Aika’s POVTumitig ako sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko iniiwas ang tingin ko. Parang may kung anong lakas na nagmumula sa pagkakahawak niya sa braso ko—parang sinasabing okay lang. Sige lang, sabihin mo na.Nakangiti siya, pero alam kong kabado rin. Ang tanging naririnig ko lang ay tibok ng puso ko, at pakiramdam ko, pati buong mundo tumahimik para bigyang-daan ‘yung moment na ‘to.“Kasi naman, Isaid… ang kulit mo kasi!” sabi ko, pero kasabay ng pilya kong ngiti, ramdam kong unti-unti na ring bumubukas ang puso ko.“Ah, so ako pa pala ang makulit, ha?” sabay kindat niya. Tumawa lang ako, at sa hindi ko maintindihang dahilan, natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalapit din sa kanya.“Makulit ka kasi. Bawat galaw, may pa-pogi points ka pa,” sagot ko habang nakangiti, pero hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o kinikilig, dahil parang nanginginig nang kaunti ang mga kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko.Tanga rin ako. Plano kong akitin at sungkitin ang puso
Aika’s POVKinaumagahan, nagising ako sa tunog ng malakas na ulan. Akala ko ay umaambon lang kagabi, pero ngayong umaga, parang bumuhos lahat ng tubig mula sa langit. Bumalik ako sa kama at nakinig sa patak ng ulan na parang walang balak huminto. Sinilip ko ang phone ko at may mensahe sa group chat ng mga katrabaho ko: “Suspended ang pasok ngayong araw. Ingat sa bagyo, mga kaibigan!”Napabuntong-hininga ako, may halong saya dahil hindi na kailangang lumabas, pero kaunting pangamba rin dahil sa lakas ng ulan at hangin. Muli akong humiga, iniisip na sulit ang mahabang tulog sa buong araw. Ngunit maya maya, naramdaman ko ang sigaw ng sikmura ko—nagugutom na pala ako.Bumangon ako at nagpunta sa kusina. Kumuha ako ng kawali at hinanda ang mga rekado para sa almusal. Pagbukas ko ng lagayan ng bigas, napasigaw ako sa gulat—walang-wala na pala akong natitirang bigas. Nalimutan ko ngang bumili kahapon dahil sa dami ng bonding namin ni Isaid. Ang bundol kasi na iyon, nag-stay pa dito sa apartm
Aika’s POVNang makarating kami ni Isaid sa evacuation center, agad na naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Doon sa lumang gusali ng elementary school, makikita mo ang mga taong nagtipon sa loob, basang-basa at nanlalamig. Kanya-kanya silang hanap ng puwesto para makapagpahinga kahit saglit mula sa matinding ulan at baha sa labas. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting ginhawa dahil kasama ko si Isaid.Hinila ako ni Isaid papunta sa isang sulok para maghanap ng puwesto, nang bigla kong mapansin ang isang pamilyar na boses na nagpapalibot sa paligid—isang boses na ayaw na ayaw kong marinig. Napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang aking tita at pinsan. Kasalukuyan silang nakaupo sa may gilid, abala sa paghahanap ng mas komportableng lugar. Nang makita nila ako, ang mga mata ng tita ko ay nagningning sa pagkabigla at tila may bakas pa ng hindi pagkatuwa.“Aika! Dito lang pala kita mahahanap!” Agad na sabi ni tita na galit agad. S
Isaid’s POVNagising ako sa biglang lamig na naramdaman ko sa tabi ko. Nang binuksan ko ang mga mata ko, agad kong napansin si Aika, nakayakap sa sarili habang bahagyang nanginginig. Himbing na himbing siya, pero ramdam ko ang init ng kaniyang balat kahit hindi ko pa siya hinahawakan.Ay shit, nilagnat pala siya.Dali-dali akong tumayo. Hindi ko na kailangan pang tanungin o pagdudahan. Siguradong epekto ito ng pagpapaulan kanina, noong lumikas kami sa baha kanina. Pareho kaming naulanan, pero siya ang tila nakasagap ng sakit.Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan siya. Parang gusto kong sakupin lahat ng lamig na nararamdaman niya, kunin ang sakit na nararanasan niya. Nakapikit pa rin si Aika, tila walang kamalay-malay sa mundo, at lalo akong naantig habang pinagmamasdan ko ang mahinang kilos ng kanyang paghinga. Sa totoo lang, bihira lang kaming magkaroon ng ganitong pagkakataon, ‘yung makasama siya sa ganitong oras, tahimik at walang ingay ng mundo. Ngunit masakit din sa akin
Isaid’s POVTahimik kong pinagmamasdan si Aika habang nakayakap ako sa kanya. Parang hindi ko kayang bumitaw kahit pa inaantok na rin ako. Hindi ko na lang iniisip ang oras; gusto ko lang siguraduhing maayos ang pakiramdam niya at nandito ako kapag kailangan niya ako.Maya maya, naramdaman kong humihina ang panginginig niya. Ang lagnat niya, unti-unti nang bumababa. Napangiti ako, tahimik na nagpapasalamat na kahit papaano, mas maginhawa na ang nararamdaman niya. Pero hindi pa rin ako nakampante. Alam kong kailangan niya ng sapat na pahinga at pag-aalaga.Pumunta ako sa kusina at naghanap ng mga sangkap para makapagluto ng sopas na makakagaan sa kanya. Mabuti na lang at may natirang mga gulay at konting manok sa ref–sakto na rin para gawing sabaw. Habang hinihiwa ko ang mga gulay at niluluto ang manok, hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Para sa akin, bawat simpleng galaw ay may espesyal na kahulugan dahil ginagawa ko ito para sa kanya.Makalipas ang ilang minuto, tumutulo na
Aika’s POVNagising ako sa malambot at mainit na yakap ni Isaid. Parang naguguluhan ang isip ko, pero sa sandaling naramdaman kong nakayakap siya sa akin nang mahigpit, hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ako sanay na may kasama sa pagtulog, lalo pa’t may isang taong nakayakap sa akin ng ganito kahigpit at mainit. Pero, sa halip na matakot o mahiya, ang unang pumasok sa isip ko ay kung gaano siya ka-cute matulog. Halos hindi gumagalaw ang mukha niya, pero may bahagyang ngiti sa labi niya, na parang panatag siya.Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko para masilayan siya nang mabuti. Nakakatuwa lang talaga. Sino bang mag-aakala na ang matikas at maalagang si Isaid ay mukhang bata pala kapag natutulog? Parang gusto ko na lang manatiling ganito habang nakatitig sa kanya, hindi pa ako handang bumangon o kahit kumilos. Gusto ko lang sulitin ang sandaling ito, ‘yung pakiramdam na may yumayakap sa ’yo at parang hindi ka papakawalan.Sa totoo lang, natutunaw ang puso ko. Natatandaan ko pa an
Aika’s POVKahit ayaw ko pa talagang bumalik sa trabaho, napilitan akong umalis ng flower farm nila Isaid ngayong umaga. Maganda na kasi ang panahon, at matapos ang ilang araw ng pagbuhos ng ulan, wala na akong dahilan para hindi pumasok. Kailangan ring pumasok sa trabaho at baka mawalan ako ng pambayad sa kuryente, tubig at pambili ng mga need sa apartment ko.Ngunit habang naglalakad papunta sa opisina, hindi ko maiwasang maghinayang—ang bango ng mga bulaklak sa farm ni Isaid ay tila nananatili pa rin sa ilong ko, at ang mga ngiti niya habang nagtutulungan kami ay parang pino ang pagkakalukot sa mga damdamin kong gusto sanang manatiling masaya. Pero, gaya nga ng sabi ko, no choice ako. Kailangan ko nang harapin ang araw na ito, gaano man ito kahirap.Pagdating ko sa opisina, agad kong napansin ang mabigat na aura ni Ma’am Dolores. Nakakunot ang kanyang noo, at hindi man lang siya ngumiti o tumango nang pumasok ako. Alam ko na agad ang ibig sabihin nito: may nangyaring hindi maganda.
Aika’s POVHindi ko kayang bumigay. Kailangan kong magpakatatag. Alam kong hindi ako papayag na maapektuhan ng pangmamaliit nila, pero hindi ko rin maiwasang mapaisip—ano nga ba ang nagawa ko para kamuhian nila nang ganito?Lalong-lalo na si Ma’am Dolores, na parang itinuring na akong personal na punching bag niya sa bawat araw na masama ang gising niya.Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa trabaho, sinusubukan ang lahat ng paraan para bilisan ang ginagawa ko. Pero sa tuwing nagmamadali ako, tila lalo namang dumadami ang mga pagkakamali ko. Pagka-klick ko sa send button para i-email kay Ma’am Dolores ang unang batch ng mga dokumentong hinihingi niya, may biglang lumabas na error sa screen. Failed to Send. Napatitig ako, namutla sa kaba.“My god, Aika, why are you taking so long?” Muling dumagundong ang boses ni Ma’am Dolores, kaya napapikit na lang ako sa pagkataranta. “Wala ka bang ibang alam kundi magkamali?” Ang tono niya ay kasinlamig ng bakal, at hindi ko maiwasang makaramdam n
Aika’s POVPagdating ko sa gate ng mansyon ni Don Jacinto Herrera, hindi ko mapigilang mapamangha. Napakalaki ng bahay! Kasing laki ito ng parang isang kastilyong na nakikita ko sa isang fairy tale. Ang malawak na hardin ay puno ng mga bulaklak na parang inayos ng pinakamagaling na landscape artist sa bansa. Sa gitna nito, may fountain na tila ba musika ang lagaslas ng tubig.“Wow,” bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa pinto. “Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman.”Sa isip ko, naisip ko rin si Isaid. Ito pala ang bahay nila. Ganito pala kalaki ang bahay niya. Para siyang prinsipe dito kapag umuwi na siya rito.Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa air conditioning at ang bango ng mga sariwang bulaklak. Ang sahig ay gawa sa marmol na puting-puti, at bawat sulok ng bahay ay puno ng mamahaling muwebles at artwork.“Good evening, Miss,” bati ng isang butler na nakangiti.“Good evening po,” sagot ko habang iniabot ang invitation card. Pinapasok niya a
Aika’s POVPagbukas ko ng pinto ng apartment, parang buong lakas ko na ang naubos sa araw na ito. Parang ang bigat ng katawan ko, bawat hakbang ay may dalang matinding pagod. Hindi ko na maalala kung ilang beses akong sinigawan ni Miss Dolores ngayong araw. At bukod pa doon, ang dami pang trabahong iniwan sa akin na hindi naman dapat sa akin.Hinubad ko ang heels ko sa may pinto at dumiretso sa sofa. Sa wakas, tahimik na rin dito. Walang utos, walang trabaho at walang nang-aabuso. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng bentilador at ang tunog ng aking tiyan na nagsasabing oras na para kumain.Pinilit kong tumayo mula sa sofa at nagtungo sa kusina. Pagbukas ko ng ref, halos tumulo ang luha ko sa kawalan ng laman nito. May natitirang isang pirasong itlog at kalahating bote ng toyo. Ang huling grocery ko ay noong nakaraang linggo pa. Sa sobrang busy, hindi na ako nakakapamili.“Hindi na talaga kaya,” bulong ko sa sarili habang sinasara ang ref.Bumalik ako sa sala at kinu
Aika’s POVNasa mesa ako, abala sa pagta-type ng isang memo na pinagawa ni Mr. Herrera kaninang umaga. Masaya akong naglalakad papunta sa office kanina dahil alam kong may respeto na sa akin ang mga dati kong kaopisina na sina Vanessa, Monica, at Gina, dahil na rin sa takot dahil palagi kong kasama si Jaira.Sa wakas, tapos na ang mga araw ng pang-aalipusta nila sa akin. Ngunit hindi ko alam na mayroon pa nga palang kalaban na naghihintay, isang mas matigas na pader na kailangang tibagin.Si Miss Dolores na isa sa dati na talagang buwisit sa buhay ko.Sa sandaling wala ang CEO sa opisina, nagiging tila siya ang hari’t reyna ng kumpanya. At, para sa kaniya, ako ang personal niyang alipin.“Aika!” sigaw niya mula sa kabilang bahagi ng office.Tumigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. May hawak siyang tasa ng kape na halatang wala nang laman. Napalunok ako. Mukhang may bagong utos na naman ang bruha.“Come here,” sabi niya sabay wagayway ng kamay.Lumapit ako sa kaniya, at bago
Isaid’s POVNasa harap ko si Aika, napakaganda niya ngayong gabi. Kahit simpleng floral dress lang ang suot niya, tila mas nagniningning siya sa ilalim ng dim light ng Italian restaurant na pinili niyang pag-celebrate namin ngayon. Tinitingnan ko siya habang abala siyang nagbabasa ng menu, at sa bawat galaw ng mga mata niya, parang lalo akong nahuhulog sa kaniya.“Ano kaya ang masarap dito?” tanong niya sa akin nang hindi tumitingin mula sa hawak niyang menu.“Whatever you pick, I’m sure it’s delicious,” sagot ko habang sinusubukang pigilan ang ngiti ko. Pero hindi ko rin mapigilan. Ang saya ko ngayong gabi.Hindi ko pa rin lubos maisip na nasa ganitong sitwasyon kami ngayon. Parang kahapon lang, ordinaryong araw na magkaibigan kami, nagtatawanan, nagkukulitan at walang iniisip kundi trabaho ng isa’t isa. Pero ngayon, boyfriend na ako ng babaeng nasa harap ko. Boyfriend na ako ni Aika.“Okay, I’ll have the spaghetti alla carbonara and bruschetta for starters,” sabi niya sabay abot sa m
Aika’s POVTahimik akong nakaupo sa bagong desk ko, malapit sa pinto ng opisina ni Don Jacinto. Ang table ko ay may modernong design, simple ngunit elegante, na nagpapakita ng bigat ng responsibilidad ng bagong posisyon ko bilang executive assistant. Katabi ko lang si Jaira, ang secretary ng CEO. Ilang araw pa lang kaming nagkakakilala, pero ramdam ko na ang professional na hangin sa paligid niya.Habang abala ako sa pag-aayos ng files, bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Gina mula sa likod. Hindi ko man sila kita, ramdam ko ang tingin nilang tatlo—sina Gina, Monica, at Vanessa na dumayo pa talaga dito para mang-asar, tila lumala na naman ang sipon sa utak nila.“Wow naman. Biglang bigatin na si Aika. Executive assistant na! Ano kaya ang ginawa niya?” malakas na sabi ni Gina na halatang nagpaparinig.“Baka naman nilandi niya si Sir Don,” dagdag pa ni Monica na halatang gustong magpatawa. Tumawa silang dalawa, pero may halong panunukso.“Malay mo, sipsip din,” sabi ni Vanessa n
Aika’s POVHindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang matanggap ko ang tawag mula sa secretary ng CEO. Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo sa maliit kong cubicle.“Pinapatawag ka raw ni Don Jacinto sa office niya,” sabi ni Gina habang nakapamewang at may ngisi sa mukha. Sa tabi niya, naroon sina Monica at Vanessa, parehong nagkatinginan at napangiti rin na parang may alam na masama.“Tingnan mo, baka nasumbong ka na sa atraso mo!” dagdag pa ni Vanessa, sabay tawa na para bang sigurado silang mapapahiya ako. Anong atrasong pinagsasasabi nila e, napakabait ko dito, kung mayroon atraso, baka sila iyon kasi mga bully sila.Wala akong atraso, sure na sure ako doon. Alam ko naman iyon. Pero kahit gaano ako kasigurado, hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko. Parang bumigat bigla ang bawat hakbang ko habang papunta sa elevator. Naisip ko kasi na baka may ginawang kalokohan ang mga bruha at ako ang tinuro o pinagbintangan nila. Sana ay mali ako.Nang madaana
Aika’s POVPaglabas niya ng titë niya sa briëf niya, nalaglag ang panga ko. “S-sandali, ano ‘yan, titë ng kabayo?” tanong ko sa kaniya. Grabe eh, parang kapag pinasok niya ito sa loob ng pukë ko, aabot ata hanggang sa bituka, ang laki at ang haba, hindi lang iyon, mataba pa.“Try mong laruin, masarap ‘yan,” sabi ni Isaid na talaga namang nalunod na sa init na inapuyan ko dahil sa pag-aya ko sa kaniya dito sa kuwarto ko.Kahit takot, hindi na ako umatras pa, nilaban ko na. Ito ang unang beses na hinawakan ko ang titë ni Isaid. Napapamura ako kasi ang laki talaga.“Dilaan mo, kagatin mo kung gusto mo, ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin,” sabi pa ni Isaid na natatawa dahil sa mga sinasabi niya.Sinubukan ko nang dilaan muna ang ulo, hanggang sa ituloy-tuloy ko na. Wala namang lasa, parang dinilaan mo lang ang balat mo. Nahiya lang ako nung una pero nung lumaon, bumigay din ang bibig ko. Halos parang ginawa ko nang saging ang pagkalalakë ni Isaid. Nakakaya ko lang isubo hanggang
Aika’s POVTinitigan ako nang matagal ni Isaid, tila kahit may tama na siya ng wine na iniinom namin ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.“Lasing ako, Aika, hindi ko aatrasan ang gusto mo,” sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin, naghihintay na sabihin ko ulit ang sinabi ko kanina.Pero imbes na magsalita pa, hinahawakan ko ang mga kamay niya at dinala siya sa loob ng kuwarto ko. Nag-lock ako ng pinto at saka siya pinaupo sa kama.“Tatanggalin ko na ang damit mo,” paalam ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at saka tumango kaya dahan-dahan ay tinaas ko na ang dalawang kamay niya para matanggal ang t-shirt niya.Ngumiti ako nang makita kong maganda talaga ang matipuno niyang katawan. Hinawakan ko nang dahan-dahan ang balikat niya, pababa sa bycep at kamay niya. Pagkatapos, hinawakan ko na rin ang maumbok na dibdib niya at ang mga cute niyang abs.“Ang ganda ng katawan mo, Isaid, hindi ako makapaniwalang gagawin ko ‘to,” sabi ko sa kaniya habang sinasadya kong landian ang boses ko. H
Aika’s POVAkala ko hindi pa rin siya lalabas ng bahay. Mabuti na lang at mukhang okay na ang pakiramdam niya. Sa wakas, pumayag din siyang dumalaw sa apartment ko, kahit na ilang beses ko na siyang niyaya nitong mga nagdaang araw. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng siglang maglalabas. Isa pa, siguro dahil ay holiday bukas, kaya wala siyang rason para tumanggi. Pero sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko ngayong gabi. Masaya ako na maaliwalas na ulit ang mukha niya. Ang pogi na niya ulit at hindi na mukhang stress.“Wow, Aika, mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ah,” sabi ni Isaid habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng masasarap na pagkain—roast chicken, pasta, salad, at tiramisu para sa dessert. Medyo naiilang siya, halatang hindi sanay sa ganitong setup. Paano kasi, dati puro kung ano-ano lang pagkain ang nahahanda ko sa kaniya.Ngumiti ako, tinitigan ang mukha niyang tila ba laging clueless pero nakakaakit pa rin naman. “Siyempre naman, specia