Agad na nahinto sa pagpirma ng ilang mahahalagang dokumento si Trace nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Mula sa labas ay pumasok si Lemuel na rinig niya pang nagpaalam sa kanyang sekretarya. Todo-todo pa ang ngiti nito nang magsimula nang maglakad palapit sa kanya.Sa tuwing pupunta ito sa DLS Corporation ay talagang sumasadya ito sa kanyang opisina. At sa tuwina, hindi na itinatawag ng kanyang sekretarya sa intercom ang pagdating nito. Agad na lang pumapasok ang kanyang kapatid, kahit pa nga minsan ay wala naman itong appointment sa kanya.Mahigpit sa kanilang kompanya. Kung wala rin namang appointment sa kanya ay hindi basta-bastang nakakatuloy para harapin niya. But of course, Lemuel was different. Kapatid niya ito at mula nang kilalanin itong anak ng kanyang ama at magsimulang tumulong sa pamamahala ng DLS Corporation ay malaya na itong nakapapasok sa opisina niya“Good afternoon, Trace,” bati nito matapos maupo sa visitor’s chair na nasa harapan ng mesa niya.Trac
Marahang iminulat ni Chrissa ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang pag-unat. Pakiramdam niya ay nakatulog siya nang maayos kagabi dahilan para maging maganda ang paggising niya sa umagang iyon. Sa tingin niya pa nga, mula nang tumira siya sa bahat ng mga De la Serna ay ngayon lamang siya nagkaroon ng maayos na tulog.Siguro ay dahil na rin sa mas malambot ang kutson kung saan siya natulog kagabi. Sa silid kasi na inookupa niya sa baba, may kutson din naman ngunit ‘di hamak na mas makapal at malambot ang kinahihigaan niya ngayon. Napakalakas pa ng aircon na nakatulong para maging mahimbing ang pagtulog niya.Hanggang sa maya-maya ay marahas na napabalikwas ng upo si Chrissa nang mapagtanto niya kung saang silid siya naroon. She almost groaned as she realized that she was alone in that room--- sa silid ni Mat-Mat!Hindi niya na namalayang nakatulog na siya roon kagabi matapos niyang asikasuhin ang bata. Ang balak niya ay hintayin lang itong maging mahimbing na at bababa na rin siya sa
Malakas na napasinghap si Chrissa nang tumama ang malaking katawan ni Trace sa kanya. Dahil sa kapwa nila hindi inaasahang pareho sila sasalo sa bola ay mistula tuloy na pinag-agawan nila iyon. And Trace was much bigger than her. Hindi hamak na mas malakas din ito kaysa sa kanya kaya nang nagtama ang kanilang mga katawan ay agad siyang nawalan ng balanse.Pero hindi tuluyang natumba si Chrissa. Bago pa man kasi mangyari iyon ay mabilis nang kumilos ang isang braso ni Trace at agad na pumaikot sa kanyang baywang. Alam niyang ginawa lamang iyon ng binata upang alalayan siyang huwag mawalan ng balanse.And it helped. Hindi siya tuluyang natumba pero halos makadama naman siya ng panghihina ng kanyang mga tuhod dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Kasabay kasi ng paghawak ni Trace sa kanyang baywang ay ang paghapit nito sa kanya palapit sa katawan nito. Because of that, their bodies touched each other. Hindi pa maipaliwanag ni Chrissa ang waring kuryenteng biglang nanulay sa kany
“So, everything is settled now. I guess, I will just let my secretary send to you all the necessary information,” wika ni Trace sa tinig na punong-puno ng kaseryosohan. Nilingon niya pa si Becca, ang sekretarya niya, at tinanguan na wari bang pinapaintindi rito ang mga dapat gawin.His secretary nodded to him. Sa tagal na rin nito sa DLS Corporation ay alam na alam na nito ang mga dapat gawin. Katulad na lamang nang araw na iyon kung saan kaharap nila ang ilang empleyado ng isang kilalang advertisement company. Ang naturang kompanya ang hahawak ng pagpapalabas nila ng advertisement para sa kanilang telecommunication company.Katunayan, hindi lang ilang empleyado ng advertisement company ang kausap niya sa araw na iyon. Maging ang mismong acting CEO niyon ay kaharap niya rin--- si Joanna. Dahil sa kilala niya ang dalaga ay laging ang kompanya ng mga ito ang kinukuha niya sa tuwing kailangan niyang pagpalabas ng bagong advertisement para sa kanilang kompanya. And everytime he would do i
Abot-abot ang kabog sa dibdib ni Chrissa nang magsimula siyang maglakad patungo sa may pintuan ng bahay ng mga De la Serna. Hawak niya pa rin sa kamay si Mat-Mat na alam niyang naririnig din ngayon ang galit na tinig ng ama nitong si Trace. Katulad niya, parang nag-alangan ding humakbang ang bata papasok sa loob.Hindi niya inaasahang uuwi nang maaga si Trace. Mula nang mamasukan siya bilang babysitter ni Mat-Mat ay madalas na gabi na ito nakauuwi. Minsan pa nga ay tulog na ang anak nito at nasa sariling silid na siya kapag darating ito mula sa trabaho.Pero iba sa araw na iyon. Hindi niya alam kung bakit mas maaga ang binata kaysa sa karaniwang uwi nito. Malakas pa naman ang loob niyang ilabas ng bahay si Mat-Mat dahil alam niyang wala pa ito sa bahay bago sila makabalik mula sa pamamasyal.Itinuloy niya na ang paghakbang kahit pa parang alam na niya ang kahihinatnan ng ginawa niya. Sa may hamba pa lang ng pintuan ay agad na siyang natigilan nang makita ang galit na galit na si Trace
Halos patakbong bumaba ng hagdan si Mat-Mat. Mabilis itong sinalubong ni Chrissa dahil sa pangambang baka matalisod ang bata sa pagmamadali nito. Pagdating sa baba ay agad itong yumakap sa kanyang baywang na para bang takot na takot na umalis siya.Chrissa moved swiftly. She squatted abruptly in front of him so their faces would be levelled to each other. Naging dahilan pa iyon para makabitiw sa kanya si Mat-Mat pero ang mga kamay nito ay mabilis na kumapit pa rin sa kanyang mga braso.She was almost teary-eyed. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang naging epekto sa kanya ang kaalamang nagsasalita na ito, na bumalik na ito sa normal. She’s happy… she’s genuinely happy.“You are talking now,” hindi maitago ang saya na saad niya. Umangat pa ang dalawang kamay niya at sinapo ang magkabilang pisngi nito.Mat-Mat didn’t answer her. Sa halip, mas natuon ang pansin nito kay Trace na ngayon ay marahan nang naglalakad palapit sa kanila. Napalingon din si Chrissa sa binata at hin
Hawak ni Chrissa sa kamay si Mat-Mat habang bumababa sila ng hagdan. Hapon iyon at kagigising lang ng alaga niya mula sa pagsi-siesta. Hindi pa sana sila bababa kung hindi lang umakyat si Kakay at sinabing pinapababa sila ni Trace dahil may bisitang dumating--- ang panganay na kapatid ng binata kasama ang pamilya nito.Sa durasyon ng pananatili niya sa bahay nina Trace ay ngayon niya pa lamang makikita ang kapatid nito. Kahit nga ang ama ng binata ay hindi niya pa nakakaharap. Isa pa naman si Marcelo De la Serna sa mga importanteng dapat maging parte ng panayam niya kay Trace. Ayon sa mga kasamahan niya sa trabaho, si Marcelo talaga ang usap-usapang parte ng illegal na negosyo na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng dating kasintahan ni Trace. Kung totoo man ang napabalitang iyon ay hindi niya sigurado. Hindi rin naman nakumpirma ng media at mga awtoridad.“Nasa may hardin sila Chrissa. Doon na kayo dumiretso,” wika ni Kakay. Hindi na ito sumama pa sa kanila at sa halip ay nagtungo na
Malayo pa lang ay nakakunot na ang noo ni Trace nang matanawan niya ang lalaking prenteng nakaupo at naghihintay sa kanya. Nakapuwesto na ito sa mesang naka-reserve para sa kanilang dalawa at kung gaano na ito katagal na naghihintay ay hindi niya alam. Bahagya na kasing nakikita ang pagkainip sa mukha nito habang nakaupo roon.Tuluyan na siyang lumapit at nang mapansin ang kanyang pagdating ay tuwid nang napaupo ang lalaking katagpo niya--- si Alvaro Savalleno, isa sa matatagal nang stockholders sa kanilang kompanya. At ito rin ang tinutukoy niya noon kay Lemuel na siyang nagpull-out ng shares sa DLS Corporation, bagay na hanggang sa mga sandaling iyon ay palaisipan sa kanya.“Finally, you came. Pinaghihintay mo ba talaga ng ganito katagal ang mga ka-meeting mo, Mr. De la Serna?” agad nitong bungad umuupo pa lamang siya sa silyang katapat nito.Kasalukuyan silang nasa isang mamahaling restaurant. Siya ang humingi ng appointment sa binata ngunit sa halip na magtungo sa pag-aari rin nit
Dumoble ang bilis ng kabog sa dibdib ni Chrissa pagkakita sa kanyang amang si Alfredo. May kasama itong ilang kalalakihan at ngayon ay pumuwesto sa mesang hindi kalayuan sa kinaroroonan nila nina Trace at Mat-Mat. Nahihinuha niyang may koneksiyon sa kanilang kompanya ang dahilan ng pag-uusap-usap ng mga ito. Maaaring kliyente ng Bonifacio Construction Company ang kasama ng kanyang ama.Agad siyang napayuko kasabay ng pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Hindi siya maaaring makita ng kanyang papa. Kapag nagkataon kasi, paniguradong lalapitan siya nito at kakausapin. Sa kabila naman ng hindi nila pagkakaintindihang mag-ama, hindi maaaring hindi siya nito pansinin. Baka magtaka ito kung bakit siya naroon at magtanong kung sino ang mga kasama niya.At iyon ang hindi dapat mangyari. Baka maghinala si Trace at mang-uusisa tungkol sa pagkatao niya. Malalaman nitong anak siya ni Alfredo Bonifacio at nagmamay-ari ang pamilya nila ng isang construction company. Paniguradong magtataka ito kung bakit
Nagising si Chrissa nang sumunod na araw na wala na sa kanyang tabi si Mat-Mat. Agad pa siyang napabalikwas ng upo sa kama kasabay ng paggala ng kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Tahimik at tanging siya na lamang ang naroon. Kahit ang isang kama ay bakante na at wala man lang bakas na tinulugan ni Trace.Agad pa siyang napalunok nang maalala ang binata. Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang naging takbo ng usapan nila kagabi. Trace was offering her a relationship… isang uri ng relasyon na hindi niya alam kung ano ba ang tamang itatawag.Exclusive relationship? Meaning they wouldn’t date anyone else except each other? Then what? No emotion involved?It was so obvious what Trace wanted. Hindi naman nito itinanggi na sexually attracted ito sa kanya. Prangka iyong sinabi ng binata at kung ikatutuwa niya iyon ay hindi niya alam. It was just desire… lust… purely physical attraction. Walang malalim na damdamin. Samantalang siya…Tuwid siyang napaupo sa kama. Ano nga ba ang nadarama niy
Agad na nanlaki ang mga mata ni Chrissa dahil sa ginawa ni Trace. Ni sa hinagap ay hindi niya iisiping gagawin iyon ng binata. Mariin nang nakahawak ngayon ang isang kamay nito sa kanyang baywang at naramdaman niya pang hinapit siya palapit sa katawan nito. Ang isa naman nitong kamay ay pigil siya sa kanyang batok dahilan para hindi siya makaiwas nang bumaba ang mukha nito sa kanya.Naiangat niya ang kanyang mga kamay at marahang naitukod ang mga iyon sa matipunong dibdib ni Trace. Agad pang nanulay ang waring kuryente patungo sa kanya nang madaiti ang kanyang mga palad sa walang saplot nitong balat. He’s topless, at ang kaninang iniiwasan niya pa lang tingnan ay hawak na niya ngayon.A soft sound came out from her. Intensiyon niya sanang magpakita ng protesta. But because her knees suddenly went weak after he kissed her, the sound turned out like a moan. Pakiramdam niya pa ay naging dahilan iyon para idiin ni Trace ang pagkakadaiti ng mga labi nito sa kanya.He kissed her more. His l
Nakangiting pinagmamasdan ni Chrissa sina Trace at Mat-Mat na abalang namimili ng laruang pambata. Tulad ng nabanggit ni Trace sa anak nito nang isang araw, binilhan nga ng binata ng mga laruang sasakyan ang bata. Sa ground floor ng hotel na tinutuluyan nila sa resort na iyon ay may iba’t ibang establisyemento. May restaurant, mini grocery, shop kung saan maaaring makabili ng mga souvenir items at ang mini store na kinaroroonan nila ngayon na saktong may mga panindang laruan. Pati mga damit ay mayroon din doon.“Is that what you want?” narinig niyang tanong ni Trace kay Mat-Mat na tumango lang bilang sagot. Hawak na ng bata ang isang kahong may katamtamang laki at naglalaman ng mga laruang pambata. Hindi niya pa man nakikita ang presyo ay nasisiguro na niyang mahal ang halaga niyon.Maliban sa hawak nitong kahon ay kumuha pa si Trace ng dalawa pang uri ng laruan. Isinama nito iyon sa nauna nang napili ng anak nito. Then, after a while, he looked at her. “Do you need to buy something?”
“ARE you sure you’re okay now?” tanong ni Lemuel kay Trace mula sa kabilang linya.“Yes,” sagot niya kasabay ng pagsandal ng kanyang likod sa kinauupuan. He was sitting on the visitor’s chair in front of his executive desk while talking to his brother over the phone. Ang isa niyang paa ay iniunat niya sa isa pang visitor’s chair na nasa tapat niya. “I’m fine, Lemuel. It’s just that baka bukas na ako pumasok sa kompanya. Just do me a favor to please attend the meeting that I was supposed to have with Mr. Yap. Ikaw na muna ang humarap sa kanya.”“No problem, Trace. Wala na rin namang masyadong gaagwin sa shop. Katatapos lang namin ng mga orders kahapon.”“Thank you…” tipid niyang saad.“Why don’t you take a rest first? Hindi mo kailangang pumasok agad bukas, Trace.”“Maraming kailangang gawin sa kompanya, Lemuel,” sagot niya rito. “Besides, ano ang gagawin ko rito sa bahay?”“Take a vacation,” mabilis nitong suhestiyon. “Look at yourself. Nagkakasakit ka na dahil sa labis na pagtatrabah
“W-What are you doing, Chrissa?” mabuway na tanong ni Trace sa kanya. Naidilat nito ang mga mata at nagtatakang napatingin sa kanyang mukha. Nanatili pa rin itong nakahiga habang siya ay halos nakatunghay na rito.Natigil ang mga kamay niya sa pagbukas ng mga butones ng polo nito. Para bang noon niya lamang din napagtanto ang ginagawa niya. Nang titigan niya sa mukha ang binata ay halos gusto niya na lamang maglaho sa harap nito. Sa ngayon kasi, mataman na ring nakatingin sa kanya si Trace.Tumikhim si Chrissa upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Mistula kasi siyang nawalan ng sasabihin dahil sa nakaiilang na sitwasyon nilang dalawa. Ang totoo, nakaaasiwa pala ang ginawa niya. Ano ba ang pumasok sa isipan niya at sinimulan niyang hubarin ang polong suot nito?She composed herself. Sa kabila ng pagkailang na nadarama ay hindi niya iyon pinahalata sa binata. “Pawis na pawis ka na, Ser. Hindi ho maganda kung matutuyuan ka,” saad niya sabay tuloy na sa nasimulan.Inabot niya ang mg