Share

KABANATA 88  

Wala ni isa sa kanila ang nagsalita ng magtama ang mga mata nila. Parehong malakas ang tibok ng mga puso nila, sa sobrang lakas ay halos dinig nila ang isa’t-isa.

“Ayaw mo ba?” Mababa ang boses ni Mateo habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang labi ni Natalie. “Tinatanong kita, Nat. Hindi mo ba gusto kapag hinahalikan kita?”

Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Natalie, parang wala siyang boses kaya wala siyang masabi. Ng wala siyang maisagot sa tanong sa kanya, muling sinakop ng labi ng Mateo ang labi niya. Kahit na ilang oras na sa loob ng gubat na iyon---mabango pa rin si Natalie, halos mabaliw siya sa amoy ng babae.

Isang boses ang nanggambala sa espesyal na sandali nila. “Mr. Garcia!”

Si Natalie ang unang bumalik sa realidad. Itinulak pa niya ng marahan palayo si Mateo sa kanya. Dahil sa ginawa niyang iyon, napaismid ang lalaki at napagbuntungan ng inis niya ang lalaking umistorbo sa kanila.

“Ano!?”

Ang lalaking iyon ay isang local guide na kasama ng rescue team. Dahil
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status