Share

KABANATA 84

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-10-14 16:54:11
“Nakikipaghiwalay?” Tanong ni Mateo sa sarili. Pakiramdam niya hindi naman talaga sila naging opisyal na mag-nobyo. Ang pagkakamali lang niya ay pinangakuan niya ito ng kasal. “Yes, ganoon na nga.”

Nagbago bigla ang timpla ni Irene, namutla siya. “Hindi, ayokong maghiwalay tayo…”

“Irene, hindi ko alam kung hanggang kailan ka maghihintay.” Para kay Mateo, ang paghihintay ng walang kasiguraduhan ay hindi nararapat. Pinagmasdan niya ang babae. “Gusto kong malaman mo na hindi maapektuhan ng paghihiwalay natin ang future projects mo.” Iyon na lang ang magagawa niya para rito----parang bayad na din niya sa sakit na ibinigay niya sa babae.

Iniwan na siya ni Mateo, nagpahid ng luha si Irene. Sa sobrang galit niya ay binalibag niya ang lamesa at nagliparan ang mga baso at plato sa kung saan-saan. Puno siya ng galit at paghihiganta habang pinagtitinginan siya ng mga taong naroon sa café.

“Hindi pa tayo tapos, Natalie!”

Pagkatapos ng mahabang meeting ni Mateo, bumalik na siya sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
nesmy magusib
Ganda Ng kwento
goodnovel comment avatar
Kurtmalou Villacacan
deserve hahaha wawa nman irene hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 85  

    Tiningnan lamang ni Antonio ang apo matapos ipaalam dito ang hindi pag-uwi ni Natalie. “Hmm, wala ka pa ring pinagbago, apo. Paano mo nagagawang pagsalitaan ng ganyan ang asawa mo?”Iniwas ni Mateo ang mga mata. “Lo, w-wala naman po akong sinabing masama. Pero saan ba kasi siya nagpunta?” “Tinatanong mo ako?” Napaismid si Antonio. “Sa pagkakaalam ko, ikaw ang asawa. Kung hindi niya sinabi sa 'yo kung saan siya pupunta----siguro panahon na para magnilay-nilay ka, baka may nagawa ka.” “Ako, magnilay-nilay?” Natawa si Mateo. “Syempre alam ko kung saan siya nagpunta. Tinawagan niya ako pero nasa meeting ako kaya hindi ko nasagot…” Hindi inaalis ni Antonio ang tingin sa apo. Hindi na matiis ni Mateo ang ginagawa sa kaniya ng lolo niya. “Lolo, bakit ganyan kayo makatingin?” “Kasi hindi ka magaling magsinungaling, Mateo.” Napikon siya sa sinabi ng matanda kaya umakyat na siya sa kwarto nila. Ang una niyang ginawa matapos isara ang pinto ay ang tawagan ang babae. “Tingnan ko lang ku

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 86  

    Magulo at maingay sa maliit na ospital ng maliit na bayan na iyon sa Zambales. Lahat ng naroon ay naghahanda para magbigay ng agarang atensyong medical sa mga naapektuhan ng pagguho ng lupa doon. Malayo ito sa kinaroroonan nina Natalie pero isa siya sa mga reresponde sa pinangyarihan kasama sina Nilly at Marlo. “Natalie! Okay ka na? Akyat na sa truck!” Utos ni Marlo sa kanila ni Nilly. “Eto na!” Nagmamadali si Natalie, bitbit niya ang medical kit at sterilization kit sa mga bisig niya. “Akin na yung iba, Nat,” alok ni Nilly. Maagap nitong kinuha ang mga dala niya. Sa tulong ng dalawa niyang kasama ay nakaayat siya sa itaas ng malaking truck ng walang kahirap-hirap. Ilang minuto lang ay nasa paanan na sila ng bundok. Makapal pa ang mga puno sa bahaging iyon at wala pang konkretong daan paakyat. “Mula dito, maglalakad na tayo,” paliwanag ni Marlo, dinampot nito ang mga mabibigat na dala nila na parang wala lang ito. Dumikit si Nilly kay Natalie at bahagya siyang siniko, “alam

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 87

    Nauutal si Nilly ng masigurong hindi nga siya namalikmata. “A-anong…M-ateo…a-anong…gina..” Maiksi ang pisi ni Mateo. Salubong ang kilay nito ng muling magsalita. “Nilly, tinatanong kita, anong nangyari kay Natalie?” Ramdam ni Marlo na kailangan na nilang kumilos kaya siya na ang nagpaliwanag sa bagong dating. Wala siyang iniwang detalye, lahat ay ikinwento niya. “Hindi namin siya matawagan at sigurado akong walang signal doon.” Habang nakikinig si Mateo, unti-unting nagdilim ang ekspresyon nito sa mukha. Kahit sino ay masasabing hindi ito natutuwa sa mga nangyari, lalo na sa taong may pakana ng lahat. “Tsk. Hindi man lang nag-iingat.” Hindi na siya nag-aksaya pa ng isang segundo. Tiningnan niya ang mga kasama. “Ivan, Tomas, Alex, pupunta tayo sa danger zone.” “Yes, sir.” Sabay-sabay na sagot ng tatlo. Narating ng grupo nina Mateo ang danger zone ng landslide at nagsimulang magtanong-tanong. Gaya nga ng sabi ni Marlo, wala sa mga naroon ang nakakita kay Natalie. Wala ni isa

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 88  

    Wala ni isa sa kanila ang nagsalita ng magtama ang mga mata nila. Parehong malakas ang tibok ng mga puso nila, sa sobrang lakas ay halos dinig nila ang isa’t-isa. “Ayaw mo ba?” Mababa ang boses ni Mateo habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang labi ni Natalie. “Tinatanong kita, Nat. Hindi mo ba gusto kapag hinahalikan kita?” Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Natalie, parang wala siyang boses kaya wala siyang masabi. Ng wala siyang maisagot sa tanong sa kanya, muling sinakop ng labi ng Mateo ang labi niya. Kahit na ilang oras na sa loob ng gubat na iyon---mabango pa rin si Natalie, halos mabaliw siya sa amoy ng babae. Isang boses ang nanggambala sa espesyal na sandali nila. “Mr. Garcia!” Si Natalie ang unang bumalik sa realidad. Itinulak pa niya ng marahan palayo si Mateo sa kanya. Dahil sa ginawa niyang iyon, napaismid ang lalaki at napagbuntungan ng inis niya ang lalaking umistorbo sa kanila. “Ano!?” Ang lalaking iyon ay isang local guide na kasama ng rescue team. Dahil

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 89  

    Nawala ang antok ni Nilly sa pagsulpot ni Mateo sa sleeping quarters nila at karga-karga si Natalie. Hindi pa siya nakaka-recover ay bumalik na naman ito para magtanong. Hindi lang basta tanong ang mga iyon. Personal ito at may aura si Mateo na mahirap tanggihan kaya tumango na lang siya. “O-oo. May karelasyon siya dati.” Ang unang naisip ni Mateo ay marahil ang lalaking iyon ang ama ng batang dinadala ni Natalie. Aminin man niya o hindi, nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Para hindi mahalatang apektado siya, pinilit niyang maging kalmado at ngumiti ng sapilitan. “Nillly, kilala mo ba kung sino ang lalaking ito? I need a name.” Nag-alinlangan muna si Nilly, “hindi mo siya kilala, pero ang pangalan niya ay Drake Pascual. Siya ang bunsong anak ng may-ari ng Pascual Tech. Pamilyar ka ba sa kanila?” “Drake Pascual.” Ang pangalang iyon ay parang isang malakas na daloy ng kuryente na tumama sa kanya. Syempre kilala niya ang lalaking ‘yon. Nagkuyom ang mga kamao niya habang pin

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 90

    Sa affiliated hospital… Pababa na sana si Natalie ng sasakyan. Pero napansin niyang tila may gustong sabihin sa kanya si Mateo. Minabuti niyang maging mabagal para bigyan ito ng panahon at hindi nga siya nagkamali. “Nat…” Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. “May sasabihin ako.” “Ano ‘yon?” Pero hindi pa nakakabwelo ng sagot ang lalaki ay may tumawag na kay Natalie mula sa labas. “Natalie! Halika na! Male-late na tayo!” Nakagat ni Natalie ang labi. Kailangan na niyang bumaba. “Mauna na ako, kailangan ko nang mag-duty, eh. Kung gusto mo, pagkatapos ng duty, pwede nating pag-usapan ulit kung ano man ang sasabihin mo. May sasabihin din naman ako sa ‘yo.” Biglang bumalik ang gana sa mga mata ni Mateo dahil sa narinig. “Sige. Sabi mo ‘yan, ha?” Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Natalie. Bumaba na siya ng sasakyan at pinuntahan ang mga kasamang intern. Marami silang gagawin ngayon kaya kailangan nila ang lahat ng tao na meron sila para sa registration at patient transfers. Nar

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 91  

    Mahigpit ang pagkakakapit ni Irene sa bewang ni Mateo. “Nagisip-isip ako over the past two days, Mateo. Hindi ko talaga kaya…” Tinitigan ni Mateo ang babaeng nasa mga bisig niya. Gusto niyang maawa pero nagkunot lang ang noo niya. “Irene…” Bigla na lang pumasok si Natalie sa opisina niya at mabilis ding lumabas. Marahil ay dahil sa naabutan niya sa loob. Nagulat pa si Alex ng makita ang babae dahil namumutla ito. “Miss Natalie, galing po kayo sa loob?” Pinilit ni Natalie ang ngumiti pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata niya. “Ha, oo. Pero paalis na din ako. Busy siya. Huwag mo na lang sabihin na nandito ako.” Mabilis niyang linisan ang lugar na iyon. Hindi niya kayang manatili doon kahit na isang segundo lang. Kung tutuusin ay isang minuto lang ang itinagal niya doon pero sa loob ng isang minutong iyon----sinampal na siya ng katotohanan. Galing siya sa ospital bago dumaan doon, puno pa siya ng pag-asa at ngayon ay durog na durog ang pag-asang iyon. Dahil lang s

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 92  

    Pababa na sa underground parking lot si Mateo, panay pa din ang pag-dial niya sa cellphone number ni Natalie pero hindi ito sumasagot. Nakabalik na sa ospital si Natalie. Tinutulungan niya ang medical team para mag-empake at maghanda para sa pag-alis nila. Sa katunayan, ginusto niyang sumama ulit sa huling team pero hindi niya itinuloy. Ngayon, parang gusto na lang niyang makipag-palitan sa kanila dahil wala naman siyang dahilan para manatili. Patuloy sa pagba-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng white coat niya. Sinilip niya iyon at nakitang si Mateo ang tumatawag. Para hindi na siya maistorbo, inactivate niya ang airplane mode. Dumating si Mateo sa ospital at naabutan pa niyang paalis na ang medical team. Hinarang siya ng guwardiya. “Bawal po mag-park dyan, sir. Doon lang po pwede sa central parking lot.” Sabi pa nito sa kanya. Sinunod niya ang utos sa kaniya kahit na naiinis siya. Dumiretso siya sa emergency reception desk para magtanong. “Excuse me, hinahanap ko si Dok Na

    Huling Na-update : 2024-10-14

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 210

    Naghihintay ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan ni Isaac ng pinto ang boss niya. Matapos masigurong nakasakay na si Mateo at tsaka pa lang nito tinungo ang driver’s seat. Mula naman sa kinaroroonan nina Drake, kitang-kita niya si Mateo. Kahit saan magpunta ang lalaki ay lumulutang ang presensya nito. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit umalis na lang ito ng basta-basta. Malaki ang posibilidad na nakita sila nito. Naguluhan si Drake, minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa kasama. Abala si Natalie sa pag-aayos ng strap ng bag niya. Interesado sana si Drake at gusto niyang magtanong pero itinago na lang niya iyon. “Nat, kayo ba ni…” simula sana niya, ngunit naputol ang kung anong sasabihin sana niya ng titigan siya ni Natalie. “Kalimutan mo na.” Ang gusto sana niyang itanong ay kung paano nagagawa nina Mateo at Natalie na ipakita na wala na silang pakialam sa isa’t-isa, oo, hiwalay na sila pero hindi pa naman iyon ganoon katagal. Kung ituring nilang dalawa ang isa’t-is

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 209

    Nagkatinginan ng alanganin sina Isaac, Alex at Tomas. Tanging ang mahinang ugong ng pagpanhik ng elevator lang ang maririnig dahil sa katahimikan nila. Ultimo paghinga nila ay maingat, paminsan-minsan ay tinatapunan nila ng mabilis na tingin ang boss nila na matikas na nakatayo ngunit halata namang may bumabagabag sa kanyang isipan. Awtomatikong nagsasara ang pintuan ng elevator, bigla na lang pinigilan ni Mateo ang tuluyang pagsara nito. “Sir!” Bulalas ni Isaac ng makita ang matalim na bahagi ng gilid ng pintong bakal na tumama sa kamay ng amo. “Anong ginagawa mo?” “Ah,” ungol ni Mateo dahil sa pagkakaipit ng kamay pero nagtagumpay siya dahil bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Nagsilapitan sina Isaac at ang iba na puno ng pag-aalala. “Sir, kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang. Gagawin naming. Huwag mong saktan ang sarili mo!” Sermon ni Isaac. Hinarap ni Mateo ang mga tauhan matapos alisin ang kamay sa pinto. “Ayos lang ako.” Si Mateo mismo ay nagulat sa sarili niy

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 208

    Dito na napagtanto ni Natalie na nagsinungaling sa kanya si Drake. Habang unti-unti niyang pinagtagpi-tagpi ang katotohanan, bumagsak siya sa maliit niyang sofa. Hawak pa rin niya ang sulat galing Wells Institution, nanginginig pa siya. Kung ganoon, si Drake na ang nagbayad ng mga bayarin para sa evaluation at malinaw rin na ito ang sasagot sa buong programa ng kapatid. Parang tinitirintas ang kanyang sikmura habang bumalot sa kanya ang muling pagkabigo. “Kahit kailan talaga, Drake…hanggang kailan mo ba gusto na may utang na loob ako sayo?” Isinubsob ni Natalie ang mukha sa mga palad. Ayaw niya ng ganito. Ang mga pagkakataong ganito ay nagdudulot ng bigat sa kanya dahil alam niyang mahihirapan siyang tumbasan ito. Sa loob ng maraming taon, marami na siyang natanggap galing kay Drake—lahat ng iyon ay higit pa sa kaya niyang bayaran. Ang dagdag na bigat na ito ay lalong nagpalubha sa kanyang nararamdaman. Sa halip na direkta niyang harapin si Drake, napagpasyahan ni Natalie na ta

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 207

    “Panaginip lang ‘to,” usal ni Natalie sa sarili. Napako siya sa kinatatayuan. Ramdam niyang tila bumigat ang hangin. Pamilyar na pamilyar ang tinig na ‘yon. Kumulo ang dugo ni Natalie at sumiklab ang inis sa kanyang dibdib ng makita kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Ang kanilang ama. Si Rigor Natividad. “Anong ginagawa niya dito?” Muling tanong ni Natalie sa isip. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Ibang klase din ang kanilang ama, may gana pa itong guluhin si Justin sa kabila ng ginawa nila ng asawa niya sa kanila. Nagkuyom ang mga kamao ni Natalie at dahan-dahang pumasok sa loob. Puno siya ng tanong at hinala. Sa loob ng silid, nakaluhod si Rigor sa harapan ni Justin at may hawak na makulay na lollipop. Masayahin din ang tinig nito. “Justin, anak. Tingnan mo kung ano ang hawak ko. Hindi ba paborito mo ‘to?” Ngunit hindi siya pinapansin ng bata. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Nakatuon ang atensyon nito sa laruan. Nakasa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 206

    Kanina, maingat niyang pinaghiwalay ang sarili niyang mga gamit mula sa mga mamahaling bagay. Hindi maitatangging magaganda iyon at minsan siyang natuwa dahil nagkaroon siya ng mga ganoong bagay. Pero ngayon, parang hindi niya kayang ariin o gamitin alinman sa mga ‘yon. Maingat niyang tinupi ang bawat piraso at itinabi ang mga ito hanggang sa makapag-desisyon siya kung ano ang gagawin sa mga gamit na ‘yon. Naputol ang malalim na pag-iisip ni Natalie nang mag-vibrate ang kanyang telepono. Si Nilly ang tumatawag sa kanya kaya maagap niyang sinagot ito. “Nilly,” sumigla ang boses ni Natalie. “Nasaan ka na? Nandito ka na ba?” [Buksan mo kaya ang gate!] Sagot ni Nilly sa kabilang linya. Nagmadali si Natalie na tunguhin ang gate. Laking gulat niya ng makitang hindi ito nag-iisa. Kasama ni Nilly si Chandon na may simangot sa mukha. Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita ang mga kahon at maleta sa loob ng bahay. “Chandon, anong ginagawa mo dito?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya mu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 205  

    Alas otso na ng gabi. Biglang tumunog ang telepono ni Natalie. Nang tingnan niya ang screen, nakita niyang si Tomas ang tumatawag sa kanya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?” “Nat, papunta ako dyan sa inyo sa Taguig.” Diretsong sabi nito. “Nasa bahay ka ba?” Nagtaka si Natalie. “Sa Taguig? Bakit mo ako pupuntahan doon, Tomas?” “Inutusan kasi ako ni sir,” agad itong nagpaliwanag. “Si Ben ang nag-empake ng mga naiwan mong gamit, tapos ako naman ang maghahatid dyan sayo. Sabi kasi sa bahay sa Taguig ka titira.” Tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie. Inaasahan na niya ang mangyayari pero iba pa rin pala kapag nangyari na ito. “Ah, ganoon ba. Pero wala ako doon.” “Walang problema,” kalmado ang sagot ni Tomas. “Hihintayin kita.” Wala nang nagawa pa si Natalie, “sige.” Pagkatapos ng tawag na iyon, kinuha na ni Natalie ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng pintuan. Mas mabilis sana siyang makakarating doon kung nagbook siya ng sasakyan, pero dahil we

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 204

    “Inaamin ko naman, Mateo, eh. Dahil sa hindi ko pag-iingat, lumala ang kondisyon ni lolo,” sabi ni Irene na sinabayan pa ng panginginig ng boses at pagtulo ng luha. “Ganito na lang, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Gusto mo bang maglabas ako ng pahayag para linawin ang lahat?” Tahimik lang si Mateo sa kinauupuan niya. Naroon pa rin ang simangot sa mukha niya habang iniisip ang bigat ng sitwasyon na kinakaharap niya. Matagal bago ito muling nagsalita. “Hindi na kailangan, tapos na rin naman ang lahat. Pabayaan mo na lang.” “Pabayaan na lang?” Inulit ni Irene ang sinabi ng lalaki para makasigurong tama siya ng dinig. “A-anong ibig mong sabihin sa pabayaan na lang?” “Umalis na si Natalie sa bahay sa Antipolo. Nakapagpasya na ako, paninindigan kita at ang bata.” Natigilan si Irene. Nasapo niya ang sariling bibig sa gulat at para na din mapigilan ang sarili na mapahiyaw sa kagalakan. Nagulat siya sa umpisa pero agad naman niyang naunawaan ang sinabi ni Mateo. Mataga

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 203

    Sa lahat ng mga napuntahang establisimyento ni Mateo, ang mga ospital na yata ang lugar kung saan hindi natutulog ang mga tao. Lagi itong bukas para sa lahat at kailanman ay hindi ito nagpatay ng mga ilaw. Kahit may liwanag ng araw ay may mga silid itong nakabukas pa din ang ilaw. Ngunit pakiramdam ni Mateo ay nababalot siya ng mabigat at madilim na ulap. Ang tunog ng iba’t-ibang aparato at monitor na nakakabit sa mga pasyente, ang banayad na yapak ng mga nurse—-dinig niyang lahat ng iyon ngunit paulit-ulit pa rin ang alingawngaw ng mga salitang binitawan sa kanya ni Natalie sa kanyang isipan. “Hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan, Mateo. Ayaw na kitang makita. Kung magkikita man tayo, ituturing kita na hindi ko kakilala.”  Ni minsan ay hindi niya akalaing masasaktan siya dahil lang sa mga salitang galing sa isang babae. Nagkamali siya dahil napakasakit pala. Parang punyal itong paulit-ulit na humiwa sa kanyang dibdib at nag-iwan ng isang sugat na hindi gumagaling. Hindi la

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 202

    “Gusto kong malaman kung mas maganda ba kaysa kay Natalie, Mateo. Mas mahinahon at maunawain? Mas maalaga ba ang babaeng artista na iyon kaysa sa asawa mo?! Ano ang pumasok dyan sa kokote mo para gawin mo ito? Hindi kita pinalaki para maging isang salawahang asawa, Mateo!” Dumadagundong ang boses ni Antonio. Hindi pa nasiyahan ay sinabayan pa nito ng matalim na tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa marmol na sahig. Napuno ang sala ng galit at tila bulkan itong malapit ng umabot sa rurok at pumutok.  Tahimik lang at natiling nakatayo lang si Mateo. Ang ulo niya ay nakatungo at hindi niya masalubong ang tingin ng lolo niya habang sinesermonan siya. Ramdam niya na tila sinasakal siya sa tindi ng tensyon sa paligid, napakagulo ng sitwasyon—kasing gulo ng kanyang damdamin ngayon. Dahil sa kawalan ng sagot mula kay Mateo, lalo lamang umigting ang galit ni Antonio. Matalim ang mga titig na tinatapon nito sa kanya. Mahal siya ng lolo niya kaya ang makitang ganito ang pakikitungo sa kanya

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status