Home / Romance / How To Catch A Billionare / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of How To Catch A Billionare: Chapter 31 - Chapter 40

57 Chapters

0030: Goodbye mga bruha

Aika’s POVKinabukasan, bumangon ako ng maaga—mas maaga pa sa karaniwan. Alam kong ito na ang huling araw ko sa bahay ni Tita Teofila at Liya. Pakiramdam ko, iba ang hangin ngayon. Mas magaan at mas malinaw. Pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang kabahan kahit pa paano.Hinanda ko ang huling batch ng mga gamit ko—ilang damit, mga gamit sa banyo at personal kong mga alaala tulad ng litrato ni nanay at tatay. Hindi na ako babalik dito, kaya kailangan ko nang dalhin lahat. Isa-isa kong inilagay ang mga ito sa malaking backpack ko.Pagbaba ko ng hagdan, naabutan kong nag-aalmusal si tita Teofila at Liya, pero parang walang kakaiba. Wala silang kaalam-alam na ito na ang huling araw ko dito. At iyann na rin ang huling beses na ipagluluto ko sila ng almusal.“Uy, bakit ang laki na naman ng bag mo? Parang lagi ka na lang pumapasok sa trabaho na may malaking bag? ‘Yung totoo, ikaw ba si doraemon?” napansin ni Liya habang tumitig sa akin. Napatigil ako saglit, pero ngumiti ako para magmukha
Read more

0031: Goodbye mga bruha II

Aika’s POVHabang nakaupo ako sa sofa, binuksan ko ang bintana at tumingin sa labas. Gabi na, at maliwanag ang buwan. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang view mula rito. Parang simbolo ng bagong simula.Pero kahit anong gaan ng loob ko, hindi ko maiwasang bumalik sa isip ko ang mga alaala ko sa bahay nina tita Teofila. Hindi lahat ng oras doon ay puro sakit. May mga pagkakataong masaya rin kami—tuwing Pasko, mga family gathering, o simpleng mga kuwentuhan sa gabi. Pero habang tumatagal, lalong lumabo ang mga alaalang iyon sa dami ng pang-aabuso at panlalait nila.Pinilit kong hindi magpakalunod sa emosyon. Mas mabuti nang ganito—malayo ako sa kanila, malaya akong gawin ang gusto ko, at kasama ko ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa akin. Si Aliyah at pati na rin si Isaid. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko magagawa ang hakbang na ‘to.Tumayo ako mula sa sofa at tinungo ang bintana. Sa labas, kita ko ang mga ilaw ng kalsada, mga taong naglalakad, at mga sasakyang dumad
Read more

0032: Biro lang!

Aika’s POVPagkagising ko pa lang kanina, ramdam ko na agad ang kakaibang saya. Hindi dahil may espesyal na okasyon o may pupuntahan ako. Wala. Simple lang. Masaya ako kasi rest day ko ngayon, at ito na ang unang pagkakataon na gagawin ko ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin—sa wakas, sa sarili kong apartment. ‘Yung mag-isa na lang ako sa buhay ko.Pagbukas ko ng mga bintana, pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Tumama sa mukha ko ang sinag ng araw, at sa sandaling iyon, naalala ko ang mga araw na hindi ko magawa ang ganito. Noon, sa bahay ng tiyahin ko, laging may alingasngas, lagi akong tinatawag-tawag kahit walang kabuluhan. Dati, parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Pero ngayon, iba na. Wala nang tumatawag sa akin para lang maglinis ng sahig o utusan akong bumili ng kung anu-ano. Ngayon, ito ang araw ko, para sa sarili ko.Kinuha ko agad ang apron na sinabit ko kahapon sa dingding sa kusina. Handa na akong magluto. Inihaw na manok ang una kong planong gawin. Matag
Read more

0033: Deserve nila

Aika’s POVKanina, nabalitaan ko na hinahanap na raw ako ni Tita Teofila. Ayon sa chismis na nakuha ko mula sa isa kong kapitbahay na mabait sa akin, halos nagkakandarapa na raw si Tita at si Liya sa paghahanap sa akin. Ang akala nila, nawawala na ako, o baka naman may masamang nangyari sa akin. Hindi ko mapigilan ang tawa ko noong marinig ko ‘yun. Sila ba ang nag-aalala? Hah! Dapat lang, pagkatapos ng lahat ng mga ginawa nila sa akin.Halos gutom na raw ang mga ‘yon, at puro tinapay at chichirya na lang ang kinakain nila araw-araw, minsan napipilitan na raw silang magsanla ng alahas at bumibili na lang ng lutong-ulam sa palengke. Nakakatawa sila, kay tanda-tanda na ni Tita Teofila at ng anak niyang si Liya, pero ni magsaing ng kanin, hindi pa magawa. Kahit ata magpirito ng itlog ay hindi sila sanay. Nakakaawa sila ngayong wala na ako kasi talagang mamamatay sila sa gutom.Hindi na rin sila makapaglaba ng mga damit nila, kaya’t natambak na ang mga marurumi nilang saplot. Kahit paglala
Read more

0034: Tiklop

Aika’s POVPalabas na ako ng building ng Herrera Sovereign Defense. Mahigpit kong hawak ang shoulder bag habang nagmamadali akong lumakad papunta sa labasan. Pakiramdam ko, makakahinga na ako ng maluwag matapos ang buong araw na iyon na puro na namang pangungutya ng mga co-worker ko. Pagod ako, at ang tanging gusto ko na lang ay makauwi sa apartment at magpahinga. Pero bago pa man ako makalabas ng main entrance, biglang may sumugod sa akin.Si Liya.Ang pinsan kong masama ang tingin, parang tigre na handang lumapa. Hindi ko pa man napoproseso ang nangyayari, naramdaman ko na lang ang malakas na hatak sa buhok ko. Napasigaw ako sa sakit.“Ano ba!” halos pasigaw kong tanong, pero hindi siya natinag. Hinawakan niya ng mas mahigpit ang buhok ko, pinagsasabunutan ako ng buong galit.“Ang kapal ng mukha mo, Aika!” Ngalit na ngalit ang boses niya. “Ilang araw ka nang hindi umuuwi! Gutom na gutom na kami! Wala na rin kaming pera. Tambak na ang labahin!” Tila wala siyang pakialam sa paligid. H
Read more

0035: Mauuwi sa totohanan

Aika’s POVPagdating ni Isaid, halos tumigil ang mundo ko. Mula sa pinto, tumingin siya sa akin at ngumiti, at doon ko lang naramdaman kung gaano ako kasabik na makita siyang muli. Pero bago ko pa man maisip ang susunod kong gagawin, nagsalita si Aliyah.“Ah… Aika,” sinimangutan niya ako at saka tumingin kay Isaid, “may emergency lang pala sa bahay. Kailangan ko nang umuwi agad.”Nagulat ako. “Biglaan naman yata? Puwede ba kitang ihatid?”Umiling siya at ngumiti. “Okay lang ako, kaya ko ‘to. Kailangan ko lang talagang pumunta agad.” Tumango siya kay Isaid. “Aika, bahala ka na dito, ha?” At bago pa ako makapag-react, nakalabas na siya ng pinto, kasunod ang tunog ng pabagsak niyang takong pababa ng hagdan.Nagkatitigan kami ni Isaid, parehong naguguluhan sa biglaang pag-alis ni Aliyah, pero may halong kilig din sa kaniyang mga mata.“Uh, ayos ka lang ba?” tanong niya habang nakakunot ang noo.Ngumiti ako nang alanganin at binigyan siya ng pa simpleng sulyap. “Mukhang sinadya tayong iwan
Read more

0036: Mauuwi sa totohanan II

Isaid’s POVNagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa kakaibang pakiramdam ng pagkaihi. Pakiramdam ko, kasalanan ito ng napakaraming tagay na ginawa namin ni Aika kanina. Napakabilis ng mga nangyari—mula sa usapan hanggang sa pagtatawanan, at ngayon, heto ako, pilit na itinatayo ang sarili ko mula sa sofa.“Okay lang ‘to, Isaid,” bulong ko sa sarili ko, hawak-hawak ang gilid ng sofa habang tinutulungan ang sarili ko na makabangon. “Kaya mo ‘to. Malapit lang naman ang banyo.”Kahit medyo nahihilo at malakas ang kabog ng dibdib ko, nakarating din ako sa banyo. Madilim sa loob kaya kinapa ko pa ang switch on ng ilaw. Napangiti ako kasi malinis at mabango ang banyo ni Aika. Iba talaga ang kasipagan niya. Suwerte ang lalaking mapapangasawa niya.Pagkatapos gawin ang dapat gawin, dumiretso na ako palabas, pero sa hindi ko alam na dahilan, dumiretso ang mga paa ko papunta sa kuwarto ni Aika, imbes na bumalik sa sala. Siguro dahil na rin sa pagod at epekto ng alak, wala na akong kontrol sa
Read more

0037: Eh, ano kaya kung maging totoo?

Aika’s POVNaisip ko, bakit hindi ko muna siya ipagluto ng almusal? Mukhang mahaba-habang hangover recovery ito para sa kanya. Kaya’t nagpunta ako sa kusina, hinanap ang mga natitirang ingredients sa ref. Mukhang sapat na ang itlog, sinangag, at konting hotdog.Habang nagluluto, naisip ko ring gumawa ng inumin para sa hangover niya. Kape kaya? O baka mas mapait, baka lemon water na lang. Tulad niya, may moments na matapang ang lasa pero nakakagising naman sa sistema. Ayun! Lemon water ang naisip ko.Sa gitna ng pagbabalat ko ng lemon, narinig kong nagising na siya ulit. Pag-alis niya kasi kanina sa kuwarto ko, tumuloy siya sa sala at natulog ulit sa sofa.“Aika…” paos niyang tawag mula sa sofa.“Ano yun, sleepyhead? Feeling better ka na ba?” tanong ko habang binubuhusan ng mainit na tubig ang lemon.“Hindi pa... parang nilulubog pa rin ako sa higaan,” sabi niya, sabay hawak sa noo niya. Ang cute niyang tingnan sa ganitong itsura, ‘yung parang kailangan ng kalinga.“Sige lang, relax ka
Read more

0038: Eh, ano kaya kung maging totoo II

Aika’s POVHabang nagliligpit ako ng mga pinaglutuan, napansin kong tapos nang kumain si Isaid. Nakangiti lang siya habang hinihigop ang lemon water na ginawa ko kanina. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o talagang may kakaiba sa paraan ng tingin niya sa akin ngayon.“Aika, saan mo natutunan ‘tong lemon water magic mo? Parang ang bilis ko yatang gumaling,” sabi niya sabay higop ulit ng inumin niya.“Naku, hindi ko ‘yan sekreto, ‘no! Internet lang ang katapat niyan. Akala mo naman kung sino akong doktor dito,” biro ko habang tumatawa. Pero totoo, natutuwa ako na gumagaan na ang pakiramdam niya. “At saka... natural lang siguro na bumait ako ngayon kasi kauna-unahan kang naging bisita ko rito.”“Memorable pala ‘to. Ako ang unang bisita mo, nakakatuwa naman, parang gusto kong magpamisa sa simbahan,” pabirong sabi niya habang tumatawa. “Sige, paano ba ako makakabawi sa’yo?”Tiningnan ko siya nang seryoso pero may halong pag-aasar. “Simple lang. Kapag lasing ka ulit, sa’yo ako titir
Read more

0039: Eh, ano kaya kung maging totoo III

Aika’s POVTumitig ako sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko iniiwas ang tingin ko. Parang may kung anong lakas na nagmumula sa pagkakahawak niya sa braso ko—parang sinasabing okay lang. Sige lang, sabihin mo na.Nakangiti siya, pero alam kong kabado rin. Ang tanging naririnig ko lang ay tibok ng puso ko, at pakiramdam ko, pati buong mundo tumahimik para bigyang-daan ‘yung moment na ‘to.“Kasi naman, Isaid… ang kulit mo kasi!” sabi ko, pero kasabay ng pilya kong ngiti, ramdam kong unti-unti na ring bumubukas ang puso ko.“Ah, so ako pa pala ang makulit, ha?” sabay kindat niya. Tumawa lang ako, at sa hindi ko maintindihang dahilan, natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalapit din sa kanya.“Makulit ka kasi. Bawat galaw, may pa-pogi points ka pa,” sagot ko habang nakangiti, pero hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o kinikilig, dahil parang nanginginig nang kaunti ang mga kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko.Tanga rin ako. Plano kong akitin at sungkitin ang puso
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status