“Anong problema mo?!” Sigaw ni Chandon kay Mateo. Sa puntong ito ay wala na itong pakialam sa estado ni Mateo. Kung tutuusin ay hindi rin naman siya basta-bastang tao din lang. Prominente din ang pamilyang kinabibilangan ni Chandon. Kaya hindi siya makakapayag na walang ano-ano ay sinuntok siya nito. “Nahihibang ka na ba? Anong atraso ko sa’yo? Bakit mo ako sinugod at sinuntok, Mateo?” Tumayo si Chandon para ibalik din sana ang suntok na binigay sa kaniya ni Mateo ngunit mabilis na naharang ito nina Tomas at Alex. “Teka lang!” Sabay na sigaw ng dalawa. Napagtanto ni Chandon na wala siyang panama sa mga tauhan ni Mateo. Bukod sa mukhang sanay sa basag-ulo ay halatang mga dating sundalo ang mga ito base sa tikas at tindig. Dehado siya kung tatangkain niyang gumanti. “Hindi pwede ito! Tatawag ako ng pulis!” Galit na sigaw ni Chandon. “At ikaw pa talaga ang may ganang tumawag ng pulis, ha?” Sarkastikong sabi ni Mateo. Napatawa pa ito ng bahagya habang umiiling. “May mas nakaka
Matapos nilang magtarayan ay natawa na lamang si Natalie. “I mean, thank you. Thank you for standing up for me, Mateo.”Sa pagkakataong ito ay si Mateo naman ang nagulat sa biglaang kambyo ng ihip ng hangin. May sasabihin pa sana siya ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit galing sa sugat niya sa tagiliran. Nasapo niya ito ng wala sa oras. Napansin naman ito agad ni Natalie. “Mateo? Okay ka lang?” Sinaklolohan ni Natalie si Mateo kaagad. Doktor siya at alam niya kung ano ang dapat gawin. Idiniin niya ang isang kamay sa tagiliran ng lalaki. Sa ginawa niyang iyon ay nagtamang muli ang kanilang mga mata. Puno ang mga mata ni Natalie ng samu’t saring emosyon, ng pag-aalala at may iba pa…sa mga mata nito, wala nang iba pang naroon kundi si Mateo. Batid ni Natalie na panandaliang lumambot ang puso niya, na agad namang napalitan ng inis agad-agad. Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. “Diba, sabi ko sa iyo, huwag kang magpupwersa? Tapos anong ginawa mo? Nakipagsuntukan ka!
Dahil sa sinabing iyon ni Mateo, tila bumalik si Natalie sa kasalukuyan. Ramdam niyang namula at uminit ang mga pisngi niya sa nakita kaya nagmadali siyang lisanin ang banyo.Anong nangyayari sa kaniya? Kinailangan niyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Natalie, doktor ka. Walang malisya sa iyo dapat ang mga bagay na ganito. Lagi ka namang nakakakita ng ganun sa linya ng trabaho mo!” Unti-unting bumalik ang kumpyansa niya sa sarili kahit na malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Mateo at wala siyang planong pumasok ulit. Wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ito. “Sa susunod, Natalie, huwag kang papasok ng basta-basta kasi!” Muling paalala niya sa sarili. Habang hinihintay si Mateo, inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto nito. Hanggang sa mahanap ng mga mata niya ang isang jewelry box sa ibabaw ng bedside table nito. Nakabukas ito at kitang-kita ang isang napakagandang platinum diamond bracelet na nakahimlay sa loo
Sandaling nagatubili si Natalie kung sasakay ba siya o hindi. Palaisipan sa kaniya kung bakit nasa bansa si Drake. Ganoon pa man ay hindi ito ang panahon para pagtuunan niya ng pansin kung bakit naroon ito. May mas importanteng bagay siyang dapat asikasuhin at nauubusan na siya ng oras. “Thank you. Pwede mo ba akong ihatid sa San Sebastian Bridge? Malapit lang naman iyon.” Ang Sebastian Bridge Paano makakalimutan ni Drake ang lugar na iyon? Naging bahagi ang lugar na iyon ng kanilang kabataan. Ng kanilang pag-iibigan. Malapit iyon sa Forest Lake cemetery kung saan nakahimlay ang namayapang ina ni Natalie. Lagi niyang sinasamahan ang nobya doon lalo na kung napagiinitan si Natalie ng madrasta. Gusto sanang tanungin ni Drake kung bakit tila nagmamadali si Natalie. Pero hindi niya itinuloy. “Okay, sakay na.” Nang makarating sila, halos hindi na nahintay ni Natalie na tumigil ang sasakyan bago ito bumaba “Natalie!” Mabuti na lang at nahawakan siya ni Drake bago siya madapa. “Daha
Ang malakas na sigaw ni Janet sa mga manggagawang inupahan ang umagaw sa atensyon ng mag-ama. “Oy, kayo! Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Binabayaran kayo para maghukay at hindi makiusyoso sa drama ng mga taong walang magawa sa buhay! Hala! Sige, huyakin niyo na yan! Ang babagal!” Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Janet na magsalita pa si Rigor kahit na hinihintay ni Natalie ang magiging pasya ng ama. Hindi pa ito nakuntento, “sinasabi ko sa inyo, huwag niyo akong ginagalit! Baka hindi niyo kilala si Mateo Garcia? 'yong big time, 'yong mayaman. Boyfriend siya ng anak ko! Kapag ginalit niyo ako, ginalit niyo rin si Irene. At kapag galit si Irene, kayo ang mananagot kay Mateo! Ayaw na ayaw pa naman ni Mateo na nagagalit si Irene!” Nang marinig ang pananakot na ito, tila ginanahan ang mga tao na tapusin ang gawain nila. Kahit na ordinaryong tao ay kilala si Mateo at ang pamilyang kinabibilangan nito. Natuwa naman si Janet dahil nakitang gumana ang pananakot niya. “Maghukay na
Ngayong magkaharap na sila, tsaka lamang pinakawalan ni Natalie ang mapait na tawang kanina pa niya pinipigilan bago mag-umpisa sa mga gusto niyang sabihin kay Mateo. “Nagkamali ako. Inisip kong para sa akin ang bracelet na ‘yan. Sana sinabi mo sa akin na mali ako para hindi mo na kailangang ibigay pa sa akin.” “Ha?” Hindi pa tapos sa mga gusto niyang iparating si Natalie. “Mr. Garcia, please lang. Sa susunod, huwag kang mamimigay ng mga bagay na ganito. Tingnan mo tuloy kung anong nangyari…kinuha ko ang para sana sa nobya mo tapos kailangan mo pang bumili tuloy ng bago. Oo, alam kong mayaman kayo, pero hindi ba sobrang abala ‘yon?” Naiwang nagiisip si Mateo habang papalabas si Natalie. Nagpagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyari ng mabilis. Maaring nagkita sina Natalie at Irene. Hindi mahalaga kung saan at paano nagkita ang dalawa para sa kaniya. Ang bumabagabag kay Mateo ngayon ay kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Natalie. Ang bracelet na iyon ay para sa kaniya naman
“Huy, Natalie.” Tinabig siya ni Nilly. “Dito ba papunta yang sasakyan na ‘yan?” Isang itim na Range Rover ang tinutukoy ni Natalie. Paroon nga ito sa kinatatayuan nila. Dahil naglalakad sila habang naghihintay ng masasakyan, tila sinabayan din sila ng sasakyan na iyon. “Nilly, nagbook ka ba ng Uber? Ito na siguro ‘yon.”“Ha, sabi mo magtaxi na lang tayo. Hindi ako nag-book.” Ilang sandali pa ang lumipas, sinusundan pa din sila ng sasakyan. Hindi na kumportable si Natalie kaya hindi na siya nakatiis. Hindi fully tinted ang salamin sa harapan kaya sinilip na niya kung sino ang driver ng sasakyan, mabagal lang naman ang patakbo nito kaya pwede niyang gawin iyon. Pero bago pa niya magawa ay tumigil na ito at bumaba si Isaac. “Nat, saan ang punta niyo? Ang dami niyo namang dala. Ganito na lang, sumakay na kayo. Sabi ni sir, ihahatid daw namin kayo.” Binuksan pa nito ang trunk compartment ng sasakyan kung saan ilalagay ang mga suitcase na dala nila. “Hindi na. Kaya na namin, Isaac.
Magkalapit ang mga mukha nilang dalawa dahil hinablot ni Natalie ang album sa mga kamay ni Mateo. Kitang-kita din niya na hindi ito natutuwa sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. Para kay Mateo, ang pinapakitang kagaspangan ni Natalie ay dahil pa din sa bracelet. Bilang lalaki, batid din niyang hindi niya naipaliwanag ang tungkol doon ng maayos kaya ito nagkakaganoon. Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy. “Nat, look…inaamin kong nagkamali ako sa bracelet. Pero may hindi ka naiintindihan---para sayo talaga ‘yon.” Ikinagulat ito ni Natalie. Halata sa boses ni Mateo na may pag-aalangan ito. Kung bakit nito ibinabalik ang tungkol sa bracelet ay wala siyang ka-ide-ideya. “Anong…anong sinabi mo?” Hindi siya makapaniwala na nagpapaliwanag sa kaniya si Mateo Garcia. Umismid ito. “Narinig mo kung anong sinabi ko! Hindi ka bingi, Natalie.” Minsan lang magpaliwanag ng ganito si Mateo. Hindi siya sanay na nagpapaliwanag at ngayon ay gustong ipa-ulit sa kaniya ni Natalie ang si
Naghihintay ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan ni Isaac ng pinto ang boss niya. Matapos masigurong nakasakay na si Mateo at tsaka pa lang nito tinungo ang driver’s seat. Mula naman sa kinaroroonan nina Drake, kitang-kita niya si Mateo. Kahit saan magpunta ang lalaki ay lumulutang ang presensya nito. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit umalis na lang ito ng basta-basta. Malaki ang posibilidad na nakita sila nito. Naguluhan si Drake, minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa kasama. Abala si Natalie sa pag-aayos ng strap ng bag niya. Interesado sana si Drake at gusto niyang magtanong pero itinago na lang niya iyon. “Nat, kayo ba ni…” simula sana niya, ngunit naputol ang kung anong sasabihin sana niya ng titigan siya ni Natalie. “Kalimutan mo na.” Ang gusto sana niyang itanong ay kung paano nagagawa nina Mateo at Natalie na ipakita na wala na silang pakialam sa isa’t-isa, oo, hiwalay na sila pero hindi pa naman iyon ganoon katagal. Kung ituring nilang dalawa ang isa’t-is
Nagkatinginan ng alanganin sina Isaac, Alex at Tomas. Tanging ang mahinang ugong ng pagpanhik ng elevator lang ang maririnig dahil sa katahimikan nila. Ultimo paghinga nila ay maingat, paminsan-minsan ay tinatapunan nila ng mabilis na tingin ang boss nila na matikas na nakatayo ngunit halata namang may bumabagabag sa kanyang isipan. Awtomatikong nagsasara ang pintuan ng elevator, bigla na lang pinigilan ni Mateo ang tuluyang pagsara nito. “Sir!” Bulalas ni Isaac ng makita ang matalim na bahagi ng gilid ng pintong bakal na tumama sa kamay ng amo. “Anong ginagawa mo?” “Ah,” ungol ni Mateo dahil sa pagkakaipit ng kamay pero nagtagumpay siya dahil bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Nagsilapitan sina Isaac at ang iba na puno ng pag-aalala. “Sir, kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang. Gagawin naming. Huwag mong saktan ang sarili mo!” Sermon ni Isaac. Hinarap ni Mateo ang mga tauhan matapos alisin ang kamay sa pinto. “Ayos lang ako.” Si Mateo mismo ay nagulat sa sarili niy
Dito na napagtanto ni Natalie na nagsinungaling sa kanya si Drake. Habang unti-unti niyang pinagtagpi-tagpi ang katotohanan, bumagsak siya sa maliit niyang sofa. Hawak pa rin niya ang sulat galing Wells Institution, nanginginig pa siya. Kung ganoon, si Drake na ang nagbayad ng mga bayarin para sa evaluation at malinaw rin na ito ang sasagot sa buong programa ng kapatid. Parang tinitirintas ang kanyang sikmura habang bumalot sa kanya ang muling pagkabigo. “Kahit kailan talaga, Drake…hanggang kailan mo ba gusto na may utang na loob ako sayo?” Isinubsob ni Natalie ang mukha sa mga palad. Ayaw niya ng ganito. Ang mga pagkakataong ganito ay nagdudulot ng bigat sa kanya dahil alam niyang mahihirapan siyang tumbasan ito. Sa loob ng maraming taon, marami na siyang natanggap galing kay Drake—lahat ng iyon ay higit pa sa kaya niyang bayaran. Ang dagdag na bigat na ito ay lalong nagpalubha sa kanyang nararamdaman. Sa halip na direkta niyang harapin si Drake, napagpasyahan ni Natalie na ta
“Panaginip lang ‘to,” usal ni Natalie sa sarili. Napako siya sa kinatatayuan. Ramdam niyang tila bumigat ang hangin. Pamilyar na pamilyar ang tinig na ‘yon. Kumulo ang dugo ni Natalie at sumiklab ang inis sa kanyang dibdib ng makita kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Ang kanilang ama. Si Rigor Natividad. “Anong ginagawa niya dito?” Muling tanong ni Natalie sa isip. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Ibang klase din ang kanilang ama, may gana pa itong guluhin si Justin sa kabila ng ginawa nila ng asawa niya sa kanila. Nagkuyom ang mga kamao ni Natalie at dahan-dahang pumasok sa loob. Puno siya ng tanong at hinala. Sa loob ng silid, nakaluhod si Rigor sa harapan ni Justin at may hawak na makulay na lollipop. Masayahin din ang tinig nito. “Justin, anak. Tingnan mo kung ano ang hawak ko. Hindi ba paborito mo ‘to?” Ngunit hindi siya pinapansin ng bata. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Nakatuon ang atensyon nito sa laruan. Nakasa
Kanina, maingat niyang pinaghiwalay ang sarili niyang mga gamit mula sa mga mamahaling bagay. Hindi maitatangging magaganda iyon at minsan siyang natuwa dahil nagkaroon siya ng mga ganoong bagay. Pero ngayon, parang hindi niya kayang ariin o gamitin alinman sa mga ‘yon. Maingat niyang tinupi ang bawat piraso at itinabi ang mga ito hanggang sa makapag-desisyon siya kung ano ang gagawin sa mga gamit na ‘yon. Naputol ang malalim na pag-iisip ni Natalie nang mag-vibrate ang kanyang telepono. Si Nilly ang tumatawag sa kanya kaya maagap niyang sinagot ito. “Nilly,” sumigla ang boses ni Natalie. “Nasaan ka na? Nandito ka na ba?” [Buksan mo kaya ang gate!] Sagot ni Nilly sa kabilang linya. Nagmadali si Natalie na tunguhin ang gate. Laking gulat niya ng makitang hindi ito nag-iisa. Kasama ni Nilly si Chandon na may simangot sa mukha. Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita ang mga kahon at maleta sa loob ng bahay. “Chandon, anong ginagawa mo dito?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya mu
Alas otso na ng gabi. Biglang tumunog ang telepono ni Natalie. Nang tingnan niya ang screen, nakita niyang si Tomas ang tumatawag sa kanya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?” “Nat, papunta ako dyan sa inyo sa Taguig.” Diretsong sabi nito. “Nasa bahay ka ba?” Nagtaka si Natalie. “Sa Taguig? Bakit mo ako pupuntahan doon, Tomas?” “Inutusan kasi ako ni sir,” agad itong nagpaliwanag. “Si Ben ang nag-empake ng mga naiwan mong gamit, tapos ako naman ang maghahatid dyan sayo. Sabi kasi sa bahay sa Taguig ka titira.” Tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie. Inaasahan na niya ang mangyayari pero iba pa rin pala kapag nangyari na ito. “Ah, ganoon ba. Pero wala ako doon.” “Walang problema,” kalmado ang sagot ni Tomas. “Hihintayin kita.” Wala nang nagawa pa si Natalie, “sige.” Pagkatapos ng tawag na iyon, kinuha na ni Natalie ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng pintuan. Mas mabilis sana siyang makakarating doon kung nagbook siya ng sasakyan, pero dahil we
“Inaamin ko naman, Mateo, eh. Dahil sa hindi ko pag-iingat, lumala ang kondisyon ni lolo,” sabi ni Irene na sinabayan pa ng panginginig ng boses at pagtulo ng luha. “Ganito na lang, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Gusto mo bang maglabas ako ng pahayag para linawin ang lahat?” Tahimik lang si Mateo sa kinauupuan niya. Naroon pa rin ang simangot sa mukha niya habang iniisip ang bigat ng sitwasyon na kinakaharap niya. Matagal bago ito muling nagsalita. “Hindi na kailangan, tapos na rin naman ang lahat. Pabayaan mo na lang.” “Pabayaan na lang?” Inulit ni Irene ang sinabi ng lalaki para makasigurong tama siya ng dinig. “A-anong ibig mong sabihin sa pabayaan na lang?” “Umalis na si Natalie sa bahay sa Antipolo. Nakapagpasya na ako, paninindigan kita at ang bata.” Natigilan si Irene. Nasapo niya ang sariling bibig sa gulat at para na din mapigilan ang sarili na mapahiyaw sa kagalakan. Nagulat siya sa umpisa pero agad naman niyang naunawaan ang sinabi ni Mateo. Mataga
Sa lahat ng mga napuntahang establisimyento ni Mateo, ang mga ospital na yata ang lugar kung saan hindi natutulog ang mga tao. Lagi itong bukas para sa lahat at kailanman ay hindi ito nagpatay ng mga ilaw. Kahit may liwanag ng araw ay may mga silid itong nakabukas pa din ang ilaw. Ngunit pakiramdam ni Mateo ay nababalot siya ng mabigat at madilim na ulap. Ang tunog ng iba’t-ibang aparato at monitor na nakakabit sa mga pasyente, ang banayad na yapak ng mga nurse—-dinig niyang lahat ng iyon ngunit paulit-ulit pa rin ang alingawngaw ng mga salitang binitawan sa kanya ni Natalie sa kanyang isipan. “Hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan, Mateo. Ayaw na kitang makita. Kung magkikita man tayo, ituturing kita na hindi ko kakilala.” Ni minsan ay hindi niya akalaing masasaktan siya dahil lang sa mga salitang galing sa isang babae. Nagkamali siya dahil napakasakit pala. Parang punyal itong paulit-ulit na humiwa sa kanyang dibdib at nag-iwan ng isang sugat na hindi gumagaling. Hindi la
“Gusto kong malaman kung mas maganda ba kaysa kay Natalie, Mateo. Mas mahinahon at maunawain? Mas maalaga ba ang babaeng artista na iyon kaysa sa asawa mo?! Ano ang pumasok dyan sa kokote mo para gawin mo ito? Hindi kita pinalaki para maging isang salawahang asawa, Mateo!” Dumadagundong ang boses ni Antonio. Hindi pa nasiyahan ay sinabayan pa nito ng matalim na tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa marmol na sahig. Napuno ang sala ng galit at tila bulkan itong malapit ng umabot sa rurok at pumutok. Tahimik lang at natiling nakatayo lang si Mateo. Ang ulo niya ay nakatungo at hindi niya masalubong ang tingin ng lolo niya habang sinesermonan siya. Ramdam niya na tila sinasakal siya sa tindi ng tensyon sa paligid, napakagulo ng sitwasyon—kasing gulo ng kanyang damdamin ngayon. Dahil sa kawalan ng sagot mula kay Mateo, lalo lamang umigting ang galit ni Antonio. Matalim ang mga titig na tinatapon nito sa kanya. Mahal siya ng lolo niya kaya ang makitang ganito ang pakikitungo sa kanya