno ng takot ang kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.

Pumalatak naman si Benjamin sa sinabi ng babae at saka pansamantalang binitiwan ang braso nito para kunin ang kanyang cellphone. "Lucille Aragon is your mother, right?" nakangising tanong pa ni Benjamin kay Lalaine. "Ito ang proof na binayaran kita sa nanay mo sa halagang one hundred thousand!" tumatawang sabi pa ni Benjamin sabay lahad ng cellphone kung saan mayroong screen shot ng kontratrang pinirmahan ng ina ni Lalaine.

Halos sumabog naman ang ulo ni Lalaine nang makitang totoo nga ang sinabi nito. Hindi na niya lubos maisip na nagawa siyang ipagbili ng kanyang nanay nang dahil lang sa pera. Dahil sa natuklasan, pakiramdam ni Lalaine ay bigla siyang nanghina at parang gulay na biglang nalanta.

Sa halip na maawa, iritasyon naman ang naramdaman ni Benjamin kaya naman marahas niyang ipinulupot ang mga braso sa baywang ng dalaga at hinapit ito. "Don't worry, that's just a small amount. I can give you more than that as long as you make me happy in bed tonight, baby..." nakangising sabi pa ni Benjamin saka inilapit ang mukha at nagpumilit na halikan ang dalaga.

Matagal na siyang may pagnanasa sa dalaga simula noong makita niya ito sa event ng kanilang university. Kakaiba ito sa lahat ng mga babaeng nakita niya dahil napakaamo ng mukha nito, higit sa lahat virgin pa. Alam niya iyon dahil halata naman sa kilos nito na hindi pa ito nakakatikim ng sex. He wanted her for a long time but he couldn't get close because he already has a fiancé.

Nahihirapan man, ginawa ni Lalaine ang lahat para iiwas ang labi niya sa lalaki. Amoy alak din ito kaya inisip niyang marahil ay doon ito kumuha ng lakas ng loob. Malakas niyang itinulak si Benjamin sa dibdib kaya bahagya itong napaatras. "Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa?!" sigaw ni Lalaine na nanginginig sa takot.

Pansamantala siyang nabitiwan ni Benjamin pero dahil sa ginawa niyang iyon ay dumilim ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. "Walang hiya kang babae ka! Hindi mo ba ako kilala, ha?!" galit na galit nitong sigaw sabay suntok sa kanyang bibig.

"Argh!" daing niya nang makaramdam ng matinding sakit habang habang sapu-sapo ang nasuntok na bibig. Nalasahan din niya ang malansang bagay sa kanyang labi, at nang kapain niya iyon ay mayroong bahid ng mapulang likido sa nanginginig niyang palad.

"Wala pang tumatanggi sa'kin, p*****a ka!" galit na galit na sigaw ni Benjamin sa kanya at saka buong lakas siyang hinila sa isang braso na para bang isang papel. "Gusto mo ng sadista? Sige, pagbibigyan kita, bitch!" sabi pa nito saka itinulak siya papalapit sa dingding at nang hindi na siya makakilos pa, buong lakas nitong pinihit ang kanyang katawan patalikod sa gawi nito, habang ang isang kamay naman nito ay ibinababa nito ang zipper ng kanyang pantalon.

Dahil desperada na sa sitwasyong kinasusuungan, isa na lang ang naisip na paraan ni Lalaine para matigil ang lalaki sa masamang balak sa kanya. "M-May asawa na ako! Subukan mong ituloy ang ginagawa mo! Sigurado akong hindi n'ya palalampasin 'to!" nanginginig na sigaw niya habang nagpupumiglas.

Nahinto si Benjamin sa ginagawa kaya buong akala ni Lalaine ay napaniwala niya ito subalit laking gulat niya nang tawanan lang siya nito. "Don't make me laugh, bitch! Ano naman sa akin kung totoo ngang may asawa ka na? Hindi ako natatakot! Kilala mo ba kung sino ang daddy ko? Siya lang naman ang governor ng lugar na 'to. Sino ang tanga na kakalabanin ang anak ng governor?" sabi pa ng lalaki habang patuloy sa nakakainsultong pagtawa.

Muling kumilos ang lalaki at naramdaman ni Lalaine na pilit nitong binubuksan ang butones ng kanyang pantalon kaya naman wala sa sariling naibulalas niya ang pangalan ng asawa. "Si Knives Dawson ang asawa ko!"

Dahil sa narinig ay natigilan si Benjamin. "Si Knives Dawson ng Dawson Group of Companies ba ang tinutukoy mo?" tanong nito kay Lalaine.

Si Knives Dawson ay kilala sa buong Luzon hindi lang dahil sa ito ang pinakamayaman, kilala rin ito sa pagiging malupit sa mga katunggali sa negosyo. Wala itong sinasanto kaya karamihan sa mga negosyante ay hinahangaan ito pagdating sa pamamalakad ng kompanya.

Bahagyang nakahinga ng maluwang si Lalaine dahil sa nakitang reaksyon ng lalaki. Pasimple niyang inayos ang sarili at buong tapang na hinarap ito, "Oo, siya nga ang tinutukoy ko!" aniya na sinikap maghimig kapanipaniwala sa harapan ni Benjamin.

Ilang sandaling natahimik si Benjamin subalit ganoon na lang ang gulat niya nang buong lakas itong humalakhak na para bang wala ng bukas. "Ang lakas naman ng apog mong sabihin na asawa mo si Knives Dawson! " All right, if you can prove that he's your husband, I will cut off my hand!"

Napaatras naman si Lalaine at nanginginig sa takot. Iyon na sana ang huling pag-asa niya para makatakas subalit nabigo pa siya. Hindi na niya alam pa kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon dahil pinanghihinaan na siya ng loob. Napakalakas nito at walang kalaban-laban ang maliit niyang katawan sa lalaki anim na talampakang lalaki.

Samantalang nauubos na ang pasensya ni Benjamin sa pagpapakipot ni Lalaine. Kanina pa niya ito gustong matikman at pakawalan ang libog na kanyang nararamdaman para sa dalaga. Sa galit niya ay hinablot niya ito sa buhok at balak sanang dalhin sa kama subalit isang box ng contraceptive pills ang nalalag mula sa bulsa ng babae kaya natigilan siya.

TO BE CONTINUED.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jonalyn Ablero
paano mbsa Ang next chapter.
goodnovel comment avatar
Aillen Gomez
saan ang karugtong
goodnovel comment avatar
Imelda Pacayra
karugtong po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 5

    NANG makita ni Benjamin ang box ng birth control pills ay nanlisik ang kanyang mga mata kaya dinaklot niya ang leeg ni Lalaine at sinakal. Lalo pang siyang nag-apoy sa galit nang makita ang leeg ng babae na mayroon mapupulang marka na sigurado siyang ang lalaki nito ang may gawa. He thought she was still a virgin because that was what Lalaine's mother assured to him. It turned out that the shameless old hag was just lying to get his money. 'Humanda ka punyetang matanda ka! Makikita mo kung sino ang tinarantado mo!' nanggagalaiti niyang saad sa isipan. Pumalatak si Benjamin at saka buong pagkadismaya na pinasasadahan ng tingin ang dalaga. "I thought you were still a virgin. But fuck! Natikman ka na pala ng ibang lalaki," nagngingitngit na wika ni Benjamin pero mayamaya rin ay nag-ngising aso ito. "Siguro naman papayag ka na sa gusto ko? Tutal nilaspag ka na ng iba." Natigilan naman si Lalaine nang makita ang kahon ng contraceptives na binili niya. Hind niya naitapon iyon sa pagm

    Last Updated : 2024-09-03
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 6

    AYON sa nakalap na impormasyon ng kanyang secretary, simula't simula ay nakilaglapit ito sa kanyang Lola Mathilde dahil mayroon itong ibang motibo. Palabas lang ng babae na kaibigan ang turing nito sa matanda, at ang plano nito ay kuhain ang loob ng kanyang lola. Kung hindi lang isinangkalan ng Lola Mathilde niya ang kompanya, at kung hindi lang sana nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya sa California dahilan para mamalagi siya roon ng isang taon, hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na iyon. He would never allow someone like Lalaine Aragon to take advantage of his Lola Mathilde's kindness. Pakiramdam ni Knives ay nanakit ang kanyang mga mata sa pagtitig pa lang sa mapagpanggap na babae, kaya binalingan niya ang secretary at malamig na nag-utos, "Press the button." Mabilis namang sinunod iyon ng secretary ni Knives subalit naudlot ang sana'y pagsara ng elevator nang mula sa kung saan ay humahangos ang isang lalaki. Naalerto naman si Lalaine dahil alam niyang si Benjamin i

    Last Updated : 2024-09-05
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 7

    “IF YOU keep hanging out with people like this, I will personally tell Olivia to cancel your engagement," mariing wika ni Knives kay Benjamin.Tila naman sinampal si Lalaine ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Knives. Kahit hindi sa kanya sinabi iyon ng lalaki, alam niyang siya ang pinatatamaan nito ng mga oras na iyon. Gustong dipensahan ni Lalaine ang sarili pero nang tingnan niya si Knives ay bakas sa mukha nito ang matinding disgusto, kaya naman minabuti na lang niyang huwag nang magpaliwanag pa. Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki kahit maglupasay pa siya."I'm sorry, Kuya Knives. This will never happen again, I promise," hinging-paumanhin naman ni Benjamin subalit sa isipan niya, gustong-gusto niyang sakalin ang punyetang si Lalaine dahil kung hindi sana ito tumakas, hindi sana siya makikita ni Knives Dawson na ganoon ang itsura.Hindi maaaring ma-cancel ang engagement niya kay Olivia dahil kailangan ng pamilya niya ang kapangyarihan ng mga Dawson. Kung masira

    Last Updated : 2024-09-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 8

    "MS. LALAINE Aragon, here's the annulment agreement. Please, sign it," magalang na saad ni Liam. He invited the woman to a coffee shop near the hotel to sign the said document, as ordered by his boss.Lihim namang nakahinga ng maluwang si Lalaine. Mukhang tulad niya, nais na rin ni Knives na tapusin na ang kanilang kasal. Kaya kaagad na kinuha ni Lalaine ang ballpen na nakalapag sa kanyang harapan at pinirmahan ang dokumento nang hindi man lang ito binabasa.Kumunot naman ang noo ni Liam at sandaling pinigilan ito sa ginagawa, "Hindi mo man lang ba babasahin ang nakasaad sa annulment paper, Ms. Aragon?" tanong niya.Bakas naman ang pagkalito sa mukha ng babae kaya napilitan si Liam na prangkahin ito at ipaliwanag kung ano ang nilalaman ng nasabing dokumento. "Nakasaad sa agreement na wala kang matatanggap kahit na isang kusing mula kay Mr. Dawson."Kung noong una ay balak ng kanyang boss na bigyan Ms. Aragon ng isang condo unit at 5 million pesos bilang compensation, sa isang iglap ay

    Last Updated : 2024-09-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 9

    NAGING normal ang mga sumunod na araw para kay Lalaine. Pumapasok siya sa university at diretso sa kanyang part-time job sa gabi. Maayos rin ang kalagayan ng kanyang kapatid dahil umuwi siya sa kanilang tahanan sa Paco noong nakaraang araw. May kalayuan din kasi mula sa kanilang tinitirhan ang university kung saan siya nag-aaral kaya minabuti niyang mag-boarding house kung saan malapit sa kanilang eskwelahan. Umuuwi naman siya tuwing araw ng Sabado at Linggo para bisitahin ang kanyang kapatid at para bigyan ito ng allowance. Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng high school ang kapatid niyang si Luke sa St. Mary Academy—ito ay pambublikong paaralan para sa mga kabataang may special needs. Libre ang pag-aaral dito kaya wala siyang problema sa tuition ng kanyang kapatid, at ang tanging sagot lang niya ay ang allowance nito.May kakulitan lang ang kapatid niya dahil gusto rin nitong suma-sideline sa mga kung anu-anong trabaho katulad ng pagiging kargador sa palengke, tagawalis, o kaya nama

    Last Updated : 2024-09-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 10

    NANG makarating sa hospital ay naabutan ni Lalaine na nakaratay sa emergency room ang kanyang kapatid na duguan at walang malay. Napahagulhol si Lalaine at saka nanlulumong napaupo sa sahig habang hawak ang kamay ng kapatid. Napakasakit ng kanyang puso na makita sa ganoong ayos ang nag-iisa niyang kapatid. "Laine, be strong..." pang-aalo naman ni Troy sa dalaga. Naaawa siya rito dahil kung siya man ang nasa ganoong sitwasyon ay baka magwala pa siya. Mayamaya pa'y dumating ang doktora saka lumapit kay Lalaine at nagtanong, "Ikaw ba ang relatives ng pasyente?" Mabilis na tumayo si Lalaine mula sa pagkakasalampak sa sahig at saka humahagulhol na hinarap ang doktora. "Doc, iligtas niyo ang kapatid ko. Nakikiusap ako..." pagmamakaawa ni Lalaine. "Please calm down, Ms. Aragon dahil kailangan mong maintindihan nang maayos ang ipapaliwanag ko sa'yo," anang doktor na may bakas ng kaseryosohan sa tinig. "Laine, please calm yourself," wika naman ni Troy na bakas ang pag-aala sa tinig hab

    Last Updated : 2024-09-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 11

    KINAUMAGAHAN, sandaling nagpaalam si Lalaine sa nurse para umuwi dahil kailangan niyang maghanap ng pera para sa gastusin ng kanyang kapatid sa hospital. Balak din sana niyang umidlip kahit sandali dahil magdamag siyang gising at nag-aalala siyang baka bumigay din ang kanyang katawan.Ayaw sana niyang iwan si Luke dahil wala itong bantay, pero dahil hindi pa rin niya ma-contact ang kanyang nanay ay wala siyang choice kundi iwan ito. Nakiusap na lang siya sa nurse na tumitingin sa kanyang kapatid at ipinaliwanag ang sitwasyon. Mabuti na lang din at nagkataong Sabado iyon at wala siyang pasok sa university.Habang naglalakad papalabas sa lobby ng hospital, isang pamilyar na pigura ang namataan niya sa hindi kalayuan, at kahit nakatalikod ito sa gawi niya ay nakikilala niya ito. Nakalimutan niyang sa hospital din palang iyon nagpapa-check si Lola Mathilde dahil minsan na niya itong sinamahan doon.Dahil nangako siya sa secretary ni Knives na puputulin na ang ugnayan sa matanda, ipinasya

    Last Updated : 2024-09-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 12

    MATAPOS magpaalam ay halos kaladkarin ni Knives si Lalaine palabas ng coffee shop. Ni hindi na nga niya nararamdamang sumayad ang mga paa niya sa lupa. Nang makarating sa parking lot ng hospital ay halos ibato siya ni Knives papasok sa loob ng sasakyan. Napapitlag pa si Lalaine at nanginginig sa takot dahil ubod nang lakas nitong isinara ang pinto ng sasakyan bago umikot sa kabilang side at padabong na sumakay. Ang kaninang maamong mukha ng lalaki nang kaharap nito si Lola Mathilde ay biglang naglaho at napalitan ng madilim na anyo. "Drive!" utos nito sa malamig at pagalit na tono. Mabilis namang pinaharurot ng secretary nito ang sasakyan paalis sa lugar. Puno man ng matinding takot at kaba ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon, ngunit naglakas-loob pa rin siyang tanungin ang lalaki na kasalukuyang nakaupo sa kanyang tabi at walang-kibo na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "S-Saan mo ako dadalhin, Mr. Dawson—" "Shut up, bitch!" mariing mura ni Knives sa babae. Nap

    Last Updated : 2024-09-10

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 303: “Coma.”

    MULA NANG mag-umpisa ang operasyon kay Knives ay hindi umalis si Keiko sa labas ng operating room. Ubos na ang luha niya kaiiyak kaya tulala na lang siya ng mga oras na iyon habang nakatingin sa kawalan. Magang-maga na ang kanyang mata at magulo na ang kanyang itsura ng mga sandaling iyon pero wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga lang sa kan'ya ay makaligtas si Knives sa tiyak na kapahamakan.Mahal na mahal n'ya si Knives at hindi n'ya mapapatawad ang kanyang sarili sa oras na may mangyari masama rito. Kung kailan magkaayos na sila ay nagkaroon pa ng trahedya. Talaga bang galit sa kan'ya ang tadhana? Bakit sa t'wing masaya siya ay laging may karugtong na sakit? Hindi naman siya masamang tao. Hindi rin siya nanlalamang ng kapwa kaya bakit lagi na lang siyang pinaghihirapan?Samantala, tinawagan na ni Seiichi si Kairi at si Uncle Kenji para ipaalam ang nangyari at malamang ay papunta na ito sa hospital. Hindi niya iniwan si Keiko lalo pa't nang mga sandaling iyon ay nakatulala na

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 302: “It's Her Fault.”

    “I'M a friend of Knives Dawson, I'm Eros Smith. Don't be surprised, but you need to go to the hospital right now...”Sandaling hindi nakapagsalita si Keiko at hindi kaagad mai-proseso sa isip ang mga narinig. Na para bang pansamantalang humiwalay ang kaluluwa niya ng mga sandaling iyon.“Ms. Inoue? Are you there?” tanong pa ni Eros sa kabilang linya.Nagbalik sa wisyo si Keiko nang muling magsalita ang lalaki sa kabilang linya saka nanginginig ang mga kamay na nagsalita. “W-What happened to him?” “The car he was driving had an accident...”Hindi na naintindihan pa ni Keiko ang mga sumunod na sinabi ng lalaki dahil para siyang nabingi ng mga oras na iyon. Ang tanging malinaw lang sa kan'ya ay naaksidente si Knives at nasa hospital ito.Awtomatikong bumalong ang mga luha ni Keiko ng mga sandaling iyon. Wala sa sariling lumabas siya ng opisina at nagmamadaling sumakay ng elevator habang si Seiichi naman ay nakasunod sa likuran ng babae at nag-aalala para rito. “Hey! You need to calm do

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 301: “Accident”

    “SEIICHI?”“Yes, it's me. What happened? Bakit takot na takot ka?” puno ng pagtatakang tanong ni Seiichi sa babae saka dahan-dahang inalalayan ang baba para maupo sa swivel chair. Nanginginig ito sa takot ng mga sandaling iyon ay namumutla ang mukha.“B-Bakit ka nandito? S-Saka Anong nangyari? Bakit biglang nawalan nagdilim?” sunod-sunod na tanong ni Keiko sa lalaki. Laking pasalamat din niya dahil si Seiichi pala ang lalaking nasa labas ng opisina niya at hindi masamang tao.“Ma'am pasensya na po, nagro-roving po ako kanina nang mamatay ang kuryente kaya hindi ko kayo narinig,” hinging paumanhin ni Mang Lucio, ang security guard ng gusali.Doon lang napansin ni Keiko na naroon din pala ang security guard na si Mang Lucio. At marahil ito ang nagbukas ng pinto sa kanyang opisina kaya nakapasok si Seiichi sa loob.“A-Ano bang nangyari, Mang Nestor? Nawalan ba ng kuryente?” tanong ni Keiko na bakas pa rin ang takot sa tinig ng mga sandaling iyon.“Hindi ko rin po alam kung ano ang nangya

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 300: “Death Threat.”

    “BE careful, Ms. Inoue. Turn off the lights in your office and don't stay out late. Kung ayaw mong umuwing malamig na bangkay sa pamilya mo...”Halos maihagis ni Keiko ang cellphone nang mabasa ang text message na iyon. Death threat ba iyon? Pero sino naman kaya ang posibleng may galit sa kan'ya? Sa pagkakaalam niya, matagal nang patay si Elijah at ang mga kasamahan nito sa research institute ay nasintensyahan na. Who could be threatening her life this time?Mabilis na tumayo si Keiko at sumilip sa glass window kahit pa nanginginig ang kanyang kamay at tuhod. Pero dahil 7PM pa lang iyon at marami pang tao sa kalsada kaya malabo niyang matukoy kung sino kahina-hinala sa mga ito. But if her suspicions were correct, her stalker was just around because otherwise, how would he know she was still in the office at those hours? Hindi rin alam ni Keiko kung may empleyado pang naroroon sa kompanya ng mga oras na iyon. Hanggang 5PM lang ang kanilang office hours kaya kanina pa niya pinuwi ang m

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 299: “Be Careful.”

    “'Wag kang matakot. Promise, hinding-hindi na ako mawawala. Dito lang ako sa tabi mo at hindi kita iiwan kahit na anong mangyari...”Keiko kissed the man's lips tenderly to make her feel that her words came from her heart. May ilang segundo rin na nagtagal ang kanilang halik hanggang si Keiko na ang unang nagbitiw at buong pagmamahal na pinagmasdan si Knives. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito ng kanyang mainit na palad.“Don't think too much. Ang importante, magkasama na tayo ngayon at masaya, okay?” matamis ang ngiting wika ni Keiko.Marahan namang tumango si Knives sa kaharap. “Okay.”“Good.”“So asawa na ba kita ulit?” mayamaya'y tanong ni Knives na ikinamaang ni Keiko.“Huh?”“Sabi ko, asawa na ba kita— I mean girlfriend na ba kita?” Kasabay ng tanong na iyon ay maingat niyang binuhat sa kanyang kandungan si Keiko paharap sa kan'ya.“Uhm ano kasi, tungkol d'yan...gusto ko sanang makausap muna si Seiichi,” tugon ni Keiko na hindi makatingin sa lalaki. Mahal na mahal ni Keiko

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 298: "I Will Never Leave You...”

    DAHIL bukas pa ng gabi ang kanilang flight pabalik sa Pilipinas, kaya nagpasya sina Knives at Keiko na lubus-lubusin na ang pamamasyal. Nagtungo sila sa famous na si Madame Tussauds at kumuha ng pictures sa mahigit 100 famous celebrity wax figurines na likha nito mula kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzback, Anne Curtis, Miss Universe 2018 Catriona Gray, hanggang sa International pop sensation na si Ariana Grande. Matapos niyon ay nagpunta rin sila sa isa pang sikat na tourist destination sa Hong Kong na Ngong Ping 360 and Tai O Fishing Village na kung saan ay kailangang sumakay sa cable car at sa ilalim niyon ay makikita ang fishing village at kultura ng mga ito. Sakay ng cable car ay kitang-kita rin ang malaking Buddha statue ng Po Lin Monastery. Masayang-masaya si Kaiser at Kaori habang nakasakay sa cable car at nakadungaw sa labas ng bintana. Samantalang si Keiko naman ay hindi malaman ang gagawin at nakapikit lang nang mariin dahil takot siya sa matataas na lugar. Luckily, Knive

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 297: “Jealous.”

    “HMMM...”Hindi mapigilang mapaungol ni Knives nang maramdaman ang malambot na kamay ni Lalaine sa kanyang pagkalalaki. With the overwhelming pleasure caused by the crazy sensation he was feeling, he held on tightly to the back of the sofa. Mariin pa siyang napapikit nang maramdamang sasabog na siya anumang oras.Ang marahang pagtaas-baba ni Lalaine sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki ay nagdudulot sa kan'ya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Lalaine's gentle touch on his throbbing manhood in an up-and-down rhythm makes him moan even louder.“Fúck, baby! Make it fast!” bulalas ni Knives habang kagat-labing ninanamnam ang nakababaliw na sensasyon.Sinunod naman ni Keiko ang kahilingan ng lalaki. Mas pinagbuti n'ya ang ginagawa kahit pa bahagya na nga siyang nakakaramdam ng pangangalay ng kamay.“Oh shit...damn it!”Patuloy lang si Keiko sa ginagawa habang ang lalaki naman ay walang tigil sa pag-ungol na animo'y nawawala sa katinuan. Hanggang sa mayamaya'y nagulat siya nang bigla

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 296: “Family.”

    MATAPOS magpunta sa amusement park, sumunod na pinuntahan ng mag-anak ang Ocean Park na kung saan hindi lang mga sea creatures ang makikita kundi maging ang mga panda, penguins, at kung anu-ano pang mga hayop na makikita sa isang zoo. Enjoy na enjoy si Kaiser at Kaori sa mga nakikita. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nakapunta ang mga bata sa ganoong lugar kaya lahat ng kanilang nakikita ang bago sa kanilang paningin. Nang magutom sa isang fancy restauran dinala ni Knives ang kanyang mag-iina. Mabuti na lang din at hindi naging mapili ang kambal sa kakainin dahil kahit Cantonese cuisine ang isini-serves sa restaurant ay maganda pa ring kumakain ang mga ito.Samantala, hindi naman malaman ni Keiko kung paano magpo-focus sa pagkain ng mga oras na iyon. Habang kumakain kasi sila ay hawak-hawak ni Knives ang kaliwa niyang kamay at magka-holding hands sila sa ilalim ng table na para bang mga teenager na nagtatago. Mayroon pang pagkakataon na pinaglalaruan nito ang kanyang palad gamit a

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 295: “Forgiveness.”

    “IT'S OKAY. Matagal nang tapos 'yun. Pinatawad na kita kaya sana patawarin mo na rin sana ang sarili mo...” Habang sinasabi iyon ay masuyong hinahaplos ni Keiko ang buhok ng lalaki sa tulad sa isang bata na naghahanap ng pagkalinga. Hindi sumagot si Knives, sa halip ay nanatili lang itong tahimik na para bang ninanamam ang masayang sandali na iyon. Lumipas ang ilang minuto na nasa ganoong sitwasyon lang sila hanggang sa yumakap si Knives sa baywang ni Lalaine dahil para mahinto si Keiko sa ginagawa. Parang robot na nanigas ang kanyang katawan nang maramdamang pumulupot ang matipunong braso ng lalaki sa kanyang baywang. “I miss you...” usal ni Knives habang mahigpit ang yakap sa balingkinitang ni Lalaine. Alam niyang nangako siyang kokontrolin n'ya ang sarili pero hindi pala niya kaya. Lalaine is like a drug that makes him insane. Na kahit anong pilit niyang umiwas ay hindi n'ya kaya. “K-Knives, what are you doing?” nauutal na tanong naman ni Keiko pero hindi niya magawang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status