Share

0004: Trauma

Isaid’s POV

Habang nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno sa gitna ng flower farm, napapangiti ako kasi palaging sariwa at kaaya-aya ang nakikita ko araw-araw. Ang araw ay maganda at ang mga bulaklak sa paligid ko ay tila naglalaro sa hangin. Ang mga kulay ng petal at ang bango ng mga bulaklak ay nagpapaligaya sa akin, sanay na sanay na ako sa mga halimuyak nila. Ang lugar na ito ay naging tahanan ko na at sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman kong higit akong nagkakaroon ng ugnay sa lupang ito.

Ngayon, nagbabalik-tanaw ako sa mga taon na dumaan mula nang magbago ang lahat ng dinala ako dito sa farm. Nangungupahan ako sa isang maliit na kuwarto sa bahay ng may-ari ng flower farm, sina Mang Ben at Aling Lita. Sila ang naging mga magulang ko simula nung ako ay umalis sa amin at hindi na nakabalik pa sa dati kong buhay. Masasabi kong masuwerte ako sa kanilang pagkakakilala at pagkupkop sa akin. Hindi nila ako pinabayaan at nagkaroon ako ng pagkakataon na magkaroon ng bagong buhay.

Ngayon, nag-aalaga na ako sa mga bulaklak at tumutulong sa mga gawain sa flower farm. Kadalasan, ako ang taga-harvest ng mga bulaklak. Minsan, ako rin ang tumatao sa flower shop namin sa bayan, kung saan nagbebenta ako ng mga bulaklak sa mga tao na pumupunta roon.

Isang araw, habang nasa flower shop ako, nakita ko ang isang batang babae na pumasok. Nasa edad siya ng mga estudyante at mukhang naakit siya sa mga bulaklak na nakakalat sa shop. Lumapit siya sa akin at tinanong kung mayroon kaming rosas na puti. Napangiti ako sa kaniya at sinabi na, oo, mayroon kaming puting rosas na sa farm namin ay ang pinakamarami palagi kung mamulaklak. Agad ko siyang tinanong kung para saan ang rosas at sinabi niyang…ito ay regalo para sa kanyang ina.

Habang pinag-aasikaso ko ang kaniyang order, naramdaman kong parang may koneksyon kami ng batang babae. Madalas akong mag-isip kung paano kung ang buhay ko ay bumalik sa dati—kung ang mga bagay na kinagigiliwan ko ngayon ay magbago. Sa mga pagkakataong ito, iniisip ko ang tungkol sa aking pamilya, sa mga taong minahal ko, at sa mga taong posibleng naghahanap sa akin ngayon.

Pero, ayoko nang bumalik sa dati. Ayokong nakakakita ng baril. Basta, ayoko. Kapag nakakakita ako nun, nanginginig ang buong laman ko. Napapako ako sa kinatatayuan ko at doon na ako aatakihin ng anxiety at depresyon. Kitang-kita ko kasi noon kung paano pinatay sa harap ko ang mama ko. At ang gamit na pangpatay sa kaniya ay baril. Kaya simula nun, takot na takot na ako sa baril.

Nakakainis lang dahil hindi ko nakita kung sino ang taong pumatay kay mama. May takip kasi ang buong mukha niya. Tanging baril lang talaga ‘yung tumatak sa isip at puso ko. Kaya kapag sinasama ako nun ni papa sa company namin at sa mga shop namin ng mga baril, palagi akong umiiyak at nagwawala. Para akong tinu-torture kapag dinadala niya ako sa mayroon akong nakikitang mga baril. Kaya simula nun, umalis na ako at nagpakalayo-layo. Hanggang sa dito ako napadpad sa farm ni Mang Ben at Aling Lita. Hindi ko sinabi sa kanila kung saan ako galing, kung kanino akong anak. Iniba ko rin ang surname ko. Hindi herrera ang gamit ko, pero ganoon pa rin ang pangalan ko. Isaid. Pero imbis na Isaid Herrera, ginawa ko na lang Isaid Del rosario, kagaya ng surname ni Mang Ben. Para isipin ng mga tao na anak nila ako.

Sa totoo lang, gusto nilang mama at papa na ang tawag ko sa kanila, ako lang ‘yung nahihiya kaya minsan, Mang Ben at Aling Lita pa rin ang tawag ko sa kanila. Hanggang sa wala na silang nagawa. Doon na ako nasanay.

Pero ang palagi kong tanong sa isip ko… kung babalik pa ba ako sa tunay kong buhay ay baka hindi na. Kasi masaya na ako dito sa piling nila Mang Ben at Aling Lita. Masaya na ako sa flower farm namin at sa flower shop. Mas kaaya-aya kasing tignan ang mga bulaklak kaysa sa mga baril.

Uuwi lang siguro ako kung mababalitaan kong ibang negosyo na ang pinapalago ni papa, hindi negosyo na tungkol sa mga baril.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status