Hinanap din ni James ang pinanggalingan ng boses na iyon. At nang makita ang hinahanap, agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Nawala rin ang angas at yabang na kanina lang ay naroon. “Ah, Mr. Garcia. Pasensya na sa istorbo. May inaayos lang akong minor issue, pero maayos naman na.” Itinuro pa nito si Natalie at sumimangot. “Well? What are you waiting for?” “Ha?” Nanigas si Natalie sa kinatatayuan. ‘Tama ba ang dinig ko? Mr. Garcia? Nandito rin ang kumag na iyon? Kung oo, kapag minamalas ka nga naman!’ Kahit na naroon si Mateo, kailangan pa rin niyang gawin ang pinapagawa ni James Foster. Kaya pikit-mata niyang itinaas ang baso. Bago pa niya matungga ang laman nito ay muli niyang narinig ang boses ni Mateo. “Ikaw, lumapit ka dito,” matigas na utos nito sa kanya. Naninikip ang puso ni Natalie. ‘Ako ba ang tinatawag niya?’ “Ikaw ang tinatawag ko. Huwag kang tumingin saan-saan.” Nanunudyo ang boses nito. “Oo, ikaw ang kinakausap ko. Halika rito.” Muli na namang n
Nanatili sa ganoong pwesto sina Natalie at Mateo. Nahagip ng mga mata niya si James Foster. Sandaling nagtama ang mga mata nila. Gamunggo ang pawis ni James. Bakas sa mukha ang pinaghalong takot at pangamba. Alam na nito ngayon na may pagtingin si Mateo Garcia kay Doktora Natalie Natividad. Kung hindi pa rin malinaw sa kaniya ang bagay na iyon, parang balewala lang ang napakaraming taon niya sa industriya kung gan’on. Maaring natipuhan niya ang batang doktor. Pero wala siyang nakikitang dahilan para hindi magbigay-daan para sa isang Mateo Garcia. Lumapit siya para humingi sana ng paumanhin kay Natalie. “Mr. Garcia, ah… ano kasi… Doktora…” Sumunod na nakita ni Mateo si Dok Norman Tolentino. “Anong mapapala mo, James kung papahirapan mo ang isa sa mga pinakamagaling na surgeon sa buong bansa?” “Oo nga, Mr. Garcia. Narealize ko rin ang bagay na ‘yon. Nagkamali ako…” Hindi naman talaga gustong gawin ito ni James. Para sa kaniya ay normal lang ang ginawa niya. Isa pa, mas kailangan
Madi-discharge na si Antonio anumang araw. Ibig sabihin n’on, hindi na mapipigilang pag-usapan nila ang tungkol sa divorce nila. Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Natalie hanggang sa narating niya ang kwarto niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya.“Diyos ko po!” Hindi niya malaman kung nanaginip ba siya o talagang nangyari ang nasa isipan niya. Hinalikan siya ni Mateo! Ang hindi lang maintindihan ni Natalie ay bakit iyon ginawa ng lalaki dahil magkarelasyon na sila ni Irene. O baka naman, pinaglalaruan lang siya nito. Nalalasahan pa ni Natalie ang lasa ng alak sa mga labi niya. Hindi naman siguro siya malalasing dahil hindi naman siya natuloy mag-inom. Tanging dampi lang sa labi ang nangyari. Nasapo ni Natalie ang kumakabog niyang dibdib. Naninikip iyon. At may halong pait at pagkatuliro. ***Makalipas ang ilang araw…Maaga pa ay nag-aalmusal na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Antonio. “Lolo…” Namiss niya ang boses ng matanda. “Natalie, busy ka ba?” “Dayshift po
Pagkarinig ng pangalan niya, lalong kinabahan si Natalie. Ang maganda niyang mukha ay namutla at makikitaan ng kaba. Napansin naman ito ni Mateo kaya hindi nito napigilang mapasimangot. “Bakit parang natatakot siya? Hindi bai to ang gusto niya? Kaya niya ba talagang panghawakan ang kasal namin? Ganon na ba siya kadesperada?” Hindi mapigilan ni Mateo ang magduda.Humaba ang katahimikan sa pagitan nila at walang gustong magsalita kaya si Antonio na ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano bang plano ninyong mag-asawa? Bakit wala sa inyo ang gustong magsalita?” Dahil dito, nagbago ang utak ni Mateo. “Lo, ang ibig ko pong sabihin, ang akala namin ay magtatagal ka pa sa ospital para maka-recover. Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” Natawa ang matanda. “Akala ko kung ano na ang sasabihin niyo. Paano, nasa ospital na ako ng napakatagal na panahon, aba! Baka amagin na ako doon! Pwede namang magpagaling dito sa bahay, diba, Natalie?” “Opo,” ngumiti din si Natalie. “Importan
“Umungol ka!” Utos ni Mateo, namumula na din ang mukha nito. Bumukas ang bibig ni Natalie pero walang boses na lumabas. Marahil ay dahil sa kaba at pagkatuliro na nararamdaman niya. Idagdag pang baka nasa labas nga ang lolo ni Mateo. “Bilisan mo!” Inis na singhal nito ulit sa kanya. “May karanasan ka na, Natalie, kaya imposibleng hindi mo alam kung paano ang umungol!” pagkasabi ‘non, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib…Nag-alinlangan pa si Natalie pero sinunod din niya ang utos nito. “Ah…ah…ahhhhh…” “Anong ginagawa mo?” Inis na sita sa kaniya ng lalaki. “Umuungol…sabi mo…ungol…” “Anong klaseng ungol ‘yan? Hindi mo ba pwedeng gawin yung ungol na ginawa mo nung…alam mo na…habang ginagawa ang…” Naalala ni Natalie ang gabing iyon. Paano naman niya makakalimutan iyon eh nagtamo nga siya ng 3rd degree tear sa pwerta niya! “Ano kasi…kwan kasi…” “Hayaan mo na!” Nagdilim ang mukha nito at sinalubong nito ang mga mata niya. “Hindi ba sabi mo kanina, kapag may kailangan ako…gagawin
Kinubukasan ng umaga.Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa. “Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huwag mo munang aawayin ang asawa mo, ha? Pagod ‘yan.” Saglit na nagtama ang mga mata nila pero walang nagsalita. Matapos ang masaganang almusal, sabay nilang nilisan ang bahay ni Antonio. Sumabay na si Natalie kay Mateo para hindi magduda ang matanda. Hinatid siya ng lalaki hanggang dormitory niya. “Akala ko sa ospital ka na didiretso, wala ka bang pasok ngayon?” “Meron.” Isinabit ni Natalie ang bag niya sa balikat. “Night shift ako ngayon, kaya pwede akong magpahinga buong araw.” Sinilip pa ni Mateo ang dorm na tinitirhan ni Natalie. “Luma na talaga ang lugar na ito.” Hindi na pinansin ni Natalie ang komentong iyon. Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinuna ng lal
Sinuklian din ni Drake ang ngiti niya. “Ako nga. Invited ka din ba sa launch?” May bahid ng pagtataka ang tono nito. Mahirap para sa kaniya na isipin na a-attend si Natalie ng mga ganoong pagtitipon. Walang pakialam ang babae sa mga negosyo kaya ganon na lamang ang pagtataka niya. “Oo, eh.” Tipid na sabi ni Natalie. “Naging pasyente ko ang may-ari ng Lobregat project.” “Si Roberto Villamor?” “Oo, isa siya sa mga naging pasyente ko.” “Ah, I see.” Tumunog muli ang cellphone ni Natalie. Hindi na niya iyon sinagot dahil alam niyang si Mateo iyon at mamadaliin lamang siya. Nagpaalam na siya kay Drake. “Mauna na ako.” “Ingat ka!” Hindi na natuloy pa ni Drake ang iba pa sana niyang sasabihin dahil humahangos na si Natalie papasok. Nalungkot siya dahil gusto pa sana niyang makausap ang babae. “See you later, Nat.” … Si Isaac ang sumalubong kay Natalie. Hapong-hapo siya dahil sa pagmamadali niya. “Sorry, na-late ako!” “No worries, Miss Natalie. May mga binabating tao lang si
Hindi nakakapagtaka kung bakit naroon si Irene. Nobya ito ni Mateo kaya natural lang na naroon din ito. Kabaligtaran ang naging reaksyon ni Irene, parang nakakita ito ng multo ng makita si Natalie doon. “At anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa kaharap. Ang lalong ikinaputok ng butsi ni Irene ay ang suot na gown nito. Hindi siya maaring magkamali dahi nakita niya iyon sa loob ng private room ni Mateo. Walang kalam-alam si Natalie kaya matipid na lang siyang ngumiti, “wala namang batas na nagsasabing hindi ako pwedeng pumunta dito.” Nasa isang malaking pagtitipon sila at walang balak si Natalie na pagbigyan ang pambubuska ng kapatid----bukod pa doon ay gutom siya. Sinubukan niyang iwasan si Irene sa pamamagitan ng pag-alis pero hinila siya nito pabalik. “Hindi pa tayo tapos!” Galit na sabi nito sa kanya. “Nahihibang ka na ba, Irene? Gusto mo talagang gumawa ng eksena dito? Bitawan mo ako!” Lalong hinigpitan ni Irene ang pagkakahawak sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata n
Naghihintay ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan ni Isaac ng pinto ang boss niya. Matapos masigurong nakasakay na si Mateo at tsaka pa lang nito tinungo ang driver’s seat. Mula naman sa kinaroroonan nina Drake, kitang-kita niya si Mateo. Kahit saan magpunta ang lalaki ay lumulutang ang presensya nito. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit umalis na lang ito ng basta-basta. Malaki ang posibilidad na nakita sila nito. Naguluhan si Drake, minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa kasama. Abala si Natalie sa pag-aayos ng strap ng bag niya. Interesado sana si Drake at gusto niyang magtanong pero itinago na lang niya iyon. “Nat, kayo ba ni…” simula sana niya, ngunit naputol ang kung anong sasabihin sana niya ng titigan siya ni Natalie. “Kalimutan mo na.” Ang gusto sana niyang itanong ay kung paano nagagawa nina Mateo at Natalie na ipakita na wala na silang pakialam sa isa’t-isa, oo, hiwalay na sila pero hindi pa naman iyon ganoon katagal. Kung ituring nilang dalawa ang isa’t-is
Nagkatinginan ng alanganin sina Isaac, Alex at Tomas. Tanging ang mahinang ugong ng pagpanhik ng elevator lang ang maririnig dahil sa katahimikan nila. Ultimo paghinga nila ay maingat, paminsan-minsan ay tinatapunan nila ng mabilis na tingin ang boss nila na matikas na nakatayo ngunit halata namang may bumabagabag sa kanyang isipan. Awtomatikong nagsasara ang pintuan ng elevator, bigla na lang pinigilan ni Mateo ang tuluyang pagsara nito. “Sir!” Bulalas ni Isaac ng makita ang matalim na bahagi ng gilid ng pintong bakal na tumama sa kamay ng amo. “Anong ginagawa mo?” “Ah,” ungol ni Mateo dahil sa pagkakaipit ng kamay pero nagtagumpay siya dahil bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Nagsilapitan sina Isaac at ang iba na puno ng pag-aalala. “Sir, kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang. Gagawin naming. Huwag mong saktan ang sarili mo!” Sermon ni Isaac. Hinarap ni Mateo ang mga tauhan matapos alisin ang kamay sa pinto. “Ayos lang ako.” Si Mateo mismo ay nagulat sa sarili niy
Dito na napagtanto ni Natalie na nagsinungaling sa kanya si Drake. Habang unti-unti niyang pinagtagpi-tagpi ang katotohanan, bumagsak siya sa maliit niyang sofa. Hawak pa rin niya ang sulat galing Wells Institution, nanginginig pa siya. Kung ganoon, si Drake na ang nagbayad ng mga bayarin para sa evaluation at malinaw rin na ito ang sasagot sa buong programa ng kapatid. Parang tinitirintas ang kanyang sikmura habang bumalot sa kanya ang muling pagkabigo. “Kahit kailan talaga, Drake…hanggang kailan mo ba gusto na may utang na loob ako sayo?” Isinubsob ni Natalie ang mukha sa mga palad. Ayaw niya ng ganito. Ang mga pagkakataong ganito ay nagdudulot ng bigat sa kanya dahil alam niyang mahihirapan siyang tumbasan ito. Sa loob ng maraming taon, marami na siyang natanggap galing kay Drake—lahat ng iyon ay higit pa sa kaya niyang bayaran. Ang dagdag na bigat na ito ay lalong nagpalubha sa kanyang nararamdaman. Sa halip na direkta niyang harapin si Drake, napagpasyahan ni Natalie na ta
“Panaginip lang ‘to,” usal ni Natalie sa sarili. Napako siya sa kinatatayuan. Ramdam niyang tila bumigat ang hangin. Pamilyar na pamilyar ang tinig na ‘yon. Kumulo ang dugo ni Natalie at sumiklab ang inis sa kanyang dibdib ng makita kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Ang kanilang ama. Si Rigor Natividad. “Anong ginagawa niya dito?” Muling tanong ni Natalie sa isip. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Ibang klase din ang kanilang ama, may gana pa itong guluhin si Justin sa kabila ng ginawa nila ng asawa niya sa kanila. Nagkuyom ang mga kamao ni Natalie at dahan-dahang pumasok sa loob. Puno siya ng tanong at hinala. Sa loob ng silid, nakaluhod si Rigor sa harapan ni Justin at may hawak na makulay na lollipop. Masayahin din ang tinig nito. “Justin, anak. Tingnan mo kung ano ang hawak ko. Hindi ba paborito mo ‘to?” Ngunit hindi siya pinapansin ng bata. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Nakatuon ang atensyon nito sa laruan. Nakasa
Kanina, maingat niyang pinaghiwalay ang sarili niyang mga gamit mula sa mga mamahaling bagay. Hindi maitatangging magaganda iyon at minsan siyang natuwa dahil nagkaroon siya ng mga ganoong bagay. Pero ngayon, parang hindi niya kayang ariin o gamitin alinman sa mga ‘yon. Maingat niyang tinupi ang bawat piraso at itinabi ang mga ito hanggang sa makapag-desisyon siya kung ano ang gagawin sa mga gamit na ‘yon. Naputol ang malalim na pag-iisip ni Natalie nang mag-vibrate ang kanyang telepono. Si Nilly ang tumatawag sa kanya kaya maagap niyang sinagot ito. “Nilly,” sumigla ang boses ni Natalie. “Nasaan ka na? Nandito ka na ba?” [Buksan mo kaya ang gate!] Sagot ni Nilly sa kabilang linya. Nagmadali si Natalie na tunguhin ang gate. Laking gulat niya ng makitang hindi ito nag-iisa. Kasama ni Nilly si Chandon na may simangot sa mukha. Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita ang mga kahon at maleta sa loob ng bahay. “Chandon, anong ginagawa mo dito?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya mu
Alas otso na ng gabi. Biglang tumunog ang telepono ni Natalie. Nang tingnan niya ang screen, nakita niyang si Tomas ang tumatawag sa kanya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?” “Nat, papunta ako dyan sa inyo sa Taguig.” Diretsong sabi nito. “Nasa bahay ka ba?” Nagtaka si Natalie. “Sa Taguig? Bakit mo ako pupuntahan doon, Tomas?” “Inutusan kasi ako ni sir,” agad itong nagpaliwanag. “Si Ben ang nag-empake ng mga naiwan mong gamit, tapos ako naman ang maghahatid dyan sayo. Sabi kasi sa bahay sa Taguig ka titira.” Tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie. Inaasahan na niya ang mangyayari pero iba pa rin pala kapag nangyari na ito. “Ah, ganoon ba. Pero wala ako doon.” “Walang problema,” kalmado ang sagot ni Tomas. “Hihintayin kita.” Wala nang nagawa pa si Natalie, “sige.” Pagkatapos ng tawag na iyon, kinuha na ni Natalie ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng pintuan. Mas mabilis sana siyang makakarating doon kung nagbook siya ng sasakyan, pero dahil we
“Inaamin ko naman, Mateo, eh. Dahil sa hindi ko pag-iingat, lumala ang kondisyon ni lolo,” sabi ni Irene na sinabayan pa ng panginginig ng boses at pagtulo ng luha. “Ganito na lang, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Gusto mo bang maglabas ako ng pahayag para linawin ang lahat?” Tahimik lang si Mateo sa kinauupuan niya. Naroon pa rin ang simangot sa mukha niya habang iniisip ang bigat ng sitwasyon na kinakaharap niya. Matagal bago ito muling nagsalita. “Hindi na kailangan, tapos na rin naman ang lahat. Pabayaan mo na lang.” “Pabayaan na lang?” Inulit ni Irene ang sinabi ng lalaki para makasigurong tama siya ng dinig. “A-anong ibig mong sabihin sa pabayaan na lang?” “Umalis na si Natalie sa bahay sa Antipolo. Nakapagpasya na ako, paninindigan kita at ang bata.” Natigilan si Irene. Nasapo niya ang sariling bibig sa gulat at para na din mapigilan ang sarili na mapahiyaw sa kagalakan. Nagulat siya sa umpisa pero agad naman niyang naunawaan ang sinabi ni Mateo. Mataga
Sa lahat ng mga napuntahang establisimyento ni Mateo, ang mga ospital na yata ang lugar kung saan hindi natutulog ang mga tao. Lagi itong bukas para sa lahat at kailanman ay hindi ito nagpatay ng mga ilaw. Kahit may liwanag ng araw ay may mga silid itong nakabukas pa din ang ilaw. Ngunit pakiramdam ni Mateo ay nababalot siya ng mabigat at madilim na ulap. Ang tunog ng iba’t-ibang aparato at monitor na nakakabit sa mga pasyente, ang banayad na yapak ng mga nurse—-dinig niyang lahat ng iyon ngunit paulit-ulit pa rin ang alingawngaw ng mga salitang binitawan sa kanya ni Natalie sa kanyang isipan. “Hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan, Mateo. Ayaw na kitang makita. Kung magkikita man tayo, ituturing kita na hindi ko kakilala.” Ni minsan ay hindi niya akalaing masasaktan siya dahil lang sa mga salitang galing sa isang babae. Nagkamali siya dahil napakasakit pala. Parang punyal itong paulit-ulit na humiwa sa kanyang dibdib at nag-iwan ng isang sugat na hindi gumagaling. Hindi la
“Gusto kong malaman kung mas maganda ba kaysa kay Natalie, Mateo. Mas mahinahon at maunawain? Mas maalaga ba ang babaeng artista na iyon kaysa sa asawa mo?! Ano ang pumasok dyan sa kokote mo para gawin mo ito? Hindi kita pinalaki para maging isang salawahang asawa, Mateo!” Dumadagundong ang boses ni Antonio. Hindi pa nasiyahan ay sinabayan pa nito ng matalim na tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa marmol na sahig. Napuno ang sala ng galit at tila bulkan itong malapit ng umabot sa rurok at pumutok. Tahimik lang at natiling nakatayo lang si Mateo. Ang ulo niya ay nakatungo at hindi niya masalubong ang tingin ng lolo niya habang sinesermonan siya. Ramdam niya na tila sinasakal siya sa tindi ng tensyon sa paligid, napakagulo ng sitwasyon—kasing gulo ng kanyang damdamin ngayon. Dahil sa kawalan ng sagot mula kay Mateo, lalo lamang umigting ang galit ni Antonio. Matalim ang mga titig na tinatapon nito sa kanya. Mahal siya ng lolo niya kaya ang makitang ganito ang pakikitungo sa kanya