Share

KABANATA 69

Kinubukasan ng umaga.

Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa.

“Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huwag mo munang aawayin ang asawa mo, ha? Pagod ‘yan.”

Saglit na nagtama ang mga mata nila pero walang nagsalita. Matapos ang masaganang almusal, sabay nilang nilisan ang bahay ni Antonio. Sumabay na si Natalie kay Mateo para hindi magduda ang matanda. Hinatid siya ng lalaki hanggang dormitory niya.

“Akala ko sa ospital ka na didiretso, wala ka bang pasok ngayon?”

“Meron.” Isinabit ni Natalie ang bag niya sa balikat. “Night shift ako ngayon, kaya pwede akong magpahinga buong araw.”

Sinilip pa ni Mateo ang dorm na tinitirhan ni Natalie. “Luma na talaga ang lugar na ito.”

Hindi na pinansin ni Natalie ang komentong iyon. Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinuna ng lal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status