Aika’s POVPag-alis ng trabaho ko nang gabing iyon, gusto ko nang umuwi agad. Mabigat ang katawan ko at parang wala akong lakas na harapin ang gabing ito. Alam kong naghihintay si Tita sa akin at siguradong mapapagalitan na naman ako kapag nahuli ako sa pag-uwi. Mga lintek kasi na ‘yon, ako pang pagod ang inaasahang magluto ng hapunan nila, mga amo talaga. Hindi na ako makahinga sa bahay, parang palagi akong naglalakad sa balat ng apoy.Pero hindi iyon ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sina Gina, Monia, at Vanessa—mga katrabaho kong tila laging may agenda—ang nakatingin sa akin, palapit habang hinihila ako palabas ng gusali.“Aika, tara na! Magsasaya tayo sa bar!” sabi ni Gina, ang pinakamatapang sa tatlo. Wala akong choice. Hindi ako puwedeng tumanggi, lalo na’t alam kong kapag tumanggi ako, mas magiging masama ang trato nila sa akin kinabukasan.Nginitian ko sila, pilit, kahit ang totoo ay nanginginig ang mga tuhod ko.“Ahm... sorry, hindi ako puwede. Kailangan ko nang um
Isaid’s POV Nag-deliver ako ng bulaklak malapit sa building ng Herrera Soverign Defense. Sa tuwing makikita ko 'to, kinikilabutan ako. Alam ko kasing sa loob nito, naroon ang mga nakakatakot na bagay na kapag nakikita o naalala ko, natatakot ako. Mga baril. Mga baril na kapag nakikita ko, para akong sinasaksak sa puso ko. Ah, basta. Hindi ko na dapat tinitignan pa ang building na ito, dapat ay iwasan ko na lang ito. Paalis na ako nang marinih ko ang pamilyar na boses. Napalingon ako sa labas ng building na 'yon nang makita ko si Aika. Pinipilit ata siya ng mga ka-workmate niya na sumama sa kanila. Ang pinagtaka ko lang, bakit parang natatakot si Aika? Bakit parang ayaw niyang sumama? Panay ang pilit nung mga babae, hanggang sa isakay na siya sa sasakyan nung isa. Aalis na dapat ako para tumuloy nang umuwi pero iba ang kutob ko kaya sumakay na agad ako ng taxi para sundan sila. “Sir, pakisundan po ang pulang kotse na 'yon,” sabay turo ko sa sasakyan na sinakyan nila Aika. Halatang
Aika’s POV Hiyang-hiya ako kay Isaid. Hindi ako makapaniwala na nasaksihan niya ang ganoong kaganapan habang binu-bully ako ng mga bruhang katrabaho ko. Pero bakit kaya sumulpot siya roon? Naroon din ba siya sa bar? Nagkataon bang naroon din siya talaga kaya nakita niya kami? O baka sinusundan niya ako? Hindi ko naman siva matanong about sa nangyari kanina kasi nahihiya talaga ako. Kanina pa ako sa harap ng pinto ng bahay simula nang mahatid ako dito ni Isaid. Hindi pa ako makapasok kasi alam kong pati rito sa bahay ay malilintikan ako. Pinakiramdaman ko muna kung gising pa ba sila. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto, pinakinggan ko kung bukas pa ba ang TV sa sala . Pero mukhang tahimik na kaya mukhang nasa kani-kaniyang kuwarto na sila. Pero ang naiisip ko, ano kayang kinain nila para sa hapunan kanina? Piniritong itlog kaya? Pancit canton o baka nagtinapay lang ang mga batugan na 'yun? Nang magkaroon na ako ng lakas ng loob na pumasok sa loob ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Isaid’s POVNakarating ako sa may tapat ng bahay nila Aika dito sa Jaena Street. Madilim pa ang paligid, maliban sa ilang ilaw na nakasindi sa loob ng mga bahay. Doon ako nagkubli sa tabi ng puno ng santol sa harapan ng kanilang bakuran. Tahimik lang ako, pinagmamasdan ang paligid, naghihintay sa pagdating ni Aika. Madalas kasi, ginagabi na siya ng uwi galing sa trabaho, at parang palaging pagod.Ginawa ko ‘to kasi gusto kong malaman ang totoo. Kung hanggang ngayon ba ay pinagmamalupitan pa rin siya ng tiyahin niyang masungit.Hindi nagtagal, nakita kong bumukas ang gate nila. Nakauwi na si Aika, bumaba siya sa taxi na sinakyan niya, bitbit ang maliit na bag at halatang pagod na pagod sa buong araw na pagtatrabaho. Bawat hakbang niya papasok sa bahay, mabigat at parang wala nang lakas. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano kaya ang sitwasyon niya sa loob ng bahay. Alam ko nang palagi siyang inaaway ng mga kasamahan niya sa trabaho. Pero hindi lang doon natatapos ang mga pang-aapi sa ka
Isaid’s POVBumalik siya sa kusina matapos ayusin ang mga damit, halatang pagod na pero ipinagpatuloy pa rin ang pagluluto. Nakatayo siya sa harap ng kalan, binabantayan ang niluluto habang sinasabayan ng ibang gawain—hiniwa ang mga gulay, hinugasan ang mga plato. Nakakaawa siyang tingnan, para bang walang ibang gumagawa sa bahay nila kundi siya.Habang nakatanaw ako sa kanya, naramdaman ko ang pagbigat ng loob ko. Hindi ko kaya. Hindi ako pwedeng manahimik na lang. Kung ganito na ang buhay ni Aika, paano pa siya makakahanap ng oras para sa sarili niya? Para sa mga pangarap niya? Tila lahat ng oras niya, kinukuha ng mga taong nakapaligid sa kanya, walang kahit isang nagpapahalaga sa kanya. Gusto kong lapitan siya, gusto kong tulungan siya, pero natatakot akong baka lalo lang akong makadagdag sa bigat ng dinadala niya.Sinundan ko siya ng tingin habang inilalagay ang pagkain sa mesa. Hindi ko na kaya ang bigat sa dibdib ko. Nakita kong dumating ang kanyang mga kamag-anak, lahat sila na
Isaid’s POVNang makalayo na si Aika, nanatili akong nakatayo sa labas ng Herrera Soverign Defense building. Puno ng mga tanong ang isip ko. Gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyayari sa buhay niya, bakit siya nagpapaapi, pero paano ko naman siya matutulungan kung ayaw niyang mag-open up? Kaya lang, hindi ba tama lang na may magsalita para sa kanya? May magsabi sa kanya na hindi tama ang nangyayari?Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako at sinundan si Aika. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sasabihin ko, pero gusto kong malaman niya na narito ako, handang makinig, handang tumulong.“Aika!” tawag ko ulit, humahangos na akong tumatakbo para abutan siya.Nang lingunin niya ako, kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Siguro nagtataka siya kung bakit ko siya sinusundan, pero may nararamdaman din akong kaba. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang mga sasabihin ko.“Isaid, bakit? May problema ba? Ano ba kasing gusto mong sabihin?” tanong niya, pero kita ko na sa b
Aika’s POVPagod ako. Paulit-ulit na ang ganitong pakiramdam gabi-gabi—yung pagkatapos kong magluto at kumain, maglilinis, at hintayin pang matulog ang mga tao sa bahay bago ko maisipang magpahinga para sa sarili. Sinigurado kong busog si Tita Teofila at si Liya, gaya ng nakasanayan ko. Ang pamilya kong mga amo.Tahimik ang paligid, maririnig ko lang ang mahinang hilik ng dalawa sa kuwarto. Nasa labas na ako ng bahay para huminga ng malalim, at ngayon na lang ulit ako makakalabas ng ganito. Hindi na rin naman ako matutulog agad kasi kinukulit ako ng bestfriend ko. Minsan lang ito at sa tingin ko, kailangan ko ring makita si Aliyah.Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita. Lagi siyang nasa Manila para sa trabaho, pero sa wakas, nahanap namin ang oras na ito para magkita. College pa lang kami, magkakilala na kami ni Aliyah. Classmates, hanggang sa naging best friends. Magkasabay kami umuwi dati kasi magka-street lang kami. Wala nang mas hihigit pa sa mga gabing magkakasama kami at
Isaid’s POVNaghihintay ako sa labas ng Herrera Sovereign Defense building, nagmamasid sa bawat taong lumalabas. Marami na talagang bagong mukha rito na hindi ko na kilala. Sabagay, matagal-tagal na rin nung umalis ako kaya bakit pa ba ako magtataka? Nakatalikod ako, nagpapanggap na abala sa pag-check ng cellphone, ngunit ang totoo, inihahanda ko ang sarili ko para sa plano kong pag-takas sa kanya ngayong araw. Si Aika ‘yun. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang, pero ang alam ko lang, hindi ko na matiis na makita siyang laging pagod at stresado sa impyernong opisina na ito. Gusto ko lang siyang ilayo, kahit isang araw lang. Kahit konting pahinga lang, na hindi iniisip ang trabaho o ang mga problema sa paligid niya.Nagningning ang mga mata ko nang makita ko na siya sa wakas. Suot niya ang paborito niyang itim na blazer, naka-high heels pa rin kahit pagod na ang katawan niya. Nakita kong may kinakausap siyang kasama, pero hindi ko na iyon inintindi. Kailangan ko na siyang ilay
Aika’s POVAkala ko hindi pa rin siya lalabas ng bahay. Mabuti na lang at mukhang okay na ang pakiramdam niya. Sa wakas, pumayag din siyang dumalaw sa apartment ko, kahit na ilang beses ko na siyang niyaya nitong mga nagdaang araw. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng siglang maglalabas. Isa pa, siguro dahil ay holiday bukas, kaya wala siyang rason para tumanggi. Pero sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko ngayong gabi. Masaya ako na maaliwalas na ulit ang mukha niya. Ang pogi na niya ulit at hindi na mukhang stress.“Wow, Aika, mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ah,” sabi ni Isaid habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng masasarap na pagkain—roast chicken, pasta, salad, at tiramisu para sa dessert. Medyo naiilang siya, halatang hindi sanay sa ganitong setup. Paano kasi, dati puro kung ano-ano lang pagkain ang nahahanda ko sa kaniya.Ngumiti ako, tinitigan ang mukha niyang tila ba laging clueless pero nakakaakit pa rin naman. “Siyempre naman, specia
Aika’s POV“Late na naman ako,” bulong ko sa sarili habang mabilis na naglalakad sa gilid ng daan. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayong araw, napuyat ako kagabi dahil sa paggawa ko ng graham, mamaya kasi ay daldahan ko ng ganoon si Isaid.Ngayon na lang ako papasok ulit kasi dalawang araw akong absent dahil sumakit ang tiyan ko, at ngayon pa lang ako muling makakapasok. Mahirap na, baka masabihan pa akong tamad sa opisina.Papunta na ako sa sakayan ng jeep nang biglang may tumigil na kotseng kulay itim sa harapan ko. Agad bumaba ang bintana, at sumungaw ang mukha ni Ma’am Dolores. Pagkakita ko pa lang sa mukha niya, alam kong delubyo na agad ang mangyayari. “Aika! Get in!” utos niya agad.Natigilan ako. “Po?” tanong ko kahit naintindihan ko naman ang sinabi niya.“I said, get in the car! Now!” Malamig ang tono ng boses niya at parang may halong utos na hindi puwedeng tanggihan. Feeling amo na naman itong si Ma’am Dolores.Wala akong nagawa kundi sundin na lang siya. Binuksan ko ang pint
Isaid’s POVAng malamig na hangin ng gabi ay parang tumutusok sa balat ko, pero hindi nito kayang pigilan ang pag-alab ng lagnat sa katawan ko. Ilang araw na akong ganito—nakahiga lang sa kama, nakapulupot sa makapal na kumot, pero walang kahit anong ginhawa. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang eksena sa isip ko.Ang lalaking holdaper.Ang baril.At ang bangungot na palaging sumusunod: ang huling beses kong nakita ang mukha ni Mama.Kahit anong gawin ko, hindi mawala ang imahe ng baril na nakatutok sa akin. Napapanaginipan ko ito gabi-gabi. Parang paulit-ulit akong ikinukulong ng mga alaala ng takot, habang ang tunog ng baril ay parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko.Ngunit mas masakit ang alaala ni Mama.Bata pa ako noon pero hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari sa kaniya. Kung bakit naging takot na ako sa baril kahit sa pagtanda ko ay dahil doon o iyon ang pumatay sa mama ko.Hindi ako makapasok sa flower shopko. Hindi ko rin kayang lumabas ng bahay. A
Aika’s POVPagpasok ko sa opisina, agad kong naramdaman ang tensyon sa paligid. Halos hindi pa ako nakakapuwesto sa cubicle ko nang biglang lumitaw si Ma’am Dolores mula sa kung saan. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko, tila hindi na ako bibigyan ng pagkakataong tumanggi.“Aika, come with me. I need you,” utos niya, hindi man lang ako binigyan ng paliwanag kung bakit. Napansin ko ang nangingintab niyang bag na parang bagong bili, kasabay ng mga mamahalin niyang sapatos na tila sumisigaw ng awtoridad. Wala akong nagawa kundi sumunod habang nagtataka kung ano na naman ang pakay niya sa akin.Habang naglalakad kami palabas ng opisina, tinanong ko siya, “Ma’am, saan po tayo pupunta? May meeting po ba?”“No. I need your help at my house. I’m preparing dinner for some guests tonight, and I can’t do it alone,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.Halos mapataas ang kilay ko sa narinig ko. Sa isip-isip ko, Bakit ako? Hindi ba’t staff lang ako sa office? Hindi ko naman trabaho ang maging p
Isaid POVNasa flower shop ako ngayon, nag-aayos ng mga bagong dating na bulaklak. Nakangiti akong sumasayaw-sayaw pa habang inaayos ang mga ito sa kanilang mga paso. Hindi ko maalis ang saya sa dibdib ko, lalo na kapag naaalala ko si Aika. Nagiging maayos na kami; mas bukas na siya sa akin, at mas lumalalim ang samahan namin. Masaya ako sa pag-usad ng panliligaw ko—unti-unti kong nararamdaman na may pag-asa talaga.“Ang aga palang pero marami na tayong kita, mukhang ang daming event na nagaganap ngayon,” masayang sabi ng tauhan kong si Yoyo.“Oo nga, kung tutuusin, puwede na tayong magsara mamayang hapon,” biro ko pa sa kaniya.Habang nilalagay ko ang mga rosas sa harapan ng shop, narinig ko ang tunog ng pinto. Inisip kong isa lang sa mga regular kong customer ito kaya nakangiti akong bumaling sa direksyon ng pinto, pero napako ako sa kinatatayuan ko. Pumasok ang isang lalaki, armado at may hawak na baril.Parang huminto ang mundo ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, bigla akong
Aika’s POVPagdating ko sa bahay, inaasahan kong gising na siya pero hindi pa pala. Nakahiga pa rin siya sa kabilang gilid ng kama, tahimik na humihinga nang malalim, at kitang-kita ko ang maaliwalas na itsura niya kahit bahagyang natatakpan ang mukha niya ng kumot. Napangiti ako. Alam kong pagod siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw, kaya gusto ko siyang sorpresahin ngayong umaga. Hindi man kami madalas magkasabay sa mga oras ng pagkain pero, sa araw na ito, nais kong siguraduhin na masaya siyang magising.Tahimik akong tumungo sa kusina at binuksan ang kabinet. Nilagay ko na muna doon ang mga pinamili ko. Pagkatapos ko, tiningnan ko ang mga puwedeng iluto, at napangiti nang makita ang mga sangkap para sa omelette—may itlog, ham, at keso. Alam kong masarap iyon tuwing umaga, kaya wala nang pagdadalawang-isip na agad akong magluto. Sinarado ko ang kabinet at sinimulan ang paghahanda.Hinugasan ko muna ang mga kamatis at sibuyas, at habang hinihiwa ko ito nang pino, napaisip ako ku
Aika’s POVUmaga pa lang, gising na ako. Nakakatuwang tignan si Isaid dahil dinantayan pa ako sa paa, ang bigat kaya isa rin ‘yun sa dahilan kung bakit napaaga ang gising ko.Hindi ako sanay nang ganito kaagang magising, pero alam kong kailangan kong pumunta sa grocery pala.Naiwan si Isaid sa apartment, tulog na tulog pa, at wala na rin kasi akong halos pagkain doon. Ayoko namang makita niya na wala akong maihahandang almusal. Kaya kahit medyo mabigat ang mata ko, pinilit kong bumangon at mag-ayos nang tahimik.Ang lamig ng hangin kapag umagang-umaga, hindi na ako nag-tricycle, sinubukan kong mag-jogging papunta ng palengke para na rin may exercise ako.Pagdating ko sa grocery, nagmamadali akong kumuha ng mga kailangan: gulay, itlog, tinapay, kape—mga simpleng bagay lang, pero sapat na para may pagkain akong mahanda ngayon umaga. Habang pinupuno ko ang supot, hindi ko maiwasang mag-isip na sana, isang araw, sa supermarket na ako namimili, ‘yung tipong pang-isang buwan na ‘yung stock.
Aika’s POVPanay ang tingin ko sa bintana, sinisilip kung nasa labas o nasa paligid lang ba ang dalawang bruha.“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Isaid, na may kasamang tingin na may halong pag-aalala at pagsusuri sa mukha ko. Ramdam kong handa siyang kumilos kahit ano pa ang mangyari, kaya lalo akong napalagay.“Oo naman, pero ewan, hindi ko pa rin lubos maisip bakit nandito sila kanina, aawayin o aapihin pa rin ba nila ako kahit lumayo na ako, siguro, oo, kasi malaki akong kawalan sa kanila,” sabi ko, pilit pinipilit ngumiti. “ayaw nila akong tantanan, mga buwisit talaga ang mga ‘yon.”Tumango si Isaid, ngunit nanatili ang malalim niyang tingin sa akin, para bang may nais pa siyang itanong o sabihing hindi niya masabi. Naupo ako sa sofa at kinuha ang unan para mayakap, sinusubukang mag-focus sa kahit ano pang bagay. Tahimik na naupo si Isaid sa tabi ko. May katahimikan sa pagitan namin na hindi nakakailang; sa halip, nagbibigay iyon ng kapayapaan. Ramdam ko ang pag-aalaga niya—par
Aika’s POVPagkababa ko ng kotse ni Isaid, agad akong nilamon ng malamig na simoy ng hangin sa aming kalye. Malapit na talaga ang pasko. Parang hindi ko ramdam ang pagod ko kanina sa trabaho dahil sa dinner date na hinanda ni Isaid, tapos may pabulaklak pa siya, ngunit kakaibang kaba ang dumapo sa dibdib ko nang mapansin ko ang dalawang pamilyar na tao sa ‘di kalayuan. Nakasilip mula sa liwanag ng poste, nakatayo sila roon sa harap ng apartment ko—sina Tita Teofila at si Liya, ang pinsan kong matagal ko nang iniiwasan.Napaatras ako nang bahagya, nagtatago sa likod ng malaking puno, pinilit na pigilan ang kabog ng puso ko. Ano na naman kaya ang kailangan nila? Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan ko, pero naroon pa rin ang takot sa isipan ko. Alam kong may dahilan ang pagbisita nila, at hindi iyon mabuting balita para sa akin.Hindi kaya mga gutom na? Hindi kaya wala na silang pera at manghihingi na sa akin. O, baka pipilitin na nila akong umuwi para alipinin ulit. No way, h