Share

KABANATA 22

“Boss, dalawa nga pong tapsilog!” order ni Nilly habang hawak si Natalie gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman ay pinaghaplos niya sa tiyan niya. “Gutom na ‘ko. Maraming salamat kay Drake at hindi ko nagawang kainin ‘yong pagkain ko ro’n,” sarkatikong komento niya.

Napalunok si Natalie. Kumakalam na rin kasi ang tiyan niya. “Nilly, gusto ko rin ng barbeque.”

“O sige bibilhan kita.” Pero napatigil siya at napatitig kay Natalie. “Ang dami mo laging kinakain nitong mga nakaraan. Hindi ka ba natatakot manaba?”

Napabuntong hininga si Natalie. Talaga napaparami ang kain niya nitong nakaraan. At isa iyong senyales ng kaniyang pagbubuntis. “Napapansin ko nga. Dahil ‘yon sa nasa sinapupunan ko.”

“Tapos na ‘yong dalawang tapsilog!” anunsyo ng tindero.

“Nice!”

“Magkano lahat?” tanong ni Natalie.

Umiling si Nilly. “Huwag na.”

“Ako na magbabayad,” pilit ni Natalie.

Pero bago pa muling tumanggi si Nilly ay may nauna na sa kaniya.

“Boss, ako na magbabayad sa mga order nila,” ani D
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status