Share

KABANATA 24  

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-09-11 14:32:21
“Mukha ba akong may pakialam kung hindi ka qualified?” Nangunot ang noo ni Mateo. “Ikaw nga ang gusto ko!”

Umirap si Natalie. Kahit na nasa ganoong sitwasyon na si Mateo ay nakukuha pa din nitong umarte ng parang batang hindi napagbigyan kaya nag-iinarte.

“Mateo, magaling na doktor si Dr. Yang. In fact, isa siya sa mga pinakamagagaling sa ospital na ito. Siya rin ang nasa posisyon.” paliwanag ni Natalie sa kaniya.

“Posisyon? Anong pakialam ko sa posisyon? I don’t trust him with my life and that’s it.” Bakas sa mukha ni Mateo na desidido ito at hindi ito magpapatinag sa kagustuhan nito.

Parang mababaliw si Natalie ng mga oras na iyon. Sa ganoong sitwasyon sila naabutan ni Isaac. Sa palagay niya ay narinig nito ang pagtatalo nila ni Mateo kaya ito naroon.

“Nat, sang-ayon ako kay sir. Hindi kami pwedeng basta-bastang magtiwala kahit kanino pagkatapos ng nangyaring pag-atake sa kaniya.”

“P-Pero…” Hindi pa rin kumbinsido si Natalie. “Bakit ako?”

Hindi nagpaligoy-ligoy ng sago
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (55)
goodnovel comment avatar
Marife Lebres Luna
Please chapter25
goodnovel comment avatar
Marife Lebres Luna
Chapter 25 plsss
goodnovel comment avatar
Marjune Asuncion
I'm so excited for the next
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 25  

    Nanatili ang mga kamay ni Natalie sa loob ng bulsa ng uniporme niya. Nagkatitigan sila ni Irene pero wala siyang anumang sinabi. Hindi naman kasi talaga maiiwasan ang magkita sila lalo’t may relasyon sina Irene at Mateo at siya ang doktor nito. Alam ni Natalie na mangyayari at mangyayari ito pero hindi ganoon kabilis.  Samantala, hindi alam ni Irene kung ano ang una niyang iisipin nang makita si Natalie. Napanood niya sa balita ang nangyari kay Mateo at tinawagan niya si Isaac para sabihan ito na dadalaw siya pero sinabihan siya ni Isaac na hindi pa pwedeng dalawin si Mateo. Buong gabi siyang naghintay ng balita pero wala naman siyang natanggap na kahit anong update kaya napagpasiyahan niyang dumalaw na lang ng maaga. Hindi niya inakalang si Natalie ang una niyang makikita bago si Mateo. Para makasiguro ay tiningnan niya ang pangalang nakapaskil sa labas kung kwarto nga iyon ni Mateo. Kwarto nga ni Mateo iyon at hindi siya nagkamali ng basa. Ang hindi niya maintindihan ay bakit n

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 26  

    Lahat ng mga doktor at nurses sa ospital ay excited na makita si Mateo. Naging paboritong pasyente agad siya doon dahil sa estado ng buhay niya. Kahit na ganoon, wala pa ding nangangahas na kausapin siya. Kung meron man, pawang trabaho lang.Kaya kahit na nakita nilang may yakap na magandang babae si Mateo, wala pa ding nagsalita bukod kay Natalie. “Alright, guys. The patient sustained a 4.2 cm stab wound to the abdominal cavity, luckily, walang vital organs na napinsala…” Walang interes na makinig si Mateo. Habang tinutulungan niya si Irene, nakaramdam siya ng pagkabalisa at hindi niya magawang tingnan si Natalie. Kahit na alam n ani Natalie ang engagement nila ni Irene, ang pagkikita ng dalawang babae ay naglagay sa kaniya sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang asawa na nahuling nangangaliwa. “Magpahinga ka na, sir Mateo Garcia.” Sabi ni Natale habang isa-isa ng umaalis ang mga kasama nito. Isang beses lang niya tiningnan si Mateo dahil iniiwasan

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 27

    Nag-focus si Natalie sa sugat, iniiwasan niyang magkatitigan sila ni Mateo. Pero hindi matiis ni Mateo na ang katahimikan sa pagitan nila. “Galit ka ba sa akin?”  “Ha?” Napatigil si Natalie at halatang naguguluhan ito. “Galit? Ako? Bakit ako magagalit sayo?” “Mas okay kapag hindi ka galit sa akin.” Sagot naman ni Mateo.  Naguguluhan talaga si Natalie pero hindi na niya tinanong pa kung ano ang ibig sabihin nito. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang drainage tube. “Kailan ba pwedeng tanggalin ang tubong ito?” Muli siyang tinanong ni Mateo. Napangiwi ito sa ginagawa niya. “Hindi kasi ako komportable.” “Matatagalan pa,”paliwanag naman ni Natalie. “Mahalaga kasi na masiguro naming na walang debris o kahit na pwedeng maging sanhi ng abdominal infection.” Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila ulit. Nanatiling nakasarado ang mga mata ni Mateo habang hinahayaan niyang gawin ni Natalie ang kailangan niyang gawin. “Nat, wala ka bang sasabihin sa akin?” Nag-angat ng paningin si Nat

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 28

    Lunch break ni Natalie at sa canteen sa ospital siya kumain. Pabalik na sana siya ng nakasalubong niya sina Mateo at Alex. Paika-ika itong naglalakad sa hallway. “Not bad, ha.” Puri ni Natalie. “Mabuti na lang at malakas ka. Nakakapaglakad-lakad ka na, sa tingin ko, mabilis ang magiging recovery mo pero huwag mo namang biglain.” “Yes, doc!” Si Alex na ang sumagot. “Sandali.” Tinawag siya na Mateo dahil paalis na sana siya. “Sandali lang.”  Hinarap ni Natalie si Mateo. “May problema ba? “A-anong gusto mo?”  Napakurap ng maraming beses si Natalie sa pag-asang mauunawaan niya ang tanong na iyon. Wala siyang maisagot dahil unang-una, hindi naman niya maintindihan ang tanong. “Nasupresa ka ba?” Pagpapatuloy ni Mateo. “Sa palagay ko ay dapat alam mo na na dapat akong magpasalamat sayo. Pagkatapos ng nangyari, malaki ang utang na loob ko sayo, Nat.”  Doon pa lang naintindihan ni Natalie kung ano ang tinutumbok ng lalaki. “Ah, so tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko kasi gu

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 29    

    [Nat! Kailangan mo akong tulungan!] “Hala, anong nangyari sayo?” Nagulat din si Natalie. “Just so you know, hindi ka magaling umarte at hindi ka convincing.” Code nila itong magkakaibigan. “Ano kasi…nasa blind date ako ngayon tapos nawawala ang wallet ko, kailangan na kasing magbayad. Nakakahiya! Sa tingin ko nadukutan ako. Kailangan ko ng pera…pwede bang puntahan mo ako ngayon?” Nagbuga ng hangin si Natalie. Hindi totoong kailangan nito ng pera. Marahil ay may nakikinig kaya ganoon ang sinabi ni Chandon. “Diba si Nilly ang nakatoka ngayon? Natawagan mo na ba siya?” [Sinubukan ko pero nakapatay yata ang cellphone niya. Please, wala na akong ibang maisip na pwedeng makatulong sa akin. Bilisan mo na, hihintayin kita.]Naputol na ang tawag. “Hello? Chandon, huy!” Hindi na bago kay Natalie ang mga blind dates na iyon ni Chandon. Bata pa ito ay hindi na tumitigil ang pamilya nito kaka-set-up sa kaniya. Halos buwan-buwan. Kahit na ayaw niya, silang dalawa ni Nilly ang laging gin

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 30

    Napayakap si Natalie kay Chandon habang wala pa ring tigil na umiiyak. “Chandon, tingnan mo. Nakakatakot siya!” “Shhh, huwag kang matakot.” Sabi ni Chanfon kay Natalie. “Ako na ang bahala.” Sa nakitang iyon, lalong nagalit ang babaeng kasama ni Chandon kanina. Itinaas nito ang kanang kamay at tila sasampalin si Natalie pero hindi si Natalie ang sinampal nito. “Talaga ba? Siya talaga ang kakampihan mo? Ako ang agrabyado dito!” Nanatiling nasa hara psi Chandon ni Natalie na parang inihaharang nito ang sarili laban sa galit na babae. “Natural! Girlfriend ko siya kaya ko ginawa ito. Sinong nagbigay ng karapatan sayo na saktan siya? Umalis ka na habang tao pa kitang nakikita!” “Fine! Tandaan mo ito, Chandon. Hindi ko makakalimutan itong ginawa mo sa akin!” Nagmamadali na itong umalis habang hindi na napigilan ang pagpatak ng masaganang luha dahil sa pagkapahiya. Nang makaalis na ang babae, tsaka pa lamang tumigil sa pag-arte si Natalie at hinampas si Chandon sa braso. “Okay na b

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 31

    Maaga pa ngunit kanina pa nagsimula ang araw ni Natalie. Kailangan niyang tingnan ang bumukas na sugat ng pasyente niya at kailangan ng agarang atensyong medical.Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis nang lumabas si Irene galing sa banyo. Tanging tuwalya lang ang suot ng babae. Bagong ligo ito at tila walang pakialam sa itsura niya. Nagulat pa ito nang makita si Natalie sa silid na iyon. “Ano ba kasi ang nangyari diyan? May nangyari ba kagabi? Okay naman yan kahapon, ah.  Bakit bumukas ulit ang tahi mo?” “Wala ito, Irene.” Matipid na sagot ni Mateo sa kaniya. “Patingin nga ako…” lumapit pa ito para matingnang maigi kung ano ang ginagawa ni Natalie sa nobyo. Hinaplos nito ang nakabalandrang hubad na pang-itaas na bahagi ng katawan ni Mateo at tsaka napangiti ng pilya. “Magpasalamat ka at nagra-rounds si doc, excuse me.” “Thank you,”pigil ang tawa ni Natalie sa sinabi ni Irene. Habang ekspertong tinatahi ang sugat. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, hindi advisable ang pakikipagniig.”

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 32  

    “Anong problema mo?!” Sigaw ni Chandon kay Mateo. Sa puntong ito ay wala na itong pakialam sa estado ni Mateo. Kung tutuusin ay hindi rin naman siya basta-bastang tao din lang. Prominente din ang pamilyang kinabibilangan ni Chandon. Kaya hindi siya makakapayag na walang ano-ano ay sinuntok siya nito. “Nahihibang ka na ba? Anong atraso ko sa’yo? Bakit mo ako sinugod at sinuntok, Mateo?” Tumayo si Chandon para ibalik din sana ang suntok na binigay sa kaniya ni Mateo ngunit mabilis na naharang ito nina Tomas at Alex. “Teka lang!” Sabay na sigaw ng dalawa. Napagtanto ni Chandon na wala siyang panama sa mga tauhan ni Mateo. Bukod sa mukhang sanay sa basag-ulo ay halatang mga dating sundalo ang mga ito base sa tikas at tindig. Dehado siya kung tatangkain niyang gumanti.  “Hindi pwede ito! Tatawag ako ng pulis!” Galit na sigaw ni Chandon. “At ikaw pa talaga ang may ganang tumawag ng pulis, ha?” Sarkastikong sabi ni Mateo. Napatawa pa ito ng bahagya habang umiiling. “May mas nakaka

    Huling Na-update : 2024-09-11

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 248

    Hindi man magsalita si Mateo, alam n ani Isaac na hindi na ito natutuwa sa pagdaan ng mga oras. Likas na maikli ang pasensya ng boss niya at hindi ito sanay na naghihintay. Dalawang tasa na ng matapang na kape ang naubos nito ngunit imbes na maging aktibo ito---tila lalong lumalim ang inis sa bawat galaw ng kamay ng malaking orasan na nakasabit sa pader.Hindi maisatinig ni Isaac pero hindi niya maiwasang magtanong. “Ano bang ginagawa ni Natalie? Sinasadya ba talaga niyang subukin ang pasensya ni sir?”Palubog na ang araw at humahaba na ang mga anino sa lobby ng family court, wala pa ring pinagbago, mabigat at tahimik pa rin ang atmospera doon. Paminsan-minsan ay sinisira ng malakas na pag-ring ng telepono ni Natalie ang katahimikan. Ngunit, ganoon pa rin. Wala pa ring sagot.**Alas singko na ng matapos ang kabuuan ng operasyon.“Naku po!” bulong ni Natalie sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis. Pagkatapos ay tinungo ang opisina para kunin a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 247

    Maagang nagising si Natalie. Magiging abala siya buong maghapon kaya napagpasyahan niyang simulant ang araw ng mas maaga kaysa nakasanayan niya. Abala siya sa pagsuot ng uniporme sa trabaho nang mag-vibrate ang telepono niya. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, saglit siyang natigilan bago sagutin ang tawag.“Hello?”[Natalie,] mahinahon na bungad sa kanya ni Jose Panganiban sa kabilang linya. [May oras ka ba mamayang hapon? Kung oo,Kung oo, pwede na nating puntahan ang family court para tapusin ang proseso.]Parang malamig na simoy ng hangin ang mga salitang iyon kay Natalie. Alam niyang mabilis na abogado si Jose Panganiban pero hindi niya inakalang mabilis din pala ito.“Ang bilis naman.”Sa palagay ni Natalie ay naging epektibo ang pag-arte ni Irene kagabi kaya hindi na nag-aksaya ng oras pa si Mateo at sinimulan na ang lahat. Ang isiping iyon ay nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib, ngunit maagap naman niyang napigilan.Sa mahinahong tono, may sagot si Natalie. “Sure, may

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 246

    “Magalit ka na lang, saktan mo ako. O maglabas ka ng sama ng loob, murahin mo ako---matatanggap kong lahat ‘yon. Pero hindi ito. Huwag ito, Nat. Hindi ko kakayanin! Hindi ko tatanggapin! Please, huwag mong gawin sa akin ito!” Nanginginig na pakiusap ni Drake. Puno ng desperasyon ang bawat salitang binitawan.“Drake,” malumanay na sagot ni Natalie. Nagningning ang mga mata dahil sa luhang hindi niya pinapayagang bumagsak habang magkatitig sila. “Kumalma ka muna. Pakinggan mo ako, okay?”Ang pagkakasabi ni Natalie ay banayad, halos nakakaaliw ngunit hindi rin makaila na naroon ang distansya. Labis itong naghatid ng kirot sa puso ni Drake ngunit tumango pa rin siya kahit alanganin. Pilit niyang pinipigilan ang bagyo ng damdaming nag-aalimpuyo sa loob niya.Sa hindi kalayuan, isang itim at magarang sasakyan ang nakaparada sa kanto. Mababa ang huni ng makina, ang nakasakay ay nagmamasid lang. Nasa likuran si Mateo---ang kanyang matalas na mga mata ay naka-focus sa dalawang pigurang nakatay

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 245

    Biglang tumigas ang mga matalim na linya sa mukha ni Mateo at ang dati niyang matatag na tingin ay nagpakita ng alinlangan. Ang mga sinabi ni Irene sa kanya ay may bigat at bumalot sa kanya kaya saglit siyang nagdalawang-isip. Madali ang magsinungaling, ngunit kapag tungkol kay Natalie ang usapan, tila imposible para sa kanya ang maging mapanlinlang.“Irene,”mahinahon niyang simula, kalmado ang boses ngunit mahina. “Minsan siyang naging asawa ko. Kung may mangyari sa kanya o kung maging mahirap ang buhay niya, hindi ko pwedeng balewalain ‘yon. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”Natigilan si Irene, ang hininga at tila naputol habang ang mga salita ni Mateo ay parang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Ang katapatan ni Mateo ay parang espadang matalim na humiwa sa kanyang humihinang kumpyansa.“P-pero…paano naman ako?” Nagawa niyang itanong sa nanginginig na boses, hayag ang kanyang kahinaan.Napabuntong-hininga si Mateo, parang pagod na ito. “Irene, ikaw ang pinili ko.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 244

    Magkaibang-magkaiba ang dalawang babae. Kung anong ikinakalma, ikinahinahon at itinatag ni Natalie, ay siyang kabaligtaran naman ng galit na galit na reaksyon ni Irene. Hinahayaan lang ni Natalie na maglabas ng sama ng loob ang babae. Sa totoo lang, nauunawaan niya kung ano ang pakiramdam ng makita ang kasintahan kasama ang ex nito---ngunit hindi din naman siya santo. May hangganan ang kanyang simpatya.“Hindi ako lapit ng lapit sa nobyo mo,” paliwanag ni Natalie. Nanatili pa rin siyang kalmado. “Sa maniwala ka o hindi, nagkataon lang talaga.”“Ha!” Muling tumawa ng mapait at nakakainsulto si Irene, napailing din ito at muling tumaas ang boses dahil hindi pa rin ito naniniwala. “Talaga lang, ha? Kung ganoon, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ang tagal mong pirmahan ang mga papeles ng diborsyo kung wala ka talagang pakialam at talagang nagkataon lang ‘to.”Natigilan si Natalie, nabigla siya sa narinig at nalipat ang mga nagtatanong niyang mata kay Mateo.“Irene, kasalanan ko ‘yon,”

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 243

    Hindi nagkamali si Mateo, makalipas ang limang minuto, muling bumalik si Natalie. Ang una niyang tinapunan ng tingin ay si Mateo. Naabutan pa niyang tila pinariringan ng lalaki si Drake kaya agad itong tumigil at ibinaling ang tingin palayo.Sunod naman pinuna niya si Drake. “Bakit narito ka pa? Hindi ba kailangan niyo ng umalis? Sige na, umalis ka na.” Malumanay na wika ni Natalie, ang tono ng pananalita niya ay ganoon pa din. Malamig at may distansya.Nagdalawang-isip si Drake ngunit halata ang pag-aalala sa mga mata. “Salamat, Nat. Ihahatid ko lang si Jean pauwi sa kanila. Babalik ako kaagad para sayo. Pangako. Please, huwag kang magalit o masyadong mag-isip ng kung ano-ano, ha? Wala lang ‘to.”Ngumiti si Natalie ng bahagya, ang ekspresyon ay hindi mabasa. “Sige.”“Hintayin mo ako,” paalala pa ni Drake bago umalis dahil nauna na sa paglalakad si Jean.Habang lumalayo ang dalawa, naiwan ang nakakabagabag na katahimikan. Saglit lang ang ginawang pagtapon ng tingin ni Natalie sa papal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 242

    Samantala, balot ng nakakailang na katahimikan ang paligid sa labas ng conference room na iyon. Nakapwesto malapit sa may pintuan si Mateo at nakasandal sa pader. Ang matalas niyang mata ay nakatuon sa nakasarang pinto. Habang nasa di kalayuan naman sina Jean at Drake, lahat sila ay hindi mapakali. Isang napakabigat na tensyon ang nasa pagitan nila.Nabasag lamang ang katahimikan ng mag-ring ang telepono ni Jean. Sinagot naman niya iyon kaagad. “Ma? O-opo, tapos na po ang dinner party. Pauwi na po ako.”Matapos niyang ibaba ang tawag, bumaling siya kay Drake ng may alinlangan sa mukha. “Drake, si mama ‘yon. Sabi niya, kailangan ko ng umuwi dahil malalim na ang gabi.”Tinapunan siya ng mabilis na tingin ng lalaki, pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa pinto. “Mauna ka na, mag-taxi ka na lang, hihintayin ko si Natalie.”Inaasahan na ni Jean ang bagay na ‘yon pero nag-atubili pa rin siya ng kaunti. “S-sigurado ka ba?”Tumango si Drake, may tatag sa boses nito. “Oo, kailangan ko siyan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 241

    Ilang hakbang lamang ang pagitan nina Drake at Jean at ang kanilang kaswal na paglalapit ay parang isang malinaw na larawan na nagsasabi ng napakaraming bagay. Naestatwa sa kinatatayuan si Natalie, ngunit matagumpay niyang naitago ang sorpresa sa likod ng mahinahong anyo.“N-nat?” nauutal na sambit ni Drake, halatang kinabahan ito. Makikitaan ng sari-saring emosyon ang kanyang mukha habang pasimpleng lumalapit kay Natalie.“Kaibigan mo ba siya, Drake?” Magalang ngunit mausisang tanong ni Jean.Nag-atubili si Drake, ang mga mata niya ay sandaling nagpalit-lipat kina Natalie at Jean. Tila hindi alam kung sino ang unang aatupagin. Pagkatapos ng ilang sandali, umiling si Drake. “Jean, hindi ko lang siya basta kaibigan…siya si Natalie…siya ang babaeng gusto ko.”Saglit na natigilan ang lahat at mistulang nabitin sa ere ang kumpirmasyong iyon ni Drake. Hanggang sa tumaas ang kilay ni Jean dahil sa pagkagulat. Si Natalie naman ay nanatiling kalmado, bagamat may bahagyang pagdilim sa kanyang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 240

    Parang tumigil ang mundo ni Mateo dahil sa narinig. Ang tibok ng puso niya ay tumigil. Agad niyang binitawan ang kamay ni Natalie. Ang pagkabahala ay malinaw na nakaukit sa kanyang mukha. Nilapitan niya ang babae upang matingnan niya ng malapitan ang kalagayan nito.“Nat, masakit ang tiyan mo? Gaano kasakit? Sabihin mo sa akin, tatawag na ba ako ng ambulansya---”Bago pa siya makatapos, bigla na lang tumalikod si Natalie at naglakad palayo. Tsaka pa lang napagtanto ni Mateo na naisahan siya nito. Matalino si Natalie, dapat sana ay naisip niya iyon.“Natalie, sandali!” tawag niya ng may halong kaba at pagkamangha ngunit tuloy lang ito sa paglalakad.Sa isang iglap, hinabol ni Mateo si Natalie at niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Saglit na natigilan ang babae ngunit mabilis namang nakabawi. Tinulak niya kaagad ito palayo.“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?”Hindi sumagot si Mateo, bagkus ay hinila ulit palapit si Natalie. Inilagay pa niya ang kamay sa mga mata nito, maingat ngunit m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status