Share

KABANATA 102 

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:10:48
“Huh?” Napatingin si Mateo sa babaeng nasa di kalayuan. Nakatalikod ito sa kanila pero base sa pagtaas at pagbaba ng balikat nito ay batid niyang umiiyak ito. Naningkit ang mata niya ng makilala ito. “Si Natalie ba ‘yon? Bakit siya umiiyak?”

Ibinaling niya ang paningin sa tauhang nasa bandang likuran niya. “Alex, alamin mo kung ano ang nangyayari.”

“Yes, sir.”

Pawang mga hindi kanais-nais na salita lang ang nangibabaw sa isipan ni Mateo nang makitang nakapatong ang mga kamay ni Drake sa mga balikat ni Natalie. Gustuhin man niyang itago, may hindi maipaliwanag na galit sa kalooban niya. Galit na sapat para mag-apoy ang galit sa mga mata niya.

“Diyos ko po, lahat ng ito ay kasalanan ko,” bakas ang pagsisisi at sakit sa tinig ni Drake. “Hindi ko nabantayan si Justin. Pero, Nat…nakausap ko na ang manager dito. Hinahanap na ng mga staff nila si Justin.”

Kanina lang ay napakasaya nila. Masyadong nag-enjoy si Justin. Hindi nga ito halos magkandamayaw sa pagparoon at pagparito ka
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kurtmalou Villacacan
finally na update na pala...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 103 

    Kung saan-saan na sila naghanap. Ngunit ayaw panghinaan ng loob si Mateo. Mahal na mahal ni Natalie ang nakababatang kapatid at alam niya kung gaano kahalaga sa babae ang nawawalang bata. Ito na lang ang natitirang pamilya nito. Kung kailangan niyang baliktarin ang buong park ay gagawin niya. Ring! Ring! Telepono iyon ni Mateo, mabilis naman niyang sinagot ang tawag. “Okay, good. Papunta na ako dyan.” Tumigil siya saglit at pagkatapos ay idinugtong, “sabihan niyo din si Drake.” [Pero sir…] Nagaalinlangan si Alex sa kabilang linya dahil sa inutos sa kanya ni Leo kanina. Pare-pareho nilang gustong maging maayos ang estado ng relasyon ng boss nila at ni Natalie. [Sigurado po ba kayo na sasabihan natin si Mr. Drake Pascual?] Mabilis na uminit ang ulo ni Mateo. “Bingi ka ba? Kailangan ko pa bang ulitin ang mga sinabi ko, Alex?” [H-hindi po, sir. Sasabihan ko din po agad si Mr. Pascual.] Tinapos n ani Mateo ang tawag na iyon at tinungo ang likurang bahagi ng building na iyon. Ang

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 104 

    Dahil sa sinabing iyon ng boss nila, parehong nalito sina Alex at Tomas. Hindi nila lubos akalain na ganon ang mangyayari. Malayong-malayo ito sa gusto sana  nilang maging takbo ng senaryo. Ang buong akala nila ay hihintayin nila ang pagdating ni Natalie doon at magpapasalamat ito sa kanila lalo na sa boss nila dahil ito naman talaga ang nakahanap at nakapagpababa ng bata mula sa batuhan. “Drake, huwag mo na sanang sasabihin pa kay Natalie ang tungkol dito.” Paalala ni Mateo. Labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Hiniling sa kanya ni Natalie na huwag maging mabait sa kanya kaya iyon ang ginagawa niya. … “Justin!” Humahangos si Natalie. Matapos niyang matanggap ang tawag galing kay Drake ay halos liparin niya ang kinaroroonan ng kapatid. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog ang kapatid kaya agad niyang sinuri ang buong katawan nito para makasigurong talagang ligtas ito. Tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. “Thank you, Drake. Pasensya na tal

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 105 

    “Anong sabi?” Tanong ni Natalie sa kaibigan matapos nitong ibaba ang tawag. “Nat, sabi nila, ang mga notification raw para sa taong ito ay pinadala via physical mail. Pinapadala daw nila ito sa mga home address na nakasaad sa application ninyo. Sabi sa akin ng nakausap ko, pinadalhan ka daw ng notification sa bahay niyo at ang tumanggap ay si Irene.”  Nag-alinlangan pa si Nilly bago ituloy ang sasabihin, “Nat, mukhang sinabotahe ng step sister mong pinaglihi kay Satanas!” Nawala ang kulay sa maamong mukha ni Natalie dahil sa narinig. Malaki nga ang posibilidad na mangyari ang bagay na iyon dahil normal na gawain na iyon nina Janet at Irene. Bagama’t inasahan na niyang hindi siya makakapasa, hindi niya pa rin inaakalang mabibigo siya dahil sa pananabotahe ni Irene. “Nat,” kinunsulta ni Nilly ang wristwatch nito. “Alas diyes pa magsisimula ang interview, may oras pa.” Tsaka lang napagtanto ni Natalie na hindi siya pwedeng sumuko ng ganon kadali. Kailangan niyang makuha ang noti

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 106 

    “Anong kaguluhan ang nangyayari dito?”  Tanong ni Rigor. Nagmadali siya ng makarinig ng ingay mula sa pangalawang palapag ng bahay. Nadatnan niya ang asawang nakaupo sa sahig at umiiyak ng walang tigil. “Janet, diyos ko po! Napaano ka?” “Rigor! Ang magaling mong anak, si Natalie! Siya ang may gawa ng lahat ng ito! Tatawag ako ng pulis!” Masama ang mga tingin na tinatapon ni Natalie sa madrasta. Sa inis niya ay dinuraan niya ito sa mukha. “Ahhh!” Sigaw ni Janet ulit. “Nakita mo na? Nasisiraan na siya ng bait! Nakita mo kung anong ginawa niya sa akin at sa kwarto ni Irene? Gawain pa ba yan ng isang matinong tao? Ano, hahayaan mo lang na lapastanganin niya ako at si Irene?” Bago pa man madepensahan ni Natalie ang sarili laban sa mga akusasyon ng madrasta ay mabilis ng nakalapit si Rigor sa anak at dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Natalie. “Huwag mong hayaang masampal pa kita ulit, Natalie. Humingi ka ng tawad kay Janet, ngayon din! Napakawalang-galang mo!” Hinim

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 107 

    Hindi lang basta isang pagkakataon ang graduate school admission letter na iyon. Para kay Natalie, ito na lang ang natitirang paraan nilang dalawa ng nakababatang kapatid. Iyon ang daan para magkaroon sila ng marangal na pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap at pagtatagumpayan niya iyon. “Sabi ng bitawan mo ako!” Nakawala mula sa pagkakasabunot ni Natalie si Irene. Dinuro pa siya nito habang may isang nakakalokong ngiti sa labi. “Syempre, Natalie! Alam na alam ko kung gaano kaimportante sayo ang sulat na iyon, kaya nga siniguro kong hindi mo makukuha ‘yon. Wala na, sinira ko na!” “Hindi…” Nanlaki ang mga mat ani Natalie sa narinig at nagsimulang manginig ang mga labi niya. “Ulitin mo ang sinabi mo!” “Ang sabi ko,” inayos pa ni Irene ang nagkalat niyang buhok. Mayabang niyang hinarap ulit ang kapatid. “Bingi ka ba? Ang sabi ko, wala na ang admission letter na hinahanap mo dahil sinira ko na ‘yon!”  Sinundan iyon ng nakakabinging halaklak mula rito. Ligayang-ligaya itong

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 108 

    Napapalibutan si Natalie ng mga gwardiya. Lahat sila ay determinadong gampanan ang tungkulin nila. Dalawa sa kanila ay tinangkang lumapit at sinubukang hawakan siya. “Huwag ninyo akong hahawakan!” Sigaw ni Natalie. Gamit ang hindi sugatang kamay, dahan-dahan siyang tumayo. “Hindi ka makakaalis dito, miss!” Giit ng manager ni Irene. Nakahalukipkip ito at may ngiting nakausli sa mga labi. “Sinaktan mo ang isa sa mga tao ko, wala kang kawala dahil kitang-kita sa CCTV ang lahat. Papunta na ang mga pulis dito!” Hindi man lang nagpatinag si Natalie. Ikinagulat ito ng manager dahil imbis na matakot ay nagawa pa nitong ngumiti. “Ah, ganoon ba? Sige, walang problema. Hihintayin ko na lang sila dito.”  Maging ang mga gwardya ay nagulat sa reaksyong ito mula sa babaeng nanakit sa isa sa mga artista nila. Kalmado ito at umupo sa pinakamalapit na upuan na para bang walang nangyari sa silid na iyon. Napatigil at napaisip ang manager, sa palagay niya ay hindi man lang ito natatakot. Pumasok

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 109 

    Naumpisahan na niya kaya hindi na niya magawang pigilan pa ang sarili. Nag-atubili pa si Mateo noong una dahil pangingialam nga naman ang ginagawa niya sa mga personal na gamit ni Natalie subalit nanaig pa rin ang kuryosidad niya kaya imbes na ibalik sa loob ang unang sobreng nakita niya, lalo pa niyang binuksan ang paperbag. Doon tumambad sa kanya ang sangkaterbang sulat---lahat ng iyon ay galing kay Drake. Ang paper bag na hawak niya ay puno ng love letter. Dahan-dahan niyang ibinalik ang mga iyon sa loob ng paper bag. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng panlalamig. Nawala na ang interes niyang magbasa pa. -- Hindi na niya mahanap si Natalie sa presinto kaya nagpasya na siyang hanapin ito sa labas. Nag-kotse na siya para kung sakaling nakalayo na ito, mabilis niya itong masusundan. Hindi nga siya nagkamali dahil natanaw niya sa bungad ng gate ng presinto ang babaeng kanina pa hinahanap. Binusinahan niya ito ng ilang ulit pero hindi siya pinansin ni Natalie. Sa ini

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 110 

    “Natalie!” Kinakabahan si Mateo, mabilis niyang binuhat si Natalie. “Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin na kita sa ospital!” Sa tindi ng sakit na nararamdaman, wala nang nagawa si Natalie kundi ang tanggapin ang tulong na inaalok ni Mateo sa kanya. Simula kasi nang malaman niyang buntis siya, hindi pa siya nakakaranas ng ganoong klase ng kirot. Si Natalie naman ang kinabahan dahil sa ideyang namumuo sa isipan niya---marahil ay ang bata na ang mismong nagpasya---hindi na nito hinintay pa ang magiging desisyon niya. Ni hindi nga alam ng tatay ng batang nasa sinapupunan niya na isa na siyang ama. At kung sakaling nalaman man nito, marahil ay hindi rin nito tanggapin ang batang pinagbubuntis niya. At ang ina? Mahina. Litong-lito. Sa dami ng hinaharap niyang hamon sa buhay, wala ng lugar ang isa pang inosenteng tao sa buhay niya. “Diyos ko po, ito na ba yun?” Tanong niya sa sarili. Humigpit ang pagkakapit ni Natalie sa kuwelyo ni Mateo, sapat para umumbok ang mga ugat nito sa leeg.

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 223

    Ang babaeng nasa likod niya ay walang iba kundi si Irene. Kalmado ito ngunit puno naman ng awtoridad ang tono nito. “Magandang araw po, Miss,” bati ng tindera na pilit na pinapanatili ang mahinahong disposisyon sa kabila ng namumuong tensyon. “Ano po ang kailangan nila?”Mula sa kanyang handbag, may kinuhang listahan si Irene at inabot iyon sa tindera ng may matamis na ngiti. “Ayan, lahat ng nasa listahan, kukunin ko.”Binasa ng tindera ang listahan at ngumiti. “Ma’am, ang lahat po ng nasa listahan niyo ay mayroon kami, pero,” napatiingin ito kay Natalie ng may pag-aalinlangan. “Pero ubos na po ang puto-bumbong.”“Ubos na?” Tumaas ang kilay ni Irene sa pagkadismaya. Inikot nito ang mata sa mga nakadisplay sa estante at napako ang tingin sa natitirang limang piraso ng puto-bumbong na nasa gilid na. “Eh, ano ang mga ‘yon?” Tanong niya ng may inis.Muling nag-atubili ang tindera. Kilala nito si Irene dahil napapanood nila ito sa TV. “Pasensya na po, Miss Irene, pero bayad na po ‘yan.”T

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 222

    “Umamin ka nga sa akin, Natalie. Bakit ayaw mong tumira sa binigay kong bahay? Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang alimony documents?” Matalim ang tono ni Mateo, tumatagas ito sa tahimik na hangin ng university. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Natalie na walang masagot sa kanya, tila hindi ito apektado sa tindi ng emosyon niya. Sa wakas ay tumingala ito, bakas sa mukha ang kalmadong pagsuko. “Mukhang nalaman mo na.”Dahil binitawan na siya ni Mateo, nagkaroon ng bakas sa kanyang pulso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito doon. Marahang hinilot ni Natalie iyon.“Hindi mo ba natatandaan? Sa ospital pa lang sinabi ko na sayo, ayaw ko ng lahat ng iyon. Pero hindi mo naman ako pinapakinggan.” Kalmado itong nagpaliwanag. “Kaya wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita ang panindigan ko sa ibang paraan. Wala akong interes doon. Ayaw ko ng alimony, Mateo.” Diretso at matatag ang bawat salitang binitawan ni Natalie. Wala itong halong pag-aalinlangan.“Pero, Nat—”“Makinig ka muna sa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 221

    “Ano naman ‘to?” Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinitignan ng manipis na card na inabot sa kanya ni Natalie. Naka-emboss doon ang pangalan niya. “Credit card mo,”sagot ni Natalie ng may ngiti. Sinaksak niya ang card na iyon sa kamay ni Mateo. Sandaling nagtama ang mga balat nila. “Matagal ko na dapat naibalik sayo ‘yan, kaso, madalas, cellphone lang ang dala ko kapag lumalabas. Kaya lagi kong nakakalimutan. Kung tutuusin, muntik ko na naman sanang makalimutan kanina—mabuti na lang hindi ka pa nakakaalis.” Paliwanag pa nito.Kaswal ang tono ng pananalita ni Natalie na para bang nagbabalik lang ito ng isang hiniram na ballpen. Biglang tumigas ang pagkakahawak ni Mateo sa card, ang panga niya ay nag-tiim at ang emosyon niya ay parang bagyong nagbabadya ng malakas na daluyong.“Tumakbo ka ng ganito kalayo—para lang isauli ito?” Tanong niya ng hindi makapaniwala.“Oo naman, bakit?” Hindi na naghahabol ng paghinga si Natalie. Namumula pa rin ang pisngi nito na tila nahihiya. Pagkatap

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 220

    Hindi ito itinanggi ni Mateo. Huli na rin kung itatanggi pa niya ito. Mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Lalo lamang nainis at nalito si Natalie dahil sa ginawa ni Mateo. “Bakit mo ginawa ‘yon?”Mula sa lohikal na pananaw, para kay Natalie ay mas makabubuti kapag inamin na niya ang totoo sa lolo niya. Kapag nalaman nilang hindi naman talaga siya ang ama ng dinadala, mas madali sana ang lahat. Maaring magalit ito pero hindi na nila kailangang maghiwalay ng masalimuot. Kung inamin na sana ni Mateo ang totoo, tapos na sana ang lahat. Ngunit hindi iyon ang pinili niyang gawin.“Ano sa tingin mo?”Bumaba ang tingin ni Mateo kay Natalie, ang mga mata ay may halong inis at pagkawala ng tiwala. Nagtataka siya kung bakit tila wala itong ideya sa mga nangyayari.“Hindi na natin dapat pa dagdagan ang sama ng loob ni lolo. Nangyari ang lahat ng ito ng malaman niyang naghiwalay tayo. Sa palagay mo ba, kapag sinabi kong hindi ko anak ang batang nasa sinapupunan mo, hindi siya mulin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 219

    Pinagplanuhang mabuti ni Natalie ang oras ng pagdalaw niya kay Antonio. Sinadya niyang pumunta sa ospital sa oras na alam niyang nasa trabaho si Mateo. Hangga’t maaari, iniiwasan niya ang anumang uri ng alanganing komprontasyon sa pagitan nilang dalawa sa ospital. Kilala niya ang lalaki, magkakasagutan talaga sila kahit sa harapan pa ng matanda at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng antiseptic sa ospital, nagdulot ito ng parehong ginhawa at kaba sa kanya. Nagtanong na rin siya sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Antonio para hindi siya mahirapang hanapin ito. Bago pumasok, pinuno muna niya ng hangin ang baga. Tahimik ang silid nito, banayad na pumapasok ang liwanag ng umaga sa bahagyang nakabukas na kurtina. Pumasok na siya ng dahan-dahan.Nakataas ng bahagya ang kama ni Antonio, may IV drip ito at kasalukuyang tulog. Ayaw sana niyang istorbohin ang pahinga nito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kama para masuri ang mga monitor nito. Maayos nama

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 218

    “Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 217

    Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 216

    Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 215

    “Sorry, hindi ko matandaan kung sino ka, Miss.” Nakakunot ang noo ni Drake. Alam niyang nagkita na sila noon pero hindi lang niya maalala kung saan. Isang magaan na tawa ang nagmula sa babae at mapagbirong tinitigan si Drake. “Hindi mo talaga ako nakikilala?” Umiling si Drake. “Hindi.” “Ano ka ba, ako ‘to. Si Jean. Jean Marcos! Naaalala mo ba yung tabachingching na batang babaeng nakatirintas ang buhok at parating nakasunod sayo?” Dahil sa deskripsiyon na iyon, unti-unting nagliwanag ang memoryang iyon kay Drake. Bumalik sa isipan niya ang imahe ng isang malusog na batang babae na laging nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Matalik na magkaibigan ang pamilya Pascual at Marcos sa loob ng maraming taon. Ang nanay ni Jean at ang nanay niya ay matalik na magkaibigan noon pa man. “Jean? Ikaw na ‘yan?” Napangiti si Drake. “Oo, naalala ko na. Grabe, ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta ka na?” Malaki ang pinagbago ni Jean. And dating tabac

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status