Share

KABANATA 3

Author: Blu Berry
last update Last Updated: 2021-09-10 20:48:52

CHAPTER 3

NAGKULONG ako sa condo ng halos isang linggo. Parang ayaw kong tanggapin na nagawa akong lokohin ni Steve. Kahit na may kasalanan ako pero isang gabi lamang iyon at bunga ng kalasingan. Pero ang sa kanya ay talagang desisyon na niya. Pinili niya talagang lokohin ako.

Nang malaman ni Gieselle ang nangyari ay nanggagalaiti rin ito sa galit. Gusto niyang sabunutan si Angel o ipatanggal ito kay Mother Chelsea para mawalan ng hanap-buhay pero mas pinili kong huwag na lang gawin iyon. Parang napaka childish naman kung ‘yon ang gagawin namin. Hindi rin naman maganda na ibababa ko ang sarili sa level niya. Kung gusto nilang magsama ni Steve ay hahayaan ko na lang sila. Labis lang talagang nainsulto ang aking pagkababae dahil sa ginawa ni Steve.

Tunog ng aking cellphone ang pumutol sa aking pagmumuni-muni.

"Pam, magbihis ka," bungad kaagad ni Gieselle sa akin.

"Why? Saan tayo pupunta?" matamlay kong tanong. Lately ay nawawalan ako ng ganang lumabas.

"Samahan mo ako sa mall dahil kailangan kong mag-grocery," anyaya niya.

"Gie, ikaw na lang kasi tinatamad ako," tanggi ko.

"Ilang araw ka ng ganyan. I will not take no as an answer. Lumabas ka naman. Huwag mo ng dibdibin iyang pangloloko ni Steve sa'yo. Pammy, he's not worth it. At saka ‘yang Angel na ‘yan, makikita niya talaga. Maghintay lang siyang makabalik tayo, lalo na ako dahil lagot ‘yon sa akin," dakdak nito.

Naisip ko na hindi naman si Steve ang purong dahilan kung bakit naglalagi lang ako rito sa unit. Tinatamad lang talaga ako at kapag nagpaplano pa lang na aalis, maliligo, magmi-make-up, mag-aayos ay nakakapagod na. Mas mabuti pang matulog o ‘di kaya’y humiga na lang buong maghapon.

"Sige na, Pam, ililibre kita r'on sa favorite restaurant mo," pukaw ulit sa akin ni Gieselle.

"Okay fine, magbibihis lang ako." Matamlay pa rin ako pero nagsawa na lang sa pangungulit niya kaya pumayag na lang sa kanyang pinaplano para tumigil na rin siya.

Hindi nagtagal ay dinaanan na niya ako at sabay na tumulak papuntang mall.

"Gie, huwag na lang tayong kumain sa restaurant, mag-take home na lang tayo ng pizza at saka donut. Sa condo na lang tayo kumain," humihikab na saad ko habang nakasunod sa kanya na tulak-tulak ang push cart.

"That is unusual. Nag-iba na yata ang taste mo?" komento niya habang binabasa ang label ng isang chocolate syrup.

Nilapitan ko siya at kinuha ang kanyang hawak na bote at nilagay na ito sa push cart.

"Huwag mo ng basahin dahil sigurado akong masarap ‘yan," sabi ko at nagpatiuna na sa paglalakad.

"Pam, pakikuha ako ng tissue at dalawang pack ng sanitary napkin samahan mo na rin ng panty liner. Like the usual brand pa rin na ginagamit ko," utos niya sa akin habang namimili ng toothpaste at shampoo.

Inaantok ko namang sinunod ang utos niya. Medyo natagalan dahil hinanap ko pa ang ginagamit niyang brand. Habang tinitingnan ang mga napkin sa aking harapan ay may naalala ako.

Dapat bumibili na rin ako ngayon ng napkin dahil mas nauuna akong datnan kaysa sa kanya. Pero sa pagkakatanda ko’y hindi pa ako dinadatnan ngayong buwan kaya nandoon pa rin ang mga napkin ko at walang bawas.

May kabang bumundol sa aking dibdib. Naalala ko  ang gabing huli kaming lumabas at ang estrangherong nakatabi ko. Mag-iisang buwan na rin pala ‘yon at hanggang ngayon ay hindi pa ako dinadatnan. Dapat noong isang linggo pa sana ang aking menstrual period.

"What took you so long? Nandito lang sa harap mo ang brand na ginagamit ko." Sabay kuha ni Gieselle ng dalawang pack.

Dahil sa labis na pag-aalala ay hindi ko kaagad siya nasundan.

"Paloma, let's go. Bakit ba tinititigan mo ‘yang mga napkins? Ano? Kinakausap ka na nila?" natatawa niyang sabi na may kasamang pag-iling.

Sumunod na lamang ako sa kanya na lutang pa rin ang isip.

Gaya ng sabi ko ay nagpa-take out na lang kami ng pizza at donut. Parang hindi na ako makapaghintay na lantakan ang mga binili namin. Nakalabas na kami ng parking lot at may nadaanan kami sa side walk na nagtitinda ng banana cue at buko juice. Para akong bata na halos lumabas na sa bintana para lamang matingnan ang mga tinda.

"Gie, stop the car. Bibili lang ako ng banana cue at nauuhaw ako, gusto ko ng buko juice," pakiusap ko sa kanya.

"Ha? Ang dami na nating pagkain, kakain ka pa niyan?" tanong niya habang pina-park ng maayos ang sasakyan bago ako bumaba.

Kahit mainit dito sa labas ay wala akong pakialam. Ang iniisip ko ay ang matamis na banana cue at ang malamig na buko juice . Nilapitan ako ni Gieselle dahil bumaba na rin siya.

"Hinay-hinay lang, Paloma, baka mabilaukan ka," saway niya dahil takam na takam ako sa banana cue. Hindi pa ako nakontento’t nagpa-take out na rin. Kunot-noo lang niya akong tiningnan.

Halos ako lang din ang kumain ng lahat ng mga dalang pagkain namin pagbalik sa condo. Nagtataka lang si Gieselle sa kanyang nakikita at kahit ako ay ngayon lang din napansin na ganito ako kalakas lumamon.

"Hindi ka ba maiimpatso niyan, Paloma?" hindi na niya natagalan at tinanong na ako.

Umiling ako dahil hindi na makapagsalita dahil sa punong-puno na bibig.

"Baka pagpirma natin ng bagong kontrata, nagka-double chin ka na," paalala niya.

"Ngayon lang ito na magana akong kumain, ilang araw rin kasi akong hindi kumakain dala ng maraming iniisip. Saka pagbigyan mo na ako, broken hearted eh."

"Ang sabihin mo ay naging matakaw ka na pagkatapos mong makasayaw sa bar si Arken Fernandez. Ikwento mo nga sa akin kung anong nangyari after ninyong sumayaw at naghalikan?" maya-maya’y nagbukas siya ng pwedeng mapag-usapan. Pero hindi ko naman alam ang sinasabi niya. Lumunok muna ako at uminom ng juice bago siya hinarap.

"Ha?" tanging nasabi ko. Pati hitsura ko ay ang tanga-tangang tingnan dahil wala naman akong alam sa tinutukoy niya.

"Huwag mo nga akong dramahan diyan, Paloma," nakataas-kilay niyang sabi na hindi naniniwala sa pagkablanko ko.

"Wala naman talaga akong alam sa mga sinasabi mo, Gie," tanggi ko pa sa kanya.

"Wala ka bang maalala? Nang gabing iyon?" may pagdududa pa rin sa kanyang boses pero tila nakumbinse ko naman.

Umiling ako bilang tugon. Dahil ang naalala ko lang ay ang paggising ko kinabukasan na may lalaking katabi. Kung paano at bakit ako nandoon ay hindi ko na matandaan lahat. Basta ang alam ko’y may kahalikan ako sa dance floor pero hindi ko natatandaan ang mukha.

"Let me do a recap. Sumayaw tayo sa dancefloor at paglingon ko sa'yo you were dancing with some hot guy. Nang lalapitan ko na sana kayo ay saka ko pa lang nakilala na si Arken Fernandez pala ‘yon, isa mga young businessmen na malapit sa mesa natin. It seems that both of you ay may sariling mundo kaya hinayaan ko na lang kayo. Lastly, I saw you na inalalayan ka niya palabas ng bar dahil sa kalasingan mo. So saan ka ba nalasing? Sa ininom natin o sa malalim na halik niya?" tukso niya. Tulula ako habang nakikinig sa kanya at pilit inaalala ang gabing ‘yon. So ganoon pala ang nangyari.

"Saan kayo pumunta paglabas ninyo?" tanong niya na may paniningkit ng mata. Para akong isang witness sa isang napakasilang kaso.

Nag-panic ang aking buong pagkatao. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Paano kung marami ang makaalam? Paano kung may girldlfriend iyong tao tapos malaman na nakatabi niya ako sa kama? Parehong masisira ang mga pangalan namin.

"Wa-wa-wla. Diyan lang. Hi-hinatid ako rito sa condo," nauutal kong paliwanag. Sadyang umiiwas ang aking mata na makasalubomg ang kanyang paningin.

"Sigurado ka?” parang hindi siya kumbinsido.

"Oo," sagot ko na hindi makatingin sa kanya ng deritso.

"One more thing, his friend iyong type ko, he asked me one time about you at alam mo ba kung sino ang nag-utos? Si Arken lang naman so I smell something's fishy. ‘Yong totoo, until now nag-uusap pa rin ba kayo o 'di kaya’y nagkikita?" interrogate niya ulit sa akin.

God knows kung gaano ko siya hindi gustong makita o makaharap ulit.

"Ano bang klaseng tanong iyan, Gie? " kunwari ay natatawa ako sa sinabi niya pero ang totoo’y halos mabaliw na ako sa kaiisip kung paano ililiko ang usapan.

"Kung nagkikita o nag-uusap pa kami ay dapat nabanggit ko na sa’yo, ‘di ba?”

Wala siyang komento pero matagal niyang inilayo ang paningin sa akin. Dapat lang talaga na wala ng makaalam pa sa mainit na gabi na pinagsaluhan namin ng Arken na iyon. Wala din naman akong matandaan sa nangyari kaya dapat ay hindi na iyon mabanggit pa ulit.

Pag-alis ni Gieselle ay binuksan ko ang aking social media account at in-stalk ang sinasabi niyang lalaki. Indeed he is gorgeous. Those deep mysterious set of eyes, enormous nose and a perfect lips, plus a mouth watering body.

Hindi na bago sa akin na makakita ng katawan ng lalaki dahil sa aking trabaho pero kakaiba ang reaksiyon ng aking katawan sa kanya.Dahil ba iyon sa kamay niyang unang nakahawak sa iba't ibang parte ng aking katawan o dahil sa mga nag-aalab niyang halik?

Nag-scroll pa ako sa kanyang timeline at halos wala siyang sariling posts at panay tag lang mula sa kanyang mga kaibigan. May mga larawan din na kasama niya ang mga lalaking nakita ko rin sa bar nang gabing iyon. Nasa dagat at lahat sila ay naka-topless.

Sa kanilang lahat ay siya ang nakaagaw ng aking atensiyon. Mula sa kanyang gwapo at seryosong mukha hanggang sa kanyang matipunong dibdib pababa sa abs and god knows kung saan tumigil ang aking mata. Nag-scroll pa ako ng ibang pictures at halos lumuwa ang aking mata nang aksidenting mapindot ang like button.

Nag-panic ako dahil gusto kong bawiin ang react na 'yon pero nag-loading bigla ang page, kung minamalas ka nga naman. Paano kung online siya tapos nakita ang notification na may estrangherang nag-like ng larawan niya at isipin niyang ini-stalk ko siya? Well, siguro matatawag nga itong stalking pero ngayon lang naman.

Mabuti na lang at bumalik din kaagad ang matinong signal pero may comment na roon at na-mention pa ang pangalan ko.

Hindi ko na tiningnan kung sino ang nagpasalamat at nag-log out na kaagad. ‘How stupid, Paloma?’ pinagalitan ko ang sarili.

Pinilit ko ang sariling matulog pero kahit sa pagpikit ay ang mukha ng Arken na ‘yon ang nakikita ko. Ginulo ko ang buhok dahil sa kalituhan. Nang dahil sa kanya kaya hindi ko masyadong naramdaman na broken hearted pala ako sa ex kong si Steve.

Mabilis lumipas ang mga araw at malapit na ring matapos ang bakasyon ko. Makakaharap ko na ulit ang malanding Angel na iyon. Mabuti na lang at hindi ako katulad ng ibang babaeng naagawan ng boyfriend na walang pinipiling lugar o oras na kung kailan gustong mang-away ay nag-eeskandalo. Hindi ko naman gagawin iyon dahil hinding-hindi ako bababa sa kanilang level. Dapat ay i-focus ko na lang ang sarili sa career at saka na lang ang love life.

Wala na nga yata akong makikitang matino ngayon.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jeanie R Sorilla
ayiee pammy.........
goodnovel comment avatar
Magdalena Gonzaga Palaming
is really nice novel
goodnovel comment avatar
Cristina Templo Ra
noon pa man fav ko na tong si miss blu berry
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 4

    CHAPTER 4NAGISING ako dahil sa sama ng pakiramdam. Umiikot ang buong paligid pagdilat ng aking mata. Naglalaway ako na parang may masamang nakain kaya tumakbo na kaagad ako sa banyo.Sumakit ang aking sikmura dahil sa pagsusuka. Lahat yata ng kinain ko kahapon ay inilabas ko. Mukhang tama si Gieselle, naimpatso ako sa dami ng kinain.Naghilamos ako at tiningnan ang sariling mukha sa salamin. Ang laki-laki ng aking eyebags at namumutla pa.Sinuklay ko ang buhok at nag-isip kung ano ang pwedeng lutuin ngayong agahan. Dapat ay maging maingat na ako dahil baka maulit ang nangyari kanina.Nagtimpla ako ng kape pero nang inilapit ko na ito sa bibig para higupin ay bumaliktad ulit ang aking sikmura dahil sa amoy nito. Tumakbo na naman ako sa lababo at sumuka ng purong laway saka ibinuhos ang kape sa sink.Ano bang nangyayari sa akin? Wala naman akong lagnat pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Naihilamos ko ang sariling palad dahil sa naisip. Pero

    Last Updated : 2021-09-10
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 5

    CHAPTER 5 HINDI ko alam ang gagawin. Ang dami kung mga pangamba at higit sa lahat ay nangingibabaw ang takot. Nauubos na ang mga pagkain ko rito sa unit at takot akong lumabas. Usap-usapan ang aking ginawa sa contract signing at kailangan ko pang i-deactivate ang aking social media accounts dahil inulan na ako ng sandamakmak na mga tanong. Ayokong maglabas ng kahit na anong pahayag tungkol dito dahil mahahalungkat lang ang itinatago kong lihim at mas lalo lamang akong pagkakaguluhan. Hindi rin ako tinitigilan ng katatanong ni Gieselle. 'Hindi na ako magri-renew ng contract, Gie,' sagot ko sa kanyang tanong kung ano ng plano ko dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako nagpapakita sa opisina at maging kay Mother Chelsea. 'What? Why? Are you insane?' 'Ayaw na ni Papa. He has plans for me,' simpleng paliwanag ko. 'Akala ko ba lumayo ka na sa kanya at hinayaan ka na niya?' alam kong naiinis siya sa ra

    Last Updated : 2021-09-10
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 6

    CHAPTER 6 MAHINANG hampas ng alon na nagsisilbing musika sa aking tainga ang sumalubong sa akin bawat umaga. Mag-iisang linggo na rin simula nang ipinahatid ako ni papa rito at hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon. Maliit lang ang isla Mirabel at madalas ay napag-iiwanan ng panahon. Lumuluwas ako sa sentro ng bayan kapag magpapa-check up o ‘di kaya’y bumili ng mga kailangan sa bahay. Hindi ganoon kalaki ang rest house namin dito. Dalawang palapag na may tatlong kwarto sa itaas. Tamang-tama lamang para sa dalawa o tatlong tao. May maliit na maids quarter malapit sa kusina para sa kasambahay na tutuloy rin sa bahay. Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito at marami ring kababaihan ang gumagawa ng tuyo na ipinagbibili naman sa mga kalapit-bayan. May isang pampublikong paaralan ng elementarya at isa rin sa highschool. Ang mga nagkokolehiyo naman ay sa mga mas malalaking bayan sa labas ng isla nag-aaral kaya kadalasan sa mga bata rito’y hindi na nakapagpatuloy sa

    Last Updated : 2021-09-10
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 7

    CHAPTER 7 SIMULA nang marinig ko ang balita mula kay Jela ay para na akong napapraning at kapag nasa labas ay balisa na ako sa aking paligid. "Eli, don't forget what I told you," paalala ko sa aking anak habang naghahanda ng kanyang baon. Si Jela ang maghahatid sa kanya ngayon sa school dahil marami pa akong kailangang tapusin sa shop. "Opo, Ma," simpleng sagot niya na may seryosong mukha at hindi na ako dapat magtaka kung kanino niya ito namana. Sa ilang beses na nakita ko ang kanyang ama ay hindi ko ito nakitang ngumiti. "Ano ang pinaka-importante roon?" tanong ko sa kanya para masiguradong natatandaan nga niya ang mga bilin ko. "Don't talk to strangers." "Very good. Kiss mo na si mama para hindi ka ma-late sa school," sabi ko bago siya hinatid sa labas kung saan naghihintay si Jela. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang umalis ang traysikel na sinasakyan nilang dalawa. Papasok na sana ako nang mapansin ang nakaparadang itim na kotse, ilang metro lang mula sa bahay. Kahit tinte

    Last Updated : 2021-09-10
  • CLUMSY (Tagalog)   Kabanata 8

    CHAPTER 8 AKO ang kusang naghatid kay Eli ngayong umaga sa school. Hindi ako magiging kampanti kung hindi ko mismo makikita na nakaupo na siya sa loob ng classroom habang naghihintay na magsimula ang klase. Nilingon kami ng mga guro pagpasok ng eskwelahan. May pakiramdam akong kami ang pinag-uusapan dahil nang makita ako’y tumigil sila saglit at nagtagal ang tingin sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa classroom ng aking anak pero parang gusto kong tumakbo palayo nang makita kung sino ang lalaking kausap ng guro. Pipihit na sana ako patalikod pero huli na dahil nakita na ako ng guro ni Eli. "Good morning, Miss Paloma. Good morning, Elisha," masayang bati nito. Pilit akong ngumiti pabalik sa babae. Lumingon din si Arken sa amin at mababakas ang saya nito nang dumapo ang paningin sa bata. "Good morning po, Teacher Mae. Good morning, Mr. Fernandez," bati sa kanila ng bata. Nilapitan siya ni Arken at umupo para magpantay ang kanilang mukha saka ibinuka ang kan

    Last Updated : 2021-09-23
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 9

    CHAPTER 9UMAGA at kagigising pa lang ni Eli pero nagtatanong na ito tungkol kay Arken. Nasanay na ang bata sa kanyang presensiya at ito ang kinatatakutan ko, malapit na kaagad sila sa isa’t isa kahit bago pa lamang nagkakilala.Kahit lumilipad ang aking diwa ay sinubukan kong mag-focus sa pananahi. Iniisip ko kung paano sasabihin sa bata na si Arken ang ama nito, ang matagal na niyang hinahanap at hinihintay. Hindi ako nag-aalala sa pagtanggap ni Eli sa kanyang ama dahil alam kong hindi mahirap iyon. Ang kinatatakutan ko’y kung ano ang magiging tingin sa akin ng sariling anak kung sakaling malaman niya ang totoo na dahil sa ginawa kung pagtakas kaya hindi niya nakilala at nakasama ang ama sa loob ng ilang taon.Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng bawat segundo, oras na pala ng pag-uwi ni Eli. Nagulat na lang ako nang pumasok sila sa shop kaya pasimple kong hinagod ng tingin ang orasang nakasabit sa dingding. Masyado na akong nalulunod gawa ng  

    Last Updated : 2021-09-24
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 10

    CHAPTER 10KUNOT-NOONG tinitigan ako ni Arken dahil sa naging reaksiyon sa alok niya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Bakit kami titira sa iisang bahay kung hindi naman kami mag-asawa? Nandito siya sa buhay ko dahil kay Eli at nakapasok ako sa kanyang buhay dahil nanay ako ng anak niya. Hanggang doon lang kami at hindi na hihigit pa roon."Arken, hindi ganoon kadali ‘yon," pilit kong pinapaintindi kung ano ang nasa isip ko."Bakit? May anak naman tayo. May karapatan tayong magsama dahil nandiyan si Eli. He needs a family, a normal one," suhestiyon niya."Pero hindi tayo mag-asawa na kailangang magsama sa iisang bobong," sa wakas ay nasabi ko na rin ang aking punto."Then let's get married," simpleng sagot niya."What? Hindi pwedeng basta na lang tayong magpakasal at magsama. Of course magtataka sila. Worst ang sariling pamilya pa natin ang hindi papayag. We barely know each other. Ngayon lang tayo nagkaharap kung kailan malaki na an

    Last Updated : 2021-10-04
  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 11

    CHAPTER 11MABILIS dumaan ang mga araw at family day na nina Eli. Naiilang ako dahil nasa amin ang atensiyon ng lahat. Ngayon lang nila nakitang may iba kaming kasama at lalaki pa, hindi lang basta kung sinong lalaki kung hindi AY si Arken Fernandez. Hitsura pa lang niya’y nakakaagaw na ng atensiyon lalo pa ngayon na nasa bisig niya si Eli."Pwede mo naman siyang ibaba," mahinang bulong ko."No need. Mas gusto kong kinakarga siya." May ngiti sa kanyang labi."Asawa mo pala si Mr. Fernandez?" bulong ng aking katabi, nanay ng kaklase ni Eli.“Hi-hindi," nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang set up namin."Madalas ko siyang makita na pumupunta sa inyo. So totoo ngang siya ang tatay ni Eli? Gaya nang usap-usapan ng mga guro dito sa school? Kalat ang balitang ang swerte raw ang eskwelahan natin dahil dito nag-aaral ang anak ni Mr. Fernandez,” sabat ng isa pang nanay."Ano bang nangyari sa inyo? Bakit

    Last Updated : 2021-10-07

Latest chapter

  • CLUMSY (Tagalog)   EPILOGUE

    "YOU MAY KISS THE BRIDE" Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat. Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib. Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken. Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya. "Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito. "Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa ng

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 46

    CHAPTER 46 (ARKEN’S POV 2) Akala ko ay tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan. "Arken, I want you back. I still love you and I hope iyon din ang nararamdaman mo," harap-harapan niyang pag-amin. "Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kaniya ang reyalidad. Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit. "I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa 'yo," isa na naman sa mga banta niya. "I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong maga

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 45

    CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 44

    CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 43

    CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 42

    CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 41

    CHAPTER 41ISANG linggo pagkatapos ng school play ni Eli ay naghahanda na naman si Arken para sa dadaluhang meeting nito sa Singapore. Wala na yata itong pahinga pero hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo sa kaliwa't kanang trabaho."Na-double check mo na ba ang mga gamit na dadalhin doon? Baka may nakalimutan ka? Mga importanteng dokumento ng negosyo ninyo?" tanong ko habang isinasarado na nito ang maleta."Wala na. Saka meet up with some investors lang naman ang gagawin namin and presentations for the future projects.""Mga ilang araw ka kaya roon? Aabutin ba ng linggo?" I sound like a clingy wife."Depende. May target kasi kami sa mai-invite na mga investors or any partnership under our family businesses kaya wala talagang fix date kung kailan ang balik ko. May ilang mga businessmen na kasabay ko, may ibang sa mga susunod pa na araw kaya hanggang may interesado sa mga presentations ay papaunlakan namin,” paliwanag nito.Tumango ako na nakakunot ang noo. Ilang oras kaya tumata

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 40

    CHAPTER 40HALOS hindi ako humihinga habang hinihintay ang magiging sagot ni Arken. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon."Really?" namamangha nitong sabi, maya-maya lang. May malaking ngiti ang mukha nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumango ako bilang sagot na mas lalong nagpasaya sa kanya."Thank you so much, Pam!" bulalas nito. Tuluyan na niya akong nilapitan saka niyakap ng sobrang higpit. Hindi pa nakontento’t hinalikan pa ako nito sa pisngi at noo na ikinagulat ko. Akmang magsasalita pa sana sako nang makarinig ng isang pagtikhim. Sabay kaming napalingon at bumungad ang mga mukha nina Gieselle, Jela at Vanessa at hindi na ako magtatanong kung sino ang may-ari ng pagtikhim na ‘yon. Parang napapaso akong bahagyang lumayo mula sa kaharap at inayos ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Mainit ang aking pakiramdam, lalong lalo na ang pisngi."So anong mayroon dito?" nakataas-kila

  • CLUMSY (Tagalog)   KABANATA 39

    CHAPTER 39MAY iniabot si Eli sa akin pagdating nito galing ng eskwelahan. Invitation ito para sa kanilang school play."Mama, I will be the prince sa play na 'yan," nagmamalaki nitong saad."Really? Wow, ang galing naman ng anak ko!" puri ko saka pinupog siya ng halik."Mama, don't do it. Hindi na ako baby," reklamo nito at pinunasan pa ang mukha."Ang arte naman ng baby boy ko. Kahit kailan, ikaw pa rin ang baby ko," pang-aasar ko pa sa kanya."Mama, hindi na po ako baby. Magiging kuya na nga ako," maktol nito.Niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Naalala ko ang mga panahong kaming dalawa lang, noong wala pang Arken na dumating."Mama, pupunta naman si Papa sa play, 'di po ba?" maya-maya ay tanong nito."Oo naman. Ipapaalam natin sa kanya ang tungkol sa school play mo at tiyak na pupunta 'yon," paninigurado ko."Mama, bakit minsan na lang po si Papa pumupunta rito? Napapansin ko rin po na hindi na siya natutulog

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status