Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Mateo. Agad niyang inasikaso ang discharge papers ng matanda kagaya ng kagustuhan nito. Sa mismong gabi ding iyon, lahat sila ay sabay-sabay na dumating sa ancestral house ng mga Garcia sa Antipolo. Matapos ma-ipark ang sasakyan, tumuloy na si Mateo sa loob ng bahay. Maluwang at magarbo ang bahay na iyon, hindi ito modern pero hindi rin maitatangging maganda ang bahay na iyon. Dumiretso na si Antonio sa silid niya dahil napagod ito sa mahabang biyahe pauwi. Nadatnan niya si Natalie na kausap si Manong Ben, ang caretaker at housekeeper ng bahay na iyon. “Manong Ben, ibibigay ko po sa inyo ang meal plan at medication plan ni lolo. Ganito na lang, kunin ko na lang po messenger niyo. Isesend ko na lang din po doon para in case makalimutan niyo, may kopya kayo sa phone niyo. Tsaka para mamonitor ko din po si lolo kung wala ako dito.” Sabi ni Natalie. “Ay, magandang ideya nga po ‘yan, Dok. Medyo mahina ako sa pag-sasaulo,” nakangiting sagot ni Manong B
“Si Justin…na-food poisoning daw…” namumula ang mga mata ni Natalie, bigla niyang naalala na hindi nga pala nito kilala ang kapatid niya. “Bunso kong kapatid si Justin.” Ito ang unang beses na narinig niyang magbanggit si Natalie ng anumang tungkol sa pamilya niya. Ngayon ay alam na niyang may pamilya pa ito. Bumangon na din ito at nagbihis. “Sasama ako sayo,” saad ng lalaki. “Hindi na, hindi mo na kailangang----” “Kailangang ano?” Putol sa kaniya ni Mateo. “Dis oras ng gabi, wala kang makukuhang taxi dito sa Antipolo, Natalie! Kaya halika na!” Hinila na niya ang babae palabas ng kwarto nila. “Hindi ka ba nag-aalala para sa kapatid mo?” “Syempre, oo!” Binilisan na din ni Natalie at sumakay na sila sa kotse nito. “Pasensya ka na, mag-uumaga na. Inistorbo ko pa ang pahinga mo.” Tinapunan lang siya ng tingin sandali ni Mateo. “Huwag mong sabihin ‘yan. Tinulungan mo din ako ng maraming beses. Kapag hindi kita tinulungan ngayon, parang wala na rin akong kwentang tao.” “Salamat
Ang pagtama muli ng mga labi nila ay kapwa gumulat kina Mateo at Natalie. Si Mateo na ang unang naglayo ng mukha, hindi na niya mabilang-bilang kung ilang beses na siyang natakam na halikan ang babae kagaya ngayon. Hindi maitatanggi na may malakas na pwersa siyang nararamdaman sa tuwing magkalapit sila. “Ehem,” pasimpleng pag-ubo niya para mawala ang nakakailang na pakiramdam sa pagitan nila. “Huwag ka ng makipagtalo. Siguro ikaw hindi ka pagod, pero yung nasa tyan mo, kailangan niya ng sapat na pahinga.” “Oh,” ibinaba ni Natalie ang tingin. Marahan niyang ibinaba si Natalie sa sofa. “Magpahinga ka na.” “Mmm,” sagot ni Natalie. Sa palagay niya, lalo siyang pagdadamutan ng antok dahil sa ginawang paghalik ni Mateo sa kanya. Ang unang beses ay noong lasing siya. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na ito nakainom. Sinalat ni Natalie ang labi niya, nakaramdam siya ng kaunting galit para sa sarili niya dahil hinahayaan niyang halikan siya ng nobyo ni Irene. Nasisiguro nyang ilang be
“Nakikipaghiwalay?” Tanong ni Mateo sa sarili. Pakiramdam niya hindi naman talaga sila naging opisyal na mag-nobyo. Ang pagkakamali lang niya ay pinangakuan niya ito ng kasal. “Yes, ganoon na nga.” Nagbago bigla ang timpla ni Irene, namutla siya. “Hindi, ayokong maghiwalay tayo…” “Irene, hindi ko alam kung hanggang kailan ka maghihintay.” Para kay Mateo, ang paghihintay ng walang kasiguraduhan ay hindi nararapat. Pinagmasdan niya ang babae. “Gusto kong malaman mo na hindi maapektuhan ng paghihiwalay natin ang future projects mo.” Iyon na lang ang magagawa niya para rito----parang bayad na din niya sa sakit na ibinigay niya sa babae. Iniwan na siya ni Mateo, nagpahid ng luha si Irene. Sa sobrang galit niya ay binalibag niya ang lamesa at nagliparan ang mga baso at plato sa kung saan-saan. Puno siya ng galit at paghihiganta habang pinagtitinginan siya ng mga taong naroon sa café. “Hindi pa tayo tapos, Natalie!” … Pagkatapos ng mahabang meeting ni Mateo, bumalik na siya sa
Tiningnan lamang ni Antonio ang apo matapos ipaalam dito ang hindi pag-uwi ni Natalie. “Hmm, wala ka pa ring pinagbago, apo. Paano mo nagagawang pagsalitaan ng ganyan ang asawa mo?”Iniwas ni Mateo ang mga mata. “Lo, w-wala naman po akong sinabing masama. Pero saan ba kasi siya nagpunta?” “Tinatanong mo ako?” Napaismid si Antonio. “Sa pagkakaalam ko, ikaw ang asawa. Kung hindi niya sinabi sa 'yo kung saan siya pupunta----siguro panahon na para magnilay-nilay ka, baka may nagawa ka.” “Ako, magnilay-nilay?” Natawa si Mateo. “Syempre alam ko kung saan siya nagpunta. Tinawagan niya ako pero nasa meeting ako kaya hindi ko nasagot…” Hindi inaalis ni Antonio ang tingin sa apo. Hindi na matiis ni Mateo ang ginagawa sa kaniya ng lolo niya. “Lolo, bakit ganyan kayo makatingin?” “Kasi hindi ka magaling magsinungaling, Mateo.” Napikon siya sa sinabi ng matanda kaya umakyat na siya sa kwarto nila. Ang una niyang ginawa matapos isara ang pinto ay ang tawagan ang babae. “Tingnan ko lang ku
Magulo at maingay sa maliit na ospital ng maliit na bayan na iyon sa Zambales. Lahat ng naroon ay naghahanda para magbigay ng agarang atensyong medical sa mga naapektuhan ng pagguho ng lupa doon. Malayo ito sa kinaroroonan nina Natalie pero isa siya sa mga reresponde sa pinangyarihan kasama sina Nilly at Marlo. “Natalie! Okay ka na? Akyat na sa truck!” Utos ni Marlo sa kanila ni Nilly. “Eto na!” Nagmamadali si Natalie, bitbit niya ang medical kit at sterilization kit sa mga bisig niya. “Akin na yung iba, Nat,” alok ni Nilly. Maagap nitong kinuha ang mga dala niya. Sa tulong ng dalawa niyang kasama ay nakaayat siya sa itaas ng malaking truck ng walang kahirap-hirap. Ilang minuto lang ay nasa paanan na sila ng bundok. Makapal pa ang mga puno sa bahaging iyon at wala pang konkretong daan paakyat. “Mula dito, maglalakad na tayo,” paliwanag ni Marlo, dinampot nito ang mga mabibigat na dala nila na parang wala lang ito. Dumikit si Nilly kay Natalie at bahagya siyang siniko, “alam
Nauutal si Nilly ng masigurong hindi nga siya namalikmata. “A-anong…M-ateo…a-anong…gina..” Maiksi ang pisi ni Mateo. Salubong ang kilay nito ng muling magsalita. “Nilly, tinatanong kita, anong nangyari kay Natalie?” Ramdam ni Marlo na kailangan na nilang kumilos kaya siya na ang nagpaliwanag sa bagong dating. Wala siyang iniwang detalye, lahat ay ikinwento niya. “Hindi namin siya matawagan at sigurado akong walang signal doon.” Habang nakikinig si Mateo, unti-unting nagdilim ang ekspresyon nito sa mukha. Kahit sino ay masasabing hindi ito natutuwa sa mga nangyari, lalo na sa taong may pakana ng lahat. “Tsk. Hindi man lang nag-iingat.” Hindi na siya nag-aksaya pa ng isang segundo. Tiningnan niya ang mga kasama. “Ivan, Tomas, Alex, pupunta tayo sa danger zone.” “Yes, sir.” Sabay-sabay na sagot ng tatlo. Narating ng grupo nina Mateo ang danger zone ng landslide at nagsimulang magtanong-tanong. Gaya nga ng sabi ni Marlo, wala sa mga naroon ang nakakita kay Natalie. Wala ni isa
Wala ni isa sa kanila ang nagsalita ng magtama ang mga mata nila. Parehong malakas ang tibok ng mga puso nila, sa sobrang lakas ay halos dinig nila ang isa’t-isa. “Ayaw mo ba?” Mababa ang boses ni Mateo habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang labi ni Natalie. “Tinatanong kita, Nat. Hindi mo ba gusto kapag hinahalikan kita?” Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Natalie, parang wala siyang boses kaya wala siyang masabi. Ng wala siyang maisagot sa tanong sa kanya, muling sinakop ng labi ng Mateo ang labi niya. Kahit na ilang oras na sa loob ng gubat na iyon---mabango pa rin si Natalie, halos mabaliw siya sa amoy ng babae. Isang boses ang nanggambala sa espesyal na sandali nila. “Mr. Garcia!” Si Natalie ang unang bumalik sa realidad. Itinulak pa niya ng marahan palayo si Mateo sa kanya. Dahil sa ginawa niyang iyon, napaismid ang lalaki at napagbuntungan ng inis niya ang lalaking umistorbo sa kanila. “Ano!?” Ang lalaking iyon ay isang local guide na kasama ng rescue team. Dahil