Makalipas ang ilang araw, binisita ni Drake ang Garcia Corporation. Masusi niyang sinunod ang mga prosesong kailangan para sa partnership ng Pascual Technology sa kumpanya nila at ngayong araw ay may meeting siya kasama si Mateo Garcia. Dinala siya ng sekretarya nito sa isang maliit na conference room. Pagka-upo ni Drake, pumasok na si Mateo. Muli siyang tumayo. “Mr. Garcia.” “Mr. Pascual, please, maupo ka.” Hindi nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinag-usapan ang collaboration ng mga kumpanya nila. Natuwa naman si Mateo sa kapasidad ni Drake at napagdesisyunan niyang pirmahan na ang deal. “It’s a pleasure working with you,” sabi ni Mateo. “I’m grateful for your trust, Mr. Garcia. I look forward to a fruitful partnership.” Gaya ng nakagawian, isang piging ang nakahanda para sa tagumpay ng dalawang kumpanya. “Mr. Pascual, hindi mo ba kami sasamahan mamaya sa dinner?” “Maraming salamat. Hindi sa hindi ko gustong kumain kasama kayo pero may prior commitment kasi ako
Kumpara kina Natalie, mas maagang dumating ang grupo nina Mateo doon. Nagsilapitan sina Stephen at Aries sa kanila at huling-huli nila ang pagtingin ni Mateo kay Natalie, halos hindi na ito kumukurap. “Alam mo, noong una, nagiisip pa ako kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, dito sa isang putchu-putchung park mo kami hinatak---yun pala, yung misis ng isa dyan ay narito.” Tukso ni Aries sa kanya. As usual, hindi siya pinansin ni Mateo, naglakad ito papunta sana kina Natalie, pero bigla itong tumigil. Nagdadalawang-isip ito. Si Mateo Garcia ay hindi nagdadalawang-isip kung kaya para itong isang palabas na pinapanood ng mga kaibigan. “Hala, ano kayang problema? Wala silang ticket? Hindi mo ba tutulungan ang asawa mo?”Sarkastiko ang ngiting namutawi sa labi ni Mateo. “Ang tanong, kailangan ba talaga niya ng tulong ko?” “Natalie!” Dumating si Drake, kakapark pa lang nito ng sasakyan. “May problema ba?” “Meron…ganito ang nangyari…” nagsimula ng magkwento si Natalie, baka
Sa pagkakataong ‘yon, agad na napansin ni Natalie ang kakaibang kislap sa mga mata ni Mateo. Ngunit agad niya rin iyong iwinaksi sa isipan niya dahil baka isa lamang iyong ilusyon. Minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon kaya sasabihin niya na ang dapat niyang sabihin sa lalaki. Dahan-dahang lumapit si Mateo sa kaniya. Hindi nito inaalis ang mga mata sa babae. “Ano ‘yon?” Nang mapagtanto ni Natalie kung gaano kalapit ang mukha ni Mateo sa kaniya, agad niyang naramdaman ang pagtalbog ng kaniyang puso. Makalipas ang ilang saglit ay naapuhap niya na ang mga salitang nais niyang sabihin. Pinilit niya ang sarili huwag magpakita ng kung ano mang emosyon sa kaniyang mukha o boses. “Mateo, tigilan mo na ang pagiging mabait mo sa ‘kin.” Siguro nga ay may kung ano sa koneksyon na mayroon sila. At inaamin niya na hinayaan niya ang sarili niyang magpadala roon. Ngunit sinampal na siya ng katotohanan. Si Mateo ay nobyo ni Irene. Hindi siya pumayag na makipaghiwalay rito sa papel dahil gu
“Huh?” Napatingin si Mateo sa babaeng nasa di kalayuan. Nakatalikod ito sa kanila pero base sa pagtaas at pagbaba ng balikat nito ay batid niyang umiiyak ito. Naningkit ang mata niya ng makilala ito. “Si Natalie ba ‘yon? Bakit siya umiiyak?” Ibinaling niya ang paningin sa tauhang nasa bandang likuran niya. “Alex, alamin mo kung ano ang nangyayari.” “Yes, sir.” Pawang mga hindi kanais-nais na salita lang ang nangibabaw sa isipan ni Mateo nang makitang nakapatong ang mga kamay ni Drake sa mga balikat ni Natalie. Gustuhin man niyang itago, may hindi maipaliwanag na galit sa kalooban niya. Galit na sapat para mag-apoy ang galit sa mga mata niya. … “Diyos ko po, lahat ng ito ay kasalanan ko,” bakas ang pagsisisi at sakit sa tinig ni Drake. “Hindi ko nabantayan si Justin. Pero, Nat…nakausap ko na ang manager dito. Hinahanap na ng mga staff nila si Justin.” Kanina lang ay napakasaya nila. Masyadong nag-enjoy si Justin. Hindi nga ito halos magkandamayaw sa pagparoon at pagparito ka
Kung saan-saan na sila naghanap. Ngunit ayaw panghinaan ng loob si Mateo. Mahal na mahal ni Natalie ang nakababatang kapatid at alam niya kung gaano kahalaga sa babae ang nawawalang bata. Ito na lang ang natitirang pamilya nito. Kung kailangan niyang baliktarin ang buong park ay gagawin niya. Ring! Ring! Telepono iyon ni Mateo, mabilis naman niyang sinagot ang tawag. “Okay, good. Papunta na ako dyan.” Tumigil siya saglit at pagkatapos ay idinugtong, “sabihan niyo din si Drake.” [Pero sir…] Nagaalinlangan si Alex sa kabilang linya dahil sa inutos sa kanya ni Leo kanina. Pare-pareho nilang gustong maging maayos ang estado ng relasyon ng boss nila at ni Natalie. [Sigurado po ba kayo na sasabihan natin si Mr. Drake Pascual?] Mabilis na uminit ang ulo ni Mateo. “Bingi ka ba? Kailangan ko pa bang ulitin ang mga sinabi ko, Alex?” [H-hindi po, sir. Sasabihan ko din po agad si Mr. Pascual.] Tinapos n ani Mateo ang tawag na iyon at tinungo ang likurang bahagi ng building na iyon. Ang
Dahil sa sinabing iyon ng boss nila, parehong nalito sina Alex at Tomas. Hindi nila lubos akalain na ganon ang mangyayari. Malayong-malayo ito sa gusto sana nilang maging takbo ng senaryo. Ang buong akala nila ay hihintayin nila ang pagdating ni Natalie doon at magpapasalamat ito sa kanila lalo na sa boss nila dahil ito naman talaga ang nakahanap at nakapagpababa ng bata mula sa batuhan. “Drake, huwag mo na sanang sasabihin pa kay Natalie ang tungkol dito.” Paalala ni Mateo. Labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Hiniling sa kanya ni Natalie na huwag maging mabait sa kanya kaya iyon ang ginagawa niya. … “Justin!” Humahangos si Natalie. Matapos niyang matanggap ang tawag galing kay Drake ay halos liparin niya ang kinaroroonan ng kapatid. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog ang kapatid kaya agad niyang sinuri ang buong katawan nito para makasigurong talagang ligtas ito. Tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. “Thank you, Drake. Pasensya na tal
“Anong sabi?” Tanong ni Natalie sa kaibigan matapos nitong ibaba ang tawag. “Nat, sabi nila, ang mga notification raw para sa taong ito ay pinadala via physical mail. Pinapadala daw nila ito sa mga home address na nakasaad sa application ninyo. Sabi sa akin ng nakausap ko, pinadalhan ka daw ng notification sa bahay niyo at ang tumanggap ay si Irene.” Nag-alinlangan pa si Nilly bago ituloy ang sasabihin, “Nat, mukhang sinabotahe ng step sister mong pinaglihi kay Satanas!” Nawala ang kulay sa maamong mukha ni Natalie dahil sa narinig. Malaki nga ang posibilidad na mangyari ang bagay na iyon dahil normal na gawain na iyon nina Janet at Irene. Bagama’t inasahan na niyang hindi siya makakapasa, hindi niya pa rin inaakalang mabibigo siya dahil sa pananabotahe ni Irene. “Nat,” kinunsulta ni Nilly ang wristwatch nito. “Alas diyes pa magsisimula ang interview, may oras pa.” Tsaka lang napagtanto ni Natalie na hindi siya pwedeng sumuko ng ganon kadali. Kailangan niyang makuha ang noti
“Anong kaguluhan ang nangyayari dito?” Tanong ni Rigor. Nagmadali siya ng makarinig ng ingay mula sa pangalawang palapag ng bahay. Nadatnan niya ang asawang nakaupo sa sahig at umiiyak ng walang tigil. “Janet, diyos ko po! Napaano ka?” “Rigor! Ang magaling mong anak, si Natalie! Siya ang may gawa ng lahat ng ito! Tatawag ako ng pulis!” Masama ang mga tingin na tinatapon ni Natalie sa madrasta. Sa inis niya ay dinuraan niya ito sa mukha. “Ahhh!” Sigaw ni Janet ulit. “Nakita mo na? Nasisiraan na siya ng bait! Nakita mo kung anong ginawa niya sa akin at sa kwarto ni Irene? Gawain pa ba yan ng isang matinong tao? Ano, hahayaan mo lang na lapastanganin niya ako at si Irene?” Bago pa man madepensahan ni Natalie ang sarili laban sa mga akusasyon ng madrasta ay mabilis ng nakalapit si Rigor sa anak at dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Natalie. “Huwag mong hayaang masampal pa kita ulit, Natalie. Humingi ka ng tawad kay Janet, ngayon din! Napakawalang-galang mo!” Hinim
“Ano ka ba, Mateo. Bisita namin kayo,” nag-alinlangan pa ang matandang babae.“Honey, hayaan mo na sila.” Saway ng matandang lalaki sa asawa. “Asikasuhin mo na lang ang dinner natin mamaya.”“Ay, oo nga pala.” Nakangiting tugon ng babae. “Oh, siya, paano ba ‘yan…”“Salamat po, ako na po ang bahala sa kanya,” magalang na sabi ni Mateo sa babae.Napatawa ito ng mahina, may kislap ng kasiyahan sa mga matandang babae. “Napakabuti mong asawa, Mateo. Ingatan mo at buntis ang asawa mo.”Nakaawang ang bibig ni Natalie sa palitan ng salita ng tatlo ngunit hindi siya nagsalita para itama ang maling akala ng mag-asawa. Tumango lang si Mateo ay marahang hinawakan ang kamay ni Natalie para akayin paakyat sa kahoy na hagdan. Ang bawat hakbang nila ay nagdulot ng langitngit sa kahoy.Pagdating nila sa guest room, binuksan ni Mateo ang pinto at pinapasok si Natalie sa loob. Namangha siya, simple ngunit maaliwalas ang loob ng kwarto---may nakahanda ng mga sariwang kumot, tuwalya at comforter para sa l
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
“Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai
Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa
May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal