author-banner
Jiangmin
Author

Novels by Jiangmin

Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Dahil sa kawalang bayag ng kaniyang ama at pang-aapi ng kaniyang madrasta, napilitan si Natalie na magpakasal kay Mateo Garcia, isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa San Jose. Sa araw ng kanilang kasal, natuklasan ng kaniyang asawa na hindi na siya birhen bago pa man sila ikasal, na siyang nagpatibay ng paniniwala nito na isa siyang maduming babae na may magulong buhay. Matapos dalhin ang bata sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, iniluwal ni Natalie ang kaniyang anak, pinirmahan ang annulment papers na inihain sa kaniya ng kaniyang asawa, at saka naglaho na parang bula. Makalipas ang ilang taon, nagbalik si Natalie sa San Jose kasama ang isang bata. "Mr. Garcia, balita ko ay naghahanap kayo ng personal doctor?" Malugod na pumayag si Mateo. "Tanggap ka na." May bali-balitang kumakalat na walang asawa, ni kalandian si Mr. Garcia. Ngunit para siyang Isang tutang naglalambing sa kaniyang personal doctor at itinuturing ang anak nito, na hindi pa alam kung sino ang tunay na ama, na parang sarili niyang anak.
Read
Chapter: KABANATA 220
Hindi ito itinanggi ni Mateo. Huli na rin kung itatanggi pa niya ito. Mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Lalo lamang nainis at nalito si Natalie dahil sa ginawa ni Mateo. “Bakit mo ginawa ‘yon?”Mula sa lohikal na pananaw, para kay Natalie ay mas makabubuti kapag inamin na niya ang totoo sa lolo niya. Kapag nalaman nilang hindi naman talaga siya ang ama ng dinadala, mas madali sana ang lahat. Maaring magalit ito pero hindi na nila kailangang maghiwalay ng masalimuot. Kung inamin na sana ni Mateo ang totoo, tapos na sana ang lahat. Ngunit hindi iyon ang pinili niyang gawin.“Ano sa tingin mo?”Bumaba ang tingin ni Mateo kay Natalie, ang mga mata ay may halong inis at pagkawala ng tiwala. Nagtataka siya kung bakit tila wala itong ideya sa mga nangyayari.“Hindi na natin dapat pa dagdagan ang sama ng loob ni lolo. Nangyari ang lahat ng ito ng malaman niyang naghiwalay tayo. Sa palagay mo ba, kapag sinabi kong hindi ko anak ang batang nasa sinapupunan mo, hindi siya mulin
Last Updated: 2025-01-26
Chapter: KABANATA 219
Pinagplanuhang mabuti ni Natalie ang oras ng pagdalaw niya kay Antonio. Sinadya niyang pumunta sa ospital sa oras na alam niyang nasa trabaho si Mateo. Hangga’t maaari, iniiwasan niya ang anumang uri ng alanganing komprontasyon sa pagitan nilang dalawa sa ospital. Kilala niya ang lalaki, magkakasagutan talaga sila kahit sa harapan pa ng matanda at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng antiseptic sa ospital, nagdulot ito ng parehong ginhawa at kaba sa kanya. Nagtanong na rin siya sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Antonio para hindi siya mahirapang hanapin ito. Bago pumasok, pinuno muna niya ng hangin ang baga. Tahimik ang silid nito, banayad na pumapasok ang liwanag ng umaga sa bahagyang nakabukas na kurtina. Pumasok na siya ng dahan-dahan.Nakataas ng bahagya ang kama ni Antonio, may IV drip ito at kasalukuyang tulog. Ayaw sana niyang istorbohin ang pahinga nito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kama para masuri ang mga monitor nito. Maayos nama
Last Updated: 2025-01-26
Chapter: KABANATA 218
“Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe
Last Updated: 2025-01-25
Chapter: KABANATA 217
Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai
Last Updated: 2025-01-25
Chapter: KABANATA 216
Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an
Last Updated: 2025-01-25
Chapter: KABANATA 215
“Sorry, hindi ko matandaan kung sino ka, Miss.” Nakakunot ang noo ni Drake. Alam niyang nagkita na sila noon pero hindi lang niya maalala kung saan. Isang magaan na tawa ang nagmula sa babae at mapagbirong tinitigan si Drake. “Hindi mo talaga ako nakikilala?” Umiling si Drake. “Hindi.” “Ano ka ba, ako ‘to. Si Jean. Jean Marcos! Naaalala mo ba yung tabachingching na batang babaeng nakatirintas ang buhok at parating nakasunod sayo?” Dahil sa deskripsiyon na iyon, unti-unting nagliwanag ang memoryang iyon kay Drake. Bumalik sa isipan niya ang imahe ng isang malusog na batang babae na laging nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Matalik na magkaibigan ang pamilya Pascual at Marcos sa loob ng maraming taon. Ang nanay ni Jean at ang nanay niya ay matalik na magkaibigan noon pa man. “Jean? Ikaw na ‘yan?” Napangiti si Drake. “Oo, naalala ko na. Grabe, ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta ka na?” Malaki ang pinagbago ni Jean. And dating tabac
Last Updated: 2025-01-24
You may also like
Midst of Darkness!
Midst of Darkness!
Romance · Talesofpassion
35.3K views
SETELAH TALAK TIGA
SETELAH TALAK TIGA
Romansa · Nurhayati Yahya
35.3K views
Kejutan Suami Lugu
Kejutan Suami Lugu
Romansa · Evie Yuzuma
35.3K views
The Nanny Affair
The Nanny Affair
Romance · Tcee Eke
35.3K views
Baby's My DARLING!
Baby's My DARLING!
Romance · Almahyra
35.2K views
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status