Share

KABANATA 10

Dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho, wala nang ibang pagpipilian si Natalie kundi ang muling maghanap ng bagong trabaho. Kailangan niyang makapaghanap sa lalong madaling panahon. Kaso lang ay hindi siya makahanap ng oras para mag-job hunt dahil sa sobrang hectic ng schedule niya.

Sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang kinakain kundi tira-tirang tinapay sa tuwing tinatamaan siya ng gutom. Halata na nagbawas siya ng timbang dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng kaniyang mga kinakain.

Nang matapos ang kaniyang night shift ay nagpatuloy si Natalie sa paghahanap ng trabaho.

“Natalie,” tawag sa kaniya ni Marie saka siya tinapik sa balikat. “Gusto ka raw makausap ni Mr. Olivarez.”

Natigilan si Natalie. “Bakit daw?”

“Hindi ko alam eh. Magdo-donate pa ako dugo. Puntahan mo na lang siya.”

“Sige.”

Kunot noong nagtungo si Natalie sa opisina ni Mr. Olivarez, ang kanilang chief instructor.

Kumatok siya sa pinto. “Pinatawag niyo raw po ako?”

“Oo.” Nag-angat ng tingin si Mr. Olivarez. “Nakatanggap ako ng notice mula sa ospital. Suspended daw ang internship. Effective ‘yon bukas din.”

Tila tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie sa narinig. “Po? Bakit daw po?”

Umiling si Mr. Olivarez. “Hindi ko rin alam. Sinubukan ko silang tanungin pero ang tanging sinabi lang nila ay sumusunod lang sila sa utos.”

Bilang chief instructor ng unibersidad, alam ni Mr. Olivarez na isa si Natalie sa mga magagaling na interns niya, practically and theoretically. Pati siya ay nagulat sa desisyon ng ospital. “May naiisip ka bang dahilan kung bakit naging gano’n ang desisyon nila?”

Bumilis ang tibok ng puso ni Natalie nang may mamuong hinala sa utak niya.

Si Mateo.

Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. “Mr. Olivarez, may iba pa po bang paraan para mabago ang desisyon nila? Pwede niyo po ba akong tulungsan na kausapin ‘yong HR ng ospital?”

Napahugot ng malalim na hininga si Mr. Olivarez. “Kung ako sana ang direktor ng medical department, maaari kong baguhin ‘yon. Pero dahil ang mismong ospital na ang gumawa ng desisyon, wala na akong magagawa pa ro’n. Pasensya ka na, Natalie. Alam ko kung gaano ka kagaling na estudyante.”

Nanlumo si Natalie. “Naiintindihan ko po. Maraming salamat po, Mr. Olivarez.”

Nang makalabas si Natalie sa opisina ay agad na tumindig ang balahibo niya. Napagtanto niya kasing tinotoo ni Mateo ang banta nito sa kaniya. Talagang nakahanap ito ng paraan para pagbayarin siya sa ginawa niya.

Ang pag-terminate ng internship niya ay nangangahulugang hindi siya makaka-graduate. Mawawalan ng silbi ang ilang taon niyang paghihirap kapag nangyari ‘yon.

Sinisira ng lalaking ‘yon ang kinabukasan niya. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang lalaki roon. Kung kinakailangan niyang lumuhod at halikan ang sapatos nito ay gagawin niya.

Sinubukan niyang tawagan ang numero ng lalaki pero hindi nito iyon sinasagot. Lalong bumigat ang pakiramdam niya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang kaniyang palad para itago ang pag-iyak.

Bakit napakadaya ng mundo sa kaniya?

Sa kabila ng pagmamaltrato at kasamaan ng pamilya niya sa kaniya, sila pa rin ‘yong nasa mas maayos na kalagayan. Habang siya, unti-unting nasisira dahil sa pumalpak ang kaisa-isang plano niyang maghiganti sa kanila.

Hindi siya pwedeng sumuko.

Dahil hindi sinasagot ni Mateo ang mga tawag sa kaniya, napagdesisyonan ni Natalie na hintayin na lamang ang asawa sa ospital, sa kwarto ng lolo niya. Alam niya kasing kahit pa gaano kaabalang tao si Mateo ay hindi ito pumapalya sa pagdalaw sa kaniyang lolo araw-araw. Kaya naman bumaba na siya para pumunta sa VIP building ng ospital.

Nang makarating siya sa lobby ng gusali ay nakita niya si Mateo kasama si Isaac. Palabas na sila ng building.

Hindi inalintana ni Natalie ang bakas ng pagkalugmok sa kaniyang itsura at agad na tinakbo ang pagitan nila ni Mateo.

“Mateo, pwede ba tayong mag-usap?” maingat niyang tanong sa lalaki.

Bahagyang napangisi si Mateo. “May dapat pa ba tayong pag-usapan?”

Nanikip ang dibdib ni Natalie. “Narito ako para humingi ng tawad. Nagkamali ako. Parang awa mo na, pakawalan mo na ako. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.”

Walang panama ang pride at poot na nadarama niya sa kapangyarihan ng kaniyang napangasawa.

Umismid si Mateo. “Natatakot ka na ba ngayon? Malas mo naman… huli na ang lahat.” Inabot niya ang panga ni Natalie at mariin iyong pinisil. “Dapat alam mong kapag ginalit mo ako, dapat handa ka sa magiging kapalit no’n.”

Napaigik si Natalie sa sakit. Lalong namula ang kaniyang mga mata. “Hindi mo ba talaga ako papalayain kahit anong gawin kong pagmamakaawa?”

“Uh-huh. Kaya huwag ka nang magsayang ng laway mo.”

Ilang sandaling nakipagtagisan ng titigan si Natalie bago siya pagak na natawa. “Inaamin ko namang nagkamali ako sa pagtalikod ko sa usapan nating dalawa. At tatanggapin ko ang parusa mo. Pero hindi mo naman kailangang umabot sa puntong sisirain mo ang buhay ng isang tao! Walang kapatawaran iyon! Napakawalang puso mo naman masyado!” Lalong nagbaga ang nararamdaman niyang galit nang maalala niya ang mga ginawa sa kaniya ng kaniyang ama, madrasta, at half-sister.

“Bagay na bagay nga kayo ni Irene!” uyam niya. “Gusto mo ng annulment?” Nginisihan niya si Mateo. “Huwag ka nang mangarap!”

Matapos niyang iwan ang mga katagang ‘yon ay tinalikuran niya na ang lalaki at naglakad paalis.

Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinatanaw siyang umalis. Napakuyom siya ng kamao nang muling umusobong ang galit niya sa babae. Hanggang sa hindi niya napigilang sipain ang basurahan na katabi niya. Nagduloy ‘yon ng malakas na kalansing.

Nanatali namang tahimik si Isaac habang pinapanood ang pagwawala ng kaniyang amo.

**

Hindi umuwi si Natalie sa kaniyang dorm. Sa halip ay dumiretso siya kina Nilly.

“Anong gagawin ko, Nilly? Sinuspende nila ang internship ko,” iyak ni Natalie sa kaibigan. Mugtong-mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak.

“Paano nangyari ‘yon?” nag-aalalang tanong ni Nilly. “Kailangan nating makahanap ng taong makakatulong sa ‘yo.” Saglit siyang nag-isip. “Si Chandon!” Nagliwanag ang mukha niya. “Baka kaya ni Chandon na gawan ng paraan ang sitwasyon mo ngayon. Makapangyarihang tao naman ‘yon!”

“Pakitawagan siya, please?” pagmamakaawa ni Natalie.

Agad na tinawagan ni Nilly si Chandon para humingi ng tulong. Wala ito sa San Jose dahil may business trip ito pero nangako siyang iche-check niya kung anong magagawa niya para kay Natalie.

“Babalitaan ko kayo agad,” ani Chandon.

“Maraming salamat,” napapanatag na sabi ni Natalie.

Nang matapos ang tawag ay inabot ni Nilly ang mga kamay ni Natalie at marahang pinisil. “Naniniwala akong makakahanap tayo ng solusyon sa problema mo.”

Tumango si Natalie. Medyo kalmado na siya ngayon. Pero sa loob ng ilang taong paghihirap niya, hindi na niya alam kung kakayanin niya pa ba kung may panibago na namang problemang dadating sa kaniya.

Natatakot si Nilly na baka kung anong maisipang gawin ng kaibigan kaya naman pinigilan niya itong umuwi sa kaniyang dorm.

Kinabukasan…

Inabala ni Natalie ang sarili sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa lolo ni Mateo.

“Natalie, nasaan ka? Bisitahin mo naman ako ngayon. May gusto akong sabihin sa ‘yo,” malambing nitong saad.

“Sige po, pupunta ako.”

Sa kabila ng kawalang gana ay pakiramdam ni Natalie ay obligado siyang dalawin ang lolo ni Mateo. Kaya naman naligo na siya at nag-ayos saka nagtungo sa VIP building ng ospital kung saan naka-admit si Antonio Garcia.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status