Share

KABANATA 44

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-11 14:32:21
“Hmm,” napansin n ani Irene ang nakahandang mesa. May dalawang plato, kaya kunot ang noo nito nang tanungin ang nobyo. “May ibang tao ba dito?”

Hindi naman kasi alam ni Mateo na maka-cancel ang shooting nito ngayong gabi. Lalong hindi naman para kay Irene ang hinanda niyang dinner. Kung alam lang niya, sana pala ay nagpumilit na lang siya na sa labas na lang sila maghapunan ni Natalie. Naiinis siya sa pagsulpot nito ng walang pasabi. Pero hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo kaya kailangan niyang makaisip agad ng kapanipaniwalang rason.

“Para sa amin ni Isaac yan. Hindi pa lang siya dumarating.”

“Oh, I see.” Tsaka pa lamang nakahinga ng maluwag si Irene. Ang una niyang inisip ay baka may babaeng kasama si Mateo at kakain pa lang sila. Mabuti na lang at si Isaac lang pala ang kasama nitong kumain. Humila siya ng isa pang upuan. “Alam mo, boring kumain nang kayo lang. Samahan ko na kayo, okay?”

Nanatiling nakatayo si Mateo, napansin na naman ito ni Irene. “Ayaw mo bang umup
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (21)
goodnovel comment avatar
Reyciel Cabillo
ilang chapter ba ito bago matapos
goodnovel comment avatar
Monira Villar
AYIIEEEE!!!may pake siya oh,love na ba yan Mateo?kinikilig ako it respeto naman sa walang jowa na nagco-comment nalang dito
goodnovel comment avatar
Patrocinia Tababa
Exited ako na sana ma kwento ni Nat yung nangyari sa hotel na sya talaga yung Babae that night at Hindi yung bruhang si Irene
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 45

    Nakahawak pa din si Mateo sa kamay ni Natalie. Gusto na niyang umalis pero hindi niya magawa. “'yong kamay ko…pwede pakibitawan tsaka, pwede na ba akong umalis? May lakad ako.” “Saan?” Nakasimangot na ang lalaki at hindi nagustuhan ni Natalie ang tono ng pananalita nito. Hindi niya maitago sa mukha ang disgust sa inaasta ni Mateo. “Teka, bakit ka nagmamaasim dyan? Eh, ikaw ‘tong nagyayang maghapunan tapos pinapasok mo ako sa banyo ng humigit kumulang isa o dalawang oras. Diba, dapat ako ang magalit?” Nagulat si Mateo at wala siyang naisagot. Hindi din niya alam bakit bigla na lang nawala ang pasensya niya at nagalit siya gayong tama naman ito dahil sino nga naman ang hindi magagalit kapag pinapasok ka sa banyo para magtago? Nabigla siya ng mga oras na iyon at aminado siyang mali ang ginawa niya. “Hey,” sabi ni Natalie sa kaniya. “Hindi naman ako galit. Naiintindihan ko. Natural na maging ganoon ang reaksyon mo. Priority lagi dapat ang girlfriend kaya no worries.” Para kay M

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 46

    Wala pa ding sagot si Natalie. Namumutla lang ito na tila nawalan ng dugo ang balat. Nakaramdam ng simpatya si Mateo para sa babae. Nainis din siya sa sarili dahil sa sobrang galit niya ay kung ano-ano ang nasabi niya. “Ayos ka, Mateo. Bakit mo kailangang magsalita ng masasakit kapag dismayado ka?” Puna niya sa sarili. “Nat…”nagsisisi siya sa mga sinabi pero hirap siyang humingi ng tawad. “Hindi ko sinasadya. A-ang ibig kong sabihin…” “Tama ka.” Ngumiti si Natalie. “May bastardo nga sa tiyan ko. Ang mga taong kagaya ko ay hindi nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga kagaya mo. Huwag kang mag-alala, Mateo. Hindi naman namin kailangan ng tulong mo.” Nagbukas ang elevator at mabilis na lumabas ang babae kahit hindi niya floor iyon. “Natalie!” Hindi na niya naabutan pa ito. Sa inis niya sa sa sarili, nasuntok ni Mateo ang elevator. Halo-halong emosyon ang nanaig sa kaniya. Sa palagay niya ay malalagutan siya ng hininga. Kinahapunan, nagrounds si Natalie sa kwarto ni Mateo per

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 47

    Nagsisimula nang bumalik ang ulirat ng matanda at nang makita nitong si Natalie ang nasa tabi niya, nangilid ang mga luha nito. Naintindihan ni Natalie ang ibig nitong sabihin. “Ayos lang po si Mateo. Alam ko po ang naging kalagayan niya. Ako po mismo ang tumitingin sa kaniya sa ospital na ito. Huwag na po kayong masyadong mag-alala sa kaniya.” Ipinikit muli ni Antonio ang mga mata niya. Bakas sa mukha nito na hindi na ito nagaalala ng malamang maayos ang apo. Hindi namalayan ni Natalie na nasa likod na niya si Mateo. Tinabihan nito ang lolo at hinawakan ang isa pa nitong kamay. “Lo, nandito na po ako…see? I’m fine.” Gustong magsalita ng matanda ngunit garalgal na tinig lamang ang naririnig ng dalawa. Muli na namang nagalala si Mateo para sa lolo. “A-ano pong kailangan niyo?” Ang sumunod na ginawa ng matanda ay malinaw para kina Mateo at Natalie. Dahil hindi ito nakakapagsalita, marahan nitong hinila ang mga kamay nilang hawak niya sa kamay at pinag-isa. Gusto nitong maging maa

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 48   

    Umiling si Natalie. Kailan man ay hindi niya magagawang sumuka sa kamay nino man. Pero sukang-suka na siya. Anumang oras ay mailalabas na niya ang kanina pa niya pinipigilang mangyari. “Dali na, Nat!” Utos ni Mateo sa kaniya. Hindi na nga nagawang pigilan pa ni Natalie ang suka niya. Nagsuka siya at sinalo iyon ng mga nakaabang na kamay ni Mateo. Pati ang suoy nitong jacket ay nasukahan niya. “S-sorry…” hingal niyang sabi, namumutla pa din ito. “Okay lang.” Tinanggal niya ang jacket na suot at itinapon sa nakitang basurahan sa sulok. “Maghuhugas lang ako.” Nang bumalik ito, basang-basa ang suot nitong damit. Napansin ni Natalie na hindi suot ni Mateo ang t-shirt na ginawa niya para dito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkadismaya ngunit hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan iyon. Nasukahan niya si Mateo. Ano na lang ang iisipin ng lalaki kung itatanong niya ang t-shirt? “Kamusta ang pakiramdam mo, Nat?” Nasa tapat niya si Mateo at may bahid ng pag-aalala sa

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 49  

    “Hindi ko alam. Pwedeng hindi niya alam o pwede ding alam niya pero ayaw lang niyang maging responsableng ama. Pwede ding wala kang itinama.” Ang tanong na galing kay Mateo ay ikinagulat ni Natalie. Bigla-bigla na lang kasi itong nagtatanong. Paano nga naman niya masasagot ang tanong na iyon kung sa una pa lang ay hindi naman niya kilala ang ama ng bata? Ang sinagot sa kaniya ni Natalie ay nagpalaki ng mga mata ni Mateo. Naisip niyang napakawalang-kwenta naman pala ng lalaking iyon. Hindi maituturing na matinong lalaki ang mga lalaking ganoon ang prinsipyo sa buhay. “So…'yon na ‘yon? Magkakaanak ka na, Nat…” Napahawak si Natalie sa tiyan niya. Hindi pa niya sigurado kung ano ang susunod niyang hakbang. Sa ngayon, iisa lang ang sigurdo niya…walang kasalanan ang bata kaya wala siyang karapatan na sisihin ito  sa kung ano man ang magiging takbo ng buhay niya dahil sa pagbubuntis niya. Napakaraming nakataya. Alam din niya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mateo. Sa ngayon ay iniisi

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 50  

    Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.” Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?” Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na bukod doon. Hindi rin naman niya magawang saktan ito. Nakahinga ng maluwag si Mateo. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napangiti siya. Alam niyang hindi matitipuhan ni Natalie ang lalaki pero may bahagi ng puso niya na nagaasam na may marinig pang iba. Nagsalita ulit si Natalie kaya nakinig siya ulit. “May iba kasi akong gusto, Dom.” “Ha?” Halos mapasigaw ito sa narinig. “Bakit hindi ko alam? Wala ka namang nobyo…alam ng lahat ‘yon. Teka, kilala ko bai to? Kaklase ba nat

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 51

    Sa Tagaytay…Dalawang araw na si Natalie roon. Ang International Medical seminar para sa taong iyon ay ginanap sa isa sa mga pinakaaasam niyang mapuntahan. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sumama sa kanyang professor. Si Doktor Norman Tolentino ay ang napiling keynote speaker at bilang estudyante nito, kinailangan niyang samahan ang professor niya bilang assistant nito. Tapos na ang morning session at naghahanda na lang sila para sa closing program at para makauwi na sila nang makatanggap si Dok Norman ng isang importanteng tawag. “Hello? Ah, ganoon ba? Tapos na… Pauwi na kami. May hinihintay lang. Sige… Pabalik na ako,” tugon ni Norman sa kausap sa cellphone. Binalingan nito si Natalie na tahimik na nakikinig lamang. “Dok Natividad, tumawag ang ospital. May urgent cardiopulmonary transplant surgery roon at kailangan kong bumalik. Walang ibang doktor na pwedeng gumawa noon.” “Sige po, dok.” Tumayo si Natalie. “Kukunin ko lang po ang mga gamit ko.” Ngumiti ito, “Dito ka

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 52  

    Ito ang unang beses na nag-post si Natalie simula nang naging friends sila sa facebook. Napatingin si Drake sa labas ng bintana ng kwarto niya. Ang alam kasi niya ay may paparating na bagyo ngayong gabi at nasa Tagaytay si Natalie magisa. Ang balak niyang pagpapahinga ay naunsyami. Agad niyang pinulot ang coat at susi ng sasakyan niya. Hindi na niya napansin ang ina na nagtatapyas ng mga dahon ng mga halaman nito. Ito na ang pinagkakaabalahan nito ngayon. “Drake, aalis ka?” Napaismid si Drake. “Ma, malaki na ako. Siguro naman hindi ko na kailangan humingi ng permiso sa tuwing aalis ako.” “Hindi naman sa ganon,” napahiyang sagot ni Amanda sa anak. “Ang ibig ko lang sabihin ay masama ang panahon. Tsaka, hindi yata nabanggit ng papa mo pero may mga inimbitahan siyang kumpare para maghapunan dito mamaya.” “Talaga ba, ma? Mga kumpare niya na bitbit ang mga anak nilang babae?”Buhat ng bumalik siya ay hindi na tumigil ang mga magulang niya sa kakaimbita ng mga kakilala para mag-ha

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-14

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 299

    May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 298

    “Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 297

    “Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 296

    Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 295

    Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 294

    Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 293

    Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 292

    Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 291

    Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status