Nanatiling nakaupo si Justin sa kabila ng pangyayari. Ang suot niyang hospital gown ay basang-basa na dahil sa sabaw na ibinuhos sa kaniya. Para siyang naghilamos ng lugaw dahil natabunan ang mukha niya ng mga butil ng kanin. Isang babaeng caregiver na nasa edad trenta ang galit na galit at namimilit na ipasak ang isang kutsara ng lugaw sa bibig ni Justin. “Kainin mo!” bulyaw niya. “Mas malala ka pa sa mga aso’t baboy! Ni hindi mo magawang ibuka ang bunganga mo!” Nang bigla ay may humablot at humatak sa buhok niya. Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit. “Bitiwan mo ako! Aray! Sino ka ba?!” “Mama?” Namumula ang mga mata ni Justin dahil sa luha niyang nangingilid. Bakas ang matinding galit sa mukha ni Natalie. “Sino ka bas a tingin mong bruhilda ka?! Ang kapal naman ng mukha mong manakit ng bata! Para sabihin ko sa ‘yo, hindi pa kami patay na pamilya niya!” Lalong humigpit ang hawak ni Natalie sa buhok ng babae. Muli niya itong hinatak, dahilan para mapaiyak ito. Pakiram
Dahil sa lakas ng kutob niya, naglakad pabalik si Natalie. Nang makalapit siya ay agad niyang natanaw si Irene na nakabihis ng magarang bestida at heels. May kolorete rin sa mukha nito. Kakalabas lang nito ng mansyon. Bumukas ang pinto ng sasakyan. At mula roon ay lumabas si Mateo na may hawak-hawak na pumpon ng bulaklak. Kulay pulang mga rosas ang mga ito— simbolo ng pag-ibig. “Ang ganda,” nakangiting ani Irene matapos niyang tanggapin ang bouquet. Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa braso ng binata. Inalalayan naman siya ni Mateo pababa. Pinagbuksan niya pa ito ng pinto at saka inalalayang makapasok sa loob ng sasakyan. Matapos ay sumakay na rin si Mateo at pinaharurot ang sasakyan palayo. Nang malapit nang dumaan sa harapan ni Natalie ang sasakyan ay agad siyang tumalikod para itago ang kaniyang mukha. Mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib. Kaya pala pinagbihis si Irene ng kaniyang ina kanina dahil may importanteng lakad ito. At iyon ay ang pakikipag-date kay Mateo Ga
Buong araw na nanatili si Natalie kina Nilly. Nang sumapit ang gabi ay saka niya naisipang umalis. May part-time job kasi siya ngayong gabi. Simula tumuntong siya sa edad na labingwalo, hindi na siya binibigyan ni Janet ng pera. Kaya naman napilitan siyang suportahan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga part-time jobs at scholarships. At nagawa niya lang na galawin ang perang binigay sa kaniya ni Mateo para lang may maipambayad siya sa pagpapagamot ni Justin. Kung hindi lang talaga kailangan, hindi niya iyon gagastusin. Sa Michelle’s ang part-time ni Natalie ngayon. Kilala ang Michelle’s bilang isang luxury club para sa mga mayayamang negosyante sa San Jose. Nagtatrabaho siya rito bilang massage therapist at acupuncturist. Talagang pinag-aralan niya ang trabahong ito dahil malaki at mabilis din ang kitaan niya rito. Dahil sa abala siya sa kaniyang internship, kaya siya nag-apply bilang temporary employee lang. Binabayaran siya ng kaniyang mga kliyente sa oras na ginugugol ni
“Huwag kang humarang, Isaac,” utos ni Mateo sa assistant saka binalingan si Natalie. “Anong kailangan mo?” “Pinatanggal mo ba ako sa trabaho?”“Oo.” Binawi niya ang tingin sa babae at hinarap muli si Isaac. “Nasagot ko na ang tanong niya. Tara na.”“Opo, sir.”“Sandali!” Patakbong humarang si Natalie sa harapan ni Mateo. “Nagkamali ako.” Kinagat niya ang kaniyang labi at sinserong tumingin sa lalaki. Alam niyang mali talaga siya. Gusto niyang gamitin ang pagiging kasal niya kay Mateo para makapaghiganti sa kaniyang pamilya. Pero nakalimutan niyang hindi niya kayang banggain ang isang Mateo Garcia. Iyon ang pagkakamali niya. “Nagmamakaawa ako sa ‘yo! Bawiin mo ang sinabi mo sa kanila. Napakahalaga ng trabahong ‘to para sa ‘kin.”Sa kaniyang taon sa medical school ay nag-iintern pa rin siya. At bilang isang intern doctor, hindi siya sumasahod. Kaya naman umaasa siya sa part-time job niya para maitawid ang araw-araw. Namuo ang luha sa mga mata ni Natalie. “Hindi dapat ako lumi
Dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho, wala nang ibang pagpipilian si Natalie kundi ang muling maghanap ng bagong trabaho. Kailangan niyang makapaghanap sa lalong madaling panahon. Kaso lang ay hindi siya makahanap ng oras para mag-job hunt dahil sa sobrang hectic ng schedule niya. Sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang kinakain kundi tira-tirang tinapay sa tuwing tinatamaan siya ng gutom. Halata na nagbawas siya ng timbang dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng kaniyang mga kinakain. Nang matapos ang kaniyang night shift ay nagpatuloy si Natalie sa paghahanap ng trabaho. “Natalie,” tawag sa kaniya ni Marie saka siya tinapik sa balikat. “Gusto ka raw makausap ni Mr. Olivarez.”Natigilan si Natalie. “Bakit daw?”“Hindi ko alam eh. Magdo-donate pa ako dugo. Puntahan mo na lang siya.”“Sige.”Kunot noong nagtungo si Natalie sa opisina ni Mr. Olivarez, ang kanilang chief instructor. Kumatok siya sa pinto. “Pinatawag niyo raw po ako?”“Oo.” Nag-angat ng tingin si Mr. Olivar
Pumasok si Natalie sa kwarto ni Antonio. Naupo siya sa silyang katabi ng kama nito. Kaagad naman siyang binati ni Antonio ng malawak na ngiti. “Kumusta na ang paghahanda mo, Natalie? Nakapag-impake ka na ba?” tanong ng matanda. Kumunot ang noo ni Natalie. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. Wala naman siyang alam na dapat siyang mag-impake. At kung para saan ‘yon. Nang mapansin ng matanda ang pagkalito sa mukha ng dalaga ay nag-alala siya. “Bakit? Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Mateo? Nako ‘yong batang ‘yon talaga!”Ang siste pala ay may malapit na kaibigan si Antonio na magdiriwang ng kaarawan. At dahil hindi siya makakapunta dahil sa kalagayan niya, inutusan niya si Mateo na isama si Natalie sa pagdalo bilang proxy niya. At isa pa, napansin niya kasi na may distansya sa pagitan ng mag-asawa. Kaya naman sa ganitong paraan ay umaasa siyang kahit papaano ay magkalapit ang mga ito. “Makinig ka sa ‘kin, Natalie. Hindi man gusto ni Mateo ang napapangunahan at nauutusan siy
“Bitiwan mo siya,” kalmadong utos niya kay Isaac. “Y-Yes, sir.” Agad na tumalima si Isaac para ibaba si Natalie. Sa kabila ng paggalaw sa kaniya, nanatiling walang malay si Natalie. Kumunot ang noo ni Mateo. Nag-aalala siya at baka may natamong sugat ang dalaga. Pinasama ito ng lolo niya. At kapag may nangyari rito, at nagsumbong ito, siya ang malalagot sa lolo niya. Napabuntong hininga si Mateo at saka lumuhod para buhatin si Natalie. Ipinasok niya ito sa loob at saka maingat na ipinahiga sa kama. Matapos niya itong ihiga ay naililis ang bestida nito dahilan para makita niya ang sugat sa mga tuhod nito. Anong nangyari kay Natalie?Sandaling napatda si Mateo sa nakita. Natamo ba nito ang mga sugat na ‘to kagabi?Hindi niya namalayan na napatitig na siya sa mukha ng dalaga. Napansin niya ang malalantik at makakapal nitong kilay, ang maamo nitong mukha, at ang bahagyang nakangusong mapupulang labi nito, na para bang binubulungan siya nito sa kaniyang pagtulog. Bahagyang n
“Garcia?” Bakas ang pagkamangha sa boses ni Roberto. Napatingin pa siya kay Mateo. “How interesting?”“So, what brings you here with Xicheng today?” dagdag niya. “Kinausap po ako ni Lolo Antonio para samahan si Mateo sa pag-attend ng birthday niyo, Mr. Wang,” pag-amin ni Natalie. “Maraming salamat sa pagdalo, hija. At dahil narito ka ngayon, may naihanda ka bang regalo para sa ‘kin?”Mahinang natawa si Mateo nang marinig ang tanong ng matanda nang maisip kung anong klaseng regalo ang bitbit nito ngayon. Sigurado siyang hindi naman iyong kasingmahal at kasinghalaga ng mga natanggap na regalo ni Roberto kanina. Ang ipinag-aalala niya lang ay baka madungisan ang tingin sa kaniya ng matanda sa ibibigay na regalo ng babae. “Mayroon po.” Confident na tumango si Natalie. Napataas ng kilay si Mateo at saka bahagyang pinisil ang kamay niya. Binabalaan niyang maging maingat ito sa mga kilos niya. “Don’t mess this up,” mahinang banta niya. Binawi ni Natalie ang kamay niya at saka