Share

KABANATA 93

Biglang naalala ni Natalie ang sinabi ng lalaki na pagtulong sa bunsong kapatid. “Tungkol ba ‘yan kay Justin?”

[Nangako ako diba?] Natawa pa ito. [Syempre, tutuparin ko iyon. Tinutupad ko ang mga pinangako ko, Nat.]

Dahil tungkol ito sa kapatid niya, hindi na nagtanong pa si Natalie. “Okay, sige. Tawagan mo ako ulit kapag nandito ka na.”

[Syempre naman.]

Napangiti si Drake pagkatapos ng tawag na iyon. Kahit na para kay Justin ang ginagawa niya, okay na din. Iyon lang ang paraan para muli siyang patuluyin ni Natalie sa buhay nito. Gusto niyang maging bahagi siya ng buhay nito ngayon at maging dependent ito sa kaniya hanggang sa ito na mismo ang makiusap na manatili siya.

Lumakas lalo ang buhos ng ulan. Sinipat ni Nilly si Natalie na nakatayo sa may bungad ng pintuan. “Grabe, may bagyo ba? Parang gigil na gigil ang langit, ah. Tsaka, kanina ka pa dyan, may hinihintay ka ba? Malapit ka ng tubuan ng ugat dyan.”

Hindi pa siya tapos sa pambubuska sa kaibigan ay muli itong nag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status