Neo's POV
Maaga akong nagising dahil mayroon akong meeting ng alas otso. Nagtungo ako sa banyo para maligo . Pagkatapos kong naligo nagtapis lamang ako ng tuwalya at nagtungo sa closet ko para kuhanin ang suit na isusuot ko para sa meeting.Pagkalabas ko nito sa closet ay biglang nag-init ang ulo ko. Padabog akong lumabas ng kwarto at bumaba ."Manang !" sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay. Nagmamadali syang lumapit sa akin."Bakit iho?" nagtataka nyang tanong. Binaling nya ang kanyang tingin sa hawak kong suit na nasunog ng plantsa. Kaya sa gulat nya ay napatakip sya ng kanyang bibig."Sino ang nakaassign sa laundry ngayong week?" galit kong tanong."Si Shin pero magsisimula pa lang syang...." agad kong pinutol ang sinasabi ni Manang at nagtungo ako sa laundry area.Nakita ko ang gulat sa mata ni Shin dahil lumantad sa kanya ang aking katawan na nakatapis lang ng tuwalya."Alam mo ba kung magkano to?!" ani ko sabay angat ng suit na nasunog.Makikita sa mata nya ang pagtataka."Kabago bago mo pa lang dito, problema pa ang dala mo?! kahit buhay mo ang pambayad mo ,hindi matutumbasan ang halaga nito!" sigaw kong muli.Nakikita ko ang takot sa kanyang mukha at nagsimulang tumulo ang kanyang luha."Sir wala po akong kasalanan, hindi po ako ang may gawa nyan" ani nya habang pinapahid ang luha."Iho , baka nagkakamali ka lang. Baka ibang kasambahay ang may gawa nyan" ani ni Manang Cora."Hindi ba at sya ang nakaassign sa laundry?! paanong hindi sya ang may gawa nito?" sigaw kong muli.Hindi naman na sila kumibo pa. Nakayuko lamang si Shin habang umiiyak."Five hundred thousand ang halaga nito at ikakaltas sa sahod mo! " ani ko na kinaangat nya ng ulo"Pero sir magsisimula pa..." ani nya"Don't you dare na sirain ulit ang araw ko kung ayaw mong matanggalan ka ng trabaho. Isa pa wag kang tatanga tanga!" bulyaw ko. Bumalik na ako ng kwarto para magbihis ng ibang suit at nagtungo na sa opisina.Maaga ako ng 30 mins sa pinag-usapang oras ng meeting.Habang nakaupo ako hindi maalis sa isipin ko ang nangyari sa mansion.Nakakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko kay Shin."Shiiiit!" ani ko habang nakasabunot sa buhok. Eksakto namang pagpasok ng mga kaibigan ko."You look upset" ani ni Drake."May problema ba couz?" tanong ni Ivan.Umiling iling lamang ako para sabihin sa kanila na wala lang to."These past few days parang may kakaiba sayo" pag-usisa naman ni Caleb."Wala nga lang to. Uminit lang ang ulo ko dahil sa maid kong tatanga tanga. Nasunog nya ang suit na dapat isusuot ko ngayon" paliwanag ko sa kanila.Pero parang hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko."Dahil ba sa suit na nasunog o sa maid mo kaya ka nagkakaganyan?" pang-aasar ni Ivan. Tumitig lang ako ng matalim sa kanila dahil kanina pa nila ako pinagtatawanan. Ayoko namang patulan dahil baka isipin nilang apektado ako sa maid ko. Pero hindi nga ba? Mula nung araw na pinakilala sya sa akin ni Manang, nakuha nya na ang atensyon ko. Maganda syang babae at simple lang."May nahanap ka na bang information tungkol sa sindikatong tinutukoy ng mga pulis?" tanong ko kay Caleb para maiba ang usapan.Inilabas nya ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyong nakalap nya."Apat ang ulo ng mga sindikatong yan. Sa susunod na linggo magkikita kita ang apat na yan. Alas dose ng hatinggabi." wika ni Drake."Aayusin ko na ang mga tauhan na makakasama natin" ani ni Ivan."Nope, tayo na lang mismo ang tatapos sa kanila. Hindi natin kailangan ng tauhan dahil ayaw kong makaagaw ng pansin kaya naisip ko na tig-isa isa na lang tayo dyan tutal lahat naman tayo mahusay sa pakikipaglaban" wika ko at tumango naman sila."Game! Bigla tuloy nangati ang kamay ko at gusto ng kumalabit ng gatilyo ng baril" ani ni Caleb."Gatilyo ng baril o gatilyo ng babae ?" ani naman ni Ivan kaya kaming lahat ay natawa habang si Caleb ay pikon na pikon sa pinsan ko.Mahaba haba pa ang naging usapan namin. Pinag usapan na rin namin ang business na balak naming itayo sa Laguna. Pagkatapos naming mag-usap nagkayayaan kaming mag-inuman sa bar ni Drake.SHIN'S POVAlas dose na ng gabi ,hindi pa rin ako makatulog. Ang sakit kasi ng mga sinabi ni sir Janvir kanina sa akin. Hindi man lang nya ako pinakinggan.Tapos ikakaltas pa sa sahod ko ung suit na yon. Hindi naman ako ang may gawa non.Ikaltas nya na kung ikakaltas nya pero hindi na dapat sya magsalita ng ganun para tuloy akong nanliliit sa mga sinabi nya.Huminga ako ng malalim at tumayo.Kanina pa ako nauuhaw , siguro tulog na silang lahat kaya wala ng makakakita sa akin. Napahiya kasi talaga ako kanina lalo ng tinawag nya akong tatanga tanga.Pagbaba ko ng kusina ,kumuha agad ako ng tubig nang biglang bumukas ang pinto.Nagulat ako nang makita ko si Sir Janvir na susuray suray maglakad. Kinakabahan na naman ako dahil baka pagalitan nya ako. Nakainom pa naman sya baka kung anong magawa nya sa akin.Nakayuko lang ako ng tumigil sya sa harapan ko."Bring me a cup of coffee" utos nya at umakyat sya sa kanyang silid.Ginawa ko agad ang kape at umakyat na sa silid nya.Ilang katok ang nagawa ko pero wala akong natanggap na sagot . Pinihit ko ang doorknob at tuluyang pumasok sa silid nya.Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko syang nakahiga sa kama at tanging boxer shorts lang ang suot nya. Lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko mapigilan ang mata ko na tignan sya.Shiitt ! Ang ganda ng tanawin na nakikita ko. Malaki ang dibdib , Abs na kala mo mga pandesal at ang...... oh my god.. Anaconda?Bigla akong natauhan sa mga naiisip ko nang bahagya syang gumalaw.Jusko ani ba tong naiisip ko? kanina lang iyak ako ng iyak tapos ngayon pinagpapantasyahan ko sa sya.Nakapikit ang kanyang mata. Hindi ko alam kung tulog na ito o gising pa. Nilapag ko ang kape nya sa mesa at humarap sa kanya."Ahm sir?" ani ko.Pero wala akong nakukuhang sagot. Tulog na siguro to pero susubukan ko ulit.Humakbang ako papalapit sa kanya at tinapik tapik ko ang kanyang balikat."Sir, nandito na po ang kape nyo" ani ko.Dinilat nya ang kanyang isang mata at inulit ko ang sinabi ko.Bigla nyang hinila ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib. Mahigpit nya akong niyakap kaya ang puso ko na naman ay parang tambol.Oh my God! Heaven! Kinikilig ako sa nangyayari. Ito ang unang pagkakataon na makayakap ako ng ganito kagwapo.Pilit kong tinatanggal ang mga braso nya kahit na hirap ako.Ayoko namang isipin nyang nagti take advantage ako sa kalasingan nya no. Baka isipin pa nya na pipikutin ko sya.Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap nya at wakas naalis ko rin ito. Nakahinga ako ng maluwag. May kung anong nag-uudyok sa akin at nahawakan ang pisngi nya. Dahan dahan kong hinaplos ang mukha nya."Bakit ba ang gwapo mo? Hindi ko na alam ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na yata kita pero alam kong imposible." bulong ko. Bigla akong natauhan sa nabanggit ko dahil naalala ko na galit sya sa akin kaya tumayo na ako. Kinumutan ko muna sya at baka magka pulmonya pa sya tapos ako naman ang sisisihin nya. Hindi nagtagal tuluyan na akong lumabas sa kwarto nya. Bahala sya kung hindi nya iinumin ang kape nya. Kasalanan nya na yun.Nagtungo na ako sa kwarto para makatulog na rin. Hindi naman nawawala ang ngiti ko at kinikilig ang pukengkay ko.Nahiga ako sa kama ko at iniisip ang mga nangyare.Bakit ganoon ang pakiramdam? Makita ko lang sya lumalakas na ang tibok ng puso ko. Inlove na ba ako? Mahal ko na ba sya? Hindi lang kasi basta paghanga ang nararamdaman ko. Imposible namang mahalin nya rin ako. Masyadong malayo ang estado namin sa buhay at isa pa baka may girlfriend na sya.Magpo focus na muna ako sa trabaho ngayon baka nagkakamali lang ang puso ko sa ngayon.Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa hinila na ako ng antok.NEO's POVNapabalikwas ako ng bangon habang hawak ko ang ulo ko."Shit! naparami yata ang inom ko" atungal ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone at nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo.Paglabas ko ng banyo nakita ko ang tasa ng kape na nakalapag sa table.Napangisi lang ako nang maalala ko si Shin. Ilang hakbang pa ang ginawa ko para umupo sa gilid ng kama ko. Napansin ko sa lapag ang isang gintong kwintas na may pendant na puso at may nakaukit na initials na S.M.A ."Hayy aamin ka na nga lang nag-iwan ka pa ng ebidensya " bulong habang naiiling.Napapangiti na lang ako sa mga nangyare kagabi. Para tuloy akong tanga na kinikilig dito.Kung ganoon parehas kami ng nararamdaman.Nagbihis na ako para kumain sa baba.Mabilis akong naupo sa upuan at nilapag ni Shin ang Burger Steak with mushroom sauce. Napataas ang isang kilay ko sa pagkaing hinain nya."Are you an idiot?" galit na ani ko.Nakatingin lang sya sa akin na may pagtataka. "May balak ka bang patayin ako? Hindi mo ba ala
NEO'S POVNandito ako sa isang eskinita para tapusin ang problema namin sa isang sindikato. Bawat isa sa amin ng kaibigan ko ay may nakaassign na misyon ngayong gabi.Mag-aalas dose na kaya hinanda ko na ang baril ko at kinabitan ko ng silencer.Maya maya pa ay may lumabas na isang middle aged man. Tama ako ng hinala. Nagpapanggap syang isang mahirap para pagtakpan at hindi mahalata ang mga ginagawa nya.Hindi na rin sya nagdala ng tauhan nya kaya malaya kong matatapos ang buhay nya . Agad akong lumabas sa sasakyan ko na sa dilim para hindi nya mapansin."Where do you think you are going?" ani ko na kinagulat nya."Sino ka ?" takot nyang tanong habang inaayos ko ang baril ko."Ako lang naman ang tatapos sayo" ani ko at tinutok ko ang baril sa kanya."Parang awa mo na wala akong ginagawang masama" pagsumamo nya pero hindi ko sya pinakinggan. Ayaw ko na ng maraming satsat kaya tinapos ko na agad. Pinaputok ko ang baril ko at hinihipan pa ang nguso nito."Done" nakangiti kong wika. Pagta
NEO'S POVNandito ako sa pool area ngayon at hinihintay ko sila Drake. Bago pa man ako nakapunta dito nakausap ko na si Manang na utusan nya si Shin na magdala ng alak at pulutan oras na makarating na sila dito. Sinabi ko rin kay Manang na samahan ng tatlong piraso ng rosas na kailangan nyang iabot sa akin .Napapangiti ako habang iniisip ang reaksyon ni Shin sa gagawin ko."Maganda yata ang araw mo ha" sita ni Ivan."Masaya lang ako at makakapag relax tayo ngayon. Ilang araw na tayong tambak ang trabaho" ani ko at nag inat inat pa.Umupo naman sila sa bakanteng upuan at nagsimula kaming mag kwentuhan.Ilang minuto pa ang lumipas natatanaw ko na si Shin na papalapit sa amin na bitbit ang isang tray.Isang ngiti ang umalpas sa labi ko na hindi nakaligtas sa paningin ng kaibigan ko."Ang ganda ni Shin no, kaya hindi na ako magtataka kung ang supladong bilyonarno ay magiging maamo" panunuksong wika ni Drake.Nakalapit na sa amin ni Shin isa isang binaba ang alak at pulutan .Dinampot din
SHIN'S POV"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Sir Janvir.Hindi nya ako sinagot. Nagtuloy lang kami sa paglalakad habang hawak ang kamay ko.Pumasok kami sa isang private room sa isang sikat na restaurant. Napaawang ang labi ko sa ganda ng lugar na to. May lamesa sa gitna na may centerpiece na bulalak.Inalalayan nya akong maupo sa upuan pagkatapos ay umupo na sya sa kabila."Ano ba to sir?" naguguluhang wika ko."Please drop the formality, tawagin mo ako sa pangalan ko" sagot. "Okay, Ano ba to Janvir?" ulit kong tanong."Isn't it obvious? We're having a date! " ani nya."Bakit ako? Katulong mo lang ako" nakayukong wika ko.Binaba nya ang kubyertos na hawak nya at inabot ang kamay ko."I love you" ani nya na kinagulat ko. Ang kabog ng puso ko ay parang tambol.Natawa ako sa sinasabi nya pero nakatitig lang sya sa akin. "Joker ka pala" natatawang ani ko."I'm serious Shin. Alam ko rin na mahal mo ako. " seryosong wika nya.Ano ba to? teka nga. Mahal nya ako? Ay tarayy, effecti
DRAKE'S POV"Sir heto na daw po yung documentong hinihingi nyo" ani na aking sekretary.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero heto na ang sagot sa katanungan ko.Huminga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang envelope na nasa harapan ko."Probability of paternity test...... 99.99%" Shit! anak ko si Jaleel? Si Shin ang babaeng nakasama ko nung gabing yun?? Pero bakit wala akong naramdaman sa puso ko nang makita ko si Shin??Kaya pala ganoon na lang ang naramdaman ko nang hawakan ko ang anak ni Shin. Ito na siguro ang tinatawag nilang lukso ng dugo.Dali dali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko. Pupuntahan ko si Shin.Shin's POVNandito ako sa kusina ngayon para magluto ng tanghalian ni Janvir. Inihanda ko ang mga rekado para sa lulutuin ko. Sigurado akong mapaparami ng kain ang mahal ko."Shin, we need to talk" boses ni Drake na humahangos.Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa pool area."Teka lang , napapano ka ba?" tanong ko ng makarating kami sa pool area
Kinausap ni Shin ang kanyang lola na nahanap nya na ang tunay na ama ni Jaleel. Pinaliwanag na rin nya na gusto na ni Drake na kunin ang bata. Naintindihan naman ito ng kanyang lola."Apo, puntahan mo na ang tunay mong pamilya. Panahon na rin na sarili mo naman ang unahin mo" ani nito kay Shin."Pero paano po kayo dito ?" wika naman ni Shin."Okay lang ako dito, nandyan naman ang mga tiyo at tiya mo" sagot ng kanyang lola.SHIN'S POVSiguro nga kailangan ko namang buuin ang pagkatao ko ngayon. Matagal ng nagpaparamdam ang tunay na kamag-anak ko pero tinatanggihan ko lang ang mga ito na sumama sa kanila lalo na ang kuya ko na si Kuya Seann na kinukulit si lola para kumbinsihin ako.Sakay kami ng taxi papunta sa mansion ni Drake para sa anak nya. Kung hindi sana umalis si Ate Zaira siguradong matutuwa yun na mabubuo na ang pamilya nila. Oo tama. Hindi ako ang tunay na ina ni Jaleel. Bagay na hindi alam ni Janvir . Umalis si Ate pagkasilang nya kay Jaleel at hindi pa bumabalik. Hindi nam
SHIN'S POV"Hindi ka pa ba nagsasawa magsanay? Kanina pa ako nabibingi sa putok ng baril mo" reklamo ni Kuya Seann.Hindi ko sya pinapansin at patuloy lang ako sa pagpapractice."Hoy ano ba? Hindi ka ba magpapahinga?" ani pa nya."Ang sabi mo, sa akin mapupunta ang pagiging pinuno ng organisasyon natin. hindi ba dapat akong magsanay" malamig na wika ko."Oo nga pero hindi naman ibig sabihin papatayin mo ang sarili mo sa pagsasanay. Isa pa magaling ka ng humawak ng baril." ani pa nya.Tinignan ko sya ng masama at hinagis sa kanya ang baril na hawak ko na nasalo naman nya kahit nagulat sya."Buang ka na ba Shin? Ay naku . Kailan ba babalik ang alaala mo? Namimiss ko na ang kakulitan mo" ani pa nito.Naglakad kami ng kaunti para maupo sa upuang kahoy na nasa ilalim ng mangga."Bakit? Ano ba ako dati?" tanong ko sa kanya.Napabuntong hininga sya at inaalala ang tungkol sa nakaraan ko. Kahit ako ay curious kung ano ako dati."Lagi kitang kinukulit na umuwi na dito pero ayaw mong iwan ang k
Neo's POV.Nandito kami saan mansion ni Drake. Kasama ko ngayon si Ivan."Ang tagal naman ng lalaking yon" nababagot na turan ni Ivan."Ivan! Neo!" tawag ni Caleb na kararating lang."Caleb!!" sabay na wika namin ni Ivan at nag bro hug."Anong ginagawa nyo dito?" tanong nya kaya bumalik kami sa pagkakaupo sa sofa."Natauhan na kaya makikipagbati na" ani ni Ivan na nakanguso sa akin."That's good to hear! Sa wakas makukumpleto na ulit tayo." masayang wika ni Caleb."Ang aga aga, nambubulahaw kayo" boses ni Ivan na sumambulat sa amin.Lahat kami ay napatayo at nagyapakan."Bro, I'm sorry" naiiyak na wika ko.Tinapik nya naman ako sa likod at humiwalay sa pagkakayakap."Okay na. Let's Forget the Past" ani nito at nag fistbump pa kami."But don't forget to eat breakfast !!!" pakli naman ni Caleb kaya malalakas na tawa ang namayani sa loob ng mansion ni Drake."Bakit hindi ka na lang kaya dito tumira? Magsama na lang tayo tutal araw araw ka naman nandito" panunukso ni Drake kay Caleb."Sig