Ang preparasyong ipinangako ni Drake kay Chandon ay hindi basta-basta. Hindi lang siya basta naghanap ng bagong libingan para sa nanay ni Natalie, sinigurado din nito na maayos at maganda ang bagong paghihimlayan ni Emma. Maganda ang sementeryong napili niya at malawak, may mapagtatambayan pa sila kapag bibisita. May mga puting bulaklak din doon at may pari para magmisa. Sa araw na muling ililibing ito, naroon na si Drake nang dumating sina Natalie, Nilly at Chandon. Hindi ito inaasahan ni Natalie kaya napatigil siya sa paglalakad nang makita si Drake na mukhang hinihintay sila. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad din namang binawi ito ni Natalie. “Hala, anong ginagawa niya dito?” Tanong ni Nilly na halos pandilatan si Drake. “Aba, malay ko.” Pagtatanggi pa ni Chandon. Kahit na dama niya na hindi siya tanggap sa lugar na iyon, hindi pa din nagpatinag si Drake. “Andito ako kasi gusto kong magpakita ng respeto kay tita Emma. Wala ako nang una siyang inilibing at hindi ko rin
“Anong ginawa ni Natalie at bakit may regalo siya sa akin? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin?” Tanong ni Mateo sa sarili. Nagulat siya dahil sa huling sinabi ng babae. Tsaka niya tiningnang muli ang t-shirt na bigay nito. “Ikaw ang nagtahi nito?” “Um…oo…” Hindi maintindihan ni Natalie kung bakit ganoon ang reaksyon ni Mateo. Kung bakit parang gulat na gulat ito na kaya niyang gumawa ng damit. Kung sabagay, iilan lang naman ang nakakaalam ng tinatago niyang talento. Ang namayapa niyang ina ay isang magaling na fashion designer. May studio ito dati, noong maliit pa si Natalie, madalas niyang pinapanood ang ina habang nagtatahi ito gamit ang mga kamay. Kahit na maaga itong nawala, naituro na ni Emma ang mga basic skills ng pananahi sa anak. Magaling si Natalie, marahil ay namana nga niya ang galing ng ina. Ang pananahi ng simpleng t-shirt ay madali para sa kaniya. Tahimik lang si Mateo pero sa loob-loob niya---talagang nasupresa siya. Hindi niya lubos akalain na ginawa ito ng
Nasa art exhibit na sina Irene at Mateo. Maraming tao at gaya ng inaasahan ng babae, mababato siya doon. Hindi rin maganda ang mood ni Mateo. Pinapasadahan ng mga tingin ni Mateo ang iba’t-ibang uri ng paintings na naka-display doon. Naroroon man ang pisikal niyang katawan, ang isipan naman niya ay wala sa exhibit na iyon. Sa bawat painting na pinagmamasdan niya, ang imahe ni Natalie na nakangiti kanina at walang pakialam ay paulit-ulit niyang nakikita. “Mateo,” tinabig na siya ni Irene para mapansin niya ito. May pag-aalala sa mga mata nito. “Trabaho pa din ba ang iniisip mo? O masakit ang sugat mo?” “It’s neither, Irene.” Hindi na napigilan ni Mateo ang sarili. “What?” Walang pakialam si Natalie sa kaniya. Pero bakit tila apektado siya. Oo, mag-asawa sila, pero alam nilang pareho kung ano lang ang namamagitan sa kanila. Mag-asawa sila sa papel. At malapit ng magtapos ang relasyon nilang iyon. Si Irene ang kasama niya at siya ang babaeng gusto niyang makasama hanggang pagta
“Ako? Iniimbitahan mo akong mag-dinner?” Hindi talaga magawang maintindihan ni Natalie kung ano ang trip ni Mateo kahit anong pilit niya. “Hindi ka na pwedeng lumabas, Mateo. Unang-una, lumabas ka na kanina para makipag-date sa nobya mo. Pinalampas ko na iyon, dahil sabi mo importante iyon. Pero bilang doktor mo, hindi ako pwedeng lumabas kasama ka. Paglabag iyon sa code of conduct ko.” “Nat, marami tayong dapat na pag-usapan.” Naging seryoso ito. “Ang sagot lang sa tanong ko ay oo o hindi.” Napalunok si Natalie. “Kakain lang naman, diba?” Hindi magawang tumanggi ni Natalie lalo na at naging seryoso na ito. Bukod pa doon ay may bahagi ng pagkatao niya na gustong malaman kung bakit siya niyaya nitong mag-dinner. Pakiramdam niya ay importante ang gabing ito. “Pumapayag ka na?” Muling tanong nito. “Oo nga.” Sumilay ang tipid na ngiti sa labi nito. “Okay, magkita na lang tayo mamaya sa kwarto ko. Ayaw mo namang paalisin ako ulit ng ospital.” … Ang kwarto ni Mateo Garcia a
“Hmm,” napansin n ani Irene ang nakahandang mesa. May dalawang plato, kaya kunot ang noo nito nang tanungin ang nobyo. “May ibang tao ba dito?” Hindi naman kasi alam ni Mateo na maka-cancel ang shooting nito ngayong gabi. Lalong hindi naman para kay Irene ang hinanda niyang dinner. Kung alam lang niya, sana pala ay nagpumilit na lang siya na sa labas na lang sila maghapunan ni Natalie. Naiinis siya sa pagsulpot nito ng walang pasabi. Pero hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo kaya kailangan niyang makaisip agad ng kapanipaniwalang rason. “Para sa amin ni Isaac yan. Hindi pa lang siya dumarating.” “Oh, I see.” Tsaka pa lamang nakahinga ng maluwag si Irene. Ang una niyang inisip ay baka may babaeng kasama si Mateo at kakain pa lang sila. Mabuti na lang at si Isaac lang pala ang kasama nitong kumain. Humila siya ng isa pang upuan. “Alam mo, boring kumain nang kayo lang. Samahan ko na kayo, okay?” Nanatiling nakatayo si Mateo, napansin na naman ito ni Irene. “Ayaw mo bang umup
Nakahawak pa din si Mateo sa kamay ni Natalie. Gusto na niyang umalis pero hindi niya magawa. “'yong kamay ko…pwede pakibitawan tsaka, pwede na ba akong umalis? May lakad ako.” “Saan?” Nakasimangot na ang lalaki at hindi nagustuhan ni Natalie ang tono ng pananalita nito. Hindi niya maitago sa mukha ang disgust sa inaasta ni Mateo. “Teka, bakit ka nagmamaasim dyan? Eh, ikaw ‘tong nagyayang maghapunan tapos pinapasok mo ako sa banyo ng humigit kumulang isa o dalawang oras. Diba, dapat ako ang magalit?” Nagulat si Mateo at wala siyang naisagot. Hindi din niya alam bakit bigla na lang nawala ang pasensya niya at nagalit siya gayong tama naman ito dahil sino nga naman ang hindi magagalit kapag pinapasok ka sa banyo para magtago? Nabigla siya ng mga oras na iyon at aminado siyang mali ang ginawa niya. “Hey,” sabi ni Natalie sa kaniya. “Hindi naman ako galit. Naiintindihan ko. Natural na maging ganoon ang reaksyon mo. Priority lagi dapat ang girlfriend kaya no worries.” Para kay M
Wala pa ding sagot si Natalie. Namumutla lang ito na tila nawalan ng dugo ang balat. Nakaramdam ng simpatya si Mateo para sa babae. Nainis din siya sa sarili dahil sa sobrang galit niya ay kung ano-ano ang nasabi niya. “Ayos ka, Mateo. Bakit mo kailangang magsalita ng masasakit kapag dismayado ka?” Puna niya sa sarili. “Nat…”nagsisisi siya sa mga sinabi pero hirap siyang humingi ng tawad. “Hindi ko sinasadya. A-ang ibig kong sabihin…” “Tama ka.” Ngumiti si Natalie. “May bastardo nga sa tiyan ko. Ang mga taong kagaya ko ay hindi nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga kagaya mo. Huwag kang mag-alala, Mateo. Hindi naman namin kailangan ng tulong mo.” Nagbukas ang elevator at mabilis na lumabas ang babae kahit hindi niya floor iyon. “Natalie!” Hindi na niya naabutan pa ito. Sa inis niya sa sa sarili, nasuntok ni Mateo ang elevator. Halo-halong emosyon ang nanaig sa kaniya. Sa palagay niya ay malalagutan siya ng hininga. Kinahapunan, nagrounds si Natalie sa kwarto ni Mateo per
Nagsisimula nang bumalik ang ulirat ng matanda at nang makita nitong si Natalie ang nasa tabi niya, nangilid ang mga luha nito. Naintindihan ni Natalie ang ibig nitong sabihin. “Ayos lang po si Mateo. Alam ko po ang naging kalagayan niya. Ako po mismo ang tumitingin sa kaniya sa ospital na ito. Huwag na po kayong masyadong mag-alala sa kaniya.” Ipinikit muli ni Antonio ang mga mata niya. Bakas sa mukha nito na hindi na ito nagaalala ng malamang maayos ang apo. Hindi namalayan ni Natalie na nasa likod na niya si Mateo. Tinabihan nito ang lolo at hinawakan ang isa pa nitong kamay. “Lo, nandito na po ako…see? I’m fine.” Gustong magsalita ng matanda ngunit garalgal na tinig lamang ang naririnig ng dalawa. Muli na namang nagalala si Mateo para sa lolo. “A-ano pong kailangan niyo?” Ang sumunod na ginawa ng matanda ay malinaw para kina Mateo at Natalie. Dahil hindi ito nakakapagsalita, marahan nitong hinila ang mga kamay nilang hawak niya sa kamay at pinag-isa. Gusto nitong maging maa