Dahil sa sinabing iyon ng boss nila, parehong nalito sina Alex at Tomas. Hindi nila lubos akalain na ganon ang mangyayari. Malayong-malayo ito sa gusto sana nilang maging takbo ng senaryo. Ang buong akala nila ay hihintayin nila ang pagdating ni Natalie doon at magpapasalamat ito sa kanila lalo na sa boss nila dahil ito naman talaga ang nakahanap at nakapagpababa ng bata mula sa batuhan. “Drake, huwag mo na sanang sasabihin pa kay Natalie ang tungkol dito.” Paalala ni Mateo. Labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Hiniling sa kanya ni Natalie na huwag maging mabait sa kanya kaya iyon ang ginagawa niya. … “Justin!” Humahangos si Natalie. Matapos niyang matanggap ang tawag galing kay Drake ay halos liparin niya ang kinaroroonan ng kapatid. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog ang kapatid kaya agad niyang sinuri ang buong katawan nito para makasigurong talagang ligtas ito. Tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. “Thank you, Drake. Pasensya na tal
“Anong sabi?” Tanong ni Natalie sa kaibigan matapos nitong ibaba ang tawag. “Nat, sabi nila, ang mga notification raw para sa taong ito ay pinadala via physical mail. Pinapadala daw nila ito sa mga home address na nakasaad sa application ninyo. Sabi sa akin ng nakausap ko, pinadalhan ka daw ng notification sa bahay niyo at ang tumanggap ay si Irene.” Nag-alinlangan pa si Nilly bago ituloy ang sasabihin, “Nat, mukhang sinabotahe ng step sister mong pinaglihi kay Satanas!” Nawala ang kulay sa maamong mukha ni Natalie dahil sa narinig. Malaki nga ang posibilidad na mangyari ang bagay na iyon dahil normal na gawain na iyon nina Janet at Irene. Bagama’t inasahan na niyang hindi siya makakapasa, hindi niya pa rin inaakalang mabibigo siya dahil sa pananabotahe ni Irene. “Nat,” kinunsulta ni Nilly ang wristwatch nito. “Alas diyes pa magsisimula ang interview, may oras pa.” Tsaka lang napagtanto ni Natalie na hindi siya pwedeng sumuko ng ganon kadali. Kailangan niyang makuha ang noti
“Anong kaguluhan ang nangyayari dito?” Tanong ni Rigor. Nagmadali siya ng makarinig ng ingay mula sa pangalawang palapag ng bahay. Nadatnan niya ang asawang nakaupo sa sahig at umiiyak ng walang tigil. “Janet, diyos ko po! Napaano ka?” “Rigor! Ang magaling mong anak, si Natalie! Siya ang may gawa ng lahat ng ito! Tatawag ako ng pulis!” Masama ang mga tingin na tinatapon ni Natalie sa madrasta. Sa inis niya ay dinuraan niya ito sa mukha. “Ahhh!” Sigaw ni Janet ulit. “Nakita mo na? Nasisiraan na siya ng bait! Nakita mo kung anong ginawa niya sa akin at sa kwarto ni Irene? Gawain pa ba yan ng isang matinong tao? Ano, hahayaan mo lang na lapastanganin niya ako at si Irene?” Bago pa man madepensahan ni Natalie ang sarili laban sa mga akusasyon ng madrasta ay mabilis ng nakalapit si Rigor sa anak at dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Natalie. “Huwag mong hayaang masampal pa kita ulit, Natalie. Humingi ka ng tawad kay Janet, ngayon din! Napakawalang-galang mo!” Hinim
Hindi lang basta isang pagkakataon ang graduate school admission letter na iyon. Para kay Natalie, ito na lang ang natitirang paraan nilang dalawa ng nakababatang kapatid. Iyon ang daan para magkaroon sila ng marangal na pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap at pagtatagumpayan niya iyon. “Sabi ng bitawan mo ako!” Nakawala mula sa pagkakasabunot ni Natalie si Irene. Dinuro pa siya nito habang may isang nakakalokong ngiti sa labi. “Syempre, Natalie! Alam na alam ko kung gaano kaimportante sayo ang sulat na iyon, kaya nga siniguro kong hindi mo makukuha ‘yon. Wala na, sinira ko na!” “Hindi…” Nanlaki ang mga mat ani Natalie sa narinig at nagsimulang manginig ang mga labi niya. “Ulitin mo ang sinabi mo!” “Ang sabi ko,” inayos pa ni Irene ang nagkalat niyang buhok. Mayabang niyang hinarap ulit ang kapatid. “Bingi ka ba? Ang sabi ko, wala na ang admission letter na hinahanap mo dahil sinira ko na ‘yon!” Sinundan iyon ng nakakabinging halaklak mula rito. Ligayang-ligaya itong
Napapalibutan si Natalie ng mga gwardiya. Lahat sila ay determinadong gampanan ang tungkulin nila. Dalawa sa kanila ay tinangkang lumapit at sinubukang hawakan siya. “Huwag ninyo akong hahawakan!” Sigaw ni Natalie. Gamit ang hindi sugatang kamay, dahan-dahan siyang tumayo. “Hindi ka makakaalis dito, miss!” Giit ng manager ni Irene. Nakahalukipkip ito at may ngiting nakausli sa mga labi. “Sinaktan mo ang isa sa mga tao ko, wala kang kawala dahil kitang-kita sa CCTV ang lahat. Papunta na ang mga pulis dito!” Hindi man lang nagpatinag si Natalie. Ikinagulat ito ng manager dahil imbis na matakot ay nagawa pa nitong ngumiti. “Ah, ganoon ba? Sige, walang problema. Hihintayin ko na lang sila dito.” Maging ang mga gwardya ay nagulat sa reaksyong ito mula sa babaeng nanakit sa isa sa mga artista nila. Kalmado ito at umupo sa pinakamalapit na upuan na para bang walang nangyari sa silid na iyon. Napatigil at napaisip ang manager, sa palagay niya ay hindi man lang ito natatakot. Pumasok
Naumpisahan na niya kaya hindi na niya magawang pigilan pa ang sarili. Nag-atubili pa si Mateo noong una dahil pangingialam nga naman ang ginagawa niya sa mga personal na gamit ni Natalie subalit nanaig pa rin ang kuryosidad niya kaya imbes na ibalik sa loob ang unang sobreng nakita niya, lalo pa niyang binuksan ang paperbag. Doon tumambad sa kanya ang sangkaterbang sulat---lahat ng iyon ay galing kay Drake. Ang paper bag na hawak niya ay puno ng love letter. Dahan-dahan niyang ibinalik ang mga iyon sa loob ng paper bag. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng panlalamig. Nawala na ang interes niyang magbasa pa. -- Hindi na niya mahanap si Natalie sa presinto kaya nagpasya na siyang hanapin ito sa labas. Nag-kotse na siya para kung sakaling nakalayo na ito, mabilis niya itong masusundan. Hindi nga siya nagkamali dahil natanaw niya sa bungad ng gate ng presinto ang babaeng kanina pa hinahanap. Binusinahan niya ito ng ilang ulit pero hindi siya pinansin ni Natalie. Sa ini
“Natalie!” Kinakabahan si Mateo, mabilis niyang binuhat si Natalie. “Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin na kita sa ospital!” Sa tindi ng sakit na nararamdaman, wala nang nagawa si Natalie kundi ang tanggapin ang tulong na inaalok ni Mateo sa kanya. Simula kasi nang malaman niyang buntis siya, hindi pa siya nakakaranas ng ganoong klase ng kirot. Si Natalie naman ang kinabahan dahil sa ideyang namumuo sa isipan niya---marahil ay ang bata na ang mismong nagpasya---hindi na nito hinintay pa ang magiging desisyon niya. Ni hindi nga alam ng tatay ng batang nasa sinapupunan niya na isa na siyang ama. At kung sakaling nalaman man nito, marahil ay hindi rin nito tanggapin ang batang pinagbubuntis niya. At ang ina? Mahina. Litong-lito. Sa dami ng hinaharap niyang hamon sa buhay, wala ng lugar ang isa pang inosenteng tao sa buhay niya. “Diyos ko po, ito na ba yun?” Tanong niya sa sarili. Humigpit ang pagkakapit ni Natalie sa kuwelyo ni Mateo, sapat para umumbok ang mga ugat nito sa leeg.
Nagkaroon ng mga pira-pirasong panaginip si Natalie. Ang ilan sa kanila ay hindi niya maalala pero may mangilan-ngilang nanatili sa isipan niya dahil ang mga ito ay bangungot na nakakatakot, bawat isa ay mas nakakatakot kaysa sa huli. “Ah…” Nagising siyang balot ng malamig at malagkit na pawis. Ang lamig na iyon ay tagos hanggang sa mga buto niya. “Nat…” Ang pamilyar an tinig na iyon ay maingat siyang tinatawag. Ang buong akala ni Natalie ay bahagi pa iyon ng kanyang bangungot. Mabuti na lang ay naramdaman niya ang isang mainit at marubdob na yakap. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong gising na siya at kung sino ang nagmamay-ari ng mga matigas na bisig na yumayakap sa kanya. Itinaas niya ang ulo ng dahan-dahan, kumpara sa itsura niya kagabi, mas maayos na ang pakiramdam ni Natalie ngayon. “Natalie,” marahang sambit ni Mateo. “May nararamdaman ka ba? M-may masakit pa ba sayo?” Kasabay ng pag-aalala na iyon ay ang awtomatikong pag-abot sa kanyang noo para makit
Magniningning ang mga mata ni Nilly sa determinasyon habang papalapit kay Natalie. Matagal na niyang kinukumbinsi ang kaibigan na ipaglaban ang karapatan nito. At kahit na may mga inaalok sa kanya si Mateo, alam ni Nilly na hindi to tatanggapin ng kaibigan. Pero ibang usapan kapag sarili niyang karapatan ang nakataya. “Come to think about it, dati, hindi ka lumalaban dahil alam mong wala kang panalo. Pero iba na ngayon---si Rigor mismo ang nagbukas ng pagkakataon para sayo. Senyales na ito galing sa universe, Nat! Kaya pakiusap, huwag mong sayangin ito!”Nag-alinlangan si Natalie, isang palatandaan ang paglalaro niya ng mga daliri sa kanyang kandungan. “Hindi ko lang maintindihan kasi, Nilly. Bakit ngayon? Nagbago na ba talaga siya? Hindi mawala sa isip ko na siguradong may dahilan siya.”“Eksakto!” Sang-ayon ni Nilly. “Isipin mo, kung may plano nga ‘yang tatay mo, may karapatan kang kunin ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Nasa tamang gulang ka na at ikaw ang tumatayong guardia
Kung tutuusin, hindi naman ito ang unang beses na pinuna ni Mateo si Natalie ng ganoon, kung meron mang hindi kumupas, iyon ay ang sakit ng mga salita galing sa kanya. Tumigil sa paghakbang palayo si Natalie. Mistulang napako siya sa kinatatayuan, litong-lito at muling sinubukan unawain kung saan nagmumula ang galit nito.“Mag-isip ka, Natalie! Ano nga ba ang hindi mo maintindihan?” Tanong niya sa sarili. Alam niyang nagkamali siya at alam niyang sa dami ng mga araw na pwede siyang magkamali----nataon pa sa araw na iyon.Umikot siya at humakbang pabalik kung nasaan ito at may sinseridad na nagsalita. “Mali ako dahil na-late ako at dahil sa akin, maantala ang mga plano niyo. Gusto mo bang magpa-reschedule ako para bukas ng umaga?”Humagalpak ng tawa si Mateo. Ang mukha ay nanatiling kalmado ngunit ang kanyang madilim na mga mata ay nag-aalab ng malinaw na mensahe ng pagkadismaya.“Busy akong tao, Natalie at hindi ko pwedeng pagbigyan kung kailan mo lang maisip na gawin ito. May kumpany
Hindi man magsalita si Mateo, alam n ani Isaac na hindi na ito natutuwa sa pagdaan ng mga oras. Likas na maikli ang pasensya ng boss niya at hindi ito sanay na naghihintay. Dalawang tasa na ng matapang na kape ang naubos nito ngunit imbes na maging aktibo ito---tila lalong lumalim ang inis sa bawat galaw ng kamay ng malaking orasan na nakasabit sa pader.Hindi maisatinig ni Isaac pero hindi niya maiwasang magtanong. “Ano bang ginagawa ni Natalie? Sinasadya ba talaga niyang subukin ang pasensya ni sir?”Palubog na ang araw at humahaba na ang mga anino sa lobby ng family court, wala pa ring pinagbago, mabigat at tahimik pa rin ang atmospera doon. Paminsan-minsan ay sinisira ng malakas na pag-ring ng telepono ni Natalie ang katahimikan. Ngunit, ganoon pa rin. Wala pa ring sagot.**Alas singko na ng matapos ang kabuuan ng operasyon.“Naku po!” bulong ni Natalie sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis. Pagkatapos ay tinungo ang opisina para kunin a
Maagang nagising si Natalie. Magiging abala siya buong maghapon kaya napagpasyahan niyang simulant ang araw ng mas maaga kaysa nakasanayan niya. Abala siya sa pagsuot ng uniporme sa trabaho nang mag-vibrate ang telepono niya. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, saglit siyang natigilan bago sagutin ang tawag.“Hello?”[Natalie,] mahinahon na bungad sa kanya ni Jose Panganiban sa kabilang linya. [May oras ka ba mamayang hapon? Kung oo,Kung oo, pwede na nating puntahan ang family court para tapusin ang proseso.]Parang malamig na simoy ng hangin ang mga salitang iyon kay Natalie. Alam niyang mabilis na abogado si Jose Panganiban pero hindi niya inakalang mabilis din pala ito.“Ang bilis naman.”Sa palagay ni Natalie ay naging epektibo ang pag-arte ni Irene kagabi kaya hindi na nag-aksaya ng oras pa si Mateo at sinimulan na ang lahat. Ang isiping iyon ay nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib, ngunit maagap naman niyang napigilan.Sa mahinahong tono, may sagot si Natalie. “Sure, may
“Magalit ka na lang, saktan mo ako. O maglabas ka ng sama ng loob, murahin mo ako---matatanggap kong lahat ‘yon. Pero hindi ito. Huwag ito, Nat. Hindi ko kakayanin! Hindi ko tatanggapin! Please, huwag mong gawin sa akin ito!” Nanginginig na pakiusap ni Drake. Puno ng desperasyon ang bawat salitang binitawan.“Drake,” malumanay na sagot ni Natalie. Nagningning ang mga mata dahil sa luhang hindi niya pinapayagang bumagsak habang magkatitig sila. “Kumalma ka muna. Pakinggan mo ako, okay?”Ang pagkakasabi ni Natalie ay banayad, halos nakakaaliw ngunit hindi rin makaila na naroon ang distansya. Labis itong naghatid ng kirot sa puso ni Drake ngunit tumango pa rin siya kahit alanganin. Pilit niyang pinipigilan ang bagyo ng damdaming nag-aalimpuyo sa loob niya.Sa hindi kalayuan, isang itim at magarang sasakyan ang nakaparada sa kanto. Mababa ang huni ng makina, ang nakasakay ay nagmamasid lang. Nasa likuran si Mateo---ang kanyang matalas na mga mata ay naka-focus sa dalawang pigurang nakatay
Biglang tumigas ang mga matalim na linya sa mukha ni Mateo at ang dati niyang matatag na tingin ay nagpakita ng alinlangan. Ang mga sinabi ni Irene sa kanya ay may bigat at bumalot sa kanya kaya saglit siyang nagdalawang-isip. Madali ang magsinungaling, ngunit kapag tungkol kay Natalie ang usapan, tila imposible para sa kanya ang maging mapanlinlang.“Irene,”mahinahon niyang simula, kalmado ang boses ngunit mahina. “Minsan siyang naging asawa ko. Kung may mangyari sa kanya o kung maging mahirap ang buhay niya, hindi ko pwedeng balewalain ‘yon. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”Natigilan si Irene, ang hininga at tila naputol habang ang mga salita ni Mateo ay parang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Ang katapatan ni Mateo ay parang espadang matalim na humiwa sa kanyang humihinang kumpyansa.“P-pero…paano naman ako?” Nagawa niyang itanong sa nanginginig na boses, hayag ang kanyang kahinaan.Napabuntong-hininga si Mateo, parang pagod na ito. “Irene, ikaw ang pinili ko.
Magkaibang-magkaiba ang dalawang babae. Kung anong ikinakalma, ikinahinahon at itinatag ni Natalie, ay siyang kabaligtaran naman ng galit na galit na reaksyon ni Irene. Hinahayaan lang ni Natalie na maglabas ng sama ng loob ang babae. Sa totoo lang, nauunawaan niya kung ano ang pakiramdam ng makita ang kasintahan kasama ang ex nito---ngunit hindi din naman siya santo. May hangganan ang kanyang simpatya.“Hindi ako lapit ng lapit sa nobyo mo,” paliwanag ni Natalie. Nanatili pa rin siyang kalmado. “Sa maniwala ka o hindi, nagkataon lang talaga.”“Ha!” Muling tumawa ng mapait at nakakainsulto si Irene, napailing din ito at muling tumaas ang boses dahil hindi pa rin ito naniniwala. “Talaga lang, ha? Kung ganoon, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ang tagal mong pirmahan ang mga papeles ng diborsyo kung wala ka talagang pakialam at talagang nagkataon lang ‘to.”Natigilan si Natalie, nabigla siya sa narinig at nalipat ang mga nagtatanong niyang mata kay Mateo.“Irene, kasalanan ko ‘yon,”
Hindi nagkamali si Mateo, makalipas ang limang minuto, muling bumalik si Natalie. Ang una niyang tinapunan ng tingin ay si Mateo. Naabutan pa niyang tila pinariringan ng lalaki si Drake kaya agad itong tumigil at ibinaling ang tingin palayo.Sunod naman pinuna niya si Drake. “Bakit narito ka pa? Hindi ba kailangan niyo ng umalis? Sige na, umalis ka na.” Malumanay na wika ni Natalie, ang tono ng pananalita niya ay ganoon pa din. Malamig at may distansya.Nagdalawang-isip si Drake ngunit halata ang pag-aalala sa mga mata. “Salamat, Nat. Ihahatid ko lang si Jean pauwi sa kanila. Babalik ako kaagad para sayo. Pangako. Please, huwag kang magalit o masyadong mag-isip ng kung ano-ano, ha? Wala lang ‘to.”Ngumiti si Natalie ng bahagya, ang ekspresyon ay hindi mabasa. “Sige.”“Hintayin mo ako,” paalala pa ni Drake bago umalis dahil nauna na sa paglalakad si Jean.Habang lumalayo ang dalawa, naiwan ang nakakabagabag na katahimikan. Saglit lang ang ginawang pagtapon ng tingin ni Natalie sa papal
Samantala, balot ng nakakailang na katahimikan ang paligid sa labas ng conference room na iyon. Nakapwesto malapit sa may pintuan si Mateo at nakasandal sa pader. Ang matalas niyang mata ay nakatuon sa nakasarang pinto. Habang nasa di kalayuan naman sina Jean at Drake, lahat sila ay hindi mapakali. Isang napakabigat na tensyon ang nasa pagitan nila.Nabasag lamang ang katahimikan ng mag-ring ang telepono ni Jean. Sinagot naman niya iyon kaagad. “Ma? O-opo, tapos na po ang dinner party. Pauwi na po ako.”Matapos niyang ibaba ang tawag, bumaling siya kay Drake ng may alinlangan sa mukha. “Drake, si mama ‘yon. Sabi niya, kailangan ko ng umuwi dahil malalim na ang gabi.”Tinapunan siya ng mabilis na tingin ng lalaki, pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa pinto. “Mauna ka na, mag-taxi ka na lang, hihintayin ko si Natalie.”Inaasahan na ni Jean ang bagay na ‘yon pero nag-atubili pa rin siya ng kaunti. “S-sigurado ka ba?”Tumango si Drake, may tatag sa boses nito. “Oo, kailangan ko siyan