Share

KABANATA 16

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Hindi nalungkot si Natalie sa isiping magkasama sina Mateo at Irene dahil normal lang naman ‘yon. Ang nagpalungkot sa kaniya ay ang agarang pagbaba nito ng tawag nang tawagin siya ni Irene. Mukhang wala na siyang intensyong balikan siya rito. Siya na ang bahala sa sarili niya.

Umalis na siya sa restaurant. Nang makalabas na siya roon at tinanaw ang paligid ay saka niya lang napagtanto na hindi siya pamilyar sa lugar na ito. Hindi niya rin kasi pinansin ang daan dahil bukod sa kotse ang ginamit nila para makarating dito ay sobra rin ang panlalambot niya kanina.

Wala pa naman siyang makitang malapit na bus stop o kahit taxi sana.

Sinubukan niyang tumawag sa mga drivers sa cab hiring apps kaso walang tumatanggap sa booking niya dahil sa malayo at liblib ang lugar na kinaroroonan niya.

“Mukhang kailangan ko lakarin ‘to,” bulong niya sa sarili. Balak niyang lakarin na lang ang main road at aasa na lang siyang may dadaan na sasakyan na pwede niyang makisabayan. Kaya lang, masyadong ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Annie Chavelle Parcon
walang kwenta ginagawa kang uto² ng apps na to kaila fan may unlock pa bwesit kay.,kaila fan manuod pa ng video para maka earn ng bunos tapos 1 or2 kabanata lang ubos na.
goodnovel comment avatar
She Gonzaga
sobrang ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 17

    “Bitiwan mo ako!”Napaiyak na si Natalie dahil sa higpit ng hawak ni Mateo sa palapulsuhan niya. “Ano bang ginagawa mo?!”Halatang-halata ang inis sa mukha ni Mateo. Alam niya naman na kasalanan niyang bigla niya na lang iniwan ang babae kanina sa restaurant. Pero pinangunahan siya nang makita niya si Natalie na nakikipag-usap sa ibang lalaki kanina lang. Ibinuka niya ang kaniyang bibig para sana ay humingi ng tawad sa kaniyang asawa. “I-I’m–”“Ayaw na kitang makausap!” putol ni Natalie sa sasabihin ni Mateo. Galit na galit siya sa lalaki dahil ang kapal nitong iwan siya roon mag-isa tapos siya pa ang may ganang magalit sa kaniya. Buong lakas niyang binawa ang kaniyang kamay sa lalaki. Ang kaso ay nawalan siya ng balanse dahilan para gumewang siya. Dahil do’n ay mas lalong sumakit ang injured niyang paa. “Ah!” iyak niya sa sakit. Tumaas ang kilay ni Mateo nang makita ang inasta ng babae. “Ano na namang klase ng pag-iinarte ‘yan, Natalie?”Sinamaan ni Natalie ng tingin si Ma

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 18

    Kalmadong tumingin si Natalie kay Mateo. “Hinihintay ko lang maluto ‘yong instant noodles.”Sinubukang pigilin ni Mateo ang iritasyon niya sa mga sandaling iyon. Sa kabila ng hindi nila maayos na relasyon, hindi niya pwedeng balewalain na napakalaki ng naitulong ni Natalie sa kaniya nito nakaraan. Nagtataka lang siya sa paghahanap nito ng trabaho at pagkain nito ng instant noodles gayong binigyan naman siya nito ng card na naglalaman ng malaking halaga. “Huwag mong kainin ‘yan. Hindi ‘yan masustansya para sa ‘yo. Bibilhan na lang kita nang mas maayos na pagkain.”Nagprotesta si Natalie ngunit pinalabas lang ‘yon ni Mateo sa kabilang tainga niya. “Anong gusto mong kainin?”Nanataling tahimik si Natalie habang pinupukulan ng malamig na titig si Mateo. “Hindi ka magsasalita?” Napairap si Mateo. “Ako na lang ang pipili para sa ‘yo.”Pinili niya ‘yong salmon sushi, fresh milk, steamed eggs saka niya iyon binayaran at inabot sa babae. “‘Yan ang kainin mo.”Napakagat labi si Natalie.

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 19

    Kinumpirma ng doktor ang pagbubuntis ni Natalie nang muli iyong itanong ni Mateo. “Pero bago pa lang ang pagbubuntis niya. She’s just a five weeks pregnant.  She fainted due to low blood sugar, which mimicked early pregnancy symptoms.”Walang mabasang emosyon sa mga mata ni Mateo. Bigla ay hinawi niya ang kurtina ng higaan ni Natalie. “Narinig mo ba ‘yon, Natalie?”Nanghihina at lutang na tumango ang babae. “Oo.”“Ano nang gagawin mo ngayon?” Nag-alangan si Natalie. Napakagulo ng utak niya ngayon. Nabigla siya sa rebelasyong buntis siya. Nabuo ‘yon noong gabing may nangyari sa kanila ng misteryosong lalaki sa Golden Palace Hotel. Dahil sa sobrang kabat at takot ay hindi na siya nakapag-take ng contraception. Na-disappoint siya sa kaniyang sarili dahil bilang doktor ay napakalaking kapabayaan no’n. Mas lalong nanlamig ang tingin ni Mateo nang mapansin ang katahimikan ng asawa. “Talaga bang naiisip mong ipagpatuloy ang pagbubuntis mo?”Sa kabila ng relasyon nilang dalawa, hindi m

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 20

    Nitong mga nakaraan, laging malalim ang iniisip ni Natalie dahil sa kaniyang pagbubuntis. Kaya naman hindi niya magawang magpokus sa mga ibang bagay. Kahit ang paghahanap niya ng trabaho ay naging mas mahirap. Nagsimula na rin ang mood swings niya. At lagi siyang pumupunta sa bahay nina Nilly. Nang makauwi si Nilly ay napatayo si Natalie sa tuwa. “Buti naman at nandito ka na. Nagugutom na si baby eh.”“Sakto. Gutom na rin ako,” nakangiting sagot ni Nilly. “Tara kain?”“Tara!”Nagtungo silang dalawa sa plaza kung saan may mga night stalls ng sari-sari, pagkain at kagamitan. May mga high-end restaurants din sa palibot nito. Pinag-uusapan pa nilang dalawa kung saan sila kakain nang biglang may tumapik sa balikat ni Natalie. “Nilly, Natalie, what a coincidence!”Nakilala nila ito bilang isa sa mga kaklase nila noong high school at college. Ngumiti si Natalie ngunit nanatili siyang tahimik. Habang si Nilly naman ay tinaasan siya ng kilay. “Coincidence? Normal lang naman na rumam

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 21

    Nanatiling tahimik si Natalie. Pinanlisikan naman ng mata ni Nilly si Andrew. “Kalalaking tao mo pero napakadaldal mo!”Ngumisi lang si Andrew at hindi nagpatinag. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Naalala ko pa nga no’n, halos lahat ng tao sa school, kinaiinggitan ang closeness nilang dalawa.”“Tama na nga ‘yan!” bulyaw ni Nilly sa kaniya. Ngunit nag-e-enjoy si Andrew sa nakikita mula sa dalawa. “Bakit nga ba kayo naghiwalay? Akala pa naman naming lahat, sa kasalan na kayo matutuloy.”Ang tahimik na si Drake ay napatingin kay Natalie. “Siya ang may desisyon no’n, hindi ako.”Napatigil sa pagnguya si Natalie dahil sa narinig. Anong ibig sabihin nito ro’n? Parang ipinaparating niyang hindi niya na ito mahal noon kaya siya nakipaghiwalay. Pero siguro nga ay gano’n ‘yon. “Talaga?” Ibinaling ni Andrew ang tingin kay Natalie. “Bakit mo naman siya hiniwalayan, Natalie? May mali ba kay pareng Drake?”Nakaramdam si Natalie ng pait sa bibig niya. Kapagkuwa’y nagpakawala siya ng mai

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 22

    “Boss, dalawa nga pong tapsilog!” order ni Nilly habang hawak si Natalie gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman ay pinaghaplos niya sa tiyan niya. “Gutom na ‘ko. Maraming salamat kay Drake at hindi ko nagawang kainin ‘yong pagkain ko ro’n,” sarkatikong komento niya. Napalunok si Natalie. Kumakalam na rin kasi ang tiyan niya. “Nilly, gusto ko rin ng barbeque.”“O sige bibilhan kita.” Pero napatigil siya at napatitig kay Natalie. “Ang dami mo laging kinakain nitong mga nakaraan. Hindi ka ba natatakot manaba?”Napabuntong hininga si Natalie. Talaga napaparami ang kain niya nitong nakaraan. At isa iyong senyales ng kaniyang pagbubuntis. “Napapansin ko nga. Dahil ‘yon sa nasa sinapupunan ko.”“Tapos na ‘yong dalawang tapsilog!” anunsyo ng tindero. “Nice!” “Magkano lahat?” tanong ni Natalie. Umiling si Nilly. “Huwag na.”“Ako na magbabayad,” pilit ni Natalie. Pero bago pa muling tumanggi si Nilly ay may nauna na sa kaniya. “Boss, ako na magbabayad sa mga order nila,” ani D

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 23

    Tumambad kay Natalie ang pinakapopular na search sa internet ng araw na iyon. Hindi niya pwedeng hindi makita agad iyon dahil nasa top 1 ito. Ang nakababahala pa ay ang napiling caption ng uploader: Pasabog!Hindi niya napigilang manginig ang mga kamay niya pero kailangan niyang makita iyon. Dahil ‘yon ay isang CCTV footage, hindi masyadong maliwanag ang kuha ng video. Ganoon pa man ay maliwanag na makikita kung ano talaga ang nangyari. Lumalabas ng gusali si Mateo, pinagbuksan pa siya ng guwardiya bago nito undayan ng saksak ang lalaki! Malinaw ring makikita sa video na nagulat si Mateo sa nangyari at kahit sugatan ay nagawa pa ding labanan at patumbahin ni Mateo ang suspek. Hanggang doon lang ang video pero sapat na iyon para balutin si Natalie ng takot. Halos magkandadurog-durog ang mga buto niya sa dibdib sa lakas ng pagtibok ng kaniyang puso. Napuno ang doctor’s and nurse’s lounge ng samu’t-saring opinyon at haka-haka tungkol sa nangyari. Mabilis kumalat ang mga balitang ga

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 24  

    “Mukha ba akong may pakialam kung hindi ka qualified?” Nangunot ang noo ni Mateo. “Ikaw nga ang gusto ko!”  Umirap si Natalie. Kahit na nasa ganoong sitwasyon na si Mateo ay nakukuha pa din nitong umarte ng parang batang hindi napagbigyan kaya nag-iinarte. “Mateo, magaling na doktor si Dr. Yang. In fact, isa siya sa mga pinakamagagaling sa ospital na ito. Siya rin ang nasa posisyon.” paliwanag ni Natalie sa kaniya. “Posisyon? Anong pakialam ko sa posisyon? I don’t trust him with my life and that’s it.” Bakas sa mukha ni Mateo na desidido ito at hindi ito magpapatinag sa kagustuhan nito. Parang mababaliw si Natalie ng mga oras na iyon. Sa ganoong sitwasyon sila naabutan ni Isaac. Sa palagay niya ay narinig nito ang pagtatalo nila ni Mateo kaya ito naroon. “Nat, sang-ayon ako kay sir. Hindi kami pwedeng basta-bastang magtiwala kahit kanino pagkatapos ng nangyaring pag-atake sa kaniya.” “P-Pero…” Hindi pa rin kumbinsido si Natalie. “Bakit ako?” Hindi nagpaligoy-ligoy ng sago

    Last Updated : 2024-09-11

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 100  

    Kumpara kina Natalie, mas maagang dumating ang grupo nina Mateo doon. Nagsilapitan sina Stephen at Aries sa kanila at huling-huli nila ang pagtingin ni Mateo kay Natalie, halos hindi na ito kumukurap. “Alam mo, noong una, nagiisip pa ako kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, dito sa isang putchu-putchung park mo kami hinatak---yun pala, yung misis ng isa dyan ay narito.” Tukso ni Aries sa kanya. As usual, hindi siya pinansin ni Mateo, naglakad ito papunta sana kina Natalie, pero bigla itong tumigil. Nagdadalawang-isip ito. Si Mateo Garcia ay hindi nagdadalawang-isip kung kaya para itong isang palabas na pinapanood ng mga kaibigan. “Hala, ano kayang problema? Wala silang ticket? Hindi mo ba tutulungan ang asawa mo?”Sarkastiko ang ngiting namutawi sa labi ni Mateo. “Ang tanong, kailangan ba talaga niya ng tulong ko?” “Natalie!” Dumating si Drake, kakapark pa lang nito ng sasakyan. “May problema ba?” “Meron…ganito ang nangyari…” nagsimula ng magkwento si Natalie, baka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 99

    Makalipas ang ilang araw, binisita ni Drake ang Garcia Corporation. Masusi niyang sinunod ang mga prosesong kailangan para sa partnership ng Pascual Technology sa kumpanya nila at ngayong araw ay may meeting siya kasama si Mateo Garcia. Dinala siya ng sekretarya nito sa isang maliit na conference room. Pagka-upo ni Drake, pumasok na si Mateo. Muli siyang tumayo. “Mr. Garcia.” “Mr. Pascual, please, maupo ka.” Hindi nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinag-usapan ang collaboration ng mga kumpanya nila. Natuwa naman si Mateo sa kapasidad ni Drake at napagdesisyunan niyang pirmahan na ang deal. “It’s a pleasure working with you,” sabi ni Mateo. “I’m grateful for your trust, Mr. Garcia. I look forward to a fruitful partnership.” Gaya ng nakagawian, isang piging ang nakahanda para sa tagumpay ng dalawang kumpanya. “Mr. Pascual, hindi mo ba kami sasamahan mamaya sa dinner?” “Maraming salamat. Hindi sa hindi ko gustong kumain kasama kayo pero may prior commitment kasi ako

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 98  

    Halos malunok ni Leo ang usok ng sigarilyong ibubuga sana niya. “What the…sinong tinatawag mong babaero? Lahat ng mga nakarelasyon ko ay mga kaibigan ko lang talaga…” Napansin ni Leo na lahat ay nagsi-taasan ng kilay. “Hmph. To answer your question, hindi pa ako nag-date ng babaeng may anak.” “Weh?” Pambubuska ni Stephen. “Wala pa sa ngayon dahil hindi mo pa nakikita yung babaeng may anak na iyon na gusto mo. Kung gusto mo siya, walang kaso kung may anak siya o wala, diba?” “Ah, pinagtatawanan mo ako at ang prinsipyo ko, Stephen?” Nagtawanan sila at nag-alaskahan gaya ng lagi nilang ginagawa kapag magkakasama sila. Pero nagseryoso ulit si Leo. “Pero seryoso, what if may anak nga siya? Mahaba ang buhay at hindi sapat ang isang anak para matali ang isang tao.” “Alam mo, tama at mali yung sinabi mo,” pasok naman ni Aries na kanina pa nakikinig lang. “Sabi nga nila, it’s not about the time we live in. Kahit noong panahon pa ng mga mananakop, uso na yung mga single mothers. Madalas

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 97

    Panandaliang nagulat si Mateo sa tanong na iyon. Pero sinagot pa rin niya ng buong katotohanan iyon. “Yes, why?” “Salamat,” seryoso ito. “Talagang nagpapasalamat ako. Lumaki akong kaunti lang ang mga taong mabait sa akin.” May kakaibang sensasyon ang gumapang sa kabuuan ni Mateo, umabot iyon hanggang sa puso niya. Pigil na pigil ang pagngiti niya. Tumango lang siya. “Pero…” may sasabihin pa sana ito pero tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong sinagot. “Andrew, oo, tatawagan pa sana kita. Mabuti at tinawagan mo na ako. Ano kasi, naiwan ng kaibigan ko ang coat niya dyan sa dorm room mo. Tsaka hindi pa ako nakakapagpasalamat dahil pinatulog mo siya dyan. Kung hindi lang sa lakas ng ulan, nag-hotel na sana siya. Totoo bang sa supply room ka natulog? Sorry, libre na lang kita para quits na tayo.” Habang nagsasalita si Natalie, itinuro na niya ang MRT para sabihing mauuna na siya. “Dahan-dahan!” Sigaw ni Mateo sa babae. Hindi niya sigurado kung narinig pa siya nito pero ang n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 96  

    Natameme si Natalie pero tinraydor siya ng puso niya. Ang pagtanggi sa tunay niyang nararamdaman para kay Mateo ay isang malaking kasinungalingan. Sa buong buhay niya, mabibilang lang ang taong tinrato siya ng mabuti. Sa sobrang konti, pinaka-iingatan niya ang mga pagkakataong iyon. Ang bawat tulong na natanggap niya, ibabalik niya ng sampung beses kung kaya niya. Pagkaalis sa ospital, bumalik siya sa bahay ng mga Garcia sa Antipolo. Labis na natuwa ang matanda ng makita siya sa bahay at agad na ipinatawag si Mateo. Hinawakan pa nito ng mahigpit ang mga kamay niya. “Halos isang linggo din tayong hindi nagkita at ito namang si Mateo, abala din at hindi na rin kami nagkikita. Kumain naman tayo ng hapunan ng sabay mamaya.” Ng tinawagan nila si Mateo, iba ang sinagot nito sa paanyaya ng matanda. [Lo, pasensya na, marami akong ginagawa dito at hindi pa ako makakabalik dyan.] “Saan ka naman na-busy?” Tanong ni Antonio sa apo. “Masyado ka na bang abala para kumain? Isa pa, kakabalik l

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 95  

    **Sa loob ng Garcia Corporation conference room** Inilatag ni Isaac ang isang file sa harapan ni Mateo. May bagong proyekto ang kumpanya at kailangan nila ng isang technical partner pero hanggang ngayon ay wala pa silang nakikita. Sa araw na iyon ay may pangalawang batch ng potential collaborators na kailangan niyang i-review. Pinagmasdan niyang maigi ang dokumento at nahagip ng mata niya ang Pascual Technology. Ang kumuha ng atensyon niya ay ang chief engineer nito, si Drake Pascual. Tinapik-tapik ni Mateo ang pangalang iyon ng ilang beses. “Sir, maganda ang track record ni Drake Pascual kahit kakabalik lang niya sa bansa. Nag-aral siya sa abroad at nanalo ng ilang tech awards doon.” “So…ano sa tingin mo?” “Sa tingin ko po, magaling siya at siya ang kailangan natin.” Magaling na negosyante si Mateo at hinihiwalay niya ang personal na buhay niya mula sa pagpapatakbo ng kumpanya. Hindi niya hinahayaang manaig ang emosyon niya lalo na kung pera ang pag-uusapan. “Alright, tawa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 94  

    Bumukas ang pintuan at ang bumungad sa kay Mateo ay ang mukha ni Drake Pascual. Sa itsura nito, mukhang kakatapos lang nitong maligo, wala itong pang-itaas na suot. Ang tanging suot lang nito ay isang kulay asul na sweatpants. Hiniram lang ito ni Natalie sa isang kaklaseng lalaki dahil walang kasya sa kaniya sa mga gamit ni Natalie. Matiim na tinitigan ni Mateo ang bisita ni Natalie.  “Mr. Garcia,” si Drake na ang naunang magsalita. “Hinahanap mo ba si Natalie? Nasa banyo pa siya.” Alam ni Drake na magiging ganon ang reaksyon ng lalaki. Sinadya niyang sabihin iyon dahil sa simula pa lang, nagdududa na siya tungkol sa tunay na kaugnayan ng dalawa. Malakas ang kutob niya na higit pa sa patient-Doktor ang relasyon nila.  Kahit sinong lalaki ay magagalit pero pinili ni Mateo na maging sibil. “Nasaan si Natalie? Gusto ko siyang makausap.” “Drake, sino ‘yan?” Galing ang boses ni Natalie sa loob ng banyo. Nagulat pa siya ng makita kung sino ang kausap ni Drake sa may pintuan. “Mateo?

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 93

    Biglang naalala ni Natalie ang sinabi ng lalaki na pagtulong sa bunsong kapatid. “Tungkol ba ‘yan kay Justin?” [Nangako ako diba?] Natawa pa ito. [Syempre, tutuparin ko iyon. Tinutupad ko ang mga pinangako ko, Nat.] Dahil tungkol ito sa kapatid niya, hindi na nagtanong pa si Natalie. “Okay, sige. Tawagan mo ako ulit kapag nandito ka na.” [Syempre naman.] Napangiti si Drake pagkatapos ng tawag na iyon. Kahit na para kay Justin ang ginagawa niya, okay na din. Iyon lang ang paraan para muli siyang patuluyin ni Natalie sa buhay nito. Gusto niyang maging bahagi siya ng buhay nito ngayon at maging dependent ito sa kaniya hanggang sa ito na mismo ang makiusap na manatili siya. … Lumakas lalo ang buhos ng ulan. Sinipat ni Nilly si Natalie na nakatayo sa may bungad ng pintuan. “Grabe, may bagyo ba? Parang gigil na gigil ang langit, ah. Tsaka, kanina ka pa dyan, may hinihintay ka ba? Malapit ka ng tubuan ng ugat dyan.” Hindi pa siya tapos sa pambubuska sa kaibigan ay muli itong nag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 92  

    Pababa na sa underground parking lot si Mateo, panay pa din ang pag-dial niya sa cellphone number ni Natalie pero hindi ito sumasagot. Nakabalik na sa ospital si Natalie. Tinutulungan niya ang medical team para mag-empake at maghanda para sa pag-alis nila. Sa katunayan, ginusto niyang sumama ulit sa huling team pero hindi niya itinuloy. Ngayon, parang gusto na lang niyang makipag-palitan sa kanila dahil wala naman siyang dahilan para manatili. Patuloy sa pagba-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng white coat niya. Sinilip niya iyon at nakitang si Mateo ang tumatawag. Para hindi na siya maistorbo, inactivate niya ang airplane mode. Dumating si Mateo sa ospital at naabutan pa niyang paalis na ang medical team. Hinarang siya ng guwardiya. “Bawal po mag-park dyan, sir. Doon lang po pwede sa central parking lot.” Sabi pa nito sa kanya. Sinunod niya ang utos sa kaniya kahit na naiinis siya. Dumiretso siya sa emergency reception desk para magtanong. “Excuse me, hinahanap ko si Dok Na

DMCA.com Protection Status