Share

0006: First date?

last update Huling Na-update: 2024-10-01 09:12:42

Aika’s POV

Sigurado ako na magkakaroon ng konting pag-aalangan si Isaid kapag inaya ko siyang lumabas ngayong hapon. Pero dapat maisip niya na may kailangan ako sa kaniya kasi kanina pa ako nandito sa flower shop niya. Ilang customer na ata ang nakita kong labas-masok dito.

Nang wala na siyang gagawin, doon na niya ako muling hinarap. Nakita ko kasi na masyado siyang seryoso sa flower shop na ‘to. Masyado siyang nagpapakahirap dito e, hindi niya alam, napakayaman niya. Hindi niya alam na bilyonaryo siya.

“So, Aika, sabihin mo, ano bang sinadya mo. Nakakahiya naman, halos mag-iilang oras ka na atang nandito. Ano ba kasi ang sadya mo?” tanong na niya sa akin habang pawisan.

“Ay, ano... wala lang, napadaan lang ako.” Ang bobo ko, bakit ‘yung ang sinabi ko. Ang tagal-tagal kong naghintay sa kaniya tapos ‘yun lang ang sinabi ko. Failed ako sa part na ‘yon. “Na-miss ko lang yung mga bulaklak mo,” sabi ko pa kaya lalo na akong napangiwi.

Nagtaas siya ng kilay na para bang halatang hindi kumbinsido sa mga sinabi ko. “Na-miss mo yung mga bulaklak, o may kailangan ka? Ang pagkakaalam ko, ngayon mo lang nalaman na may ganito na ako. ‘Yung totoo, ano ba talagang mayroon, Aika?”

At least alam niya agad. Napakamot ako ng ulo habang tumatawa ng kaunti. “O sige na, huli mo na ako. Actually, may gusto sana akong ipagawa.” Ayan, ganiyan nga, Aika. Gamitin mo ang pagiging malikot ng utak mo. Dapat ‘yung mga sasabihin mo ay pag-isipan mong mabuti.

Naiyuko niya ang ulo, kunwaring dismayado, pero alam kong nasanay na siya sa ganitong mga moment namin dati noong nag-aaral pa kami. “Ano na naman ‘yan?”

“Gagawa sana ako ng bouquet para sa boss ko,” sabi ko sabay lapit sa counter kung saan naroon ang mga lilies. “Eh, naisip ko, sino pa ba ang mas magaling gumawa ng bouquet kaysa sa’yo?”

Tumingin siya sa akin habang medyo nag-aalinlangan. “Bakit ‘di ka na lang bumili ng ready-made? Alam mo namang marami na akong naka-display diyan.”

“Ano ka ba,” sagot ko habang naglalagay na ng konting drama sa pagsasalita. “Gusto ko ng personal touch. At saka, gusto ko ikaw mismo ang magturo sa akin—hands-on!”

Napansin ko ang bahagyang ngiti sa mga labi niya. Mukhang effective ang strategy ko. “Hmm... parang may hindi tama dito. Pero sige, bibigay na ako.” Inayos niya ang kanyang apron at nagtungo sa mga bulaklak sa gilid. “Ano bang gusto mong klase ng bouquet?”

Nakangiti akong sumunod sa kanya. “Ikaw na bahala, basta maganda.”

Habang pinipili niya ang mga bulaklak, sinubukan kong gawing casual ang susunod kong hakbang. “Pero bago natin simulan, ano muna... kumain muna tayo sa labas?”

Huminto siya sa pag-aayos ng mga stems at tumingin sa akin na parang nag-aalinlangan. “Kumain?”

“Oo. Break ka muna. Lilibre kita.”

Bukod sa pag-iisip ng tama, dapat maging matapang din paminsan-minsan. Hindi naman siguro niya ako tatanggihan? Bumalik siya sa pag-aayos ng mga bulaklak habang tumatawa. “Ah, kaya pala nandito ka. Gusto mo na agad atang magkaroon tayo ng first date,” biro niya.

“First date ka diyan, baliw ‘to,” natatawa kong sabi kasi na okay lang sa akin na tuksuhin niya ako ng ganoon. Doon din naman pupunta ito, huwag niya lang malalaman talaga na kaya ko siya hinanap ay dahil alam ko na ang totoong pagkatao niya. Alam kong mayaman siya at tagapagmana ng malaking kayamanan. “Hindi naman sa ganoon, Isaid. Pero seryoso, alam kong pagod ka rin. Tara, mag-relax muna tayo.”

Nagtagal siya ng ilang segundo bago tumingin ulit sa akin, kita sa mukha ang pag-aalinlangan. Pero sa huli, bumigay rin siya. “Sige na nga, pero ikaw ang magliligpit dito mamaya,” biro pa niya kaya natawa na lang ako sa kaniya.

NASA LABAS na kami ng shop ni Isaid, naglalakad patungo sa malapit na kainan—isang maliit na resto sa dulo nitong palengke. Parang ang tagal na simula nung huli kaming magkasama sa ganitong pagkakataon, kaya nag-aadjust din ako sa awkwardness. Pero dahil mala-prinsipe itong kasama ko, kailangan kong galingan. Dapat, maging close na close kami bago ang malalang plano na hinahanda ko.

“Alam mo, miss ko na rin ‘to,” bigla kong sinabi na pilit kong pinasok sa kalagitnaan ng pag-uusap namin tungkol sa trabaho. “Yung ganitong simpleng lakad lang, walang stress.”

Tumingin siya sa akin habang medyo nagpipigil ng ngiti. “Ako rin. Kaso lang, matagal kang nawala eh.”

“Alam mo naman, busy sa trabaho.” Napahinto ako habang sinubukang gawing mas sincere yung susunod kong sasabihin. “Pero, totoo, namiss ko ‘to. Na-miss kita.” Masyado akong maaga, pero okay lang naman sigurong magsabi ng ganoon sa kaniya?

Sa wakas, ngumiti siya ng buo. “Aika, minsan talaga ang drama mo. Pero hindi ka ganiyan dati.”

Tumawa ako sabay abot ng kamay ko sa kanya. “Alam mo, parang sinadya nga na makita kita. Sa dinami-rami ng flower shop na napuntahan ko, flower shop mo lang ‘yung parang nang-akit sa akin. Ang ganda kasi ng mga gawa ninyo, kaya napapasok ako sa loob. Hindi ko naman inaasahang ikaw pala ang may-ari nun,” kuwento ko para lalo ko siyang makumbinse na hindi ko sinadya ang paghahanap sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

  • How To Catch A Billionare   0007: First date? II

    Aika’s POV“Naku, baka naman kaya ka manlilibre ng pagkain sa labas e, gusto mo lang din malibre ng bulaklak,” biro na naman niya kaya natawa ako.“Hindi naman... okay, fine, oo na. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam paano bumuo ng bouquet. Tsaka, magbabayad ako, hindi libre, alam ko naman na mahal ang mga bulaklak ngayon. Saka, kanina, habang pinapanuod kita sa pag-aayos ng mga bulaklak, hangang-hanga ako. Ang galing mo, Isaid.”“Flattery won’t get you anywhere,” sabay tawa niya.Pagdating namin sa resto, agad kaming umupo sa isang magandang spot—malapit sa bintana, kung saan makikita mo yung mga tao sa labas. Iba ang pakiramdam ng ganito, parang bumalik kami sa dati naming samahan. Pero, promise, hindi kami nagkasama ng madalas, siguro mga ilang beses lang. Kaya siguro takang-taka itong si Isaid na bigla akong sumulpot.“Okay ka lang ba sa mga ganitong kainan, baka naman hindi mo trip?” sabi ni Isaid nang dumating ang waiter.“Hoy, hindi ako maarte. Saka, ano ka ba, kung alam

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • How To Catch A Billionare   0008: Babalikan

    Aika’s POVNang pumasok ako sa opisina ng umagang iyon, ramdam ko na agad ang bigat ng mga tingin ng mga katrabaho ko. Wala pa akong isang hakbang sa loob ng pinto, ngunit naririnig ko na ang mga bulong-bulungan sa likod ko, ang mga mahihinang tawa na tila nanunuya. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang mga iyon—si Gina at ang mga alipores niyang sina Monika at Vanessa. Palaging sila ang unang nag-uumpisa ng ganito tuwing may papasok ako sa trabaho.“Wow, look who decided to show up today,” rinig kong sabi ni Gina. Tumawa siya ng malakas at narinig ko ang mga tawa ng mga kasama niya. Hindi ako lumingon. Hinakbang ko na lang ang mga paa ko papunta sa aking mesa, hinigpitan ang pagkakahawak ko sa bag ko, pilit na iniwasang makipagtitigan sa kahit na sino.Alam kong hindi matatapos dito ang araw ko.Nang marating ko na ang aking cubicle, nilapag ko nang maingat ang aking bag at huminga nang malalim. Hindi ko maaaring ipakita sa kanila na apektado ako. Iyon ang gu

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • How To Catch A Billionare   0009: She’s lucky she’s not fired yet.

    Aika’s POVNang makita ko si Isaid sa flower shop at makasama ko siyang kumain sa isang restaurant , alam kong may pag-asang magkagusto siya sa akin. At grabe, kahapon nagulat ako sa bagong looks niya. Ang laki nang pinagbago niya. May pagkamatikas na talaga ang tindig niya at kahit tahimik siya at hindi palakaibigan, alam kong may kabutihan sa loob niya. At parang…parang masarap kasama sa harutan.Oo, hindi ako mukhang naughty, pero siyempre, ang nabu-bully na gaya ko, may tinatago ring kaharutan. At kapag nagharot ako sa kama, iba na ang usapan. Nag-iiba ang galawan, salita at pag-uugali ko. Lumalabas ang pagiging gaga ko.Joke lang, hindi pa talaga ako nakakatikim ng kahit isang lalaki sa kama. Hanggang panuod lang ako sa mga ano, website na pinagbabawal. Hanggang mariang palad palang ang nagagawa ko. Hanggang imagination palang ang nagagawa ko na habang nagma-mariang palad ako, iniisip ko na may lalaki akong kasama sa kama.Si Isaid, hindi siya tulad ng mga ito—hindi siya tulad ng

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • How To Catch A Billionare   0010: Sign na ba ‘to?

    Aika’s POVPagod na pagod ako habang naglalakad palabas ng building ng Herrera Soverign Defense. Ang mga binti ko ay tila bumibigat sa bawat hakbang at hindi ko maiwasang isipin ang araw na ito ay palaging lupaypay ang nangyayari sa akin. Buwisit kasi ang mga bully na iyon, ayaw akong pasakayin sa elevator kanina. Kaya, ito, umiwas ako, naghagdan na lang ako kahit nasa mataas na floor ang office namin. Nakakabaliw na talaga sa trabaho kasama ang mga bully na iyon, isama pa ang mga mapanghusgang si Ma’am Dolores na laging may nakikitang mali sa bawat galaw ko.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito titiisin, pero sa ngayon, wala akong magagawa. Kailangan ko ng pera at wala akong ibang mapagpipilian. Sa trabaho, nabu-bully ako. Sa bahay, hindi rin ako makawala. Parang wala akong ligtas na lugar—parang ang mundo ay nilikha para pahirapan ako. Paisa lang lang, ha. Putangina nilang lahat.Biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakita ang pangalan ni Tita Teofila. Saglit

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • How To Catch A Billionare   0011: Sana maulit pa ‘to.

    Aika’s POVAng sarap niya, este ng lugaw pala. Napa-order tuloy ako ng isa pang mangkok na may kasama ng lumpia. Kasi gusto kong makipagkuwentuhan pa sa kaniya. Wala pa naman sa bahay ang mga bruha kaya okay lang na ma-late ako ng uwi.“Minsan okay din dito. Simple lang, pero masarap. Minsan kailangan din nating makaranas ng ganito, ‘di ba?”Ngumiti ako, ngunit may kirot sa loob ko. Hindi ko masabi sa kanya na wala akong ibang choice. Na parang ganito ang buhay ko palagi—simpleng pagkain, simpleng lugar, ngunit walang kalayaan.Nagsimula kaming kumain nang sabay, tahimik lang sa umpisa. Pero sa bawat sandali na magkasama kami, nararamdaman kong unti-unti nang nawawala ang lungkot ko. Parang ang presensya niya ay sapat na para itulak palayo ang bigat na nararamdaman ko.Matapos ang ilang minutong katahimikan, si Isaid na rin ang unang nagsalita. “Kumusta naman sa trabaho, Aika? Masaya ka ba sa trabaho mo. Dapat, oo, kasi hindi ka naman tatagal diyan kung hindi?”Mabilis ang tibok ng pu

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • How To Catch A Billionare   0012: Malay niyo siya na ang para sa akin

    Isaid’s POVIsinara ko na ang pintuan ng shop at ini-lock ito nang maayos. Linggo ngayon, kaya sarado ang flower shop, pero sa totoo lang, wala akong pakialam sa pagpapahinga. Isa lang akong tao na walang alam kung paano ba mag-relax nang hindi nalilibang. Sa isip ko nga, bakit pa ako magpapahinga kung may mga bagay naman akong puwedeng gawin? Pero, dahil linggo, pass muna sa gawaing bulaklak. Sa iba naman ako maglilibang.Luminga-linga ako sa paligid. Tahimik ang kalsada, pati ang mga ibon sa itaas ng mga poste ng kuryente ay parang naisipang magbakasyon. Napatingin ako sa cellphone ko at napangiti.Isang linggo na ang nakakalipas nung huli kong makita si Aika, ito pa ‘yung hinatid ko siya sa bahay nila nang makita kami sa isang lugawan. Nag-deliver lang ako nun ng bulaklak sa malapit sa lugawan, nagutom lang ako at hinila ang mga paa ko roon, iyon pala, naroon siya kaya pareho pa kaming nagkagulatan. Parang tinadhanang magkita kami roon.Bakit hindi ko kaya siya tawagan? Tiyak, wala

    Huling Na-update : 2024-10-03
  • How To Catch A Billionare   0013: Malay niyo siya na ang para sa akin II

    Isaid’s POVMaya maya pa ay dumating na si Aika. Sakto, tapos na akong gumayak. Bumaba siya sa tricycle na sinakyan niya. Pagbaba niya, parang bumalik kami sa mga panahon ng pag-aaral namin—yung mga panahong sabay kaming nagkakandaugaga sa mga group projects at exams. Ang fresh niyang tignan ngayon, gaya ko ay bagong ligo ito.“Wow, Isaid! Ito pala ‘yung flower farm niyo? Ang ganda!” bulalas niya sabay ang mabilis na pagkuha ng cellphone para mag-selfie.“Oo, ito nga! Halika, itu-tour kita,” sagot ko sabay lakad papasok ng farm namin.Habang naglalakad kami, todo bigay ako sa pagpapaliwanag tungkol sa mga bulaklak. “Ito, Gerbera daisy ‘yan. Ayan naman, Petunia. At ito naman, ito ang pinaka-pride ng farm namin—roses!”Napatigil siya sa harap ng mga rosas. “Grabe, ang gaganda ng tanim niyo! Parang ayokong pumitas, nakakahiya.”“Naku, Aika, huwag kang mag-alala! Pumitas ka nang gusto mo. Kahit puno ng buong isang basket ‘yan ng bulaklak, walang kaso sa amin,” sabi ko sabay tawa.Tumawa r

    Huling Na-update : 2024-10-03
  • How To Catch A Billionare   0014: She’s so pathetic

    Aika’s POVPag-alis ng trabaho ko nang gabing iyon, gusto ko nang umuwi agad. Mabigat ang katawan ko at parang wala akong lakas na harapin ang gabing ito. Alam kong naghihintay si Tita sa akin at siguradong mapapagalitan na naman ako kapag nahuli ako sa pag-uwi. Mga lintek kasi na ‘yon, ako pang pagod ang inaasahang magluto ng hapunan nila, mga amo talaga. Hindi na ako makahinga sa bahay, parang palagi akong naglalakad sa balat ng apoy.Pero hindi iyon ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sina Gina, Monia, at Vanessa—mga katrabaho kong tila laging may agenda—ang nakatingin sa akin, palapit habang hinihila ako palabas ng gusali.“Aika, tara na! Magsasaya tayo sa bar!” sabi ni Gina, ang pinakamatapang sa tatlo. Wala akong choice. Hindi ako puwedeng tumanggi, lalo na’t alam kong kapag tumanggi ako, mas magiging masama ang trato nila sa akin kinabukasan.Nginitian ko sila, pilit, kahit ang totoo ay nanginginig ang mga tuhod ko.“Ahm... sorry, hindi ako puwede. Kailangan ko nang um

    Huling Na-update : 2024-10-04

Pinakabagong kabanata

  • How To Catch A Billionare   0064: You’ll see your son again. But not yet.

    Aika’s POVPagdating ko sa gate ng mansyon ni Don Jacinto Herrera, hindi ko mapigilang mapamangha. Napakalaki ng bahay! Kasing laki ito ng parang isang kastilyong na nakikita ko sa isang fairy tale. Ang malawak na hardin ay puno ng mga bulaklak na parang inayos ng pinakamagaling na landscape artist sa bansa. Sa gitna nito, may fountain na tila ba musika ang lagaslas ng tubig.“Wow,” bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa pinto. “Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman.”Sa isip ko, naisip ko rin si Isaid. Ito pala ang bahay nila. Ganito pala kalaki ang bahay niya. Para siyang prinsipe dito kapag umuwi na siya rito.Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa air conditioning at ang bango ng mga sariwang bulaklak. Ang sahig ay gawa sa marmol na puting-puti, at bawat sulok ng bahay ay puno ng mamahaling muwebles at artwork.“Good evening, Miss,” bati ng isang butler na nakangiti.“Good evening po,” sagot ko habang iniabot ang invitation card. Pinapasok niya a

  • How To Catch A Billionare   0063: Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghihirap!

    Aika’s POVPagbukas ko ng pinto ng apartment, parang buong lakas ko na ang naubos sa araw na ito. Parang ang bigat ng katawan ko, bawat hakbang ay may dalang matinding pagod. Hindi ko na maalala kung ilang beses akong sinigawan ni Miss Dolores ngayong araw. At bukod pa doon, ang dami pang trabahong iniwan sa akin na hindi naman dapat sa akin.Hinubad ko ang heels ko sa may pinto at dumiretso sa sofa. Sa wakas, tahimik na rin dito. Walang utos, walang trabaho at walang nang-aabuso. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng bentilador at ang tunog ng aking tiyan na nagsasabing oras na para kumain.Pinilit kong tumayo mula sa sofa at nagtungo sa kusina. Pagbukas ko ng ref, halos tumulo ang luha ko sa kawalan ng laman nito. May natitirang isang pirasong itlog at kalahating bote ng toyo. Ang huling grocery ko ay noong nakaraang linggo pa. Sa sobrang busy, hindi na ako nakakapamili.“Hindi na talaga kaya,” bulong ko sa sarili habang sinasara ang ref.Bumalik ako sa sala at kinu

  • How To Catch A Billionare   0062: Noted, Miss Dolores

    Aika’s POVNasa mesa ako, abala sa pagta-type ng isang memo na pinagawa ni Mr. Herrera kaninang umaga. Masaya akong naglalakad papunta sa office kanina dahil alam kong may respeto na sa akin ang mga dati kong kaopisina na sina Vanessa, Monica, at Gina, dahil na rin sa takot dahil palagi kong kasama si Jaira.Sa wakas, tapos na ang mga araw ng pang-aalipusta nila sa akin. Ngunit hindi ko alam na mayroon pa nga palang kalaban na naghihintay, isang mas matigas na pader na kailangang tibagin.Si Miss Dolores na isa sa dati na talagang buwisit sa buhay ko.Sa sandaling wala ang CEO sa opisina, nagiging tila siya ang hari’t reyna ng kumpanya. At, para sa kaniya, ako ang personal niyang alipin.“Aika!” sigaw niya mula sa kabilang bahagi ng office.Tumigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. May hawak siyang tasa ng kape na halatang wala nang laman. Napalunok ako. Mukhang may bagong utos na naman ang bruha.“Come here,” sabi niya sabay wagayway ng kamay.Lumapit ako sa kaniya, at bago

  • How To Catch A Billionare   0061: I trust you, Isaid

    Isaid’s POVNasa harap ko si Aika, napakaganda niya ngayong gabi. Kahit simpleng floral dress lang ang suot niya, tila mas nagniningning siya sa ilalim ng dim light ng Italian restaurant na pinili niyang pag-celebrate namin ngayon. Tinitingnan ko siya habang abala siyang nagbabasa ng menu, at sa bawat galaw ng mga mata niya, parang lalo akong nahuhulog sa kaniya.“Ano kaya ang masarap dito?” tanong niya sa akin nang hindi tumitingin mula sa hawak niyang menu.“Whatever you pick, I’m sure it’s delicious,” sagot ko habang sinusubukang pigilan ang ngiti ko. Pero hindi ko rin mapigilan. Ang saya ko ngayong gabi.Hindi ko pa rin lubos maisip na nasa ganitong sitwasyon kami ngayon. Parang kahapon lang, ordinaryong araw na magkaibigan kami, nagtatawanan, nagkukulitan at walang iniisip kundi trabaho ng isa’t isa. Pero ngayon, boyfriend na ako ng babaeng nasa harap ko. Boyfriend na ako ni Aika.“Okay, I’ll have the spaghetti alla carbonara and bruschetta for starters,” sabi niya sabay abot sa m

  • How To Catch A Billionare   0060: We were just joking

    Aika’s POVTahimik akong nakaupo sa bagong desk ko, malapit sa pinto ng opisina ni Don Jacinto. Ang table ko ay may modernong design, simple ngunit elegante, na nagpapakita ng bigat ng responsibilidad ng bagong posisyon ko bilang executive assistant. Katabi ko lang si Jaira, ang secretary ng CEO. Ilang araw pa lang kaming nagkakakilala, pero ramdam ko na ang professional na hangin sa paligid niya.Habang abala ako sa pag-aayos ng files, bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Gina mula sa likod. Hindi ko man sila kita, ramdam ko ang tingin nilang tatlo—sina Gina, Monica, at Vanessa na dumayo pa talaga dito para mang-asar, tila lumala na naman ang sipon sa utak nila.“Wow naman. Biglang bigatin na si Aika. Executive assistant na! Ano kaya ang ginawa niya?” malakas na sabi ni Gina na halatang nagpaparinig.“Baka naman nilandi niya si Sir Don,” dagdag pa ni Monica na halatang gustong magpatawa. Tumawa silang dalawa, pero may halong panunukso.“Malay mo, sipsip din,” sabi ni Vanessa n

  • How To Catch A Billionare   0059: I need a new executive assistant

    Aika’s POVHindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang matanggap ko ang tawag mula sa secretary ng CEO. Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo sa maliit kong cubicle.“Pinapatawag ka raw ni Don Jacinto sa office niya,” sabi ni Gina habang nakapamewang at may ngisi sa mukha. Sa tabi niya, naroon sina Monica at Vanessa, parehong nagkatinginan at napangiti rin na parang may alam na masama.“Tingnan mo, baka nasumbong ka na sa atraso mo!” dagdag pa ni Vanessa, sabay tawa na para bang sigurado silang mapapahiya ako. Anong atrasong pinagsasasabi nila e, napakabait ko dito, kung mayroon atraso, baka sila iyon kasi mga bully sila.Wala akong atraso, sure na sure ako doon. Alam ko naman iyon. Pero kahit gaano ako kasigurado, hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko. Parang bumigat bigla ang bawat hakbang ko habang papunta sa elevator. Naisip ko kasi na baka may ginawang kalokohan ang mga bruha at ako ang tinuro o pinagbintangan nila. Sana ay mali ako.Nang madaana

  • How To Catch A Billionare   0058: Tignan ko kung kaya ko II (SPG)

    Aika’s POVPaglabas niya ng titë niya sa briëf niya, nalaglag ang panga ko. “S-sandali, ano ‘yan, titë ng kabayo?” tanong ko sa kaniya. Grabe eh, parang kapag pinasok niya ito sa loob ng pukë ko, aabot ata hanggang sa bituka, ang laki at ang haba, hindi lang iyon, mataba pa.“Try mong laruin, masarap ‘yan,” sabi ni Isaid na talaga namang nalunod na sa init na inapuyan ko dahil sa pag-aya ko sa kaniya dito sa kuwarto ko.Kahit takot, hindi na ako umatras pa, nilaban ko na. Ito ang unang beses na hinawakan ko ang titë ni Isaid. Napapamura ako kasi ang laki talaga.“Dilaan mo, kagatin mo kung gusto mo, ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin,” sabi pa ni Isaid na natatawa dahil sa mga sinasabi niya.Sinubukan ko nang dilaan muna ang ulo, hanggang sa ituloy-tuloy ko na. Wala namang lasa, parang dinilaan mo lang ang balat mo. Nahiya lang ako nung una pero nung lumaon, bumigay din ang bibig ko. Halos parang ginawa ko nang saging ang pagkalalakë ni Isaid. Nakakaya ko lang isubo hanggang

  • How To Catch A Billionare   0057: Tignan ko kung kaya ko (SPG)

    Aika’s POVTinitigan ako nang matagal ni Isaid, tila kahit may tama na siya ng wine na iniinom namin ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.“Lasing ako, Aika, hindi ko aatrasan ang gusto mo,” sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin, naghihintay na sabihin ko ulit ang sinabi ko kanina.Pero imbes na magsalita pa, hinahawakan ko ang mga kamay niya at dinala siya sa loob ng kuwarto ko. Nag-lock ako ng pinto at saka siya pinaupo sa kama.“Tatanggalin ko na ang damit mo,” paalam ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at saka tumango kaya dahan-dahan ay tinaas ko na ang dalawang kamay niya para matanggal ang t-shirt niya.Ngumiti ako nang makita kong maganda talaga ang matipuno niyang katawan. Hinawakan ko nang dahan-dahan ang balikat niya, pababa sa bycep at kamay niya. Pagkatapos, hinawakan ko na rin ang maumbok na dibdib niya at ang mga cute niyang abs.“Ang ganda ng katawan mo, Isaid, hindi ako makapaniwalang gagawin ko ‘to,” sabi ko sa kaniya habang sinasadya kong landian ang boses ko. H

  • How To Catch A Billionare   0056: Ikama mo na ako

    Aika’s POVAkala ko hindi pa rin siya lalabas ng bahay. Mabuti na lang at mukhang okay na ang pakiramdam niya. Sa wakas, pumayag din siyang dumalaw sa apartment ko, kahit na ilang beses ko na siyang niyaya nitong mga nagdaang araw. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng siglang maglalabas. Isa pa, siguro dahil ay holiday bukas, kaya wala siyang rason para tumanggi. Pero sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko ngayong gabi. Masaya ako na maaliwalas na ulit ang mukha niya. Ang pogi na niya ulit at hindi na mukhang stress.“Wow, Aika, mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ah,” sabi ni Isaid habang pinagmamasdan ang mesa na puno ng masasarap na pagkain—roast chicken, pasta, salad, at tiramisu para sa dessert. Medyo naiilang siya, halatang hindi sanay sa ganitong setup. Paano kasi, dati puro kung ano-ano lang pagkain ang nahahanda ko sa kaniya.Ngumiti ako, tinitigan ang mukha niyang tila ba laging clueless pero nakakaakit pa rin naman. “Siyempre naman, specia

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status