“Bakit mo pinatay? Si Mateo yun, diba? Mukhang nagaalala siya sayo.” “Ha? Wala lang ‘yon,” sagot ni Natalie sabay ngiti. “Gaya ni Mr. Roberto Villamor, pasyente ko din si Mateo Garcia. Alam mo naman ang mga mayayaman. Kunwari, concerned. Naalala mo ba yung nangyaring pananaksak na nabalita sa TV? Si Mateo ang biktimang tinutukoy nila. Ako ang attending physician niya that time.” Tumango-tango si Drake. “Ah, ganon pala ang nangyari.” Kahit na ganon ang sinabi niya, batid ni Drake na interesado si Mateo kay Natalie. Lalaki din siya at kabisado niya ang galawan ng isang lalaking may interes sa isang babae. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “Nat, sa tingin ko concerned talaga siya sayo----baka nga gusto ka ‘non.” Namilog ang mga mata ni Natalie. “Huy! Umayos ka nga! Ano-anong pinagsasabi mo dyan. Buti na lang walang nakakarinig sa 'yo dito. May girlfriend yung tao. Si Irene.” Nagbuga ng hangin si Drake. Napangiti ito dahil naginhawaan siya. “Oo nga, ano? O.A lang tala
“Justin!! Anong nangyari? Diyos ko po…” Humahangos si Natalie pabalik, napatigil siya dahil nakita na niya kung ano ang gumawa ng kalabog na iyon.Itinapon ng bata ang cellphone at pinulot iyon ni Drake. Tinitigan niya ang screen at ipinakita kay Natalie ‘yon----nagalit marahil ito dahil natapos na niya ang buong laro. Hindi malaman ni Natalie kung paano ipo-proseso ito. Magulo ang utak niya at hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin.“Alam kong alam mo na ito, pero sasabihin ko pa rin, may maliit na percentage ng mga batang may autism ang may extraordinary talents sa isang specific na talent. Palagay ko, ganon si Justin, Nat.”Tinakpan ni Natalie ang bibig niya, maiiyak siya. Kailan man ay hindi niya inakala ang ganito, buhat ng ma-diagnose si Justin ng autism, ang pinagtuunan lang niya ang ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Hindi sumagi sa isip niya ang higit pa roon.Ngayon ay nakokonsensya siya. “Kung totoo yan…ibig sabihin, pinagkaitan ko ang kapatid ko ng mga pagka
Nagbago ang reaksyon ng gwapong mukha ng lalaki. Kaya pala tinanggap nito agad ang pagso-sorry niya dahil may nakahanda itong resbak sa kanya. Ganon pa man ay hindi niya ito masisi. Hindi rin niya magawang magalit kay Natalie. Pakiramdam niya ay nasampal siya ng ilang ulit sa mukha. Masasakit at malalakas na sampal. Yung tipong magpapa-ugong ng tenga. “Damit lang ‘yan. Ibibili ko siya ng mas maganda.” Sagot niya. “Okay,” nagkibit-balikat lang ito na parang wala lang. “Pasok na ako.” Umalis na ito ng walang paalam. Sinundan lang ni Mateo ng tingin ang babae. Akmang itatapon na niya ang paper bag na naglalaman ng damit pero napatigil siya. “Anong ginagawa ko? Kung ayaw niya nitong pesteng damit na ito, bakit naman ako magagalit?” Minabuti din niyang umalis na lang at bumalik sa bahay. Pagkarating niya ay pasalampak siyang naupo sa sofa, nauwi ang tingin niya sa painting na nabili kamakailan lamang. Nasa coffee table din ang bracelet na dapat ay para kay Natalie. Ngayon naman ay
Sinagot na ni Mateo ang cellphone niya, “Hello?” “Mateo,” malambing ang boses ni Irene sa kabilang linya. “Wala akong trabaho ngayong gabi. Sabi ni mama, pwede ka daw dumalaw dito sa bahay para mag-dinner. Kailan ba tayo magkikita ulit? Namimiss na kita.”Siguradong-sigurado si Irene na mapapapayag niya si Mateo gaya ng nakagawian na. Pero walang balak ang lalaki na iwan ang lolo niya lalo na sa sitwasyon nito ngayon. Gugustuhin niyang bantayan lang ito buong gabi kesa pumunta kina Irene. “Sorry, hindi ako pwede ngayon. May importante akong aasikasuhin.” Tinapos na niya ang tawag matapos sabihin iyon. Tinitigan lang ni Irene ang cellphone niya---binabaan siya ng tawag ni Mateo! Ni minsan ay hindi pa ito ginawa sa kaniya ito ng lalaki. Kaya laking gulat niya ngayon. “Natalie…” sigurado siyang dahil iyon kay Natalie. Asawa pa rin siya ni Mateo at malamang at pinagbawalan nito ang lalaki na puntahan siya. Gumuhit ang matinding galit sa mukha ni Irene. Sa sobrang galit ay naihag
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Mateo. Agad niyang inasikaso ang discharge papers ng matanda kagaya ng kagustuhan nito. Sa mismong gabi ding iyon, lahat sila ay sabay-sabay na dumating sa ancestral house ng mga Garcia sa Antipolo. Matapos ma-ipark ang sasakyan, tumuloy na si Mateo sa loob ng bahay. Maluwang at magarbo ang bahay na iyon, hindi ito modern pero hindi rin maitatangging maganda ang bahay na iyon. Dumiretso na si Antonio sa silid niya dahil napagod ito sa mahabang biyahe pauwi. Nadatnan niya si Natalie na kausap si Manong Ben, ang caretaker at housekeeper ng bahay na iyon. “Manong Ben, ibibigay ko po sa inyo ang meal plan at medication plan ni lolo. Ganito na lang, kunin ko na lang po messenger niyo. Isesend ko na lang din po doon para in case makalimutan niyo, may kopya kayo sa phone niyo. Tsaka para mamonitor ko din po si lolo kung wala ako dito.” Sabi ni Natalie. “Ay, magandang ideya nga po ‘yan, Dok. Medyo mahina ako sa pag-sasaulo,” nakangiting sagot ni Manong B
“Si Justin…na-food poisoning daw…” namumula ang mga mata ni Natalie, bigla niyang naalala na hindi nga pala nito kilala ang kapatid niya. “Bunso kong kapatid si Justin.” Ito ang unang beses na narinig niyang magbanggit si Natalie ng anumang tungkol sa pamilya niya. Ngayon ay alam na niyang may pamilya pa ito. Bumangon na din ito at nagbihis. “Sasama ako sayo,” saad ng lalaki. “Hindi na, hindi mo na kailangang----” “Kailangang ano?” Putol sa kaniya ni Mateo. “Dis oras ng gabi, wala kang makukuhang taxi dito sa Antipolo, Natalie! Kaya halika na!” Hinila na niya ang babae palabas ng kwarto nila. “Hindi ka ba nag-aalala para sa kapatid mo?” “Syempre, oo!” Binilisan na din ni Natalie at sumakay na sila sa kotse nito. “Pasensya ka na, mag-uumaga na. Inistorbo ko pa ang pahinga mo.” Tinapunan lang siya ng tingin sandali ni Mateo. “Huwag mong sabihin ‘yan. Tinulungan mo din ako ng maraming beses. Kapag hindi kita tinulungan ngayon, parang wala na rin akong kwentang tao.” “Salamat
Ang pagtama muli ng mga labi nila ay kapwa gumulat kina Mateo at Natalie. Si Mateo na ang unang naglayo ng mukha, hindi na niya mabilang-bilang kung ilang beses na siyang natakam na halikan ang babae kagaya ngayon. Hindi maitatanggi na may malakas na pwersa siyang nararamdaman sa tuwing magkalapit sila. “Ehem,” pasimpleng pag-ubo niya para mawala ang nakakailang na pakiramdam sa pagitan nila. “Huwag ka ng makipagtalo. Siguro ikaw hindi ka pagod, pero yung nasa tyan mo, kailangan niya ng sapat na pahinga.” “Oh,” ibinaba ni Natalie ang tingin. Marahan niyang ibinaba si Natalie sa sofa. “Magpahinga ka na.” “Mmm,” sagot ni Natalie. Sa palagay niya, lalo siyang pagdadamutan ng antok dahil sa ginawang paghalik ni Mateo sa kanya. Ang unang beses ay noong lasing siya. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na ito nakainom. Sinalat ni Natalie ang labi niya, nakaramdam siya ng kaunting galit para sa sarili niya dahil hinahayaan niyang halikan siya ng nobyo ni Irene. Nasisiguro nyang ilang be
“Nakikipaghiwalay?” Tanong ni Mateo sa sarili. Pakiramdam niya hindi naman talaga sila naging opisyal na mag-nobyo. Ang pagkakamali lang niya ay pinangakuan niya ito ng kasal. “Yes, ganoon na nga.” Nagbago bigla ang timpla ni Irene, namutla siya. “Hindi, ayokong maghiwalay tayo…” “Irene, hindi ko alam kung hanggang kailan ka maghihintay.” Para kay Mateo, ang paghihintay ng walang kasiguraduhan ay hindi nararapat. Pinagmasdan niya ang babae. “Gusto kong malaman mo na hindi maapektuhan ng paghihiwalay natin ang future projects mo.” Iyon na lang ang magagawa niya para rito----parang bayad na din niya sa sakit na ibinigay niya sa babae. Iniwan na siya ni Mateo, nagpahid ng luha si Irene. Sa sobrang galit niya ay binalibag niya ang lamesa at nagliparan ang mga baso at plato sa kung saan-saan. Puno siya ng galit at paghihiganta habang pinagtitinginan siya ng mga taong naroon sa café. “Hindi pa tayo tapos, Natalie!” … Pagkatapos ng mahabang meeting ni Mateo, bumalik na siya sa