CHAPTER 2
PARANG nananaginip ako. May nararamdaman akong haplos at halik mula sa mukha pababa sa leeg. Mainit ang palad na humahawak sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Tila idinuduyan ang aking pakiramdam. Sana ay hindi pa ako magising dahil maganda ang panaginip kong ito. Unti-unti pa akong nahuhulog sa kawalan. Mas lumalalim pa ang aking mahimbing na tulog pati na rin ang mga halik na iginagawad sa akin. Hanggang sa ang lahat ay lumalabo at ipinaubaya ko na sa kasama ang mga mangyayari.
Naalimpungatan ako nang magising. Sumakit ang aking ulo dala ng kalasingan kagabi. Pagod na pagod din ang aking katawan at hindi ko alam kung paano ako nakauwi at kung sino ang nagmaneho ng aking sasakyan. Siguro ay si Giesielle dahil siya lang naman ang masipag at nagtitiyagang ihatid ako pauwi kapag nakainom na. Siya rin siguro ang nagpalit ng suot ko. Dahan-dahan kung tiningnan ang katawan na natatabunan ng makapal na comforter dahil baka ang ginamit ko ng pajama ang ipinasuot niya ulit sa akin.
Kumunot ang aking noo at bahagyang natigilan dahil iba ang kulay ng aking kumot. Last time I check lavender ito pero bakit naging itim?
Mas nabigla pa ako sa nakita dahil wala akong kahit na anong suot. Napabalikwas ako ng bangon na lalong nagpasakit ng aking ulo. May gumalaw sa aking tabi at nilingon ko ito. Makinis na likod ng isang lalaki.
Lalaki! Ibig sabihin ay hindi si Giesielle ang kasama ko kagabi paalis ng bar? At may nangyari sa amin! Pinigilan kong sumigaw dahil baka magising ito at mas lalo lang lalaki ang problema.
Sa hitsura ng hubad na likod ng katabi ko, malamang ay wala rin siyang kahit isang saplot. Nagpalinga-linga ako habang pilit na hinihila ang kumot hanggang sa aking dibdib. Kailangan kong mahanap ang aking mga damit.
‘Oh my god!’ hiyaw ng aking isipan. Gusto kung maiyak dahil ang tanga-tanga ko. I gave up my virginity sa isang one night stand lang. Nag-uunahang nahulog ang aking mga luha at punong-puno ako ng pagsisisi.
Paano na si Steve? Ano ang sasabihin niya kung malaman niyang ganito ang nangyari sa akin habang wala siya? At hindi ko pa kilala ang lalaking nakauna sa akin at ayoko ring kilalanin siya. Paano kung iisang mundo lang ang ginagalawan namin? Paano kung kumalat ang nangyari sa amin? Posible bang kilala niya rin ako? Paano kung tulad ko, siya rin ay hindi alam na kami ang nagkasama kagabi? Paano kung may asawa ang tao? May mga anak?
Mabuti na lang at ako ang unang nagising sa aming dalawa. Dapat bago pa siya bumangon ay wala na ako rito para hindi na namin makaharap ang isa't isa at baka maging big deal pa ito. Isinuot ko ang puting roba na nakasabit sa likod ng silya malapit sa kama saka hinanap ang aking mga damit.
Wala talaga akong maalala sa mga nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay may kahalikan ako sa dance floor at ang iba ay parang panaginip na lang lahat. Sa may pintuan papasok sa kwarto ay nakita ko ang mga undies, sa sala ang aking jeggings at sapatos at sa armrest ng sofa naman nakasabit ang aking crop top.
Lalabas na sana ako pero naalala kong wala pala akong pera. Hindi rin ako nagdala ng bag pagpasok sa bar kagabi dahil iniwan ko ‘yon sa aking sasakyan. Speaking of sasakyan, kailangan kong mahanap ang susi nito dahil hindi ko iyon mabubuksan. Kung hindi ako nagkakamali ay condominium din ang pinagdalahan sa akin ng lalaki basi na rin sa desinyo ng lugar. Sana ay inuwi rin namin dito ang aking sasakyan at nasa parking lot lang ito para hindi na ako mahirapan.
Babalik na sana ako sa kwarto ng lalaki nang maapakan ko ang hinubad niyang pantalon. Kinapa ko ang bulsa nito at nakahinga ng maluwag nang makita ang susi ko.
In fairness ang linis ng unit niya at kahit lalaki ay naka-organized lahat. Mula sa mga libro hanggang sa mga DVD tape ay nakasalansang mabuti. Nakaramdam ako ng uhaw kaya sumaglit na muna ako sa kusina. Pati ang kusina ay malinis din, walang kahit isang naiwang hugasin, tanging ang baso lang na ginamit ko ngayon.
Nakakita ako ng sticky note. Dapat ba akong mag-iwan ng mensahe? Ano naman ang isusulat ko? Saglit akong nag-isip bago ko ito kinuha at ang ballpen sa tabi nito.
'Let's just forget everything.' At idinikit iyon sa pintuan ng ref. Sana lang ay malinaw sa kanya iyon. Kalimutan na lang namin ang nangyari para wala ng problema.
Buong maghapon akong tulala sa sariling condo unit. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang umiinom ng tubig. Sobrang bigat ng aking pakiramdam at inuusig pa ng konsensiya. Mabuti na lang at hindi pa tumatawag si Steve simula kaninang umaga. Nag-message lang siya na magsisimula na sila sa taping at baka gabi na silang matapos. Nagpasalamat ako dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin at kung may lakas ba ako ng loob na magsabi ng totoo.
Sino kaya ang lalaking katabi ko? Tanging likod lang niya ang aking nakita. Paano kung may asawa na iyon? Pumatol ako sa may asawa at naging panandaliang kabit. Pero kung may asawa man siya dapat ay nandoon din ito sa condo niya? Kung may asawa siya dapat sa ibang lugar niya ako dinala? Wala rin naman akong nakita na kahit na anong indikasyon na may kasama siya roong babae.
Tumunog ang aking cellphone dahil sa tawag ni Mother Chelsea kaya napukaw ako mula sa malalim na pag-iisip.
"Hello, Mother?" matamlay kong sagot.
"Hello, Pammy, mabuti naman at gising ka na? Hindi ka ba tinamaan ng hang over?" kumusta niya sa akin.
Hindi ako umimik dahil iba ang nagpapasakit ng aking ulo at hindi ‘yon ang alak na ininom kagabi.
"Anyways, Paloma, next month ay magri-renew ka na ng contract sa akin, naisip ko lang na hindi pa kita nabigyan ng bakasyon baka gusto mong magpahinga o magbakasyon na lang muna simula ngayon at magri-resume ka after mong makapirma ng kontrata ulit?" paliwanag niya.
Seems good. Gusto ko talagang magpahinga total ay may ipon naman ako kaya ibibigay ko na lang muna sa mga baguhan ang ibang opportunities para makapag-out of the country pa ako. Pwede ko ring yayain si Giesielle na mag-beach dahil halos magkasabay lang naman kami sa pagpirma.
"Okay, Mother, ayos na ayos po sa akin," pagpayag ko.
"Noted, Paloma. So see you next month, dear." At may karugtong itong tawa. Para namang ang tagal naming hindi magkikita gayung baka sa susunod na gabi ay magkikita rin naman kami sa bar.
Bar. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Sana lang ay hindi ako makikilala ng lalaking iyon kapag nagkita o nagkaharap kami ulit at sana ay hindi na kami magpang-abot kahit na kailan.
Nawalan na ako ng ganang lumabas kaya hanggang gabi ay nanatili lang ako sa condo, naglinis at naglaba. Wala rin naman akong gagawin kaya inubos ko na lang ang mga gawain dito kaysa tumawag ng maglilinis at pupunta sa laundry shop.
Saktong alas siyete ng gabi nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Giesielle.
"Pam, busy ka?" tanong kaagad niya sa akin.
" Hindi, why?"
"I'm here at the coffee shop malapit sa building ng unit mo, punta ka rito at samahan mo ako."
"Anong ginagawa mo riyan? Meeting someone?" tanong ko. Wala sana akong planong lumabas pero pagbibigyan ko na lang siya. Siguro nga kailangan ko ng kape ngayon.
Hindi na ako nag-abalang magbihis dahil malapit lang naman ang pupuntahan ko. Naka-high waist shorts at sleeveless top ako na pinaresan ng flip flops. Naka-messy bun ang buhok at hinayaang malaglag ang ilang hibla sa gilid ng mukha. Hindi ko na rin ginamit ang aking sasakyan dahil mas magandang maglakad na lang.
Sa labas pa lang ng coffee shop ay nakita ko na kung saan nakaupo si Giesielle . Madaling makita ang mga tao sa loob dahil sa salaming ding-ding na nakapalibot sa establisyimento. Pumasok na ako at umupo sa harapan niya.
"So, anong meron?" deritso kong tanong.
Bahagya pa siyang nagulat dahil sa aking biglaang pagsulpot kaya kunot-noo niya akong tiningnan.
"Trip mo ba talagang gulatin ako?" pagtataray niya na tinawanan ko lang.
"Magbabakasyon ka na pala simula bukas? Ako kasi next week pa. Sabi ni Mother bigyan din daw ng chance ang mga bagong talents niya."
“Yeah, mabuti na rin iyon na may pahinga tayo. Iyong tatanghaliin ka ng gising dahil napasarap ang tulog mo. Hindi ‘yong alarm clock na lang ang laging nagpapagising sa'yo," komento ko remembering those days na halos wala ng pahinga dahil sa larangang pinili namin.
"So what happened last night?" May pilyang ngiti ang kanyang mukha.
Nanlamig ako at biglang nataranta. Hindi ko napaghandaan itong tanong niya at natatakot ako sa magiging takbo ng usapan.
Mabilis kong kinuha ang baso ng tubig at halos kalahati ng laman nito’y ininom ko pero bigo pa ring bawasan ang kaba sa aking dibdib. Sinundan pa niya ng tingin ang paglapag ko sa baso.
"Ano pala ang tungkol kagabi? Uminom tayo as usual after a successful night," kunwaring simpleng sagot ko pero nanginginig ang aking mga daliri.
Pinaningkitan naman niya ako ng mata.
"About the guy na kasayaw mo sa dance floor? Ang hot niyo ngang tingnan." Isinandal niya ang kanyang likod sa silyang inuupoan.
"That was just some random guy na nakilala ko." Iniwas ko ang mata sa kanya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay na tila hindi kumbinsido sa aking sinabi. May tumawag sa kanyang cellphone at nagpaalam munang kakausapin lang saglit ang tumawag. Kung sino man ang tumawag sa kanya ay lubos akong nagpapasalamat dahil iniligtas niya ako mula sa interrogation ng kaibigan.
"Pam, pasensiya na. Ako ang nag-aya sa'yo rito pero ako ang unang mang-iiwan. Nag-iba na kasi kami ng meeting place ng kikitain ko sana. Doon na lang daw sa restaurant na malapit sa work place niya." Nakahinga ako ng maluwang dahil sa kanyang sinabi.
Mas malaki ang aking ngiti habang kinakawayan siya na papalabas ng coffee shop kaysa kanina nang makita siya.
Sana lang ay hindi na niya mabanggit ang tungkol sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung ang lalaking tinutukoy niya at ang lalaking nakatabi ko ay iisa lang ba. Pero natigilan din ako kaagad dahil sa lalaking nakita mula sa labas ng shop.
Ang lalaking nasa kabilang mesa na may mapanuring tingin kagabi sa bar ay may kasama ngayong babae na inalalayan niya pasakay ng sasakyan. Babaero, iyon kaagad ang naisip ko. Sino bang niloloko ko? Ang ganoong hitsura ay magsiseryoso? Napailing na lang ako at pilit iwinaglit ang iba pang naisip.
Ginugol ko ang isang buong linggo sa pagpapahinga, pagsa-shopping at minsan ay sa pagpunta sa salon at spa. Ngayon ko lang naramdaman na sobrang nakapapagod ang buhay ko nitong mga nagdaang taon. I've been a model for almost six years at ngayon pa lang ako nabigyan ng mahaba-habang bakasyon.
Habang kumakain ng cereal bilang agahan ay may natanggap akong text.
'Honey, I'm home. Napa-aga ang uwi namin dahil madali kaming natapos sa taping.' Abot-tainga ang aking ngiti dahil sa mensahe mula kay Steve. Tatawagan ko na sana siya pero may kasunod pa itong text.
'I’ll call you later, hon, matutulog muna ako. Love you.'
Dahil siguro sa sobrang pagod kaya nagpasya itong matulog kaya hahayaan ko na lang, kawawa naman kung iistorbuhin ko pa. Isosorpresa ko na lang siya mamayang gabi. Dadalhan ko ng dinner para hindi na ito mag-abalang magluto at magkaroon pa ng mas mahabang oras para magpahinga.
Ako mismo ang nagluto ng dinner namin. Dahil mahilig si Steve sa gulay kagaya ko kaya nagpasya akong chopsuey na ang ihanda at coleslaw salad. Nag-bake rin ako ng choco moist cake para sa success ng taping niya sa Singapore. At dahil gusto ko siyang sorpresahin kaya sinadya kong huwag ipaalam na pupunta ako sa kanyang tinutuluyan ngayon.
Halos hindi na ako makapaghintay na bumukas ang elevator sa tamang floor kung nasaan ang unit ni Steve, tulad ko ay sa condo rin siya nakatira, magkalayo nga lang ang mga building namin.
Maingat kong inilapag ang dalang paper bag upang kumatok sa kanyang pintuan. Susugurin ko siya ng yakap kung napagbuksan na niya ako dahil sobrang nangulila ako sa kanya. Saka ko na lang sasabihin ang aking nagawang kasalanan dahil hanggang ngayon na kahit ilang araw na ang lumipas ay nagi-guilty pa rin ako.
Tatlong beses na akong kumakatok pero walang nagbubukas. Imposible namang hindi pa siya gising sa mga oras na ito. Kumatok ako ulit pero wala pa ring Steve na nagbubukas sa akin. Sinubukan kong pihitin ang siradura at sa kabutihang palad ay bukas ito. Dahan-dahan ko itong pinihit at pumasok nang walang nililikhang ingay. Baka nakalimutan niya itong i-lock hanggang sa nakatulog na lang siya.
Muntik pa akong madapa nang madulas dahil sa jacket na naapakan, mabuti na lang at nakabalanse pa ako. Pinulot ko ‘yon at maayos na tinupi bago inilagay sa sofa. Bakit ba sa sahig ito nakakalat? Ganoon na ba siya kapagod at hindi na ito umabot sa laundry basket?
Didiretso na sana ako sa kusina para ilagay sa mesa ang pagkaing dala nang makita na naman sa sahig ang pinaghubaran niyang T-shirt. Napailing na lang ako habang pinulot iyon pati ang pantalon niyang nasa lamesita. Maging ang medyas at sapatos ay itinabi ko rin sa shoe rack na malapit sa pinto. Pero hindi ko inaasahan ang sunod kung mapupulot, damit ng babae at undies. Imposible namang sa kanya pa ito. Bumundol ang kaba sa aking dibdib habang sinusuri ang damit at pilit kong inaalala kung may naiwan ba akong gamit dito. Mabilis akong naglakad papunta sa kanyang kwarto at gumuho ang aking mundo sa nakita, si Steve na walang kahit isang saplot ay nakadagan sa babaeng hubo't hubad habang mainit silang naghahalikan. Tumulo ang aking luha at hindi makagalaw.
"Mga walang-hiya!" tanging nasambit ko nang makahugot na ng kaunting lakas sabay bato sa kanila ng damit na hawak ko.
Halata ang gulat at takot sa mukha ni Steve nang tumingin sa akin. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang towel sa may paanang bahagi ng kama at itinakip sa kanyang kahubaran. Doon ko nakita ang mukha ng babae, si Angel na co-model ko. Tama pala ang hinala ni Giesielle na may itinatagong galit para sa akin ang babaeng ito at malamang ay sinadya niya ang pagbuhos ng tubig sa akin. Lumabas ako ng silid pero sinundan ako ni Steve at naabutan sa sala.
"Pam, let's talk," pakiusap niya saka hinawakan ako sa braso para pigilan sa tangkang pag-alis.
"Ano pang dapat nating pag-usapan!" sigaw ko habang umiiyak.
"I'm sorry. Alam kong sa simula pa lang ay mali na ito pero hindi ko lang kasi alam kung paano ko sasabihin ang lahat," mahinang usal niya habang nakayuko.
Tinitigan ko siya habang nakakuyom ang aking palad. Napaka-unreasonable niya, matagal na pala niya akong ginagago pero hindi man lang nakaramdam ng konsensiya.
"I love you, Pam, at alam mo ‘yan. It's just that parang nag-stay na lang tayo roon, pareho nating mahal ang isa’t isa at iyon na lang ang pinanghahawakan natin sa ating relasyon. Parang walang nagbago, walang ibang nangyayari and I got bored so pumasok ako sa isa pang relasyon," paliwanag niyang wala namang kwenta.
"Kaya ba pinagsabay mo kami? Kung na-bored ka sana ay nagsabi ka na lang ng totoo. Kahit masakit at least nagpakatotoo ka." Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. Hindi niya lang ako sinaktan inapakan pa niya ang dignidad ko bilang isang babae.
"I'm sorry dahil para sa ‘kin wala ring thrill ang relasyon natin. Wala nga tayong sexlife kasi you really respect the sanctity of marriage. Kaya naghanap ako ng babaeng pwedeng magpawi ng aking pagka-uhaw," buong pagmamalaki niyang sabi.
Hindi na ako nakatiis kaya ibinato ko sa kanya ang plorerang nakapatong sa mesang malapit sa akin.
"Bwisit ka! Kasalanan ko pa ngayon kung bakit nagawa mong magloko?! Bakit hindi mo na lang aminin na maniac ka kaya ang nasa kokote mo lahat ng mag-boyfriend at girlfriend dapat nagsi-sex! You want freedom? Iyong hindi ka mabo-bored? Magsama kayo ng Angel mo total pareho naman kayong manloloko at malandi." Tumalikod na ako at humakbang palabas ng kanyang unit. Pero bago pa tuluyang makaalis ay may naalala ako kaya hinarap ko siya ulit, "one more thing ikaw lang ang walang sex life dahil ako mayroon no’n. Naibigay ko sa ibang lalaki ang sarili ko kaya patas lang tayo." Bago pa siya makahuma ay tuluyan ko nang nilisan ang lugar niya. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon.
Inubos ko ang aking luha sa loob ng kwarto ng aking unit. Karma ko na ba ito dahil sa pagsuway kay Papa? Naibigay ko sa hindi kilalang lalaki ang aking pagkababae. Niloko ako ng walang-hiya kong boyfriend at ako pa ang sinisisi ng gagong Steve na iyon.
Tama ang lalaking nakasayaw ko sa bar na siguro’y niloloko rin ako ni Steve ng mga oras na iyon. Masaklap ay co-model ko pa ang ipinalit sa akin. Bumuhos ulit ang aking luha at hinayaan ko lang itong maglandas sa magkabilang pisngi, umaasang mabawasan ang sakit at galit na nararamdaman ngayon. Nakonsensiya pa ako dahil may nakasiping akong iba pero ang bwisit na Steve ay ginagago rin pala ako.
Sana bukas ay mag-iba na ang takbo ng aking bukay. Sana ang sakit ay mapapawi na bukas o sa susunod na mga araw.
CHAPTER 3NAGKULONG ako sa condo ng halos isang linggo. Parang ayaw kong tanggapin na nagawa akong lokohin ni Steve. Kahit na may kasalanan ako pero isang gabi lamang iyon at bunga ng kalasingan. Pero ang sa kanya ay talagang desisyon na niya. Pinili niya talagang lokohin ako.Nang malaman ni Gieselle ang nangyari ay nanggagalaiti rin ito sa galit. Gusto niyang sabunutan si Angel o ipatanggal ito kay Mother Chelsea para mawalan ng hanap-buhay pero mas pinili kong huwag na lang gawin iyon. Parang napaka childish naman kung ‘yon ang gagawin namin. Hindi rin naman maganda na ibababa ko ang sarili sa level niya. Kung gusto nilang magsama ni Steve ay hahayaan ko na lang sila. Labis lang talagang nainsulto ang aking pagkababae dahil sa ginawa ni Steve.Tunog ng aking cellphone ang pumutol sa aking pagmumuni-muni."Pam, magbihis ka," bungad kaagad ni Gieselle sa akin."Why? Saan tayo pupunta?" matamlay kong tanong. Lately ay nawawalan ako ng ganang
CHAPTER 4NAGISING ako dahil sa sama ng pakiramdam. Umiikot ang buong paligid pagdilat ng aking mata. Naglalaway ako na parang may masamang nakain kaya tumakbo na kaagad ako sa banyo.Sumakit ang aking sikmura dahil sa pagsusuka. Lahat yata ng kinain ko kahapon ay inilabas ko. Mukhang tama si Gieselle, naimpatso ako sa dami ng kinain.Naghilamos ako at tiningnan ang sariling mukha sa salamin. Ang laki-laki ng aking eyebags at namumutla pa.Sinuklay ko ang buhok at nag-isip kung ano ang pwedeng lutuin ngayong agahan. Dapat ay maging maingat na ako dahil baka maulit ang nangyari kanina.Nagtimpla ako ng kape pero nang inilapit ko na ito sa bibig para higupin ay bumaliktad ulit ang aking sikmura dahil sa amoy nito. Tumakbo na naman ako sa lababo at sumuka ng purong laway saka ibinuhos ang kape sa sink.Ano bang nangyayari sa akin? Wala naman akong lagnat pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Naihilamos ko ang sariling palad dahil sa naisip. Pero
CHAPTER 5 HINDI ko alam ang gagawin. Ang dami kung mga pangamba at higit sa lahat ay nangingibabaw ang takot. Nauubos na ang mga pagkain ko rito sa unit at takot akong lumabas. Usap-usapan ang aking ginawa sa contract signing at kailangan ko pang i-deactivate ang aking social media accounts dahil inulan na ako ng sandamakmak na mga tanong. Ayokong maglabas ng kahit na anong pahayag tungkol dito dahil mahahalungkat lang ang itinatago kong lihim at mas lalo lamang akong pagkakaguluhan. Hindi rin ako tinitigilan ng katatanong ni Gieselle. 'Hindi na ako magri-renew ng contract, Gie,' sagot ko sa kanyang tanong kung ano ng plano ko dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako nagpapakita sa opisina at maging kay Mother Chelsea. 'What? Why? Are you insane?' 'Ayaw na ni Papa. He has plans for me,' simpleng paliwanag ko. 'Akala ko ba lumayo ka na sa kanya at hinayaan ka na niya?' alam kong naiinis siya sa ra
CHAPTER 6 MAHINANG hampas ng alon na nagsisilbing musika sa aking tainga ang sumalubong sa akin bawat umaga. Mag-iisang linggo na rin simula nang ipinahatid ako ni papa rito at hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon. Maliit lang ang isla Mirabel at madalas ay napag-iiwanan ng panahon. Lumuluwas ako sa sentro ng bayan kapag magpapa-check up o ‘di kaya’y bumili ng mga kailangan sa bahay. Hindi ganoon kalaki ang rest house namin dito. Dalawang palapag na may tatlong kwarto sa itaas. Tamang-tama lamang para sa dalawa o tatlong tao. May maliit na maids quarter malapit sa kusina para sa kasambahay na tutuloy rin sa bahay. Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito at marami ring kababaihan ang gumagawa ng tuyo na ipinagbibili naman sa mga kalapit-bayan. May isang pampublikong paaralan ng elementarya at isa rin sa highschool. Ang mga nagkokolehiyo naman ay sa mga mas malalaking bayan sa labas ng isla nag-aaral kaya kadalasan sa mga bata rito’y hindi na nakapagpatuloy sa
CHAPTER 7 SIMULA nang marinig ko ang balita mula kay Jela ay para na akong napapraning at kapag nasa labas ay balisa na ako sa aking paligid. "Eli, don't forget what I told you," paalala ko sa aking anak habang naghahanda ng kanyang baon. Si Jela ang maghahatid sa kanya ngayon sa school dahil marami pa akong kailangang tapusin sa shop. "Opo, Ma," simpleng sagot niya na may seryosong mukha at hindi na ako dapat magtaka kung kanino niya ito namana. Sa ilang beses na nakita ko ang kanyang ama ay hindi ko ito nakitang ngumiti. "Ano ang pinaka-importante roon?" tanong ko sa kanya para masiguradong natatandaan nga niya ang mga bilin ko. "Don't talk to strangers." "Very good. Kiss mo na si mama para hindi ka ma-late sa school," sabi ko bago siya hinatid sa labas kung saan naghihintay si Jela. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang umalis ang traysikel na sinasakyan nilang dalawa. Papasok na sana ako nang mapansin ang nakaparadang itim na kotse, ilang metro lang mula sa bahay. Kahit tinte
CHAPTER 8 AKO ang kusang naghatid kay Eli ngayong umaga sa school. Hindi ako magiging kampanti kung hindi ko mismo makikita na nakaupo na siya sa loob ng classroom habang naghihintay na magsimula ang klase. Nilingon kami ng mga guro pagpasok ng eskwelahan. May pakiramdam akong kami ang pinag-uusapan dahil nang makita ako’y tumigil sila saglit at nagtagal ang tingin sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa classroom ng aking anak pero parang gusto kong tumakbo palayo nang makita kung sino ang lalaking kausap ng guro. Pipihit na sana ako patalikod pero huli na dahil nakita na ako ng guro ni Eli. "Good morning, Miss Paloma. Good morning, Elisha," masayang bati nito. Pilit akong ngumiti pabalik sa babae. Lumingon din si Arken sa amin at mababakas ang saya nito nang dumapo ang paningin sa bata. "Good morning po, Teacher Mae. Good morning, Mr. Fernandez," bati sa kanila ng bata. Nilapitan siya ni Arken at umupo para magpantay ang kanilang mukha saka ibinuka ang kan
CHAPTER 9UMAGA at kagigising pa lang ni Eli pero nagtatanong na ito tungkol kay Arken. Nasanay na ang bata sa kanyang presensiya at ito ang kinatatakutan ko, malapit na kaagad sila sa isa’t isa kahit bago pa lamang nagkakilala.Kahit lumilipad ang aking diwa ay sinubukan kong mag-focus sa pananahi. Iniisip ko kung paano sasabihin sa bata na si Arken ang ama nito, ang matagal na niyang hinahanap at hinihintay. Hindi ako nag-aalala sa pagtanggap ni Eli sa kanyang ama dahil alam kong hindi mahirap iyon. Ang kinatatakutan ko’y kung ano ang magiging tingin sa akin ng sariling anak kung sakaling malaman niya ang totoo na dahil sa ginawa kung pagtakas kaya hindi niya nakilala at nakasama ang ama sa loob ng ilang taon.Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng bawat segundo, oras na pala ng pag-uwi ni Eli. Nagulat na lang ako nang pumasok sila sa shop kaya pasimple kong hinagod ng tingin ang orasang nakasabit sa dingding. Masyado na akong nalulunod gawa ng  
CHAPTER 10KUNOT-NOONG tinitigan ako ni Arken dahil sa naging reaksiyon sa alok niya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Bakit kami titira sa iisang bahay kung hindi naman kami mag-asawa? Nandito siya sa buhay ko dahil kay Eli at nakapasok ako sa kanyang buhay dahil nanay ako ng anak niya. Hanggang doon lang kami at hindi na hihigit pa roon."Arken, hindi ganoon kadali ‘yon," pilit kong pinapaintindi kung ano ang nasa isip ko."Bakit? May anak naman tayo. May karapatan tayong magsama dahil nandiyan si Eli. He needs a family, a normal one," suhestiyon niya."Pero hindi tayo mag-asawa na kailangang magsama sa iisang bobong," sa wakas ay nasabi ko na rin ang aking punto."Then let's get married," simpleng sagot niya."What? Hindi pwedeng basta na lang tayong magpakasal at magsama. Of course magtataka sila. Worst ang sariling pamilya pa natin ang hindi papayag. We barely know each other. Ngayon lang tayo nagkaharap kung kailan malaki na an
"YOU MAY KISS THE BRIDE" Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat. Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib. Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken. Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya. "Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito. "Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa ng
CHAPTER 46(ARKEN’S POV 2)Akala ko’y tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan."Arken, I want you back. I still love you and I hope na ganoon ka rin sa akin," harap-harapan niyang pag-amin."Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kanya ang reyalidad.Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit."I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa'yo," isa na naman sa mga banta niya."I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong magalit. Huwag mo ng ipi
CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay
CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde
CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang
CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso
CHAPTER 41ISANG linggo pagkatapos ng school play ni Eli ay naghahanda na naman si Arken para sa dadaluhang meeting nito sa Singapore. Wala na yata itong pahinga pero hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo sa kaliwa't kanang trabaho."Na-double check mo na ba ang mga gamit na dadalhin doon? Baka may nakalimutan ka? Mga importanteng dokumento ng negosyo ninyo?" tanong ko habang isinasarado na nito ang maleta."Wala na. Saka meet up with some investors lang naman ang gagawin namin and presentations for the future projects.""Mga ilang araw ka kaya roon? Aabutin ba ng linggo?" I sound like a clingy wife."Depende. May target kasi kami sa mai-invite na mga investors or any partnership under our family businesses kaya wala talagang fix date kung kailan ang balik ko. May ilang mga businessmen na kasabay ko, may ibang sa mga susunod pa na araw kaya hanggang may interesado sa mga presentations ay papaunlakan namin,” paliwanag nito.Tumango ako na nakakunot ang noo. Ilang oras kaya tumata
CHAPTER 40HALOS hindi ako humihinga habang hinihintay ang magiging sagot ni Arken. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon."Really?" namamangha nitong sabi, maya-maya lang. May malaking ngiti ang mukha nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumango ako bilang sagot na mas lalong nagpasaya sa kanya."Thank you so much, Pam!" bulalas nito. Tuluyan na niya akong nilapitan saka niyakap ng sobrang higpit. Hindi pa nakontento’t hinalikan pa ako nito sa pisngi at noo na ikinagulat ko. Akmang magsasalita pa sana sako nang makarinig ng isang pagtikhim. Sabay kaming napalingon at bumungad ang mga mukha nina Gieselle, Jela at Vanessa at hindi na ako magtatanong kung sino ang may-ari ng pagtikhim na ‘yon. Parang napapaso akong bahagyang lumayo mula sa kaharap at inayos ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Mainit ang aking pakiramdam, lalong lalo na ang pisngi."So anong mayroon dito?" nakataas-kila
CHAPTER 39MAY iniabot si Eli sa akin pagdating nito galing ng eskwelahan. Invitation ito para sa kanilang school play."Mama, I will be the prince sa play na 'yan," nagmamalaki nitong saad."Really? Wow, ang galing naman ng anak ko!" puri ko saka pinupog siya ng halik."Mama, don't do it. Hindi na ako baby," reklamo nito at pinunasan pa ang mukha."Ang arte naman ng baby boy ko. Kahit kailan, ikaw pa rin ang baby ko," pang-aasar ko pa sa kanya."Mama, hindi na po ako baby. Magiging kuya na nga ako," maktol nito.Niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Naalala ko ang mga panahong kaming dalawa lang, noong wala pang Arken na dumating."Mama, pupunta naman si Papa sa play, 'di po ba?" maya-maya ay tanong nito."Oo naman. Ipapaalam natin sa kanya ang tungkol sa school play mo at tiyak na pupunta 'yon," paninigurado ko."Mama, bakit minsan na lang po si Papa pumupunta rito? Napapansin ko rin po na hindi na siya natutulog