Share

KABANATA 77  

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-10-14 16:53:57
“Bakit mo pinatay? Si Mateo yun, diba? Mukhang nagaalala siya sayo.”

“Ha? Wala lang ‘yon,” sagot ni Natalie sabay ngiti. “Gaya ni Mr. Roberto Villamor, pasyente ko din si Mateo Garcia. Alam mo naman ang mga mayayaman. Kunwari, concerned. Naalala mo ba yung nangyaring pananaksak na nabalita sa TV? Si Mateo ang biktimang tinutukoy nila. Ako ang attending physician niya that time.”

Tumango-tango si Drake. “Ah, ganon pala ang nangyari.”

Kahit na ganon ang sinabi niya, batid ni Drake na interesado si Mateo kay Natalie. Lalaki din siya at kabisado niya ang galawan ng isang lalaking may interes sa isang babae. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “Nat, sa tingin ko concerned talaga siya sayo----baka nga gusto ka ‘non.”

Namilog ang mga mata ni Natalie. “Huy! Umayos ka nga! Ano-anong pinagsasabi mo dyan. Buti na lang walang nakakarinig sa 'yo dito. May girlfriend yung tao. Si Irene.”

Nagbuga ng hangin si Drake. Napangiti ito dahil naginhawaan siya. “Oo nga, ano? O.A lang tala
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Shane Velasquez
ang ganda naman ng kwento... umpisa palang nakakaexcite na basahin...ang galing naman ng gumawa nito...sana marami pang kwento ang mabuo nyo po...salamat sa maganda at hindi nakakasawang basahin......️
goodnovel comment avatar
Welma Belicario
pareho xlang dlawa ni mateo & natalie hindi nila alam na xlang 2 yung nagniig nong gabi akala ni mateo si Irene yun
goodnovel comment avatar
Welma Belicario
chapter 78 pls wla ng bunos bukas nman hays exciting much
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 78

    “Justin!! Anong nangyari? Diyos ko po…” Humahangos si Natalie pabalik, napatigil siya dahil  nakita na niya kung ano ang gumawa ng kalabog na iyon.Itinapon ng bata ang cellphone at pinulot iyon ni Drake. Tinitigan niya ang screen at ipinakita kay Natalie ‘yon----nagalit marahil ito dahil natapos na niya ang buong laro. Hindi malaman ni Natalie kung paano ipo-proseso ito. Magulo ang utak niya at hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin.“Alam kong alam mo na ito, pero sasabihin ko pa rin, may maliit na percentage ng mga batang may autism ang may extraordinary talents sa isang specific na talent. Palagay ko, ganon si Justin, Nat.”Tinakpan ni Natalie ang bibig niya, maiiyak siya. Kailan man ay hindi niya inakala ang ganito, buhat ng ma-diagnose si Justin ng autism, ang pinagtuunan lang niya ang ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Hindi sumagi sa isip niya ang higit pa roon.Ngayon ay nakokonsensya siya. “Kung totoo yan…ibig sabihin, pinagkaitan ko ang kapatid ko ng mga pagka

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 79  

    Nagbago ang reaksyon ng gwapong mukha ng lalaki. Kaya pala tinanggap nito agad ang pagso-sorry niya dahil may nakahanda itong resbak sa kanya. Ganon pa man ay hindi niya ito masisi. Hindi rin niya magawang magalit kay Natalie. Pakiramdam niya ay nasampal siya ng ilang ulit sa mukha. Masasakit at malalakas na sampal. Yung tipong magpapa-ugong ng tenga. “Damit lang ‘yan. Ibibili ko siya ng mas maganda.” Sagot niya. “Okay,” nagkibit-balikat lang ito na parang wala lang. “Pasok na ako.” Umalis na ito  ng walang paalam. Sinundan lang ni Mateo ng tingin ang babae. Akmang itatapon na niya ang paper bag na naglalaman ng damit pero napatigil siya. “Anong ginagawa ko? Kung ayaw niya nitong pesteng damit na ito, bakit naman ako magagalit?” Minabuti din niyang umalis na lang at bumalik sa bahay. Pagkarating niya ay pasalampak siyang naupo sa sofa, nauwi ang tingin niya sa painting na nabili kamakailan lamang. Nasa coffee table din ang bracelet na dapat ay para kay Natalie. Ngayon naman ay

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 80

    Sinagot na ni Mateo ang cellphone niya, “Hello?” “Mateo,” malambing ang boses ni Irene sa kabilang linya. “Wala akong trabaho ngayong gabi. Sabi ni mama, pwede ka daw dumalaw dito sa bahay para mag-dinner. Kailan ba tayo magkikita ulit? Namimiss na kita.”Siguradong-sigurado si Irene na mapapapayag niya si Mateo gaya ng nakagawian na. Pero walang balak ang lalaki na iwan ang lolo niya lalo na sa sitwasyon nito ngayon. Gugustuhin niyang bantayan lang ito buong gabi kesa pumunta kina Irene. “Sorry, hindi ako pwede ngayon. May importante akong aasikasuhin.” Tinapos na niya ang tawag matapos sabihin iyon. Tinitigan lang ni Irene ang cellphone niya---binabaan siya ng tawag ni Mateo! Ni minsan ay hindi pa ito ginawa sa kaniya ito ng lalaki. Kaya laking gulat niya ngayon. “Natalie…” sigurado siyang dahil iyon kay Natalie. Asawa pa rin siya ni Mateo at malamang at pinagbawalan nito ang lalaki na puntahan siya. Gumuhit ang matinding galit sa mukha ni Irene. Sa sobrang galit ay naihag

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 81  

    Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Mateo. Agad niyang inasikaso ang discharge papers ng matanda kagaya ng kagustuhan nito. Sa mismong gabi ding iyon, lahat sila ay sabay-sabay na dumating sa ancestral house ng mga Garcia sa Antipolo. Matapos ma-ipark ang sasakyan, tumuloy na si Mateo sa loob ng bahay. Maluwang at magarbo ang bahay na iyon, hindi ito modern pero hindi rin maitatangging maganda ang bahay na iyon. Dumiretso na si Antonio sa silid niya dahil napagod ito sa mahabang biyahe pauwi. Nadatnan niya si Natalie na kausap si Manong Ben, ang caretaker at housekeeper ng bahay na iyon. “Manong Ben, ibibigay ko po sa inyo ang meal plan at medication plan ni lolo. Ganito na lang, kunin ko na lang po messenger niyo. Isesend ko na lang din po doon para in case makalimutan niyo, may kopya kayo sa phone niyo. Tsaka para mamonitor ko din po si lolo kung wala ako dito.” Sabi ni Natalie. “Ay, magandang ideya nga po ‘yan, Dok. Medyo mahina ako sa pag-sasaulo,” nakangiting sagot ni Manong B

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 82  

    “Si Justin…na-food poisoning daw…” namumula ang mga mata ni Natalie, bigla niyang naalala na hindi nga pala nito kilala ang kapatid niya. “Bunso kong kapatid si Justin.” Ito ang unang beses na narinig niyang magbanggit si Natalie ng anumang tungkol sa pamilya niya. Ngayon ay alam na niyang may pamilya pa ito. Bumangon na din ito at nagbihis. “Sasama ako sayo,” saad ng lalaki. “Hindi na, hindi mo na kailangang----” “Kailangang ano?” Putol sa kaniya ni Mateo. “Dis oras ng gabi, wala kang makukuhang taxi dito sa Antipolo, Natalie! Kaya halika na!” Hinila na niya ang babae palabas ng kwarto nila. “Hindi ka ba nag-aalala para sa kapatid mo?” “Syempre, oo!” Binilisan na din ni Natalie at sumakay na sila sa kotse nito. “Pasensya ka na, mag-uumaga na. Inistorbo ko pa ang pahinga mo.” Tinapunan lang siya ng tingin sandali ni Mateo. “Huwag mong sabihin ‘yan. Tinulungan mo din ako ng maraming beses. Kapag hindi kita tinulungan ngayon, parang wala na rin akong kwentang tao.” “Salamat

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 83

    Ang pagtama muli ng mga labi nila ay kapwa gumulat kina Mateo at Natalie. Si Mateo na ang unang naglayo ng mukha, hindi na niya mabilang-bilang kung ilang beses na siyang natakam na halikan ang babae kagaya ngayon. Hindi maitatanggi na may malakas na pwersa siyang nararamdaman sa tuwing magkalapit sila. “Ehem,” pasimpleng pag-ubo niya para mawala ang nakakailang na pakiramdam sa pagitan nila. “Huwag ka ng makipagtalo. Siguro ikaw hindi ka pagod, pero yung nasa tyan mo, kailangan niya ng sapat na pahinga.” “Oh,” ibinaba ni Natalie ang tingin. Marahan niyang ibinaba si Natalie sa sofa. “Magpahinga ka na.” “Mmm,” sagot ni Natalie. Sa palagay niya, lalo siyang pagdadamutan ng antok dahil sa ginawang paghalik ni Mateo sa kanya. Ang unang beses ay noong lasing siya. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na ito nakainom. Sinalat ni Natalie ang labi niya, nakaramdam siya ng kaunting galit para sa sarili niya dahil hinahayaan niyang halikan siya ng nobyo ni Irene. Nasisiguro nyang ilang be

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 84

    “Nakikipaghiwalay?” Tanong ni Mateo sa sarili. Pakiramdam niya hindi naman talaga sila naging opisyal na mag-nobyo. Ang pagkakamali lang niya ay pinangakuan niya ito ng kasal. “Yes, ganoon na nga.” Nagbago bigla ang timpla ni Irene, namutla siya. “Hindi, ayokong maghiwalay tayo…” “Irene, hindi ko alam kung hanggang kailan ka maghihintay.” Para kay Mateo, ang paghihintay ng walang kasiguraduhan ay hindi nararapat. Pinagmasdan niya ang babae. “Gusto kong malaman mo na hindi maapektuhan ng paghihiwalay natin ang future projects mo.” Iyon na lang ang magagawa niya para rito----parang bayad na din niya sa sakit na ibinigay niya sa babae. Iniwan na siya ni Mateo, nagpahid ng luha si Irene. Sa sobrang galit niya ay binalibag niya ang lamesa at nagliparan ang mga baso at plato sa kung saan-saan. Puno siya ng galit at paghihiganta habang pinagtitinginan siya ng mga taong naroon sa café. “Hindi pa tayo tapos, Natalie!”   … Pagkatapos ng mahabang meeting ni Mateo, bumalik na siya sa

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 85  

    Tiningnan lamang ni Antonio ang apo matapos ipaalam dito ang hindi pag-uwi ni Natalie. “Hmm, wala ka pa ring pinagbago, apo. Paano mo nagagawang pagsalitaan ng ganyan ang asawa mo?”Iniwas ni Mateo ang mga mata. “Lo, w-wala naman po akong sinabing masama. Pero saan ba kasi siya nagpunta?” “Tinatanong mo ako?” Napaismid si Antonio. “Sa pagkakaalam ko, ikaw ang asawa. Kung hindi niya sinabi sa 'yo kung saan siya pupunta----siguro panahon na para magnilay-nilay ka, baka may nagawa ka.” “Ako, magnilay-nilay?” Natawa si Mateo. “Syempre alam ko kung saan siya nagpunta. Tinawagan niya ako pero nasa meeting ako kaya hindi ko nasagot…” Hindi inaalis ni Antonio ang tingin sa apo. Hindi na matiis ni Mateo ang ginagawa sa kaniya ng lolo niya. “Lolo, bakit ganyan kayo makatingin?” “Kasi hindi ka magaling magsinungaling, Mateo.” Napikon siya sa sinabi ng matanda kaya umakyat na siya sa kwarto nila. Ang una niyang ginawa matapos isara ang pinto ay ang tawagan ang babae. “Tingnan ko lang ku

    Huling Na-update : 2024-10-14

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 223

    Ang babaeng nasa likod niya ay walang iba kundi si Irene. Kalmado ito ngunit puno naman ng awtoridad ang tono nito. “Magandang araw po, Miss,” bati ng tindera na pilit na pinapanatili ang mahinahong disposisyon sa kabila ng namumuong tensyon. “Ano po ang kailangan nila?”Mula sa kanyang handbag, may kinuhang listahan si Irene at inabot iyon sa tindera ng may matamis na ngiti. “Ayan, lahat ng nasa listahan, kukunin ko.”Binasa ng tindera ang listahan at ngumiti. “Ma’am, ang lahat po ng nasa listahan niyo ay mayroon kami, pero,” napatiingin ito kay Natalie ng may pag-aalinlangan. “Pero ubos na po ang puto-bumbong.”“Ubos na?” Tumaas ang kilay ni Irene sa pagkadismaya. Inikot nito ang mata sa mga nakadisplay sa estante at napako ang tingin sa natitirang limang piraso ng puto-bumbong na nasa gilid na. “Eh, ano ang mga ‘yon?” Tanong niya ng may inis.Muling nag-atubili ang tindera. Kilala nito si Irene dahil napapanood nila ito sa TV. “Pasensya na po, Miss Irene, pero bayad na po ‘yan.”T

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 222

    “Umamin ka nga sa akin, Natalie. Bakit ayaw mong tumira sa binigay kong bahay? Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang alimony documents?” Matalim ang tono ni Mateo, tumatagas ito sa tahimik na hangin ng university. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Natalie na walang masagot sa kanya, tila hindi ito apektado sa tindi ng emosyon niya. Sa wakas ay tumingala ito, bakas sa mukha ang kalmadong pagsuko. “Mukhang nalaman mo na.”Dahil binitawan na siya ni Mateo, nagkaroon ng bakas sa kanyang pulso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito doon. Marahang hinilot ni Natalie iyon.“Hindi mo ba natatandaan? Sa ospital pa lang sinabi ko na sayo, ayaw ko ng lahat ng iyon. Pero hindi mo naman ako pinapakinggan.” Kalmado itong nagpaliwanag. “Kaya wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita ang panindigan ko sa ibang paraan. Wala akong interes doon. Ayaw ko ng alimony, Mateo.” Diretso at matatag ang bawat salitang binitawan ni Natalie. Wala itong halong pag-aalinlangan.“Pero, Nat—”“Makinig ka muna sa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 221

    “Ano naman ‘to?” Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinitignan ng manipis na card na inabot sa kanya ni Natalie. Naka-emboss doon ang pangalan niya. “Credit card mo,”sagot ni Natalie ng may ngiti. Sinaksak niya ang card na iyon sa kamay ni Mateo. Sandaling nagtama ang mga balat nila. “Matagal ko na dapat naibalik sayo ‘yan, kaso, madalas, cellphone lang ang dala ko kapag lumalabas. Kaya lagi kong nakakalimutan. Kung tutuusin, muntik ko na naman sanang makalimutan kanina—mabuti na lang hindi ka pa nakakaalis.” Paliwanag pa nito.Kaswal ang tono ng pananalita ni Natalie na para bang nagbabalik lang ito ng isang hiniram na ballpen. Biglang tumigas ang pagkakahawak ni Mateo sa card, ang panga niya ay nag-tiim at ang emosyon niya ay parang bagyong nagbabadya ng malakas na daluyong.“Tumakbo ka ng ganito kalayo—para lang isauli ito?” Tanong niya ng hindi makapaniwala.“Oo naman, bakit?” Hindi na naghahabol ng paghinga si Natalie. Namumula pa rin ang pisngi nito na tila nahihiya. Pagkatap

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 220

    Hindi ito itinanggi ni Mateo. Huli na rin kung itatanggi pa niya ito. Mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Lalo lamang nainis at nalito si Natalie dahil sa ginawa ni Mateo. “Bakit mo ginawa ‘yon?”Mula sa lohikal na pananaw, para kay Natalie ay mas makabubuti kapag inamin na niya ang totoo sa lolo niya. Kapag nalaman nilang hindi naman talaga siya ang ama ng dinadala, mas madali sana ang lahat. Maaring magalit ito pero hindi na nila kailangang maghiwalay ng masalimuot. Kung inamin na sana ni Mateo ang totoo, tapos na sana ang lahat. Ngunit hindi iyon ang pinili niyang gawin.“Ano sa tingin mo?”Bumaba ang tingin ni Mateo kay Natalie, ang mga mata ay may halong inis at pagkawala ng tiwala. Nagtataka siya kung bakit tila wala itong ideya sa mga nangyayari.“Hindi na natin dapat pa dagdagan ang sama ng loob ni lolo. Nangyari ang lahat ng ito ng malaman niyang naghiwalay tayo. Sa palagay mo ba, kapag sinabi kong hindi ko anak ang batang nasa sinapupunan mo, hindi siya mulin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 219

    Pinagplanuhang mabuti ni Natalie ang oras ng pagdalaw niya kay Antonio. Sinadya niyang pumunta sa ospital sa oras na alam niyang nasa trabaho si Mateo. Hangga’t maaari, iniiwasan niya ang anumang uri ng alanganing komprontasyon sa pagitan nilang dalawa sa ospital. Kilala niya ang lalaki, magkakasagutan talaga sila kahit sa harapan pa ng matanda at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng antiseptic sa ospital, nagdulot ito ng parehong ginhawa at kaba sa kanya. Nagtanong na rin siya sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Antonio para hindi siya mahirapang hanapin ito. Bago pumasok, pinuno muna niya ng hangin ang baga. Tahimik ang silid nito, banayad na pumapasok ang liwanag ng umaga sa bahagyang nakabukas na kurtina. Pumasok na siya ng dahan-dahan.Nakataas ng bahagya ang kama ni Antonio, may IV drip ito at kasalukuyang tulog. Ayaw sana niyang istorbohin ang pahinga nito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kama para masuri ang mga monitor nito. Maayos nama

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 218

    “Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 217

    Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 216

    Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 215

    “Sorry, hindi ko matandaan kung sino ka, Miss.” Nakakunot ang noo ni Drake. Alam niyang nagkita na sila noon pero hindi lang niya maalala kung saan. Isang magaan na tawa ang nagmula sa babae at mapagbirong tinitigan si Drake. “Hindi mo talaga ako nakikilala?” Umiling si Drake. “Hindi.” “Ano ka ba, ako ‘to. Si Jean. Jean Marcos! Naaalala mo ba yung tabachingching na batang babaeng nakatirintas ang buhok at parating nakasunod sayo?” Dahil sa deskripsiyon na iyon, unti-unting nagliwanag ang memoryang iyon kay Drake. Bumalik sa isipan niya ang imahe ng isang malusog na batang babae na laging nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Matalik na magkaibigan ang pamilya Pascual at Marcos sa loob ng maraming taon. Ang nanay ni Jean at ang nanay niya ay matalik na magkaibigan noon pa man. “Jean? Ikaw na ‘yan?” Napangiti si Drake. “Oo, naalala ko na. Grabe, ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta ka na?” Malaki ang pinagbago ni Jean. And dating tabac

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status