Home / Romance / How To Catch A Billionare / 0003: Ang nawawalang anak ni Don Jacinto

Share

0003: Ang nawawalang anak ni Don Jacinto

last update Huling Na-update: 2024-09-15 23:19:52

Aika’s POV

Habang nagtatrabaho ako sa opisina ng Herrera Sovereign Defense, naririnig ko ang karaniwang ingay ng mga tauhan na abala sa kani-kaniyang mga gawain.Umagang-umaga, pinagtimpla agad ako ni Dolores ng kape niya. Minsan nakakabagot na talaga ang ganito, pero kabisado ko na ang takbo ng araw ko—mga papeles, email, ilang meeting at pagtitimpla ng kape ng mga boss-boss-an ko rito. Isang araw na naman na parang cinderella lang ang peg ko.

Pero hindi ko inasahan ang kakaibang pangyayari ngayong umaga.

Habang nag-aayos ako ng mga dokumento sa mesa ni Dolores, narinig ko ang boses ni Don Jacinto Herrera, ang may-ari ng kumpanya. Kilala siyang seryoso at minsan masungit, pero sa likod ng lahat, siya ay isa sa pinakamayamang tao dito sa Pilipinas. Tahimik akong nakikinig habang kausap niya ang bisita niya, isang matandang lalaki na mukhang matagal na niyang kaibigan. Nakaupo sila sa meeting room na ilang metro lang ang layo sa mesang kinaroroonan ko. Hindi ko sinasadyang mapakinggan ang pinag-uusapan nila dahil bukas ang pinto ng silid.

“Matagal na namin siyang hinahanap, alam mo naman ‘yan,” sabi ni Don Jacinto na may halong lungkot sa boses niya.

“Hirap ba talagang hanapin si Isaid? Napakatagal na nga simula nang huling may balita tungkol sa kanya,” tanong ng kaibigan niya.

Agad akong napaisip. Sino si Isaid? Hindi ko pa narinig ang pangalang iyon mula sa mga empleyado dito sa kumpanya. Pero tila napakaimportante nito kay Don Jacinto.

“Hindi namin siya puwedeng pabayaan. Siya lang ang tanging tagapagmana ng Herrera Sovereign Defense. Kung hindi namin siya mahahanap, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa lahat ng ito,” dagdag ni Don Jacinto.

Nagpatuloy silang mag-usap pero ang pangalan ni Isaid ay patuloy na naglalaro sa isip ko. Anak ni Don Jacinto? Tagapagmana ng isang multi-billionaire company? Pakiramdam ko ay may napakahalagang sikreto silang tinatalakay at hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan sa narinig ko.

Hindi ako nakapagpigil. Nilapitan ko ang pinto ng meeting room, tahimik akong pumuwesto malapit sa pintuan. Bahagya kong iniunat ang leeg ko para mas makita ang loob. Kita ko si Don Jacinto na inilalabas ang wallet niya, at may dinukot siyang luma at kupas na litrato. Ipinakita niya iyon sa kaibigan niya.

“Heto si Isaid noong bata pa siya,” sabi ni Don Jacinto habang iniabot ang litrato.

Nanlaki ang mga mata ko. Mula sa kinatatayuan ko kitang-kita ko ang litrato ng batang lalaki na nasa mga pitong taong gulang. Malakas ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang batang iyon. Hindi ako puwedeng magkamali.

Siya ‘yon.

Kilala ko si Isaid.

Minsan ko nang nakita ang litratong iyon sa social media, pero hindi ko naisip na konektado siya sa pamilya Herrera. Akala ko noon, simpleng tao lang siya na napadaan sa feed ko. Parang biglang naging malinaw ang lahat. Ang batang iyon sa litrato, ang Isaid na hinahanap nila, ay ang Isaid na minsan ko nang naging kaklase noong college ko. Nag-post siya noon ng litrato ng bata pa siya sa tabi ng isang puno. Naalala ko pang nagkomento ako sa post na iyon, nagtatanong kung siya ba ‘yong nasa litrato. Nag-reply pa siya noon, pabiro niyang sinagot na, “Oo, ‘yan ako nung inosente pa ako.” Hindi ko inisip na seryoso siya.

Ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa nalaman ko. Parang lumakas ang tunog ng bawat pintig ng puso ko habang patuloy kong pinagmamasdan ang litrato. Paano kung malaman ni Don Jacinto na alam ko kung nasaan si Isaid? Dapat ko ba itong sabihin? Pero hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. At higit sa lahat, paano ako makikipag-usap sa isang bilyonaryo tungkol sa bagay na ito?

Napabuntong-hininga ako. Bumalik ako sa mesa ni Dolores, kunwari abala ulit sa mga papeles. Pero sa isip ko, hindi ko mapigilan ang muling pagbabalik-tanaw sa mukha ni Isaid—ang batang nasa litrato at ang lalaking minsan kong nakausap online. Isang malaking lihim ang naungkat ko at hindi ko alam kung anong hakbang ang susunod kong gagawin.

Nagtapos ang pag-uusap nina Don Jacinto at ng kaibigan niya. Nakita kong naglakad palabas si Don Jacinto dala ang litrato ni Isaid sa bulsa ng kaniyang jacket. Sumunod ang kaibigan niya at nagpaalam na rin. Ako naman ay nanatiling nag-aayos, naguguluhan at hindi makapaniwala sa mga narinig ko.

Pagkatapos nilang umalis, iniangat ko ang cellphone ko at nagbukas ng social media. Tiningnan ko ang account ni Isaid. Hindi ko mapigilang mag-scroll sa mga post niya, hinahanap ang litratong iyon na dati kong nakita. Ilang saglit lang ay natagpuan ko na ang hinahanap ko—ang parehong larawan ng batang lalaki na nakita ko kanina. Siya nga.

Hindi ako puwedeng magkamali.

Si Isaid ay hindi basta-bastang tao lang. Anak siya ng isang bilyonaryo. Ang buong buhay ko, akala ko mga simpleng tao lang ang nakikilala ko. Pero ngayon, para akong naligaw sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan.

Nakatitig ako sa screen ng phone ko, habang muling tumatama sa akin ang bigat ng nalaman ko. Si Isaid Herrera. Ang batang nakita ko sa litrato at ang lalaking minsan kong nakausap online ay iisa. Anak ng isang bilyonaryo,at siya ang tagapagmana ng isa sa pinakamalaking kumpanya ng armas sa bansa.

Anong gagawin ko ngayon?

Napaisip ako nang malalim. Alam ko na kailangan kong maging maingat. Hindi basta-basta ang pamilya ni Don Jacinto at mukhang may mabigat na dahilan kung bakit nila hinahanap si Isaid.

Natatandaan ko, minsan na akong biniro ni Isaid. Sinabi niya sa akin na bagay kami at trip niya akong ligawan. Hindi ko naman pinansin ‘yon kasi umiiyak ako dahil sinabunutan ako ng tita kong walangya.

Biglang may namuong plano sa isip ko. What if maging asawa ko si Isaid? What if mabuntis niya ako? Kung sakaling babalik siya sa pamilya niya, at mag-asawa na kami at may sarili ng pamilya, instant billionaire ang eksena ko.

Oh, shit! Bakit bigla kong naisip ‘to? D-dapat na ba akong kumilos ngayon palang? I-ito na ba ang paraan para maging mayaman na ako? Para mapunta naman ako sa itaas?

Oh, my God. Naguguluhan ako na medyo na-e-excite. Kasi kung papatulan ako ni Isaid at kung mabubuntis niya ako, pak! Bingo! Magiging reyna ako ng Herrera Soverign Defense. Sina Dolores naman ang maaapi ko kapag nangyari ‘yon. Hindi ko na rin kailangan pang sumiksik sa tiyahin kong bruha at sa pinsan kong princesa sa bahay namin.

Bahala na, sige, game! Hahanapin ko na si Isaid.

Kaugnay na kabanata

  • How To Catch A Billionare   0004: Trauma

    Isaid’s POVHabang nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno sa gitna ng flower farm, napapangiti ako kasi palaging sariwa at kaaya-aya ang nakikita ko araw-araw. Ang araw ay maganda at ang mga bulaklak sa paligid ko ay tila naglalaro sa hangin. Ang mga kulay ng petal at ang bango ng mga bulaklak ay nagpapaligaya sa akin, sanay na sanay na ako sa mga halimuyak nila. Ang lugar na ito ay naging tahanan ko na at sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman kong higit akong nagkakaroon ng ugnay sa lupang ito.Ngayon, nagbabalik-tanaw ako sa mga taon na dumaan mula nang magbago ang lahat ng dinala ako dito sa farm. Nangungupahan ako sa isang maliit na kuwarto sa bahay ng may-ari ng flower farm, sina Mang Ben at Aling Lita. Sila ang naging mga magulang ko simula nung ako ay umalis sa amin at hindi na nakabalik pa sa dati kong buhay. Masasabi kong masuwerte ako sa kanilang pagkakakilala at pagkupkop sa akin. Hindi nila ako pinabayaan at nagkaroon ako ng pagkakataon na magkaroon ng bagong buhay.Nga

    Huling Na-update : 2024-09-15
  • How To Catch A Billionare   0005: Finding Isaid

    Aika’s POVSa ilalim ng mainit na sikat ng araw, hindi ko maiwasang mapaisip kung ano bang pumasok sa utak ko para hindi pumasok sa trabaho ngayong araw. Pero inisip ko na makikita ko naman na ngayon si Isaid. Nakita ko siya sa social media, nagtatrabaho sa isang flower shop at ‘yon ang naisip kong hanapin para ma-meet ko na ulit siya sa personal. Hindi na ako nakapagpigil, kaya heto ako, naglalakad sa bayan.“Paano ba to? Paano ba to?” Tanong ko sa sarili habang binabagtas ang makulay na kalye ng bayan na puno ng mga flower shop. Seryoso, parang naglalakad ako sa isang petisyon ng bulaklak—lahat ng mga shop na nadaanan ko ay puro bulaklak ang binebenta. Ang problema, wala ni isa sa mga ito ang flower shop ni Isaid.Sa bawat flower shop na pinapasok ko ay tila kinakalabit ako ng mga bouquet na nagsasabing, “Hindi ito ‘yon!”Ang mga florists ay mababait naman at tumutulong sa akin, ngunit malaki ang posibilidad na tinatawanan nila ako sa likod ng kanilang mga ngiti.“Sigurado ka bang d

    Huling Na-update : 2024-09-16
  • How To Catch A Billionare   0006: First date?

    Aika’s POVSigurado ako na magkakaroon ng konting pag-aalangan si Isaid kapag inaya ko siyang lumabas ngayong hapon. Pero dapat maisip niya na may kailangan ako sa kaniya kasi kanina pa ako nandito sa flower shop niya. Ilang customer na ata ang nakita kong labas-masok dito.Nang wala na siyang gagawin, doon na niya ako muling hinarap. Nakita ko kasi na masyado siyang seryoso sa flower shop na ‘to. Masyado siyang nagpapakahirap dito e, hindi niya alam, napakayaman niya. Hindi niya alam na bilyonaryo siya.“So, Aika, sabihin mo, ano bang sinadya mo. Nakakahiya naman, halos mag-iilang oras ka na atang nandito. Ano ba kasi ang sadya mo?” tanong na niya sa akin habang pawisan.“Ay, ano... wala lang, napadaan lang ako.” Ang bobo ko, bakit ‘yung ang sinabi ko. Ang tagal-tagal kong naghintay sa kaniya tapos ‘yun lang ang sinabi ko. Failed ako sa part na ‘yon. “Na-miss ko lang yung mga bulaklak mo,” sabi ko pa kaya lalo na akong napangiwi.Nagtaas siya ng kilay na para bang halatang hindi kumb

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • How To Catch A Billionare   0007: First date? II

    Aika’s POV“Naku, baka naman kaya ka manlilibre ng pagkain sa labas e, gusto mo lang din malibre ng bulaklak,” biro na naman niya kaya natawa ako.“Hindi naman... okay, fine, oo na. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam paano bumuo ng bouquet. Tsaka, magbabayad ako, hindi libre, alam ko naman na mahal ang mga bulaklak ngayon. Saka, kanina, habang pinapanuod kita sa pag-aayos ng mga bulaklak, hangang-hanga ako. Ang galing mo, Isaid.”“Flattery won’t get you anywhere,” sabay tawa niya.Pagdating namin sa resto, agad kaming umupo sa isang magandang spot—malapit sa bintana, kung saan makikita mo yung mga tao sa labas. Iba ang pakiramdam ng ganito, parang bumalik kami sa dati naming samahan. Pero, promise, hindi kami nagkasama ng madalas, siguro mga ilang beses lang. Kaya siguro takang-taka itong si Isaid na bigla akong sumulpot.“Okay ka lang ba sa mga ganitong kainan, baka naman hindi mo trip?” sabi ni Isaid nang dumating ang waiter.“Hoy, hindi ako maarte. Saka, ano ka ba, kung alam

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • How To Catch A Billionare   0008: Babalikan

    Aika’s POVNang pumasok ako sa opisina ng umagang iyon, ramdam ko na agad ang bigat ng mga tingin ng mga katrabaho ko. Wala pa akong isang hakbang sa loob ng pinto, ngunit naririnig ko na ang mga bulong-bulungan sa likod ko, ang mga mahihinang tawa na tila nanunuya. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang mga iyon—si Gina at ang mga alipores niyang sina Monika at Vanessa. Palaging sila ang unang nag-uumpisa ng ganito tuwing may papasok ako sa trabaho.“Wow, look who decided to show up today,” rinig kong sabi ni Gina. Tumawa siya ng malakas at narinig ko ang mga tawa ng mga kasama niya. Hindi ako lumingon. Hinakbang ko na lang ang mga paa ko papunta sa aking mesa, hinigpitan ang pagkakahawak ko sa bag ko, pilit na iniwasang makipagtitigan sa kahit na sino.Alam kong hindi matatapos dito ang araw ko.Nang marating ko na ang aking cubicle, nilapag ko nang maingat ang aking bag at huminga nang malalim. Hindi ko maaaring ipakita sa kanila na apektado ako. Iyon ang gu

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • How To Catch A Billionare   0009: She’s lucky she’s not fired yet.

    Aika’s POVNang makita ko si Isaid sa flower shop at makasama ko siyang kumain sa isang restaurant , alam kong may pag-asang magkagusto siya sa akin. At grabe, kahapon nagulat ako sa bagong looks niya. Ang laki nang pinagbago niya. May pagkamatikas na talaga ang tindig niya at kahit tahimik siya at hindi palakaibigan, alam kong may kabutihan sa loob niya. At parang…parang masarap kasama sa harutan.Oo, hindi ako mukhang naughty, pero siyempre, ang nabu-bully na gaya ko, may tinatago ring kaharutan. At kapag nagharot ako sa kama, iba na ang usapan. Nag-iiba ang galawan, salita at pag-uugali ko. Lumalabas ang pagiging gaga ko.Joke lang, hindi pa talaga ako nakakatikim ng kahit isang lalaki sa kama. Hanggang panuod lang ako sa mga ano, website na pinagbabawal. Hanggang mariang palad palang ang nagagawa ko. Hanggang imagination palang ang nagagawa ko na habang nagma-mariang palad ako, iniisip ko na may lalaki akong kasama sa kama.Si Isaid, hindi siya tulad ng mga ito—hindi siya tulad ng

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • How To Catch A Billionare   0010: Sign na ba ‘to?

    Aika’s POVPagod na pagod ako habang naglalakad palabas ng building ng Herrera Soverign Defense. Ang mga binti ko ay tila bumibigat sa bawat hakbang at hindi ko maiwasang isipin ang araw na ito ay palaging lupaypay ang nangyayari sa akin. Buwisit kasi ang mga bully na iyon, ayaw akong pasakayin sa elevator kanina. Kaya, ito, umiwas ako, naghagdan na lang ako kahit nasa mataas na floor ang office namin. Nakakabaliw na talaga sa trabaho kasama ang mga bully na iyon, isama pa ang mga mapanghusgang si Ma’am Dolores na laging may nakikitang mali sa bawat galaw ko.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito titiisin, pero sa ngayon, wala akong magagawa. Kailangan ko ng pera at wala akong ibang mapagpipilian. Sa trabaho, nabu-bully ako. Sa bahay, hindi rin ako makawala. Parang wala akong ligtas na lugar—parang ang mundo ay nilikha para pahirapan ako. Paisa lang lang, ha. Putangina nilang lahat.Biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakita ang pangalan ni Tita Teofila. Saglit

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • How To Catch A Billionare   0011: Sana maulit pa ‘to.

    Aika’s POVAng sarap niya, este ng lugaw pala. Napa-order tuloy ako ng isa pang mangkok na may kasama ng lumpia. Kasi gusto kong makipagkuwentuhan pa sa kaniya. Wala pa naman sa bahay ang mga bruha kaya okay lang na ma-late ako ng uwi.“Minsan okay din dito. Simple lang, pero masarap. Minsan kailangan din nating makaranas ng ganito, ‘di ba?”Ngumiti ako, ngunit may kirot sa loob ko. Hindi ko masabi sa kanya na wala akong ibang choice. Na parang ganito ang buhay ko palagi—simpleng pagkain, simpleng lugar, ngunit walang kalayaan.Nagsimula kaming kumain nang sabay, tahimik lang sa umpisa. Pero sa bawat sandali na magkasama kami, nararamdaman kong unti-unti nang nawawala ang lungkot ko. Parang ang presensya niya ay sapat na para itulak palayo ang bigat na nararamdaman ko.Matapos ang ilang minutong katahimikan, si Isaid na rin ang unang nagsalita. “Kumusta naman sa trabaho, Aika? Masaya ka ba sa trabaho mo. Dapat, oo, kasi hindi ka naman tatagal diyan kung hindi?”Mabilis ang tibok ng pu

    Huling Na-update : 2024-10-02

Pinakabagong kabanata

  • How To Catch A Billionare   0064: You’ll see your son again. But not yet.

    Aika’s POVPagdating ko sa gate ng mansyon ni Don Jacinto Herrera, hindi ko mapigilang mapamangha. Napakalaki ng bahay! Kasing laki ito ng parang isang kastilyong na nakikita ko sa isang fairy tale. Ang malawak na hardin ay puno ng mga bulaklak na parang inayos ng pinakamagaling na landscape artist sa bansa. Sa gitna nito, may fountain na tila ba musika ang lagaslas ng tubig.“Wow,” bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa pinto. “Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman.”Sa isip ko, naisip ko rin si Isaid. Ito pala ang bahay nila. Ganito pala kalaki ang bahay niya. Para siyang prinsipe dito kapag umuwi na siya rito.Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa air conditioning at ang bango ng mga sariwang bulaklak. Ang sahig ay gawa sa marmol na puting-puti, at bawat sulok ng bahay ay puno ng mamahaling muwebles at artwork.“Good evening, Miss,” bati ng isang butler na nakangiti.“Good evening po,” sagot ko habang iniabot ang invitation card. Pinapasok niya a

  • How To Catch A Billionare   0063: Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghihirap!

    Aika’s POVPagbukas ko ng pinto ng apartment, parang buong lakas ko na ang naubos sa araw na ito. Parang ang bigat ng katawan ko, bawat hakbang ay may dalang matinding pagod. Hindi ko na maalala kung ilang beses akong sinigawan ni Miss Dolores ngayong araw. At bukod pa doon, ang dami pang trabahong iniwan sa akin na hindi naman dapat sa akin.Hinubad ko ang heels ko sa may pinto at dumiretso sa sofa. Sa wakas, tahimik na rin dito. Walang utos, walang trabaho at walang nang-aabuso. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng bentilador at ang tunog ng aking tiyan na nagsasabing oras na para kumain.Pinilit kong tumayo mula sa sofa at nagtungo sa kusina. Pagbukas ko ng ref, halos tumulo ang luha ko sa kawalan ng laman nito. May natitirang isang pirasong itlog at kalahating bote ng toyo. Ang huling grocery ko ay noong nakaraang linggo pa. Sa sobrang busy, hindi na ako nakakapamili.“Hindi na talaga kaya,” bulong ko sa sarili habang sinasara ang ref.Bumalik ako sa sala at kinu

  • How To Catch A Billionare   0062: Noted, Miss Dolores

    Aika’s POVNasa mesa ako, abala sa pagta-type ng isang memo na pinagawa ni Mr. Herrera kaninang umaga. Masaya akong naglalakad papunta sa office kanina dahil alam kong may respeto na sa akin ang mga dati kong kaopisina na sina Vanessa, Monica, at Gina, dahil na rin sa takot dahil palagi kong kasama si Jaira.Sa wakas, tapos na ang mga araw ng pang-aalipusta nila sa akin. Ngunit hindi ko alam na mayroon pa nga palang kalaban na naghihintay, isang mas matigas na pader na kailangang tibagin.Si Miss Dolores na isa sa dati na talagang buwisit sa buhay ko.Sa sandaling wala ang CEO sa opisina, nagiging tila siya ang hari’t reyna ng kumpanya. At, para sa kaniya, ako ang personal niyang alipin.“Aika!” sigaw niya mula sa kabilang bahagi ng office.Tumigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. May hawak siyang tasa ng kape na halatang wala nang laman. Napalunok ako. Mukhang may bagong utos na naman ang bruha.“Come here,” sabi niya sabay wagayway ng kamay.Lumapit ako sa kaniya, at bago

  • How To Catch A Billionare   0061: I trust you, Isaid

    Isaid’s POVNasa harap ko si Aika, napakaganda niya ngayong gabi. Kahit simpleng floral dress lang ang suot niya, tila mas nagniningning siya sa ilalim ng dim light ng Italian restaurant na pinili niyang pag-celebrate namin ngayon. Tinitingnan ko siya habang abala siyang nagbabasa ng menu, at sa bawat galaw ng mga mata niya, parang lalo akong nahuhulog sa kaniya.“Ano kaya ang masarap dito?” tanong niya sa akin nang hindi tumitingin mula sa hawak niyang menu.“Whatever you pick, I’m sure it’s delicious,” sagot ko habang sinusubukang pigilan ang ngiti ko. Pero hindi ko rin mapigilan. Ang saya ko ngayong gabi.Hindi ko pa rin lubos maisip na nasa ganitong sitwasyon kami ngayon. Parang kahapon lang, ordinaryong araw na magkaibigan kami, nagtatawanan, nagkukulitan at walang iniisip kundi trabaho ng isa’t isa. Pero ngayon, boyfriend na ako ng babaeng nasa harap ko. Boyfriend na ako ni Aika.“Okay, I’ll have the spaghetti alla carbonara and bruschetta for starters,” sabi niya sabay abot sa m

  • How To Catch A Billionare   0060: We were just joking

    Aika’s POVTahimik akong nakaupo sa bagong desk ko, malapit sa pinto ng opisina ni Don Jacinto. Ang table ko ay may modernong design, simple ngunit elegante, na nagpapakita ng bigat ng responsibilidad ng bagong posisyon ko bilang executive assistant. Katabi ko lang si Jaira, ang secretary ng CEO. Ilang araw pa lang kaming nagkakakilala, pero ramdam ko na ang professional na hangin sa paligid niya.Habang abala ako sa pag-aayos ng files, bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Gina mula sa likod. Hindi ko man sila kita, ramdam ko ang tingin nilang tatlo—sina Gina, Monica, at Vanessa na dumayo pa talaga dito para mang-asar, tila lumala na naman ang sipon sa utak nila.“Wow naman. Biglang bigatin na si Aika. Executive assistant na! Ano kaya ang ginawa niya?” malakas na sabi ni Gina na halatang nagpaparinig.“Baka naman nilandi niya si Sir Don,” dagdag pa ni Monica na halatang gustong magpatawa. Tumawa silang dalawa, pero may halong panunukso.“Malay mo, sipsip din,” sabi ni Vanessa n

  • How To Catch A Billionare   0059: I need a new executive assistant

    Aika’s POVHindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang matanggap ko ang tawag mula sa secretary ng CEO. Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo sa maliit kong cubicle.“Pinapatawag ka raw ni Don Jacinto sa office niya,” sabi ni Gina habang nakapamewang at may ngisi sa mukha. Sa tabi niya, naroon sina Monica at Vanessa, parehong nagkatinginan at napangiti rin na parang may alam na masama.“Tingnan mo, baka nasumbong ka na sa atraso mo!” dagdag pa ni Vanessa, sabay tawa na para bang sigurado silang mapapahiya ako. Anong atrasong pinagsasasabi nila e, napakabait ko dito, kung mayroon atraso, baka sila iyon kasi mga bully sila.Wala akong atraso, sure na sure ako doon. Alam ko naman iyon. Pero kahit gaano ako kasigurado, hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko. Parang bumigat bigla ang bawat hakbang ko habang papunta sa elevator. Naisip ko kasi na baka may ginawang kalokohan ang mga bruha at ako ang tinuro o pinagbintangan nila. Sana ay mali ako.Nang madaana

  • How To Catch A Billionare   0058: Tignan ko kung kaya ko II (SPG)

    Aika’s POVPaglabas niya ng titë niya sa briëf niya, nalaglag ang panga ko. “S-sandali, ano ‘yan, titë ng kabayo?” tanong ko sa kaniya. Grabe eh, parang kapag pinasok niya ito sa loob ng pukë ko, aabot ata hanggang sa bituka, ang laki at ang haba, hindi lang iyon, mataba pa.“Try mong laruin, masarap ‘yan,” sabi ni Isaid na talaga namang nalunod na sa init na inapuyan ko dahil sa pag-aya ko sa kaniya dito sa kuwarto ko.Kahit takot, hindi na ako umatras pa, nilaban ko na. Ito ang unang beses na hinawakan ko ang titë ni Isaid. Napapamura ako kasi ang laki talaga.“Dilaan mo, kagatin mo kung gusto mo, ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin,” sabi pa ni Isaid na natatawa dahil sa mga sinasabi niya.Sinubukan ko nang dilaan muna ang ulo, hanggang sa ituloy-tuloy ko na. Wala namang lasa, parang dinilaan mo lang ang balat mo. Nahiya lang ako nung una pero nung lumaon, bumigay din ang bibig ko. Halos parang ginawa ko nang saging ang pagkalalakë ni Isaid. Nakakaya ko lang isubo hanggang

  • How To Catch A Billionare   0057: Tignan ko kung kaya ko (SPG)

    Aika’s POVTinitigan ako nang matagal ni Isaid, tila kahit may tama na siya ng wine na iniinom namin ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.“Lasing ako, Aika, hindi ko aatrasan ang gusto mo,” sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin, naghihintay na sabihin ko ulit ang sinabi ko kanina.Pero imbes na magsalita pa, hinahawakan ko ang mga kamay niya at dinala siya sa loob ng kuwarto ko. Nag-lock ako ng pinto at saka siya pinaupo sa kama.“Tatanggalin ko na ang damit mo,” paalam ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at saka tumango kaya dahan-dahan ay tinaas ko na ang dalawang kamay niya para matanggal ang t-shirt niya.Ngumiti ako nang makita kong maganda talaga ang matipuno niyang katawan. Hinawakan ko nang dahan-dahan ang balikat niya, pababa sa bycep at kamay niya. Pagkatapos, hinawakan ko na rin ang maumbok na dibdib niya at ang mga cute niyang abs.“Ang ganda ng katawan mo, Isaid, hindi ako makapaniwalang gagawin ko ‘to,” sabi ko sa kaniya habang sinasadya kong landian ang boses ko. H

  • How To Catch A Billionare   0056: Ikama mo na ako

    Aika’s POVAkala ko hindi pa rin siya lalabas ng bahay. Mabuti na lang at mukhang okay na ang pakiramdam niya. Sa wakas, pumayag din siyang dumalaw sa apartment ko, kahit na ilang beses ko na siyang niyaya nitong mga nagdaang araw. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng siglang maglalabas. Isa pa, siguro dahil ay holiday bukas, kaya wala siyang rason para tumanggi. Pero sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko ngayong gabi. Masaya ako na maaliwalas na ulit ang mukha niya. Ang pogi na niya ulit at hindi na mukhang stress.“Wow, Aika, mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ah,” sabi ni Isaid habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng masasarap na pagkain—roast chicken, pasta, salad, at tiramisu para sa dessert. Medyo naiilang siya, halatang hindi sanay sa ganitong setup. Paano kasi, dati puro kung ano-ano lang pagkain ang nahahanda ko sa kaniya.Ngumiti ako, tinitigan ang mukha niyang tila ba laging clueless pero nakakaakit pa rin naman. “Siyempre naman, specia

DMCA.com Protection Status