Share

KABANATA 51

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-10-14 16:53:05
Sa Tagaytay…

Dalawang araw na si Natalie roon. Ang International Medical seminar para sa taong iyon ay ginanap sa isa sa mga pinakaaasam niyang mapuntahan. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sumama sa kanyang professor. Si Doktor Norman Tolentino ay ang napiling keynote speaker at bilang estudyante nito, kinailangan niyang samahan ang professor niya bilang assistant nito.

Tapos na ang morning session at naghahanda na lang sila para sa closing program at para makauwi na sila nang makatanggap si Dok Norman ng isang importanteng tawag.

“Hello? Ah, ganoon ba? Tapos na… Pauwi na kami. May hinihintay lang. Sige… Pabalik na ako,” tugon ni Norman sa kausap sa cellphone. Binalingan nito si Natalie na tahimik na nakikinig lamang. “Dok Natividad, tumawag ang ospital. May urgent cardiopulmonary transplant surgery roon at kailangan kong bumalik. Walang ibang doktor na pwedeng gumawa noon.”

“Sige po, dok.” Tumayo si Natalie. “Kukunin ko lang po ang mga gamit ko.”

Ngumiti ito, “Dito ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (17)
goodnovel comment avatar
Nerie Cardeño
pls next episode
goodnovel comment avatar
Elvira Calayca Magaling
next episode po
goodnovel comment avatar
Melida Cebujano Kristal
susunod na pahina pls!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 52  

    Ito ang unang beses na nag-post si Natalie simula nang naging friends sila sa facebook. Napatingin si Drake sa labas ng bintana ng kwarto niya. Ang alam kasi niya ay may paparating na bagyo ngayong gabi at nasa Tagaytay si Natalie magisa. Ang balak niyang pagpapahinga ay naunsyami. Agad niyang pinulot ang coat at susi ng sasakyan niya. Hindi na niya napansin ang ina na nagtatapyas ng mga dahon ng mga halaman nito. Ito na ang pinagkakaabalahan nito ngayon. “Drake, aalis ka?” Napaismid si Drake. “Ma, malaki na ako. Siguro naman hindi ko na kailangan humingi ng permiso sa tuwing aalis ako.” “Hindi naman sa ganon,” napahiyang sagot ni Amanda sa anak. “Ang ibig ko lang sabihin ay masama ang panahon. Tsaka, hindi yata nabanggit ng papa mo pero may mga inimbitahan siyang kumpare para maghapunan dito mamaya.” “Talaga ba, ma? Mga kumpare niya na bitbit ang mga anak nilang babae?”Buhat ng bumalik siya ay hindi na tumigil ang mga magulang niya sa kakaimbita ng mga kakilala para mag-ha

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 53  

    Hindi nagtagal ay napuno ang lamesa nila ng samu’t-saring pagkain. Ni hindi man lang tinikman ni Natalie ang ibang mga putahe na nasa harapan niya. Pasensiyosa niyang hinintay ang inorder niyang bulalo at fruit salad. “Ma’am, andito na po ang bulalo niyo,” sabi ng waiter habang inihahain ang pagkain niya. Namutawi ang malapad na ngiti sa mga labi ni Natalie. Dinampot niya ang kubyertos at mukhang takam na takam. “Mmm! Ang bango!” Walang ano-ano ay hinila ni Irene ang bowl ng bulalo papunta sa kanya. “Mukhang masarap ‘to, ha! Nagutom tuloy ako!” Parang nakalimutan ni Irene na order iyon ni Natalie. Sa lahat ng mga pagkain, iyon ang inaabangan ng doktora. Tila, walang pakialam si Irene. Imbis na makaramdam ay sumandok pa ito at kinain ang taba ng baka sa pinakabuto nito. “Ay, ang sarap,” komento pa nito. Hindi pa nasiyahan ay humigop pa ito ng sabaw. “Mateo, come on. Tikman mo. Ang sarap, grabe! Talaga namang pambato ng Tagaytay ang bulalo!” Imbes na matuwa sa paanyaya ni Ire

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 54

    Walang balak si Natalie na makita ang paglalambingan ng dalawa. Matapos niyang titigan ng isang beses pa sina Mateo at Irene ay umalis na siya. Mula sa restaurant ay may kalayuan ang lobby ng hotel pero mabilis na narating iyon ni Natalie. Napaupo siya sa malambot na sofa at mabilis na nagkahungkat sa bag niya. Napasinghap siya ng mahanap ang isang chocolate chip cookie na alam niyang dala-dala sa bag. Napatigil siya ng maalala na iyon pa ang chocolate cookie na bigay ni Drake sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon dahil kasama ni Drake ang nobya niya. Alam ni Natalie na hindi siya mabubusog sa chocolate cookie na iyon pero mas mainam na may source of energy siya kesa wala. Agad niyang pinunit ang wrapper at kinain iyon. Mas malakas na ang ulan ngayon na sinamahan pa ng humahampas na hangin. Malamig sa Tagaytay pero dahil sa bagyo ay dumoble ang lamig.Lumabas na rin ng restaurant sina Mateo at Irene at madadaanan nila ang lobby. Mabilis na nakita ni Mateo si Natalie n

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 55

    “What if, mag-share na lang tayong dalawa ng kwarto, Dok Natalie?” nakangiting tanong ni Irene sa doktora. “Abalang tao si Mateo at kahit wala sa opisina ay nagtatrabaho siya. Bukod pa roon ay masikip para sa tatlong lalaki ang isang regular room.” May punto naman ito kaya hinitay ni Mateo ang pasya ni Natalie. “Ano sa palagay mo? Tama siya.”Ang balak sana ni Natalie ay tahasang tumanggi sa ideyang ito. Mas gugustuhin niyang matulog sa sofa ng lobby kesa makasama sa iisang kwarto ang kapatid. Bago pa man siya makapagbigay ng sagot ay napahiyaw na sa tuwa si Irene. “Ayan, roomies tayo tonight, Dok!” Hindi nakaligtas kay Mateo ang pagdadalawang isip niya kaya binulungan siya nito. “Isipin mo ang katawan mo.” Naging mas malamig ang panahon at mukhang matatagalan pa bago humupa ang bagyo. Kung magiging matigas siya at ipipilit niyang manatili sa lobby, malaki ang posibilidad na magkasakit siya. Napangiwi si Natalie. Tinitimbang niya ang kapasidad niyang makasama sa isang kwarto a

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 56

    Kahit anong laban ni Natalie sa antok, wala pa rin siyang nagawa nang tuluyan siyang makatulog. Dahil sa pagbubuntis niya, naging takaw-tulog talaga siya. Malamig man sa pwesto niya, napahimbing ang dapat ay idlip lang sana.***Magmamadaling-araw na nang narating ni Drake ang Tagaytay. Kung hindi dahil sa bagyo, malamang ay mas maaga siyang nakarating doon. Nakita niya kaagad ang bintanang pinost ni Natalie sa kanyang update sa facebook kaya doon siya unang nagpunta. Doon ay nakita niya si Natalie na nakahiga sa sofa, nakapamaluktot at bakas sa magandang mukha ang hirap sa sitwasyon niya. Para hindi ito magulat, dahan-dahang lumuhod sa harapan niya si Drake. Pinagmasdan niya ang payapang mukha nito at pinag-isipang mabuti kung gigisingin niya o hindi si Natalie. ‘Think, Drake. Baka mas okay kung buhatin ko na lang siya at kargahin siya sa papunta sa kwarto,’ sambit niya sa sarili. Nang makita niya ang post ni Natalie kanina, nag-book na siya agad ng kwarto. Nabuhat na niya si

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 57

    Sa kusina ng hotel… Malawak ang kusinang iyon. Sa pinakadulong bahagi ay may tatlong taong naroon kahit madaling araw na. Ang dalawa ay naka-uniporme ng hotel at ang isa ay halatang hindi nagtatrabaho roon. “Sir, ito na po ang mga ingredients na pinakuha niyo. Nailabas ko na rin po ang mga lalagyan na gagamitin. Kung may kailangan pa po kayo, sabihan niyo lang po ako,” magalang na sabi ng isa sa mga lalaking naka-uniporme. Sinilip ni Drake ang mesa kung saan nakalagay at naka-ayos ang mga hiningi niya. Tumango siya, senyales na mukhang wala nang nakalimutan ang mga ito. “Sigurado ba kayo na presko ang karne ng baka na ‘yan? Matatagalan kasi kapag naglaga pa ako.” “Yes, sir. Gabi-gabi kaming naglalaga ng bago para ready na kinabukasan.” “Sige. Pahingi ako ng mga e-wallet niyo para makapagpasalamat naman ako sa abalang ginawa ko. Saka bilang bayad na rin sa mga gagamitin ko rito. Wala kasi akong dalang cash dito. Nagke-crave kasi ng bulalo ang misis ko.”“Naku, sir. Okay lang

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 58

    Tirik na ang sikat ng araw nang magising si Natalie. Kung hindi pa dahil sa liwanag galing sa siwang ng bintana na tumama sa mukha niya ay hindi pa sana siya magigising. Hindi niya nakita si Drake. Kagabi ay sa sofa ito ng suite nakatulog. Pupungas-pungas pa siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Drake. “Good morning. Gising ka na pala.” Inilapag nito ang dala nitong almusal na galing sa isang fast food chain. Mukhang nagpa-deliver ito. “Magfreshen-up ka muna. Tapos kumain na tayo.” “Sige…” Matapos maghilamos at mag-toothbrush ay sabay silang kumain. Sabay rin silang bumaba. Nakapagcheck-out na ito. Kinuha na rin ni Drake ang sasakyan para makaalis na sila. Akmang bababa pa sana ito para pagbuksan siya ng pinto pero pinigilan siya ni Natalie. “Huwag ka nang bumaba. Kaya ko namang sumakay magisa.” “Hay nako, Natalie.” Napailing na lang ito. Paalis na rin sina Mateo. Si Alex ang unang nakakita sa kanila. “Sir, hindi ba si Miss Natalie ‘yon? Nakita na natin siya! Buong ga

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 59

    May taping para sa isang commercial advertisement si Irene sa loob ng mismong mall. Dinalaw siya ni Mateo sa set. Dahil may bakanteng oras siya, minabuti niyang yayain ang lalaki na maglakad-lakad sa mall. “Ang tagal na noong huling shopping ko. Sayang naman kasi nandito na tayo. Baka may mga new arrivals sila.” Alam ni Irene na sakit na ng mga kalalakihan ang pagiging mainipin kapag shopping ang usapan kaya labis niyang ikinagagalak ang effort na pinapakita ni Mateo para sa kanya. Kumalas si Irene sa pagkakapulupot sa kaniya at pinalamlam ang mga mata. “Hintayin mo na lang ako rito.” “Alright.” Wala talagang kagana-gana si Mateo sa shopping kaya laking pasasalamat niya na uupo lang siya.Mula sa kinaroroonan ni Nillly ay kitang-kita niya ang nangyari. Naguguluhan siya. Ang buong akala niya ay may pagtingin si Mateo Garcia kay Natalie pero may girlfriend pala ito. At ang mas nakapagpaloka sa kanya, ang girlfriend nito ay si Irene. “Bulag siguro ‘yon,” medyo napalakas na saad

    Last Updated : 2024-10-14

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 280

    Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 279

    “Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 278

    Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 277

    Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 276

    “Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 275

    Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 274

    May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 273 

    “Sasaktan niya ba ako? Diyos ko po.”Nanigas si Natalie at ang nanlalaki niyang mga mata ay nakatuon kay Mateo. Bawat kalamnan ng kanyang katawan ay napuno ng takot habang hinihintay ang kahihinatnan niya.Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi niya habang lumilipad ang kamao nito---ipinikit niya ang mga mata. Ngunit ang inaasahan niyang sakit mulo sa suntok nito ay hindi dumating.Sa halip…Bang!Ang puno sa tabi niya ay umuga ng bumagsak ang kamao ni Mateo doon. Umalingawngaw ang tunog ng pagtama ng mga buto sa kahoy at may mga nalaglag na dahoon sa paanan niya.Hindi mahina ang suntok na pinakawalan nito.“Mateo!” bulalas ni Natalie. Nabahala siya at inabot ang kamay ng lalaki. “Nasaktan ka ba? Patingin---”Ngunit bago niya makuha ang kamay nito, mabilis na naiiwas ni Mateo ang kamay. May ngiti ito sa labi. Isang ngiting may sakit kaysa nakakatawa.“Titingnan mo? Para saan, Natalie?” May pait na tanong nito. “Mahalaga ba talaga ako sayo?”Para siyang sinampal ng mga salitang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 272

    Medyo nalungkot si Natalie dahil may mga sangkap siyang hindi nabili sa supermarket na iyon. Ayon sa pinoy na doon din namimili, karamihan ng mga kailangan niya ay matatagpuan sa isang Asian store. May kalayuan din iyon kaya nagkasya na lang siya sa kung anong pwede niyang isahog sa sugpo na nauna na niyang nabili.“Hindi na masama, Nat. Tama ka, kailangan nating pumunta sa Asian store.” Sabi ni Rigor ng kaswal pagkatapos kumain. Bumalik din ito sa silid niya para maghanda.Habang nag-uurong ng mga pinggan si Natalie, muling lumabas ang ama. “Nat, may nakalimutan akong iempake. Kung lalabas ka mamaya, pwede bang bilhan mo ako ng underwear?”Nagtaas ng kilay si Natalie sa pasuyo ng ama ngunit tumango pa rin. “Okay.”Matapos linisin ang kusina, nag-research siya online ng mga establisimyentong malapit sa tinutuluyan nila. May malaking supermarket na pwede niyang lakarin at mukhang kumpleto ito sa kailangan niya. Nagpahinga si Natalie ng sandali at nagpalit ng mas komportableng damit, bi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status