Aika’s POV
Sa ilalim ng mainit na sikat ng araw, hindi ko maiwasang mapaisip kung ano bang pumasok sa utak ko para hindi pumasok sa trabaho ngayong araw. Pero inisip ko na makikita ko naman na ngayon si Isaid. Nakita ko siya sa social media, nagtatrabaho sa isang flower shop at ‘yon ang naisip kong hanapin para ma-meet ko na ulit siya sa personal. Hindi na ako nakapagpigil, kaya heto ako, naglalakad sa bayan.
“Paano ba to? Paano ba to?” Tanong ko sa sarili habang binabagtas ang makulay na kalye ng bayan na puno ng mga flower shop. Seryoso, parang naglalakad ako sa isang petisyon ng bulaklak—lahat ng mga shop na nadaanan ko ay puro bulaklak ang binebenta. Ang problema, wala ni isa sa mga ito ang flower shop ni Isaid.
Sa bawat flower shop na pinapasok ko ay tila kinakalabit ako ng mga bouquet na nagsasabing, “Hindi ito ‘yon!”
Ang mga florists ay mababait naman at tumutulong sa akin, ngunit malaki ang posibilidad na tinatawanan nila ako sa likod ng kanilang mga ngiti.
“Sigurado ka bang dito siya nagtatrabaho?” tanong ng isang florist habang nagpapakita ako ng larawan ni Isaid mula sa aking telepono.
“Oo, dito siya. Sa flower shop na ito, ‘to,” sagot ko habang pawis na pawis na. Mukha ng bilasa ang itsura ko dahil sa paghahanap.
Ngunit wala talaga. Minsan, napag-iisipan kong baka hindi ko na talaga siya mahahanap. Pero hindi ako tumigil, sa halip ay nagpatuloy ako sa aking paghanap—para akong detective na sobrang determinado sa kaniyang kaso.
Matapos ang ilang oras ng pag-ikot sa bayan, may naisip akong maliit na flower shop na hindi ko pa napupuntahan. Maganda ang itsura nito—hindi masyadong malaki, pero mukhang maayos. Inisip ko na baka dito ko na siya matatagpuan.
“Dito na nga lang,” bulong ko sa sarili ko.
Pumasok ako sa loob ng shop, at agad akong nakita ang kakaiba at tila pinakamaayos na flower shop na pinasok ko. Ang mga naka-display na bulaklak ay ayos na ayos, kaaya-ayang tignan. Mapapabili ka talaga ng mga bulaklak ng wala sa oras kasi ang pe-fresh ng mga bulaklak, lalo na ang mga rosas.
Sa pinakaloob, may isang lalaking nagbubuhat ng malalaking basket ng bulaklak—at doon ko siya nakita. Si Isaid!
Ang mga mata ko ay napamilog sa pagkabigla. Ang dating patpatin na katawan ni Isaid ay naging matipuno na. Ang mga balikat niya ay parang mga sandalan ng silya—matibay at maganda ang pagkakatimpla. At ang dati niyang mukha na parang batang walang muwang ay naging pogi na, na nagbigay sa akin ng hindi maipaliwanag na pagnanasa. Hindi ko na rin napigilan ang pagluwa ng laway mula sa aking bibig.
“Isaid?” tawag ko habang medyo nanginginig ang boses. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, lalo na’t hindi ko na mapigilan ang tingin ko sa kaniyang katawan.
Lumingon siya at nakita akong nakatingin sa kanya. Napakunot siya ng noo. “A-aika? Ikaw ba ‘to?” tanong niya na parang hindi makapaniwala. Ang dating napaka-casual niya, ngayon ay nagmumukha na siyang seryoso at maginoo sa kanyang istura. B-bakit ang hot na niya ngayon?
“Yeah, ako nga. Napag-desisyunan ko lang na hindi pumasok sa trabaho ngayon para maghanap sa ‘yo. Ang hirap mong hanapin!” sagot ko habang nagtatangkang magpatawa kahit na parang nata-timin-gan na lang ang lahat ng nangyayari. “Ang laki na ng katawan mo! At ang pogi mo na ngayon!” sabi ko.
Si Isaid, mukhang medyo nahiya, hindi makapagsalita e. Ang mga muscles niya ay parang nag-signal sa akin na may kailangan pang ipakita. Ang hot na niya. Kung ngayon niya ako bibiruin na liligawan niya ako, go, game ako, papatol ako agad. Lalo na’t alam kong anak siya ng isang bilyonaryo.
“Aha! Mukhang nata-type-an mo na ako ngayon ah, iba ang titig mo sa katawan ko, e!” biro niya sabay tawa. Akala ko pa naman ay nahihiya na siya sa akin. “Pero bakit hindi ka pumasok sa trabaho mo at bakit kailangan mo akong hanapin?” tanong niya.
Ito ang hindi ko napaghandaan. Hindi ko alam kung anong sasagot ko? Sasabihin ko na ba agad na ligawan niya ako, maglandian kami. Buntisin niya ako at pagkatapos kong mabuntis, uuwi na kami sa papa niya para maging bilyonaryo na kaming pareho. Iyon ang plano ko, pero sa ganitong tagpo, kailangan kong mag-isip ng eksena ko ngayon.
Pero, ano nga ba ang isasagot ko? Shit, na-blanko ako bigla.
Aika’s POVSigurado ako na magkakaroon ng konting pag-aalangan si Isaid kapag inaya ko siyang lumabas ngayong hapon. Pero dapat maisip niya na may kailangan ako sa kaniya kasi kanina pa ako nandito sa flower shop niya. Ilang customer na ata ang nakita kong labas-masok dito.Nang wala na siyang gagawin, doon na niya ako muling hinarap. Nakita ko kasi na masyado siyang seryoso sa flower shop na ‘to. Masyado siyang nagpapakahirap dito e, hindi niya alam, napakayaman niya. Hindi niya alam na bilyonaryo siya.“So, Aika, sabihin mo, ano bang sinadya mo. Nakakahiya naman, halos mag-iilang oras ka na atang nandito. Ano ba kasi ang sadya mo?” tanong na niya sa akin habang pawisan.“Ay, ano... wala lang, napadaan lang ako.” Ang bobo ko, bakit ‘yung ang sinabi ko. Ang tagal-tagal kong naghintay sa kaniya tapos ‘yun lang ang sinabi ko. Failed ako sa part na ‘yon. “Na-miss ko lang yung mga bulaklak mo,” sabi ko pa kaya lalo na akong napangiwi.Nagtaas siya ng kilay na para bang halatang hindi kumb
Aika’s POV“Naku, baka naman kaya ka manlilibre ng pagkain sa labas e, gusto mo lang din malibre ng bulaklak,” biro na naman niya kaya natawa ako.“Hindi naman... okay, fine, oo na. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam paano bumuo ng bouquet. Tsaka, magbabayad ako, hindi libre, alam ko naman na mahal ang mga bulaklak ngayon. Saka, kanina, habang pinapanuod kita sa pag-aayos ng mga bulaklak, hangang-hanga ako. Ang galing mo, Isaid.”“Flattery won’t get you anywhere,” sabay tawa niya.Pagdating namin sa resto, agad kaming umupo sa isang magandang spot—malapit sa bintana, kung saan makikita mo yung mga tao sa labas. Iba ang pakiramdam ng ganito, parang bumalik kami sa dati naming samahan. Pero, promise, hindi kami nagkasama ng madalas, siguro mga ilang beses lang. Kaya siguro takang-taka itong si Isaid na bigla akong sumulpot.“Okay ka lang ba sa mga ganitong kainan, baka naman hindi mo trip?” sabi ni Isaid nang dumating ang waiter.“Hoy, hindi ako maarte. Saka, ano ka ba, kung alam
Aika’s POVNang pumasok ako sa opisina ng umagang iyon, ramdam ko na agad ang bigat ng mga tingin ng mga katrabaho ko. Wala pa akong isang hakbang sa loob ng pinto, ngunit naririnig ko na ang mga bulong-bulungan sa likod ko, ang mga mahihinang tawa na tila nanunuya. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang mga iyon—si Gina at ang mga alipores niyang sina Monika at Vanessa. Palaging sila ang unang nag-uumpisa ng ganito tuwing may papasok ako sa trabaho.“Wow, look who decided to show up today,” rinig kong sabi ni Gina. Tumawa siya ng malakas at narinig ko ang mga tawa ng mga kasama niya. Hindi ako lumingon. Hinakbang ko na lang ang mga paa ko papunta sa aking mesa, hinigpitan ang pagkakahawak ko sa bag ko, pilit na iniwasang makipagtitigan sa kahit na sino.Alam kong hindi matatapos dito ang araw ko.Nang marating ko na ang aking cubicle, nilapag ko nang maingat ang aking bag at huminga nang malalim. Hindi ko maaaring ipakita sa kanila na apektado ako. Iyon ang gu
Aika’s POVNang makita ko si Isaid sa flower shop at makasama ko siyang kumain sa isang restaurant , alam kong may pag-asang magkagusto siya sa akin. At grabe, kahapon nagulat ako sa bagong looks niya. Ang laki nang pinagbago niya. May pagkamatikas na talaga ang tindig niya at kahit tahimik siya at hindi palakaibigan, alam kong may kabutihan sa loob niya. At parang…parang masarap kasama sa harutan.Oo, hindi ako mukhang naughty, pero siyempre, ang nabu-bully na gaya ko, may tinatago ring kaharutan. At kapag nagharot ako sa kama, iba na ang usapan. Nag-iiba ang galawan, salita at pag-uugali ko. Lumalabas ang pagiging gaga ko.Joke lang, hindi pa talaga ako nakakatikim ng kahit isang lalaki sa kama. Hanggang panuod lang ako sa mga ano, website na pinagbabawal. Hanggang mariang palad palang ang nagagawa ko. Hanggang imagination palang ang nagagawa ko na habang nagma-mariang palad ako, iniisip ko na may lalaki akong kasama sa kama.Si Isaid, hindi siya tulad ng mga ito—hindi siya tulad ng
Aika’s POVPagod na pagod ako habang naglalakad palabas ng building ng Herrera Soverign Defense. Ang mga binti ko ay tila bumibigat sa bawat hakbang at hindi ko maiwasang isipin ang araw na ito ay palaging lupaypay ang nangyayari sa akin. Buwisit kasi ang mga bully na iyon, ayaw akong pasakayin sa elevator kanina. Kaya, ito, umiwas ako, naghagdan na lang ako kahit nasa mataas na floor ang office namin. Nakakabaliw na talaga sa trabaho kasama ang mga bully na iyon, isama pa ang mga mapanghusgang si Ma’am Dolores na laging may nakikitang mali sa bawat galaw ko.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito titiisin, pero sa ngayon, wala akong magagawa. Kailangan ko ng pera at wala akong ibang mapagpipilian. Sa trabaho, nabu-bully ako. Sa bahay, hindi rin ako makawala. Parang wala akong ligtas na lugar—parang ang mundo ay nilikha para pahirapan ako. Paisa lang lang, ha. Putangina nilang lahat.Biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakita ang pangalan ni Tita Teofila. Saglit
Aika’s POVAng sarap niya, este ng lugaw pala. Napa-order tuloy ako ng isa pang mangkok na may kasama ng lumpia. Kasi gusto kong makipagkuwentuhan pa sa kaniya. Wala pa naman sa bahay ang mga bruha kaya okay lang na ma-late ako ng uwi.“Minsan okay din dito. Simple lang, pero masarap. Minsan kailangan din nating makaranas ng ganito, ‘di ba?”Ngumiti ako, ngunit may kirot sa loob ko. Hindi ko masabi sa kanya na wala akong ibang choice. Na parang ganito ang buhay ko palagi—simpleng pagkain, simpleng lugar, ngunit walang kalayaan.Nagsimula kaming kumain nang sabay, tahimik lang sa umpisa. Pero sa bawat sandali na magkasama kami, nararamdaman kong unti-unti nang nawawala ang lungkot ko. Parang ang presensya niya ay sapat na para itulak palayo ang bigat na nararamdaman ko.Matapos ang ilang minutong katahimikan, si Isaid na rin ang unang nagsalita. “Kumusta naman sa trabaho, Aika? Masaya ka ba sa trabaho mo. Dapat, oo, kasi hindi ka naman tatagal diyan kung hindi?”Mabilis ang tibok ng pu
Isaid’s POVIsinara ko na ang pintuan ng shop at ini-lock ito nang maayos. Linggo ngayon, kaya sarado ang flower shop, pero sa totoo lang, wala akong pakialam sa pagpapahinga. Isa lang akong tao na walang alam kung paano ba mag-relax nang hindi nalilibang. Sa isip ko nga, bakit pa ako magpapahinga kung may mga bagay naman akong puwedeng gawin? Pero, dahil linggo, pass muna sa gawaing bulaklak. Sa iba naman ako maglilibang.Luminga-linga ako sa paligid. Tahimik ang kalsada, pati ang mga ibon sa itaas ng mga poste ng kuryente ay parang naisipang magbakasyon. Napatingin ako sa cellphone ko at napangiti.Isang linggo na ang nakakalipas nung huli kong makita si Aika, ito pa ‘yung hinatid ko siya sa bahay nila nang makita kami sa isang lugawan. Nag-deliver lang ako nun ng bulaklak sa malapit sa lugawan, nagutom lang ako at hinila ang mga paa ko roon, iyon pala, naroon siya kaya pareho pa kaming nagkagulatan. Parang tinadhanang magkita kami roon.Bakit hindi ko kaya siya tawagan? Tiyak, wala
Isaid’s POVMaya maya pa ay dumating na si Aika. Sakto, tapos na akong gumayak. Bumaba siya sa tricycle na sinakyan niya. Pagbaba niya, parang bumalik kami sa mga panahon ng pag-aaral namin—yung mga panahong sabay kaming nagkakandaugaga sa mga group projects at exams. Ang fresh niyang tignan ngayon, gaya ko ay bagong ligo ito.“Wow, Isaid! Ito pala ‘yung flower farm niyo? Ang ganda!” bulalas niya sabay ang mabilis na pagkuha ng cellphone para mag-selfie.“Oo, ito nga! Halika, itu-tour kita,” sagot ko sabay lakad papasok ng farm namin.Habang naglalakad kami, todo bigay ako sa pagpapaliwanag tungkol sa mga bulaklak. “Ito, Gerbera daisy ‘yan. Ayan naman, Petunia. At ito naman, ito ang pinaka-pride ng farm namin—roses!”Napatigil siya sa harap ng mga rosas. “Grabe, ang gaganda ng tanim niyo! Parang ayokong pumitas, nakakahiya.”“Naku, Aika, huwag kang mag-alala! Pumitas ka nang gusto mo. Kahit puno ng buong isang basket ‘yan ng bulaklak, walang kaso sa amin,” sabi ko sabay tawa.Tumawa r
Aika’s POVAkala ko hindi pa rin siya lalabas ng bahay. Mabuti na lang at mukhang okay na ang pakiramdam niya. Sa wakas, pumayag din siyang dumalaw sa apartment ko, kahit na ilang beses ko na siyang niyaya nitong mga nagdaang araw. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng siglang maglalabas. Isa pa, siguro dahil ay holiday bukas, kaya wala siyang rason para tumanggi. Pero sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko ngayong gabi. Masaya ako na maaliwalas na ulit ang mukha niya. Ang pogi na niya ulit at hindi na mukhang stress.“Wow, Aika, mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ah,” sabi ni Isaid habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng masasarap na pagkain—roast chicken, pasta, salad, at tiramisu para sa dessert. Medyo naiilang siya, halatang hindi sanay sa ganitong setup. Paano kasi, dati puro kung ano-ano lang pagkain ang nahahanda ko sa kaniya.Ngumiti ako, tinitigan ang mukha niyang tila ba laging clueless pero nakakaakit pa rin naman. “Siyempre naman, specia
Aika’s POV“Late na naman ako,” bulong ko sa sarili habang mabilis na naglalakad sa gilid ng daan. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayong araw, napuyat ako kagabi dahil sa paggawa ko ng graham, mamaya kasi ay daldahan ko ng ganoon si Isaid.Ngayon na lang ako papasok ulit kasi dalawang araw akong absent dahil sumakit ang tiyan ko, at ngayon pa lang ako muling makakapasok. Mahirap na, baka masabihan pa akong tamad sa opisina.Papunta na ako sa sakayan ng jeep nang biglang may tumigil na kotseng kulay itim sa harapan ko. Agad bumaba ang bintana, at sumungaw ang mukha ni Ma’am Dolores. Pagkakita ko pa lang sa mukha niya, alam kong delubyo na agad ang mangyayari. “Aika! Get in!” utos niya agad.Natigilan ako. “Po?” tanong ko kahit naintindihan ko naman ang sinabi niya.“I said, get in the car! Now!” Malamig ang tono ng boses niya at parang may halong utos na hindi puwedeng tanggihan. Feeling amo na naman itong si Ma’am Dolores.Wala akong nagawa kundi sundin na lang siya. Binuksan ko ang pint
Isaid’s POVAng malamig na hangin ng gabi ay parang tumutusok sa balat ko, pero hindi nito kayang pigilan ang pag-alab ng lagnat sa katawan ko. Ilang araw na akong ganito—nakahiga lang sa kama, nakapulupot sa makapal na kumot, pero walang kahit anong ginhawa. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang eksena sa isip ko.Ang lalaking holdaper.Ang baril.At ang bangungot na palaging sumusunod: ang huling beses kong nakita ang mukha ni Mama.Kahit anong gawin ko, hindi mawala ang imahe ng baril na nakatutok sa akin. Napapanaginipan ko ito gabi-gabi. Parang paulit-ulit akong ikinukulong ng mga alaala ng takot, habang ang tunog ng baril ay parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko.Ngunit mas masakit ang alaala ni Mama.Bata pa ako noon pero hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari sa kaniya. Kung bakit naging takot na ako sa baril kahit sa pagtanda ko ay dahil doon o iyon ang pumatay sa mama ko.Hindi ako makapasok sa flower shopko. Hindi ko rin kayang lumabas ng bahay. A
Aika’s POVPagpasok ko sa opisina, agad kong naramdaman ang tensyon sa paligid. Halos hindi pa ako nakakapuwesto sa cubicle ko nang biglang lumitaw si Ma’am Dolores mula sa kung saan. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko, tila hindi na ako bibigyan ng pagkakataong tumanggi.“Aika, come with me. I need you,” utos niya, hindi man lang ako binigyan ng paliwanag kung bakit. Napansin ko ang nangingintab niyang bag na parang bagong bili, kasabay ng mga mamahalin niyang sapatos na tila sumisigaw ng awtoridad. Wala akong nagawa kundi sumunod habang nagtataka kung ano na naman ang pakay niya sa akin.Habang naglalakad kami palabas ng opisina, tinanong ko siya, “Ma’am, saan po tayo pupunta? May meeting po ba?”“No. I need your help at my house. I’m preparing dinner for some guests tonight, and I can’t do it alone,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.Halos mapataas ang kilay ko sa narinig ko. Sa isip-isip ko, Bakit ako? Hindi ba’t staff lang ako sa office? Hindi ko naman trabaho ang maging p
Isaid POVNasa flower shop ako ngayon, nag-aayos ng mga bagong dating na bulaklak. Nakangiti akong sumasayaw-sayaw pa habang inaayos ang mga ito sa kanilang mga paso. Hindi ko maalis ang saya sa dibdib ko, lalo na kapag naaalala ko si Aika. Nagiging maayos na kami; mas bukas na siya sa akin, at mas lumalalim ang samahan namin. Masaya ako sa pag-usad ng panliligaw ko—unti-unti kong nararamdaman na may pag-asa talaga.“Ang aga palang pero marami na tayong kita, mukhang ang daming event na nagaganap ngayon,” masayang sabi ng tauhan kong si Yoyo.“Oo nga, kung tutuusin, puwede na tayong magsara mamayang hapon,” biro ko pa sa kaniya.Habang nilalagay ko ang mga rosas sa harapan ng shop, narinig ko ang tunog ng pinto. Inisip kong isa lang sa mga regular kong customer ito kaya nakangiti akong bumaling sa direksyon ng pinto, pero napako ako sa kinatatayuan ko. Pumasok ang isang lalaki, armado at may hawak na baril.Parang huminto ang mundo ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, bigla akong
Aika’s POVPagdating ko sa bahay, inaasahan kong gising na siya pero hindi pa pala. Nakahiga pa rin siya sa kabilang gilid ng kama, tahimik na humihinga nang malalim, at kitang-kita ko ang maaliwalas na itsura niya kahit bahagyang natatakpan ang mukha niya ng kumot. Napangiti ako. Alam kong pagod siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw, kaya gusto ko siyang sorpresahin ngayong umaga. Hindi man kami madalas magkasabay sa mga oras ng pagkain pero, sa araw na ito, nais kong siguraduhin na masaya siyang magising.Tahimik akong tumungo sa kusina at binuksan ang kabinet. Nilagay ko na muna doon ang mga pinamili ko. Pagkatapos ko, tiningnan ko ang mga puwedeng iluto, at napangiti nang makita ang mga sangkap para sa omelette—may itlog, ham, at keso. Alam kong masarap iyon tuwing umaga, kaya wala nang pagdadalawang-isip na agad akong magluto. Sinarado ko ang kabinet at sinimulan ang paghahanda.Hinugasan ko muna ang mga kamatis at sibuyas, at habang hinihiwa ko ito nang pino, napaisip ako ku
Aika’s POVUmaga pa lang, gising na ako. Nakakatuwang tignan si Isaid dahil dinantayan pa ako sa paa, ang bigat kaya isa rin ‘yun sa dahilan kung bakit napaaga ang gising ko.Hindi ako sanay nang ganito kaagang magising, pero alam kong kailangan kong pumunta sa grocery pala.Naiwan si Isaid sa apartment, tulog na tulog pa, at wala na rin kasi akong halos pagkain doon. Ayoko namang makita niya na wala akong maihahandang almusal. Kaya kahit medyo mabigat ang mata ko, pinilit kong bumangon at mag-ayos nang tahimik.Ang lamig ng hangin kapag umagang-umaga, hindi na ako nag-tricycle, sinubukan kong mag-jogging papunta ng palengke para na rin may exercise ako.Pagdating ko sa grocery, nagmamadali akong kumuha ng mga kailangan: gulay, itlog, tinapay, kape—mga simpleng bagay lang, pero sapat na para may pagkain akong mahanda ngayon umaga. Habang pinupuno ko ang supot, hindi ko maiwasang mag-isip na sana, isang araw, sa supermarket na ako namimili, ‘yung tipong pang-isang buwan na ‘yung stock.
Aika’s POVPanay ang tingin ko sa bintana, sinisilip kung nasa labas o nasa paligid lang ba ang dalawang bruha.“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Isaid, na may kasamang tingin na may halong pag-aalala at pagsusuri sa mukha ko. Ramdam kong handa siyang kumilos kahit ano pa ang mangyari, kaya lalo akong napalagay.“Oo naman, pero ewan, hindi ko pa rin lubos maisip bakit nandito sila kanina, aawayin o aapihin pa rin ba nila ako kahit lumayo na ako, siguro, oo, kasi malaki akong kawalan sa kanila,” sabi ko, pilit pinipilit ngumiti. “ayaw nila akong tantanan, mga buwisit talaga ang mga ‘yon.”Tumango si Isaid, ngunit nanatili ang malalim niyang tingin sa akin, para bang may nais pa siyang itanong o sabihing hindi niya masabi. Naupo ako sa sofa at kinuha ang unan para mayakap, sinusubukang mag-focus sa kahit ano pang bagay. Tahimik na naupo si Isaid sa tabi ko. May katahimikan sa pagitan namin na hindi nakakailang; sa halip, nagbibigay iyon ng kapayapaan. Ramdam ko ang pag-aalaga niya—par
Aika’s POVPagkababa ko ng kotse ni Isaid, agad akong nilamon ng malamig na simoy ng hangin sa aming kalye. Malapit na talaga ang pasko. Parang hindi ko ramdam ang pagod ko kanina sa trabaho dahil sa dinner date na hinanda ni Isaid, tapos may pabulaklak pa siya, ngunit kakaibang kaba ang dumapo sa dibdib ko nang mapansin ko ang dalawang pamilyar na tao sa ‘di kalayuan. Nakasilip mula sa liwanag ng poste, nakatayo sila roon sa harap ng apartment ko—sina Tita Teofila at si Liya, ang pinsan kong matagal ko nang iniiwasan.Napaatras ako nang bahagya, nagtatago sa likod ng malaking puno, pinilit na pigilan ang kabog ng puso ko. Ano na naman kaya ang kailangan nila? Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan ko, pero naroon pa rin ang takot sa isipan ko. Alam kong may dahilan ang pagbisita nila, at hindi iyon mabuting balita para sa akin.Hindi kaya mga gutom na? Hindi kaya wala na silang pera at manghihingi na sa akin. O, baka pipilitin na nila akong umuwi para alipinin ulit. No way, h