May taping para sa isang commercial advertisement si Irene sa loob ng mismong mall. Dinalaw siya ni Mateo sa set. Dahil may bakanteng oras siya, minabuti niyang yayain ang lalaki na maglakad-lakad sa mall. “Ang tagal na noong huling shopping ko. Sayang naman kasi nandito na tayo. Baka may mga new arrivals sila.” Alam ni Irene na sakit na ng mga kalalakihan ang pagiging mainipin kapag shopping ang usapan kaya labis niyang ikinagagalak ang effort na pinapakita ni Mateo para sa kanya. Kumalas si Irene sa pagkakapulupot sa kaniya at pinalamlam ang mga mata. “Hintayin mo na lang ako rito.” “Alright.” Wala talagang kagana-gana si Mateo sa shopping kaya laking pasasalamat niya na uupo lang siya.Mula sa kinaroroonan ni Nillly ay kitang-kita niya ang nangyari. Naguguluhan siya. Ang buong akala niya ay may pagtingin si Mateo Garcia kay Natalie pero may girlfriend pala ito. At ang mas nakapagpaloka sa kanya, ang girlfriend nito ay si Irene. “Bulag siguro ‘yon,” medyo napalakas na saad
Sabi nga sa isang sikat na kasabihan, “hindi problema ang pagkakaroon ng kapareho—nasa nagdadala na lang ‘yan.” Sa kahit anong anggulo, nasapawan ni Natalie si Irene at alam niya ito. Mapait itong ngumiti. “I changed my mind. Hindi pala masyadong maganda ang damit na ito. Maghahanap na lang ako ng iba.” Babalik na sana siya sa fitting room pero pinigilan siya ni Mateo. “Irene, wait.” “Bakit, Mateo?” Pinasadahan ng tingin ni Mateo si Irene. “Bagay sa ‘yo. Bilhin na natin ‘yan.” “Pero…” Nagtataka si Irene at tiningnan si Natalie. “Pareho kami ng damit. Hindi pwede…” “Ano ngayon?” Nilapitan ni Mateo ang cashier at inabot ang card niya. “Kukunin naming ang lahat ng kulay ng ganitong style, miss. Pakisabi rin sa management na i-pull out na ang damit na ito sa lahat ng branch niyo. Hindi gusto ng girlfriend ko kapag may kapareho siya.” Nagulat ang store attendant dahil may hawak na itong ganoong damit.Napansin ni Mateo kung saan nakatingin ang kausap niya. “Patanggalin niyo s
Papuntang BGC si Mateo nang gabing iyon. Naroon na sina Leo at Stephen. Maging si Aris na ilang buwan na niyang hindi nakikita ay naroon din. Nasa parehong social circle sila at magkakilala na since high school at college days nila. Iba ang bistro bar na iyon. Kaibigan nila ang may-ari kaya maganda ang binigay na pwesto sa kanila. Madalas sila roon dahil hindi kagaya ng ibang bar at clubs, chill lang ang mga taong nagpupunta doon. Nakailang bote na si Aris ng beer nang dumating si Mateo. Nang makita ang kaibigan ay lalong lumapad ang mga ngiti nito. “About time! Akala ko no-show ka na naman, Mateo. Dahil late ka, kailangan mong humabol.” Agad siya nitong inabutan ng nagyeyelong bote ng beer na tinungga naman ni Mateo kaagad. “Leo, Stephen, hindi kayo umiinom? Pinabayaan niyong mag-inom ‘tong si Aris nang mag-isa?” “Bro, parang hindi mo naman kilala si Aris. Basta alak, hindi nagpapapigil ‘yan,” tugon ni Leo na nakatuon ang atensyon sa cellphone. “Mateo, Mateo…” Napabuntong-hi
Magkasamang nananghalian sina Nilly at Natalie. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ni Natalie sa upuan ay inatake na siya ng antok. Ilang beses na siyang humikab. Dahilan para itigil ni Nilly ang pagkain nito at titigan ang mga eyebags niya. “Hoy, Natalie. Anong meron? Anong oras ka na siguro nakatulog kagabi, ano?” “Hindi ko sure, pero alam kong late na. Siguro madaling araw na.” Sumimangot si Nilly. “Huwag mo namang patayin sa trabaho ang sarili mo. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan natin, Nat.” “Alam ko naman ‘yon. Pero alam mo namang nagtatrabaho ako.” Hindi totoo ang rason na binigay niya sa kaibigan. Walang kinalaman ang translation job niya sa hirap niya sa pagtulog gabi-gabi. Bawat pagpikit niya ng mga mata, ang gwapong mukha ni Mateo ang nakikita niya. Hindi lang basta-basta ang imahinasyon niyang iyon dahil madalas ay parang totoo! Sa palagay niya ay lalong pinaigting ito ng nangyari kagabi. Muntik na siyang halikan nito. O baka, imahinasyon lang niya ‘yon? At kahi
Nanatiling nakaawang ang bibig ni Natalie kahit na nakalayo na ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nararapat na maging reaksyon niya sa nangyari. Matapos ang ilang sandali, natawa na lang siya. “Anong ‘yon? Isip bata!” Pinagmasdan ni Natalie ang suot niyang damit na pinuri ni Mateo. Tiyak niyang nagmumurang-kamatis pa rin ito dahil lang sa pareho sila ng natipuhang damit ni Irene! “Nakakaawang nilalang.” ***Sa isang restaurant sa BGC ang venue ng pupuntahan nila ni Dok Norman. Humahangos si Natalie at muntik pa siyang mapagsaraduhan ng elevator kaya itinaas niya ang damit niya para malaya siyang makatakbo at mahabol ito. “Sandali! Please, hold the door, pakiusap!” Dire-diretso sana si Natalie pero pumpreno siya nang mamukhaan kung sino ang sakay nito. Si Mateo. Si Mateo naman ay kumukulo ang dugo. Nakabihis ng maganda at ayos na ayos si Natalie. Nag-abala pa itong magkolorete ng mukha at nasa isang eksklusibong lugar ito. Ang unang bagay na pumasok sa isip niya ay
Hinanap din ni James ang pinanggalingan ng boses na iyon. At nang makita ang hinahanap, agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Nawala rin ang angas at yabang na kanina lang ay naroon. “Ah, Mr. Garcia. Pasensya na sa istorbo. May inaayos lang akong minor issue, pero maayos naman na.” Itinuro pa nito si Natalie at sumimangot. “Well? What are you waiting for?” “Ha?” Nanigas si Natalie sa kinatatayuan. ‘Tama ba ang dinig ko? Mr. Garcia? Nandito rin ang kumag na iyon? Kung oo, kapag minamalas ka nga naman!’ Kahit na naroon si Mateo, kailangan pa rin niyang gawin ang pinapagawa ni James Foster. Kaya pikit-mata niyang itinaas ang baso. Bago pa niya matungga ang laman nito ay muli niyang narinig ang boses ni Mateo. “Ikaw, lumapit ka dito,” matigas na utos nito sa kanya. Naninikip ang puso ni Natalie. ‘Ako ba ang tinatawag niya?’ “Ikaw ang tinatawag ko. Huwag kang tumingin saan-saan.” Nanunudyo ang boses nito. “Oo, ikaw ang kinakausap ko. Halika rito.” Muli na namang n
Nanatili sa ganoong pwesto sina Natalie at Mateo. Nahagip ng mga mata niya si James Foster. Sandaling nagtama ang mga mata nila. Gamunggo ang pawis ni James. Bakas sa mukha ang pinaghalong takot at pangamba. Alam na nito ngayon na may pagtingin si Mateo Garcia kay Doktora Natalie Natividad. Kung hindi pa rin malinaw sa kaniya ang bagay na iyon, parang balewala lang ang napakaraming taon niya sa industriya kung gan’on. Maaring natipuhan niya ang batang doktor. Pero wala siyang nakikitang dahilan para hindi magbigay-daan para sa isang Mateo Garcia. Lumapit siya para humingi sana ng paumanhin kay Natalie. “Mr. Garcia, ah… ano kasi… Doktora…” Sumunod na nakita ni Mateo si Dok Norman Tolentino. “Anong mapapala mo, James kung papahirapan mo ang isa sa mga pinakamagaling na surgeon sa buong bansa?” “Oo nga, Mr. Garcia. Narealize ko rin ang bagay na ‘yon. Nagkamali ako…” Hindi naman talaga gustong gawin ito ni James. Para sa kaniya ay normal lang ang ginawa niya. Isa pa, mas kailangan
Madi-discharge na si Antonio anumang araw. Ibig sabihin n’on, hindi na mapipigilang pag-usapan nila ang tungkol sa divorce nila. Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Natalie hanggang sa narating niya ang kwarto niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya.“Diyos ko po!” Hindi niya malaman kung nanaginip ba siya o talagang nangyari ang nasa isipan niya. Hinalikan siya ni Mateo! Ang hindi lang maintindihan ni Natalie ay bakit iyon ginawa ng lalaki dahil magkarelasyon na sila ni Irene. O baka naman, pinaglalaruan lang siya nito. Nalalasahan pa ni Natalie ang lasa ng alak sa mga labi niya. Hindi naman siguro siya malalasing dahil hindi naman siya natuloy mag-inom. Tanging dampi lang sa labi ang nangyari. Nasapo ni Natalie ang kumakabog niyang dibdib. Naninikip iyon. At may halong pait at pagkatuliro. ***Makalipas ang ilang araw…Maaga pa ay nag-aalmusal na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Antonio. “Lolo…” Namiss niya ang boses ng matanda. “Natalie, busy ka ba?” “Dayshift po