Sa kusina ng hotel… Malawak ang kusinang iyon. Sa pinakadulong bahagi ay may tatlong taong naroon kahit madaling araw na. Ang dalawa ay naka-uniporme ng hotel at ang isa ay halatang hindi nagtatrabaho roon. “Sir, ito na po ang mga ingredients na pinakuha niyo. Nailabas ko na rin po ang mga lalagyan na gagamitin. Kung may kailangan pa po kayo, sabihan niyo lang po ako,” magalang na sabi ng isa sa mga lalaking naka-uniporme. Sinilip ni Drake ang mesa kung saan nakalagay at naka-ayos ang mga hiningi niya. Tumango siya, senyales na mukhang wala nang nakalimutan ang mga ito. “Sigurado ba kayo na presko ang karne ng baka na ‘yan? Matatagalan kasi kapag naglaga pa ako.” “Yes, sir. Gabi-gabi kaming naglalaga ng bago para ready na kinabukasan.” “Sige. Pahingi ako ng mga e-wallet niyo para makapagpasalamat naman ako sa abalang ginawa ko. Saka bilang bayad na rin sa mga gagamitin ko rito. Wala kasi akong dalang cash dito. Nagke-crave kasi ng bulalo ang misis ko.”“Naku, sir. Okay lang
Tirik na ang sikat ng araw nang magising si Natalie. Kung hindi pa dahil sa liwanag galing sa siwang ng bintana na tumama sa mukha niya ay hindi pa sana siya magigising. Hindi niya nakita si Drake. Kagabi ay sa sofa ito ng suite nakatulog. Pupungas-pungas pa siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Drake. “Good morning. Gising ka na pala.” Inilapag nito ang dala nitong almusal na galing sa isang fast food chain. Mukhang nagpa-deliver ito. “Magfreshen-up ka muna. Tapos kumain na tayo.” “Sige…” Matapos maghilamos at mag-toothbrush ay sabay silang kumain. Sabay rin silang bumaba. Nakapagcheck-out na ito. Kinuha na rin ni Drake ang sasakyan para makaalis na sila. Akmang bababa pa sana ito para pagbuksan siya ng pinto pero pinigilan siya ni Natalie. “Huwag ka nang bumaba. Kaya ko namang sumakay magisa.” “Hay nako, Natalie.” Napailing na lang ito. Paalis na rin sina Mateo. Si Alex ang unang nakakita sa kanila. “Sir, hindi ba si Miss Natalie ‘yon? Nakita na natin siya! Buong ga
May taping para sa isang commercial advertisement si Irene sa loob ng mismong mall. Dinalaw siya ni Mateo sa set. Dahil may bakanteng oras siya, minabuti niyang yayain ang lalaki na maglakad-lakad sa mall. “Ang tagal na noong huling shopping ko. Sayang naman kasi nandito na tayo. Baka may mga new arrivals sila.” Alam ni Irene na sakit na ng mga kalalakihan ang pagiging mainipin kapag shopping ang usapan kaya labis niyang ikinagagalak ang effort na pinapakita ni Mateo para sa kanya. Kumalas si Irene sa pagkakapulupot sa kaniya at pinalamlam ang mga mata. “Hintayin mo na lang ako rito.” “Alright.” Wala talagang kagana-gana si Mateo sa shopping kaya laking pasasalamat niya na uupo lang siya.Mula sa kinaroroonan ni Nillly ay kitang-kita niya ang nangyari. Naguguluhan siya. Ang buong akala niya ay may pagtingin si Mateo Garcia kay Natalie pero may girlfriend pala ito. At ang mas nakapagpaloka sa kanya, ang girlfriend nito ay si Irene. “Bulag siguro ‘yon,” medyo napalakas na saad
Sabi nga sa isang sikat na kasabihan, “hindi problema ang pagkakaroon ng kapareho—nasa nagdadala na lang ‘yan.” Sa kahit anong anggulo, nasapawan ni Natalie si Irene at alam niya ito. Mapait itong ngumiti. “I changed my mind. Hindi pala masyadong maganda ang damit na ito. Maghahanap na lang ako ng iba.” Babalik na sana siya sa fitting room pero pinigilan siya ni Mateo. “Irene, wait.” “Bakit, Mateo?” Pinasadahan ng tingin ni Mateo si Irene. “Bagay sa ‘yo. Bilhin na natin ‘yan.” “Pero…” Nagtataka si Irene at tiningnan si Natalie. “Pareho kami ng damit. Hindi pwede…” “Ano ngayon?” Nilapitan ni Mateo ang cashier at inabot ang card niya. “Kukunin naming ang lahat ng kulay ng ganitong style, miss. Pakisabi rin sa management na i-pull out na ang damit na ito sa lahat ng branch niyo. Hindi gusto ng girlfriend ko kapag may kapareho siya.” Nagulat ang store attendant dahil may hawak na itong ganoong damit.Napansin ni Mateo kung saan nakatingin ang kausap niya. “Patanggalin niyo s
Papuntang BGC si Mateo nang gabing iyon. Naroon na sina Leo at Stephen. Maging si Aris na ilang buwan na niyang hindi nakikita ay naroon din. Nasa parehong social circle sila at magkakilala na since high school at college days nila. Iba ang bistro bar na iyon. Kaibigan nila ang may-ari kaya maganda ang binigay na pwesto sa kanila. Madalas sila roon dahil hindi kagaya ng ibang bar at clubs, chill lang ang mga taong nagpupunta doon. Nakailang bote na si Aris ng beer nang dumating si Mateo. Nang makita ang kaibigan ay lalong lumapad ang mga ngiti nito. “About time! Akala ko no-show ka na naman, Mateo. Dahil late ka, kailangan mong humabol.” Agad siya nitong inabutan ng nagyeyelong bote ng beer na tinungga naman ni Mateo kaagad. “Leo, Stephen, hindi kayo umiinom? Pinabayaan niyong mag-inom ‘tong si Aris nang mag-isa?” “Bro, parang hindi mo naman kilala si Aris. Basta alak, hindi nagpapapigil ‘yan,” tugon ni Leo na nakatuon ang atensyon sa cellphone. “Mateo, Mateo…” Napabuntong-hi
Magkasamang nananghalian sina Nilly at Natalie. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ni Natalie sa upuan ay inatake na siya ng antok. Ilang beses na siyang humikab. Dahilan para itigil ni Nilly ang pagkain nito at titigan ang mga eyebags niya. “Hoy, Natalie. Anong meron? Anong oras ka na siguro nakatulog kagabi, ano?” “Hindi ko sure, pero alam kong late na. Siguro madaling araw na.” Sumimangot si Nilly. “Huwag mo namang patayin sa trabaho ang sarili mo. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan natin, Nat.” “Alam ko naman ‘yon. Pero alam mo namang nagtatrabaho ako.” Hindi totoo ang rason na binigay niya sa kaibigan. Walang kinalaman ang translation job niya sa hirap niya sa pagtulog gabi-gabi. Bawat pagpikit niya ng mga mata, ang gwapong mukha ni Mateo ang nakikita niya. Hindi lang basta-basta ang imahinasyon niyang iyon dahil madalas ay parang totoo! Sa palagay niya ay lalong pinaigting ito ng nangyari kagabi. Muntik na siyang halikan nito. O baka, imahinasyon lang niya ‘yon? At kahi
Nanatiling nakaawang ang bibig ni Natalie kahit na nakalayo na ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nararapat na maging reaksyon niya sa nangyari. Matapos ang ilang sandali, natawa na lang siya. “Anong ‘yon? Isip bata!” Pinagmasdan ni Natalie ang suot niyang damit na pinuri ni Mateo. Tiyak niyang nagmumurang-kamatis pa rin ito dahil lang sa pareho sila ng natipuhang damit ni Irene! “Nakakaawang nilalang.” ***Sa isang restaurant sa BGC ang venue ng pupuntahan nila ni Dok Norman. Humahangos si Natalie at muntik pa siyang mapagsaraduhan ng elevator kaya itinaas niya ang damit niya para malaya siyang makatakbo at mahabol ito. “Sandali! Please, hold the door, pakiusap!” Dire-diretso sana si Natalie pero pumpreno siya nang mamukhaan kung sino ang sakay nito. Si Mateo. Si Mateo naman ay kumukulo ang dugo. Nakabihis ng maganda at ayos na ayos si Natalie. Nag-abala pa itong magkolorete ng mukha at nasa isang eksklusibong lugar ito. Ang unang bagay na pumasok sa isip niya ay
Hinanap din ni James ang pinanggalingan ng boses na iyon. At nang makita ang hinahanap, agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Nawala rin ang angas at yabang na kanina lang ay naroon. “Ah, Mr. Garcia. Pasensya na sa istorbo. May inaayos lang akong minor issue, pero maayos naman na.” Itinuro pa nito si Natalie at sumimangot. “Well? What are you waiting for?” “Ha?” Nanigas si Natalie sa kinatatayuan. ‘Tama ba ang dinig ko? Mr. Garcia? Nandito rin ang kumag na iyon? Kung oo, kapag minamalas ka nga naman!’ Kahit na naroon si Mateo, kailangan pa rin niyang gawin ang pinapagawa ni James Foster. Kaya pikit-mata niyang itinaas ang baso. Bago pa niya matungga ang laman nito ay muli niyang narinig ang boses ni Mateo. “Ikaw, lumapit ka dito,” matigas na utos nito sa kanya. Naninikip ang puso ni Natalie. ‘Ako ba ang tinatawag niya?’ “Ikaw ang tinatawag ko. Huwag kang tumingin saan-saan.” Nanunudyo ang boses nito. “Oo, ikaw ang kinakausap ko. Halika rito.” Muli na namang n
Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.“Ate?”“Ano ‘yon?”“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw
“Pare, ano ba talaga ang nararamdaman mo?” Hindi pa rin nagpaawat si Leo.Nanatiling tahimik si Mateo habang ang tanong na iyon ng kaibigan ay parang patalim na tumatagos sa pilit niyang pagtanggi sa katotohanan. Hiniwa rin nito ang manipis na pader ng kang tunay na emosyon at iniwang hubad ang kanyang nararamdaman. May maliit na bahagi ng pag-unawa sa kanyang kaisipan, ngunit hindi ito mabuo-buo.“Pakinggan mo ako,” dagdag ni Leo. “Lagi mong sinasabi na wala kang ibang gusto kundi ang kabutihan ni Natalie. Na gusto mo siyang makausad, pero sa tuwing nakikita mo siyang nagiging malapit sa ibang lalaki---nagkakaganyan ka. Isang tingin lang mula kay Natalie, nawawala na ang kontrol mo.” Paliwanag nito. “Kaya kung ako sayo, tanungin mo muna ang sarili mo kasi mas alam mo ‘yan---ano ba talaga ‘yang nararamdaman mo?”Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Mateo at pilit niyang nilunok iyon. Nagsimulang manginig ang kamay niya at wala siyang maisagot kay Leo.Para kay Leo naman, sapat
Pilit na pinakalma ni Mateo ang bagyong nag-aalab sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Ang kanyang emosyon ay binubuo ng magulong mga alon ng selos, pagkabigo at isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Sa pamamagitan ng mahahaba niyang hakbang, nakalapit siya muli kay Natalie at ang boses niya at matalas at puno ng awtoridad.“Tumigil ka na sa kakaiyak!” Bagamat may bahid ng desperasyon, may bahid din iyon ng galit. “Para isang cake lang---ibibili kita ng bago. Kahit ilan pa ang gusto mo. Para ‘yan lang!”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumayo si Natalie. Hindi man lang siya nito tiningnan, tumalikod na ito at naglakad palayo.Nagpalitan ng hindi komportableng tingin sina Alex at Tomas. Wala silang balak makialam at mas gugustuhin pa nilang maglaho na lang para hindi na nila nakita ang nangyari.Nagtiim ang panga ni Mateo, nasapol ang kanyang pride dahil sa pagwawalang-bahala sa kanya ni Natalie. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso, pilit niyang pin
Umalab ang galit ni Mateo, ang hawak niya sa kahon ng cake ay lalong humigpit, halos masira na ito. Ang matalim niyang tingin ay sinalubong ang matapang na tingin ni Natalie. Ang bawat hibla ng kanyang kalamnan ay puno ng tensyon.“Paano kung sirain ko ‘to? Kung itapon ko’ to?”Hindi natinag si Natalie kahit pa katakot-takot na ang ekspresyon sa mukha ng kausap. “Inuulit ko, akin na ang cake na ‘yan. Ibigay mo sa akin. Hindi ako nagbibiro.”Ang pinapakita nitong tapang ay lalo lang nagpaningas ng galit ni Mateo. “Bakit? Bakit napakahalaga ng cake na ito para sayo, Natalie?”Ang katanungang iyon ay dumagdag lamang sa napakaraming tanong niya. Hindi niya maiwasang isipin na niloko siya---hindi lang ni Natalie kundi ng buong sitwasyon. Isang mapait na tawa ang tumakas mula sa mga labi ni Mateo habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kahon.“Mukha bang nagbibiro rin ako? Malalaman natin ngayon kung gaano kahalaga sayo ang cake na ‘to.”Pagkatapos ideklara iyon, sa pamamagitan ng i
“Copy, sir,” mahinahong tugon ni Alex sa utos ng boss niya habang inaanyayahan si Natalie na sumunod sa kanya papunta sa naghihintay na sasakyan.Umugong ang makina at dahan-dahang umalis ang sasakyan. Hindi maitatangging tahimik ngunit nanatiling mabigat pa rin ang hangin. Kinuha ni Alex ang karton ng cake kay Natalie at nagpaalam kung pwede na sa trunk compartment na lang iyon ilagay. Pumayag naman siya para makapagpahinga naman siya. Napapikit si Natalie dahil sa dami ng nangyari ngayong gabi.Habang papalayo ang sasakyan ni Natalie, nakahinga na ng maluwag si Irene. Nanumbalik din ang ngiti nito sa labi. Dahil wala na ang itinuturing niyang pinakamalaking banta sa pwesto niya sa buhay ni Mateo---nabawasan ang kaba sa dibdib niya.Samantala, nananatiling walang emosyon si Mateo habang pinapanood ang kotseng sinasakyan ni Natalie. Malinaw niyang inuulit sa isipan ang mga nangyari kanina sa loob ng restaurant. Pagkatapos ay siniguro niyang maayos na nakasakay sa isa pang sasakyan ang
Nakatuon ang atensyon ni Natalie sa natitirang piraso ng cake sa kanyang plato. Bagamat pabago-bago ang gana niya sa pagkain nitong mga nakaraang araw, ang saktong tamis at creamy texture nito ay nagdulot sa kanya ng kakaibang ginhawa sa gitna ng tensyon sa silid na iyon.Napansin ni Rigor ng simutin niya ang laman ng platito gamit ang kutsara. Napapikit pa si Natalie sa sobrang ligaya. “Mukhang nagustuhan mo nga ang cake.”“Mm, masarap. Sakto ang tamis.” Sagot ni Natalie habang maingat na inilalapag ang kutsara.“Nat, marami pa,” udyok nito sa kanya. “Gusto mo bang ipaghiwa kita ulit?”Hindi sumagot si Natalie pero nang tingnan niya ang cake, parang inaanyayahan siya nitong kumain pa. Napalunok siya ng laway. Nakangiting pinagmasdan ni Rigor ang anak kaya hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Sapat na ang mapungay na mga mata ni Natalie na nakatutok sa cake. Naghiwa siya ng panibago at inilagay sa platito ng anak. Ang kaniyang maamo at maalagang kilos bilang ama ay hindi akma sa
“Naku, hindi mangyayari ‘yan, Dad.” Malambing na pagtutol ni Irene sa sinabi ng ama. “Paano naman mangyayari ‘yon? Hindi ko mapapantayan ang regalo ni mommy sayo dahil gawa iyon ng may pagmamahal---isang bagay na hindi kailanman nabibili ng pera. Hindi ba, Dad?”Humagalpak ng tawa si Rigor, tumango ito habang tinitingnan ang sweater na bigay ng asawa. “Tama ka, wala itong katumbas.”“Suotin mo, Dad, para makita natin kung bagay sayo.” Mungkahi ni Irene.“Sige,” maingat na sinunod ni Rigor ang mungkahi ng anak at tinanggal ito sa kahon. Sinuot niya ang relo at inikot-ikot sa kanyang kanang kamay para pagmasdan ang ganda at pagkapulido ng gawa nito. “Napakaganda. Ito ang unang Rolex ko. Maraming salamat, anak.”“You’re welcome, Dad,” sagot ni Irene. May pagmamalaki ito sa boses at sinadyang lakasan ang boses. “Ang mahalaga, nagustuhan mo ang regalo ko.”Ang lahat ng mga mata ay lumipat kay Mateo na tahimik lang sa kanyang pwesto kanina pa. Wala pa ring mababasang ekspresyon sa mukha nit
“Ah,” malakas na hikab ang pinakawalan ni Rigor. Mapulang-mapula na din ang mukha nito at hirap na itong makatayo ng tuwid. Iwinasiwas niya ang kamay sa era, senyales na suko na siya. “Hindi ko na kaya, Mateo. Talon na ako. Panalo ka na. Matanda na ako, hindi na ako dapat nakikipagsabayan sa mga bata pagdating sa inuman.” Dagdag pa nito ng may pilit na tawa.“Talaga ba?” sagot naman ni Mateo na may mapanuyang tono. Nanatili pa rin ang talim ng tingin. “Sayang naman. Gusto ko pa sanang uminom. Sayang ang espesyal na okasyon na ito at ang mga alak na inorder ko.”Samantala, kalmadong pinanonood lang ni Natalie ang mga nangyayari. Napanatili niya ang walang bakas na emosyon. Hanggat maari ay ayaw niyang makialam dahil iba naman ang pakay niya sa lugar na iyon. Tahimik niyang sinenyasan ang isang waiter at humiling ng mainit na tasa ng tubig. Nang dumating ang hininging tubig na mainit, maingat niya itong ipinwesto sa harapan ni Rigor.“Inumin mo ‘yan,” malambing na alok niya. “Makakatul
Nanatili ang malamig na ekspresyon ni Natalie habang pabalik siya sa kanyang upuan. Walang emosyon na maaninag sa kanyang maputlang mukha. Nakasunod sa kanya si Mateo at ramdam pa rin ang masidhing titig nito sa kanya na tila sinusunog ang kanyang likod.“Natalie!”Ang boses nito ay puno ng pinaghalong galit at inis at umalingawngaw iyon mula sa likuran niya. Hindi niya ito pinansi, tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nanatiling taas-noo. Sunod niyang narinig ang mabilis na mga yabag na humahabol sa mga yabag niya ngunit hindi pa rin siya tumigil o lumingon.Hindi pwede.**Nang makabalik na siya sa mesa, agad na tumayo si Rigor at hinila ang silya papunta sa tabi niya. Ang kilos nito ay magiliw at masyadong sabik. “Dito ka na maupo, Natalie.”Nagulat man, magalang pa rin siyang tumango matapos magpasalamat. Walang alinlangan siyang naupo ngunit nanatiling maingat pa rin ang mga galaw.Nakabalik na rin si Mateo sa kabilang dako ng mesa at naupo sa dating pwesto. Nang makita nito ang gin