Share

Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Penulis: GennWrites

CHAPTER 1

Penulis: GennWrites
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-03 15:24:09

NAGISING si Lalaine na masakit ang ulo at namamalat ang lalamunan sa suite na pagmamay-ari ni Knives Dawson. Ramdam din niya ang pananakit ng katawan na para bang nabugbog iyon. Nang magtangkang bumangon si Lalaine ay nabigo siya dahil may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang pagkababae. Na-realized din niyang hubot-hubad siya nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin mula sa air-conditioning ng naturang silid.

Binalot ni Lalaine ang sarili sa comforter saka nagtalubong upang pawiin ang lamig na nararamdaman, subalit nang ipikit niya ang mga mata ay lumitaw sa kanyang isipan ang mainit na eksenang namagitan sa kanila ng kanyang asawa. Tuloy ay naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa matinding kahihiyan. Bagaman ang lalaking nakaniig niya ay ang kanyang asawa, ngunit sa papel lamang iyon. Ikinasal silang hindi nila kilala ang isa't-isa at isang beses lang niya itong nakita noong kunin niya ang marriage certificate, tatlong buwan matapos nilang ikasal.

Sa kanyang puso, estranghero sila sa isa't-isa kaya paanong hinayaan niya ang sariling magpatangay sa nakakalasong halik at yakap nito?

Naputol ang paglalakbay ng kanyang diwa nang marinig ni Lalaine na tumunog ang cellphone ng kanyang asawa,

dahilan para umahon ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Kasunod nito'y naramdaman niyang umangat ang comforter sa kanyang likuran. Sinikap ni Lalaine na huwag gumawa ng anumang ingay dahil ayaw niyang mahalata ng lalaki na gising na siya.

Samantala, masama ang mukha na bumalikwas ng bangon si Knives nang magising dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha dahil sa iritasyong nararamdaman. Sino naman kaya sa oras na iyon ang ungas na gumambala sa pagtulog niya?

Pupungas-pungas na bumaba ng kama si Knives at padaskol na naupo sa single sofa na naroon. Sinagot niya ang tawag at pinindot ang hand-free button nang makitang si Eros iyon. "Fuck? What do you want?" iritableng tanong niya saka kinuha ang kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isa.

"Your voice sounds tired, bro. Magdamag ka na namang nakipag-sex sa babae, 'no?" natatawang panunukso ni Eros.

Dahil sa sinabi nito ay dumako ang mga mata ni Knives sa king size na kama kung saan nakahiga ang estrangherang babae na naka-sex niya kagabi. Hindi niya ito kilalala at basta na lang itong pumasok sa kanyang kwarto, kaya dala ng kalasingan ay basta n'ya na lang itong hinala sa kama.

Malinaw pa rin sa kanyang isipan ang balingkinitang baywang nito at malambot na katawan na animo'y katawan ng dalagita, ngunit sigurado naman siyang hindi na ito menor de edad. Mistulan ding musika sa kanyang pandinig at daing at halinghing ng babae na para bang hinihikayat siyang mas wasakin pa ito.

"What do you need, asshole?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang mag-usisa pa ito ng tungkol sa babaeng kasama niya ng mga sandaling iyon.

Narinig naman niyang tumawa si Eros sa kabilang linya. "Hey! Kailan ka ba free para sa get-together ng barkada? It's been a while since we've had a drink with you!"

Sandaling nag-isip si Knives habang humithit ng sigarilyo. Maluwag ang schedule niya sa linggong iyon kaya siguro ay pwede siyang lumabas kasama ang mga ungas niyang kaibigan. "This week."

"Shoot!" excited namang saad ni Eros pero mayamaya rin ay tumahimik ito na para bang may kung anong naisip. "Why don't you bring your wife, bro? We haven't even seen her once. Ang balita ko, maganda s'ya at batang-bata pa."

Sumama ang mukha ni Knives nang marinig ang sinabi ni Eros. 'Wife, huh?' isip-isip niya. "Hindi na kailangan. Our so-called marriage will end soon."

"Are you getting an annulment?" tanong pa nito. "What if magalit si Lola Mathilde?"

Sa narinig ay nakuyom ni Knives ang kamao. "I gave her what she wanted. One year na kaming kasal ng babaeng 'yon kaya this time, 'di na ako mapipigilan pa ni Lola Mathilde sa gusto kong gawin."

Pumalatak ang kausap niya sa kabilang linya dahil sa kanyang sinabi. "Ang aga-aga, nagmamaasim ka na naman. Gusto mong bigyan kita ng gastric meds?" pagbibiro ni Eros habang natatawa.

"Mr. Eros Smith, you seem to have a lot of time to spare. I'll give you something to do," sagot naman niya sa malamig na tono sabay hithit muli ng sigarilyo. He's not a chain smoker. He only smokes when he has something on his mind.

"Hey! Hey! Just kidding. Alam mo nang busy ang hospital ngayon."

Matapos patayin ang tawag ay nag-decide si Knives na magpunta ng banyo at maligo, subalit nang mapadaan siya sa malaking kama ay umarko ang makakapal niyang kilay. Natutukso siyang i-angat ang comforter at alamin kung ano ba ang mayroon sa babaeng ito at ganoon na lang ang epekto nito sa kanya? Ngunit marahas na ipinilig ni Knives ang ulo dahil sa naisip at saka iiling-iling na ipinagpatuloy ang pagpunta sa banyo.

Nang marinig ang paglagaslas ng tubig sa loob ng banyo ay mabilis na bumagon si Lalaine. Tinakasan ng kulay ang kanyang mukha dahil sa narinig na sinabi ng asawa. Puno ng galit ang tinig nito habang pinag-uusapan siya, paano na lang kaya kapag natuklasan nitong siya ang nakasama nito sa buong magdamag? Natitiyak ni Lalaine na gagawin ng kanyang asawa ang lahat para alisin siya sa landas nito. So before Knives saw her, she quickly picked up her clothes from the floor and put them on. She quietly headed for the door and left without a word.

Nang makasakay ng taxi ay saka lang nawala ang kaba sa dibdib ni Lalaine. Isang taon na ang nakalipas, nalaman niyang may stage 4 cervical cancer ang kanyang pinakamamahal na lola. Sa mga huling snadali ng buhay nito, hiniling nito sa kanya na maghanap siya ng mapapangasawa upang hindi siya maiwang nag-iisa. Dahil mahal na mahal ni Lalaine ang kanyang lola, tinupad niya ang kahilingan nito.

Habang pauwi siya galing sa hospital ay hindi sinasadyang nagkita sila roon ni Lola Mathilde. Ayon sa matanda ay schedule nito ng checkup para sa araw na iyon. Naikuwento niya sa matanda ang tungkol sa kahilingan ng kanyang lola, at dahil doon sinabi nitong ang apo na lamang daw nito ang pakasalan niya.

Nais ni Lalaine na matupad ang huling kahilingan ng kanyang pinakamamahal na lola, kaya naman tinanggap niya ang alok ni Lola Mathilde. Isang taon na niyang kakilala ang matanda dahil miyembro rin ito ng women's organization kung saan pareho silang volunteer. Naging magkaibigan sila ni Lola Mathilde kahit na malayo ang agwat ng kanilang edad, kaya alam niyang mabuting tao ito.

Ngunit nang araw na makuha ni Lalaine ang kanilang marriage certificate tatlong buwan makalipas siyang magpakasal, napag-alaman niyang ang apo na tinutukoy ni Lola Mathilde ay may-ari ng Dawson's Group of Companies- ang kompanya kung saan nagpapatakbo ng iba't-ibang luxury hotel sa Pilipinas. Lubos na ikinagulat ni Lalaine ang mga nalaman subalit huli na para umatras pa siya dahil kasal na siya sa lalaki.

Nabalitaan din niyang matapos makuha ni Knives Dawson ang marriage certificate ay nagpunta ito ng California at hindi na sila muling nagkita pa.

TO BE CONTINUED.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (14)
goodnovel comment avatar
Camacho Carog
sana maganda tu at Hindi katulad Ng iba na subrang taas nakakasawa na basahin paikot2x nalang Ang kwento
goodnovel comment avatar
Elaine Payot Riego
I need to be contented
goodnovel comment avatar
Suresh Waghela
hello hello
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 2

    KALAUNAN, nalaman ni Lalaine na malaki ang pagtutol ni Knives Dawson sa kanilang kasal, at kaya lang ito pumayag na pakasalan siya ay dahil kay Lola Mathilde. Sinabi ng matanda na hindi nito ibibigay ang pamamahala ng kompanya kung hindi siya nito pakakasalan. Wala namang nagawa si Knives kundi pumayag sa kagustuhan ng matanda. Ngunit kahit alam niyang ganoon ang naging sitwasyon, lubos pa rin siyang nagpapasalamat kay Knives at kay Lola Mathilde dahil bago namayapa ang kanyang mahal na lola ay naibigay niya ang kahilingan nito. Nang malaman ni Lalaine na bumalik na si Knives sa Pilipinas makalipas ang isang taong pangingibang bansa ay dali-dali niyang pinuntahan ito. Sinamantala ni Lalaine ang pagkakataon, tutal ay namayapa na ang kanyang lola at natupad na niya ang kahilingan nito ay sasabihin niyang magpa-file na siya ng annulment. Wala nang dahilan pa para ikulong niya ang sarili sa kasal na iyon lalo pa't alam niyang walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang mag-asawa. Suba

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-03
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 3

    MULA sa isang luxury car na Bentley Spur ay bumaba si Knives na punong-puno ng charisma. Bagay na bagay sa lalaki ang suot nitong Dormeuil Vanquish ll— a million dollar high-end suit. Walang hindi mapapatingin kay Knives Dawson ng mga sandaling iyon dahil napakalakas ng aura nito habang naglalakad papasok sa lobby ng Celestial Hotel. He was at the hotel because he had a meeting with Mr. Davis, one of their investors an they will discuss their company's new project. "Mr. Dawson, I have chosen a condo for Ms. Aragon. It's in Manila and near the university where she studies so it's more convenient," saad ni Liam sa kanyang boss. Kasa-kasama siya ng kanyang boss kung saan man ito magpunta, dahil kahit wala ito sa trabaho ay marami pa rin itong inaasikaso. "Good," matipid namang sagot ni Knives. Bagaman sa papel lang sila kasal ni Lalaine Aragon ay ito pa rin ang babaeng gusto ng kanyang Lola Mathilde kaya naisip niyang i-compensate ito kahit papaano. Isa pa'y nakipag-sex siya sa ib

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-03
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 4

    “B-BAKIT nandito ka?!" nauutal na tanong ni Lalaine.Ang lalaking iyon ay si Benjamin Scott —schoolmate niya ito sa university kung saan siya nag-aaral, at paris niya ay nasa second year na rin ito sa kolehiyo. Hindi niya ito personal na kilala subalit ang pamilya ng lalaki ay kilala dahil politiko ang ama nito. Hindi rin niya alam kung may gusto ang lalaki sa kanya pero sa tuwing nagkikita sila nito sa university ay palagi itong nakatitig na para ba siyang hinuhubaran.Awtomatikong umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Masama ang kutob niya sa lalaking kaharap niya at nakangisi ng nakakaloko. Elegante man itong manamit subalit hindi naman maitatago niyon ang tunay nitong kulay."N-Nasaan ang kapatid ko? Bakit ikaw ang nandito?" nauutal niyang tanong sa lalaki saka pasimpleng naglakad paatras. "Kapatid?" nakangising tanong nito saka naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Naalerto si Lalaine kaya naman mabilis siyang pumihit patungo sa direksyon ng pi

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-03
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 5

    NANG makita ni Benjamin ang box ng birth control pills ay nanlisik ang kanyang mga mata kaya dinaklot niya ang leeg ni Lalaine at sinakal. Lalo pang siyang nag-apoy sa galit nang makita ang leeg ng babae na mayroon mapupulang marka na sigurado siyang ang lalaki nito ang may gawa. He thought she was still a virgin because that was what Lalaine's mother assured to him. It turned out that the shameless old hag was just lying to get his money. 'Humanda ka punyetang matanda ka! Makikita mo kung sino ang tinarantado mo!' nanggagalaiti niyang saad sa isipan. Pumalatak si Benjamin at saka buong pagkadismaya na pinasasadahan ng tingin ang dalaga. "I thought you were still a virgin. But fuck! Natikman ka na pala ng ibang lalaki," nagngingitngit na wika ni Benjamin pero mayamaya rin ay nag-ngising aso ito. "Siguro naman papayag ka na sa gusto ko? Tutal nilaspag ka na ng iba." Natigilan naman si Lalaine nang makita ang kahon ng contraceptives na binili niya. Hind niya naitapon iyon sa pagm

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-03
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 6

    AYON sa nakalap na impormasyon ng kanyang secretary, simula't simula ay nakilaglapit ito sa kanyang Lola Mathilde dahil mayroon itong ibang motibo. Palabas lang ng babae na kaibigan ang turing nito sa matanda, at ang plano nito ay kuhain ang loob ng kanyang lola. Kung hindi lang isinangkalan ng Lola Mathilde niya ang kompanya, at kung hindi lang sana nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya sa California dahilan para mamalagi siya roon ng isang taon, hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na iyon. He would never allow someone like Lalaine Aragon to take advantage of his Lola Mathilde's kindness. Pakiramdam ni Knives ay nanakit ang kanyang mga mata sa pagtitig pa lang sa mapagpanggap na babae, kaya binalingan niya ang secretary at malamig na nag-utos, "Press the button." Mabilis namang sinunod iyon ng secretary ni Knives subalit naudlot ang sana'y pagsara ng elevator nang mula sa kung saan ay humahangos ang isang lalaki. Naalerto naman si Lalaine dahil alam niyang si Benjamin i

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-05
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 7

    “IF YOU keep hanging out with people like this, I will personally tell Olivia to cancel your engagement," mariing wika ni Knives kay Benjamin.Tila naman sinampal si Lalaine ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Knives. Kahit hindi sa kanya sinabi iyon ng lalaki, alam niyang siya ang pinatatamaan nito ng mga oras na iyon. Gustong dipensahan ni Lalaine ang sarili pero nang tingnan niya si Knives ay bakas sa mukha nito ang matinding disgusto, kaya naman minabuti na lang niyang huwag nang magpaliwanag pa. Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki kahit maglupasay pa siya."I'm sorry, Kuya Knives. This will never happen again, I promise," hinging-paumanhin naman ni Benjamin subalit sa isipan niya, gustong-gusto niyang sakalin ang punyetang si Lalaine dahil kung hindi sana ito tumakas, hindi sana siya makikita ni Knives Dawson na ganoon ang itsura.Hindi maaaring ma-cancel ang engagement niya kay Olivia dahil kailangan ng pamilya niya ang kapangyarihan ng mga Dawson. Kung masira

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 8

    "MS. LALAINE Aragon, here's the annulment agreement. Please, sign it," magalang na saad ni Liam. He invited the woman to a coffee shop near the hotel to sign the said document, as ordered by his boss.Lihim namang nakahinga ng maluwang si Lalaine. Mukhang tulad niya, nais na rin ni Knives na tapusin na ang kanilang kasal. Kaya kaagad na kinuha ni Lalaine ang ballpen na nakalapag sa kanyang harapan at pinirmahan ang dokumento nang hindi man lang ito binabasa.Kumunot naman ang noo ni Liam at sandaling pinigilan ito sa ginagawa, "Hindi mo man lang ba babasahin ang nakasaad sa annulment paper, Ms. Aragon?" tanong niya.Bakas naman ang pagkalito sa mukha ng babae kaya napilitan si Liam na prangkahin ito at ipaliwanag kung ano ang nilalaman ng nasabing dokumento. "Nakasaad sa agreement na wala kang matatanggap kahit na isang kusing mula kay Mr. Dawson."Kung noong una ay balak ng kanyang boss na bigyan Ms. Aragon ng isang condo unit at 5 million pesos bilang compensation, sa isang iglap ay

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 9

    NAGING normal ang mga sumunod na araw para kay Lalaine. Pumapasok siya sa university at diretso sa kanyang part-time job sa gabi. Maayos rin ang kalagayan ng kanyang kapatid dahil umuwi siya sa kanilang tahanan sa Paco noong nakaraang araw. May kalayuan din kasi mula sa kanilang tinitirhan ang university kung saan siya nag-aaral kaya minabuti niyang mag-boarding house kung saan malapit sa kanilang eskwelahan. Umuuwi naman siya tuwing araw ng Sabado at Linggo para bisitahin ang kanyang kapatid at para bigyan ito ng allowance. Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng high school ang kapatid niyang si Luke sa St. Mary Academy—ito ay pambublikong paaralan para sa mga kabataang may special needs. Libre ang pag-aaral dito kaya wala siyang problema sa tuition ng kanyang kapatid, at ang tanging sagot lang niya ay ang allowance nito.May kakulitan lang ang kapatid niya dahil gusto rin nitong suma-sideline sa mga kung anu-anong trabaho katulad ng pagiging kargador sa palengke, tagawalis, o kaya nama

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-09

Bab terbaru

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 303: “Coma.”

    MULA NANG mag-umpisa ang operasyon kay Knives ay hindi umalis si Keiko sa labas ng operating room. Ubos na ang luha niya kaiiyak kaya tulala na lang siya ng mga oras na iyon habang nakatingin sa kawalan. Magang-maga na ang kanyang mata at magulo na ang kanyang itsura ng mga sandaling iyon pero wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga lang sa kan'ya ay makaligtas si Knives sa tiyak na kapahamakan.Mahal na mahal n'ya si Knives at hindi n'ya mapapatawad ang kanyang sarili sa oras na may mangyari masama rito. Kung kailan magkaayos na sila ay nagkaroon pa ng trahedya. Talaga bang galit sa kan'ya ang tadhana? Bakit sa t'wing masaya siya ay laging may karugtong na sakit? Hindi naman siya masamang tao. Hindi rin siya nanlalamang ng kapwa kaya bakit lagi na lang siyang pinaghihirapan?Samantala, tinawagan na ni Seiichi si Kairi at si Uncle Kenji para ipaalam ang nangyari at malamang ay papunta na ito sa hospital. Hindi niya iniwan si Keiko lalo pa't nang mga sandaling iyon ay nakatulala na

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 302: “It's Her Fault.”

    “I'M a friend of Knives Dawson, I'm Eros Smith. Don't be surprised, but you need to go to the hospital right now...”Sandaling hindi nakapagsalita si Keiko at hindi kaagad mai-proseso sa isip ang mga narinig. Na para bang pansamantalang humiwalay ang kaluluwa niya ng mga sandaling iyon.“Ms. Inoue? Are you there?” tanong pa ni Eros sa kabilang linya.Nagbalik sa wisyo si Keiko nang muling magsalita ang lalaki sa kabilang linya saka nanginginig ang mga kamay na nagsalita. “W-What happened to him?” “The car he was driving had an accident...”Hindi na naintindihan pa ni Keiko ang mga sumunod na sinabi ng lalaki dahil para siyang nabingi ng mga oras na iyon. Ang tanging malinaw lang sa kan'ya ay naaksidente si Knives at nasa hospital ito.Awtomatikong bumalong ang mga luha ni Keiko ng mga sandaling iyon. Wala sa sariling lumabas siya ng opisina at nagmamadaling sumakay ng elevator habang si Seiichi naman ay nakasunod sa likuran ng babae at nag-aalala para rito. “Hey! You need to calm do

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 301: “Accident”

    “SEIICHI?”“Yes, it's me. What happened? Bakit takot na takot ka?” puno ng pagtatakang tanong ni Seiichi sa babae saka dahan-dahang inalalayan ang baba para maupo sa swivel chair. Nanginginig ito sa takot ng mga sandaling iyon ay namumutla ang mukha.“B-Bakit ka nandito? S-Saka Anong nangyari? Bakit biglang nawalan nagdilim?” sunod-sunod na tanong ni Keiko sa lalaki. Laking pasalamat din niya dahil si Seiichi pala ang lalaking nasa labas ng opisina niya at hindi masamang tao.“Ma'am pasensya na po, nagro-roving po ako kanina nang mamatay ang kuryente kaya hindi ko kayo narinig,” hinging paumanhin ni Mang Lucio, ang security guard ng gusali.Doon lang napansin ni Keiko na naroon din pala ang security guard na si Mang Lucio. At marahil ito ang nagbukas ng pinto sa kanyang opisina kaya nakapasok si Seiichi sa loob.“A-Ano bang nangyari, Mang Nestor? Nawalan ba ng kuryente?” tanong ni Keiko na bakas pa rin ang takot sa tinig ng mga sandaling iyon.“Hindi ko rin po alam kung ano ang nangya

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 300: “Death Threat.”

    “BE careful, Ms. Inoue. Turn off the lights in your office and don't stay out late. Kung ayaw mong umuwing malamig na bangkay sa pamilya mo...”Halos maihagis ni Keiko ang cellphone nang mabasa ang text message na iyon. Death threat ba iyon? Pero sino naman kaya ang posibleng may galit sa kan'ya? Sa pagkakaalam niya, matagal nang patay si Elijah at ang mga kasamahan nito sa research institute ay nasintensyahan na. Who could be threatening her life this time?Mabilis na tumayo si Keiko at sumilip sa glass window kahit pa nanginginig ang kanyang kamay at tuhod. Pero dahil 7PM pa lang iyon at marami pang tao sa kalsada kaya malabo niyang matukoy kung sino kahina-hinala sa mga ito. But if her suspicions were correct, her stalker was just around because otherwise, how would he know she was still in the office at those hours? Hindi rin alam ni Keiko kung may empleyado pang naroroon sa kompanya ng mga oras na iyon. Hanggang 5PM lang ang kanilang office hours kaya kanina pa niya pinuwi ang m

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 299: “Be Careful.”

    “'Wag kang matakot. Promise, hinding-hindi na ako mawawala. Dito lang ako sa tabi mo at hindi kita iiwan kahit na anong mangyari...”Keiko kissed the man's lips tenderly to make her feel that her words came from her heart. May ilang segundo rin na nagtagal ang kanilang halik hanggang si Keiko na ang unang nagbitiw at buong pagmamahal na pinagmasdan si Knives. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito ng kanyang mainit na palad.“Don't think too much. Ang importante, magkasama na tayo ngayon at masaya, okay?” matamis ang ngiting wika ni Keiko.Marahan namang tumango si Knives sa kaharap. “Okay.”“Good.”“So asawa na ba kita ulit?” mayamaya'y tanong ni Knives na ikinamaang ni Keiko.“Huh?”“Sabi ko, asawa na ba kita— I mean girlfriend na ba kita?” Kasabay ng tanong na iyon ay maingat niyang binuhat sa kanyang kandungan si Keiko paharap sa kan'ya.“Uhm ano kasi, tungkol d'yan...gusto ko sanang makausap muna si Seiichi,” tugon ni Keiko na hindi makatingin sa lalaki. Mahal na mahal ni Keiko

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 298: "I Will Never Leave You...”

    DAHIL bukas pa ng gabi ang kanilang flight pabalik sa Pilipinas, kaya nagpasya sina Knives at Keiko na lubus-lubusin na ang pamamasyal. Nagtungo sila sa famous na si Madame Tussauds at kumuha ng pictures sa mahigit 100 famous celebrity wax figurines na likha nito mula kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzback, Anne Curtis, Miss Universe 2018 Catriona Gray, hanggang sa International pop sensation na si Ariana Grande. Matapos niyon ay nagpunta rin sila sa isa pang sikat na tourist destination sa Hong Kong na Ngong Ping 360 and Tai O Fishing Village na kung saan ay kailangang sumakay sa cable car at sa ilalim niyon ay makikita ang fishing village at kultura ng mga ito. Sakay ng cable car ay kitang-kita rin ang malaking Buddha statue ng Po Lin Monastery. Masayang-masaya si Kaiser at Kaori habang nakasakay sa cable car at nakadungaw sa labas ng bintana. Samantalang si Keiko naman ay hindi malaman ang gagawin at nakapikit lang nang mariin dahil takot siya sa matataas na lugar. Luckily, Knive

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 297: “Jealous.”

    “HMMM...”Hindi mapigilang mapaungol ni Knives nang maramdaman ang malambot na kamay ni Lalaine sa kanyang pagkalalaki. With the overwhelming pleasure caused by the crazy sensation he was feeling, he held on tightly to the back of the sofa. Mariin pa siyang napapikit nang maramdamang sasabog na siya anumang oras.Ang marahang pagtaas-baba ni Lalaine sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki ay nagdudulot sa kan'ya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Lalaine's gentle touch on his throbbing manhood in an up-and-down rhythm makes him moan even louder.“Fúck, baby! Make it fast!” bulalas ni Knives habang kagat-labing ninanamnam ang nakababaliw na sensasyon.Sinunod naman ni Keiko ang kahilingan ng lalaki. Mas pinagbuti n'ya ang ginagawa kahit pa bahagya na nga siyang nakakaramdam ng pangangalay ng kamay.“Oh shit...damn it!”Patuloy lang si Keiko sa ginagawa habang ang lalaki naman ay walang tigil sa pag-ungol na animo'y nawawala sa katinuan. Hanggang sa mayamaya'y nagulat siya nang bigla

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 296: “Family.”

    MATAPOS magpunta sa amusement park, sumunod na pinuntahan ng mag-anak ang Ocean Park na kung saan hindi lang mga sea creatures ang makikita kundi maging ang mga panda, penguins, at kung anu-ano pang mga hayop na makikita sa isang zoo. Enjoy na enjoy si Kaiser at Kaori sa mga nakikita. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nakapunta ang mga bata sa ganoong lugar kaya lahat ng kanilang nakikita ang bago sa kanilang paningin. Nang magutom sa isang fancy restauran dinala ni Knives ang kanyang mag-iina. Mabuti na lang din at hindi naging mapili ang kambal sa kakainin dahil kahit Cantonese cuisine ang isini-serves sa restaurant ay maganda pa ring kumakain ang mga ito.Samantala, hindi naman malaman ni Keiko kung paano magpo-focus sa pagkain ng mga oras na iyon. Habang kumakain kasi sila ay hawak-hawak ni Knives ang kaliwa niyang kamay at magka-holding hands sila sa ilalim ng table na para bang mga teenager na nagtatago. Mayroon pang pagkakataon na pinaglalaruan nito ang kanyang palad gamit a

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 295: “Forgiveness.”

    “IT'S OKAY. Matagal nang tapos 'yun. Pinatawad na kita kaya sana patawarin mo na rin sana ang sarili mo...” Habang sinasabi iyon ay masuyong hinahaplos ni Keiko ang buhok ng lalaki sa tulad sa isang bata na naghahanap ng pagkalinga. Hindi sumagot si Knives, sa halip ay nanatili lang itong tahimik na para bang ninanamam ang masayang sandali na iyon. Lumipas ang ilang minuto na nasa ganoong sitwasyon lang sila hanggang sa yumakap si Knives sa baywang ni Lalaine dahil para mahinto si Keiko sa ginagawa. Parang robot na nanigas ang kanyang katawan nang maramdamang pumulupot ang matipunong braso ng lalaki sa kanyang baywang. “I miss you...” usal ni Knives habang mahigpit ang yakap sa balingkinitang ni Lalaine. Alam niyang nangako siyang kokontrolin n'ya ang sarili pero hindi pala niya kaya. Lalaine is like a drug that makes him insane. Na kahit anong pilit niyang umiwas ay hindi n'ya kaya. “K-Knives, what are you doing?” nauutal na tanong naman ni Keiko pero hindi niya magawang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status