“Natalie!” Kinakabahan si Mateo, mabilis niyang binuhat si Natalie. “Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin na kita sa ospital!” Sa tindi ng sakit na nararamdaman, wala nang nagawa si Natalie kundi ang tanggapin ang tulong na inaalok ni Mateo sa kanya. Simula kasi nang malaman niyang buntis siya, hindi pa siya nakakaranas ng ganoong klase ng kirot. Si Natalie naman ang kinabahan dahil sa ideyang namumuo sa isipan niya---marahil ay ang bata na ang mismong nagpasya---hindi na nito hinintay pa ang magiging desisyon niya. Ni hindi nga alam ng tatay ng batang nasa sinapupunan niya na isa na siyang ama. At kung sakaling nalaman man nito, marahil ay hindi rin nito tanggapin ang batang pinagbubuntis niya. At ang ina? Mahina. Litong-lito. Sa dami ng hinaharap niyang hamon sa buhay, wala ng lugar ang isa pang inosenteng tao sa buhay niya. “Diyos ko po, ito na ba yun?” Tanong niya sa sarili. Humigpit ang pagkakapit ni Natalie sa kuwelyo ni Mateo, sapat para umumbok ang mga ugat nito sa leeg.
Nagkaroon ng mga pira-pirasong panaginip si Natalie. Ang ilan sa kanila ay hindi niya maalala pero may mangilan-ngilang nanatili sa isipan niya dahil ang mga ito ay bangungot na nakakatakot, bawat isa ay mas nakakatakot kaysa sa huli. “Ah…” Nagising siyang balot ng malamig at malagkit na pawis. Ang lamig na iyon ay tagos hanggang sa mga buto niya. “Nat…” Ang pamilyar an tinig na iyon ay maingat siyang tinatawag. Ang buong akala ni Natalie ay bahagi pa iyon ng kanyang bangungot. Mabuti na lang ay naramdaman niya ang isang mainit at marubdob na yakap. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong gising na siya at kung sino ang nagmamay-ari ng mga matigas na bisig na yumayakap sa kanya. Itinaas niya ang ulo ng dahan-dahan, kumpara sa itsura niya kagabi, mas maayos na ang pakiramdam ni Natalie ngayon. “Natalie,” marahang sambit ni Mateo. “May nararamdaman ka ba? M-may masakit pa ba sayo?” Kasabay ng pag-aalala na iyon ay ang awtomatikong pag-abot sa kanyang noo para makit
Ilang araw na ang lumipas, napagkasunduan ng magkaibigang sina Natalie at Nilly na magkita para mananghalian. Ikinuwento ni Natalie kung ano ang nangyari sa kanila ni Irene. Halos mahati sa dalawa ang pinggan ni Nilly dahil sa paulit-ulit na pagbagsak ng kutsara at tinidor dito dahil doon na lamang nito inilalabas ang galit para sa mga nangyari sa matalik na kaibigan. “Naku! Naku! Kung hindi sayo nangyari ang mga bagay na ‘yan, hindi talaga ako maniniwala na may ganyang klase ng pamilya sa mundo! Akala ko sa teleserye lang meron nyan, eh.” Isang tipid na ngiti na lang ang naging sagot niya sa panggagalaiti ng kaibigan. Nakakapagtaka pero masasabi ni Natalie na lumipas na ang matinding daluyong ng emosyon niya, ang galit niya ay humupa na rin. Bukod doon, alam din niyang kailangan niyang magpatuloy sa buhay. “Nilly, atin-atin na lang ang nangyari, okay? Huwag na sanang makarating pa ito kay Chandon. Alam mo naman ‘yon.” Paalala ni Natalie. Kung hindi niya uunahan ng paalala si N
“Si Drake yun, ah.” Sambit ni Amanda, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Teka, si…si Natalie ba ang kasama niya?” Gusto niyang makasigurado kaya tinanggal niya ang suot na sunglasses. May kasamang babae ang anak niya at malakas ang kutob niya na si Natalie iyon. May edad na siya at hindi na ganoon kalinaw ang paningin niya kaya sinundan niya ang dalawa. Kabisado niya ang mga tindahan malapit sa opisina ng anak at alam niyang sa kapihan papunta ang dalawa. --Nag-order si Drake ng brownies at fresh orange juice para kay Natalie. “Nat, okay na ba sayo ang mga ito?” “Oo, okay lang,” tipid na sagot niya. Sa loob-loob niya ay napangiti siya dahil kabisado pa rin nito ang paborito niya. “Okay ba ang lasa?” Tanong ulit ni Drake matapos tikman ni Natalie ang brownies. “Mmm. Masarap.” “Mabuti naman,” dahil hiningal kanina, minabuti ni Drake na uminom muna ng tubig. Ang sumunod na tanong galing kay Natalie ay muntik nang magpabuga ng tubig mula sa bibig niya. “Drake, nasaan
Hindi mapigilang manginig ng mga kamay ni Natalie habang mahigpit na hinahawakan ang strap ng kanyang handbag. “Mauuna na po ako.” Umalis na siya at hindi na hinintay pa ang sagot ni Amanda. Nagmadali na siyang makaalis sa lugar na iyon, malayo sa mga mapanghusgang mata ng mga taong nakarinig ng mga masasakit na salita at kay Amanda mismo. Nang mga oras na iyon, palabas na din si Drake ng coffee shop. Nakita niyang papalayo ang babae kaya tinawag niya ito. “Natalie!” “Drake!” Bago pa siya makalayo, mahigpit siyang nahila sa braso ng ina. “At saan ka pupunta? Huwag mong sasabihing hahabulin mo pa ang babaeng ‘yon?” Tsaka lamang napansin ni Drake ang ina na mukhang kanina pa naroon. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito dahil sa gulat. “Mama? A-anong ginagawa mo dito?” Pagkatapos, naisip niyang nangyari ang bagay na kinatatakutan niya kaya tumaas ng bahagya ang boses niya sa ina. “Ano na naman ang sinabi niyo kay Natalie, Ma? Nilait mo na naman ba siya? Hindi ba talaga k
Habang kumakain sila, napansin ni Mateo ang isang kakatwa at kakaibang bagay: anumang ilagay ni Antonio sa pinggan ni Natalie ay kinakain nito ng walang reklamo. Sa tuwing mauubos na ang pagkain ni Natalie, kinakain nito ang idinadagdag pa ng matanda doon. Hindi ito naglagay ng kahit ano sa pinggan niya. “Oh, Mateo. Hindi ba masarap ang kaldereta? Bakit ganyan ka makatitig?” Masama ang tingin ng matanda sa kanya. Halatang naiinis ito sa apo. “Ni hindi mo man lang alam kung paano alagaan ng maayos ang asawa at magiging anak mo.” Nagtaas ng kilay si Mateo dahil sa sinabi ng lolo niya pero nanatiling tahimik lang. Sa lagay na ‘yon, ayaw na niyang salubungin pa ang inis ng matanda sa kanya. -- Nakabalik na sila sa kwarto, agad na tinungo ni Mateo ang walk-in closet niya para magpalit ng damit pantulog. Naabutan niya si Natalie na nakatayo sa harap ng malaking salamin, ang kamay ay nakapatong sa tiyan at marahang hinihimas ito. Kahit na tatlong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis
Hatinggabi na. Napadaan si Mateo sa tapat ng pintuan ng kwartong pinaghahatian nila ni Natalie. May kakaibang pakiramdam na pumigil sa kanya. Ang balak sana niya ay magtimpla ng kape sa kusina pero hindi na niya itinuloy, walang pagdadalawang-isip na binuksan niya ang pinto at pumasok. Malamlam ang ilaw na dulot ng nakasinding lampshade sa gilid. Malinaw niyang nakikita ang paligid. Lumapit siya sa kama kung saan himbing na himbing sa pagtulog si Natalie. Umupo si Mateo sa gilid ng kama kung saan mas malapitan niyang napagmamasdan ang maamong mukha ng babae. Napakapayapa niya sa ganoong estado. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit naitanong sa kanya ni Natalie iyon. Sumagi din sa isipan niya na baka hindi gustong panagutan ni Drake ang batang nasa sinapupunan nito. Hindi niya na rin maintindihan ang sarili niya, parang nalulungkot siya. Isang matalim na kirot ang nanaig sa puso ni Mateo. Aminin man niya o hindi, niyanig siya nito kaya bigla
Kung kanina ay napakasaya niya, ngayon naman ay parang binawi ang lahat ng ligayang nakamtan niya kani-kanina lamang. Napako sa kinatatayuan niya si Natalie. Ilang sandali na ang lumipas pero hindi pa rin rumerehistro sa isipan niya ang kasalukuyang nangyayari. Nasa harapan niya ang ama. Hinugot nito ang waller nito mula sa bulsa ng suot na pantalon. Sa kabila ng modernisasyon at teknolohiya ng pagbabangko---isa ito sa mga taong mas pinipiling magdala ng pisikal nap era. Kumuha ito ng ilang papel na salapi, mga lilibuhin at inabot sa kanya. “Kung wala kang budget, kunin mo ito. Kung may kailangan pa kayo ni Justin, magsabi ka lang.” Hindi pa rin makapagsalita si Natalie. Buong buhay nila ni Justin, binaliwala na sila ni Rigor. Naninibago siya sa pinapakitang malasakit nito ngayon sa kanya. Hindi pa rin niya tinatanggap ang inaalok nitong pera sa kanya. Si Rigor na ang mismong naglagay nito sa kamay niya. “Kunin mo na, tatay mo pa rin ako.” Dito na nagising si Natalie, binawi
Napatingin ang salesperson kay Mateo at halatang naiilang sa malamig at tila mapang-usig nitong titig. Nagsimula ding manginig ang kamay nito at natatarantang binawi ang telepono mula sa kamay ni Natalie. “H-hindi nga po bagay, sir.”“Mateo!” Singhal ni Natalie. Namumula ang pisngi nito sa inis. “Wala ka bang ibang magawa?”Napangiti si Mateo ng mapang-asar. “Meron. Sinasamahan kitang bumili ng telepono. Ako din ang magbabayad kaya may karapatan akong makialam kung anong telepono ang paggagastusan ko.” Naglakbay ang mga mata niya sa estante ng mga naka-display na telepono hanggang sa tumigil ito. “Ayan, pakikuha.”“Sige po. Sandali lang po.” Agad na tumalima ang salesperson. Natataranta ito, marahil ay nakilala na si Mateo.Nakita ni Natalie ang presyo ng teleponong tinuro ni Mateo---tumataginting na 57,000 pesos iyon. Halos malaglag ang kanyang panga. Ang halagang iyon ay sapat na para sa ilang buwan niyang gastusin para sa simple niyang pamumuhay.Agad niyang pinigilan si Mateo sa p
Sa dilim na bumabalot sa espasyo ng elevator, naging mas malinaw ang pakiramdam ni Natalie. Hindi niya makita si Mateo ngunit ang bigat ng ulo nito na nakasandandal sa kanyang balikat at ang bigat ng paghinga nito ay may sinasabing kakaiba sa kanya. Kilala niya ang lalaki at hindi ito aamin kung may masakit sa kanya. Tulad din ito ng maraming kalalakihan na iniisip na ang pag-amin na nasasaktan ay nakakabawas sa kanilang pagkalalaki.Ngunit sigurado si Natalie na may mali.Parang may mali.“Mateo,” tanong niya muli. “Nasaktan ka ba?”Isang mahinang ungol ang narinig niya mula sa lalaki---isang kumpirmasyon ng kanyang hinala. Nasaktan nga ito at hindi lang siya gustong mag-alala.“Saan? Saan ka nasaktan?” Naging mas matindi ang kanyang pagkabahala sa puntong iyon. Pumiglas siya mula sa pagkakarga nito sa kanya ngunit matigas ang pagkakahawak nito. Hindi natitinag. “Ibaba mo ako. Titingnan ko kung anong problema. Kung malala, kailangan nating kumilos kaagad at baka maimpeksyon ‘yan.”Sa
Ang muling pagkalabog ng elevator bago ang tuluyang pagtahimik nito ay nagdulot ng kilabot kay Mateo, ngunit gaya ng dati, pinili niyang itago ang pangamba sa ilalim ng walang emosyong mukha. Mas gusto niya ng ganoon dahil hindi makakabuti para sa kalagayan ni Natalie ang takot. Mabilis siyang nag-isip at sinuri ang sitwasyon habang unti-unti silang nilamon ng dilim dahil nalaglag sa sahig ang telepono niya at wala siyang makita.“Aaaaah! Mateo?!” Tawag ni Natalie sa kanya. Natataranta ito at kahit hindi niya nakikita, alam niyang kasabay ng pagtawag ng pangalan niya ay ang pagtulo ng luha nito. “Ayoko pang mamatay! Kawawa ang kapatid ko!”“Nat! Nandito ako! Hindi, huwag mong isipin ang bagay na ‘yan! Hindi ‘yan mangyayari.” Sigurado siya dahil hindi niya hahayaan iyon.Awtomatiko niyang inabot ang braso ni Natalie at hinila ito ng marahan palapit sa kanya. Ang mahigpit na yakap na binigay niya kay Natalie ay puno ng proteksyon at ang kanyang katawan ay nagsilbing kalasag para sa baba
Malalim na huminga si Mateo, pilit niyang pinaalalahanan ang sarili na magpigil lalo na at nasa ospital sila kasama ang kanyang lolo. Ilang ulit niyang sinabi sa sarili na magpigil. Nasira niya ang telepono ni Natalie. Alam din niyang hindi tamang gumawa siya doon ng eksena.Tinawagan niya si Isaac. Ilang segundo lang ay konektado na ang linya. “Isaac, gusto kong silipin mo ang records ng Immigration Office. Gusto kong malaman ang lahat ng detalye tungkol sa application ni Natalie---alamin mo lahat, kung saan siya pupunta, bakit, kailan at kung sino ang kasama niya. Gawin mo ng mabilis. Unahin mo ‘yan.”“Sige, aasikasuhin ko kaagad.” Pangako ni Isaac sa isang propesyonal na paraan.Binaba na ni Mateo ang tawag at dahan-dahang nagbuga ng hangin, iyon lang ang paraang alam niya para maitago ang kumukulong inis. Sunod niyang tinawag ang isang nurse at itinuro ang mga basag na piraso ng telepono sa sahig.“Pakilinis ng kwarto ni lolo,” malamig niyang utos. “At isa pa, huwag mong ikukwento
“Magpakatatag ka, Natalie.” Paalala niya sa sarili habang pinipigilan ang panginginig. “Hindi ito ang oras para maging mahina, tandaan mo ‘yan. May layunin ka---ang mabawi ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Paisa-isa lang, ang mahalaga ay gumagalaw ka. Hindi mo pwedeng hayaan na manaig ang emosyon mo. Gamitin mo parati ang utak mo!”Muli niyang iginala ang kanyang mga mata sa apartment. Ang mapuputing pader ay nakikitaan na niya ng potensyal.Para sa mga Natividad, ito ay isang ordinaryong apartment lamang, isang ordinaryong ari-arian. Hindi ito ang pinaka-kabuhayan nila. Kaya marahil ay hindi nila mararamdaman kung sakaling mapunta sa kanya ang titulo nito. Ibang usapan para sa kanya ang biglaang pagmamalasakit ni Rigor---ito ay kailangan niyang harapin ng may tiyaga at maayos na estratehiya. Kung may pinaplano man ang ama, dapat ay handa siya. Kailangan niyang sumugal.“Ang ganda ng apartment na ito,” sinadya niyang maging magiliw. “Gustong-gusto ko ito.”Lumitaw ang malaking
Iba ang kasiyahan na bumalot kay Mateo. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti ngunit pinanatili niyang kalmado ang ekspresyon. Paalis na sana siya ng bumukas muli ang pinto at lumabas muli si Nilly.“Oh, nandito ka pa?” Bumaba ang tingin nito sa dala niyang kahon ng cake. “Para kay Natalie ba ‘yan?”“Oo, sana.”“Akin na, nagugutom ako, eh.” Nakangising sabi nito. “Sakto, lalabas pa sana ako para bumili ng meryenda, sayang naman kung itatapon mo lang.”Napangiti si Mateo. Umaayon talaga sa kanya ang panahon dahil may naisip pa siyang itanong dito. “Sige ba. Pero may itatanong ako ulit.”“Ito naman, pahihirapan pa ako.” Nagkamot ng ulo si Nilly. “Ano ‘yon?”“Sigurado ka bang sinabi ni Natalie na hindi na niya mahal si Drake?”Nag-atubili si Nilly at hatalang hindi komportable na ikwento ang personal na isyu ng kaibigan kay Mateo. “Um, ang eksaktong sinabi niya sa akin ay ‘hindi ko na siya mahal’.”“Perfect.”Ang mga salitang iyon ay karagdagang gamot sa sugatang pride ni Mateo. Unt
Ang mapanuyang mga salitang binitawan ni Natalie ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na silid. Ang madilim at tahimik na pasilyo ay sumasalamin sa bagyong namumuo sa mga mata ni Mateo. Siya na rin ang unang bumitaw sa titigan nila, gayunpaman, sinubukan pa rin niyang maghanap ng kahit na anong palatandaan na maaaring magpalambot ng pagkakait ni Natalie ng emosyon.“Nat,” bungad niya ng puno ng depresyon. “Kailangan ba talaga na sa isang lalaking may asawa ka makipagrelasyon?”Bumigat lalo ang tensyon sa pagitan nila. Isang malamlam at mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Natalie, inasahan niyang may isasagot sa kanya ang babae pero nanatili itong tahimik at lalo lang itong nagpaliyab sa apoy ng galit ni Mateo.“Hindi mo ba ako narinig?” Sumabog na ng tuluyan ang inip at galit nito, sabay hakbang palapit. Ramdam ni Natalie ang init ng hininga nito sa sobrang lapit. “Ano na ba ang naibigay niya sayo? Sagutin mo ako! Ano man ‘yon, kaya kong ibigay ng doble o kahit isang daang beses pa
Ang larawang natagpuan niya sa pitaka ng ama ay parang kidlat na tumama kay Natalie. Ang babaeng nasa larawan ay puno ng sigla at saya at ang kanyang maliwanag na ngiti ay pamilyar ngunit bahagi na lang ng isang magandang alaala nila pareho.Si Emma Natividad, ang kanyang pinakamamahal na ina ang babaeng nasa larawan. Minsan na niyang nakita ang larawan na hawak niya ngayon sa pitaka ng ama pero matagal na iyon. Maraming taon na ang nakalipas. Ngunit bagong kopya ito ngayon. Parehong larawan, pero ang nakita niya noon ay luma na. Ang larawang nasa kamay niya gayon ay isang replica. Sa teknolohiya ngayon, madali na lang ang restoration process ng isang lumang larawan. Ang hindi lang malinaw sa kanya ay kung bakit naroon pa iyon at bakit pinabayaan ni Janet na maiwan ang larawan ni Emma sa pitaka ng asawa gayong para itong sinisilaban sa tuwing nababanggit ang pangalan ng yumaong ina.Ang una rin nitong ginawa noong unang dating ito sa bahay nila ay tanggalin ang lahat ng bagay na may k
Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.“Ate?”“Ano ‘yon?”“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw