“Anong sabi?” Tanong ni Natalie sa kaibigan matapos nitong ibaba ang tawag. “Nat, sabi nila, ang mga notification raw para sa taong ito ay pinadala via physical mail. Pinapadala daw nila ito sa mga home address na nakasaad sa application ninyo. Sabi sa akin ng nakausap ko, pinadalhan ka daw ng notification sa bahay niyo at ang tumanggap ay si Irene.” Nag-alinlangan pa si Nilly bago ituloy ang sasabihin, “Nat, mukhang sinabotahe ng step sister mong pinaglihi kay Satanas!” Nawala ang kulay sa maamong mukha ni Natalie dahil sa narinig. Malaki nga ang posibilidad na mangyari ang bagay na iyon dahil normal na gawain na iyon nina Janet at Irene. Bagama’t inasahan na niyang hindi siya makakapasa, hindi niya pa rin inaakalang mabibigo siya dahil sa pananabotahe ni Irene. “Nat,” kinunsulta ni Nilly ang wristwatch nito. “Alas diyes pa magsisimula ang interview, may oras pa.” Tsaka lang napagtanto ni Natalie na hindi siya pwedeng sumuko ng ganon kadali. Kailangan niyang makuha ang noti
“Anong kaguluhan ang nangyayari dito?” Tanong ni Rigor. Nagmadali siya ng makarinig ng ingay mula sa pangalawang palapag ng bahay. Nadatnan niya ang asawang nakaupo sa sahig at umiiyak ng walang tigil. “Janet, diyos ko po! Napaano ka?” “Rigor! Ang magaling mong anak, si Natalie! Siya ang may gawa ng lahat ng ito! Tatawag ako ng pulis!” Masama ang mga tingin na tinatapon ni Natalie sa madrasta. Sa inis niya ay dinuraan niya ito sa mukha. “Ahhh!” Sigaw ni Janet ulit. “Nakita mo na? Nasisiraan na siya ng bait! Nakita mo kung anong ginawa niya sa akin at sa kwarto ni Irene? Gawain pa ba yan ng isang matinong tao? Ano, hahayaan mo lang na lapastanganin niya ako at si Irene?” Bago pa man madepensahan ni Natalie ang sarili laban sa mga akusasyon ng madrasta ay mabilis ng nakalapit si Rigor sa anak at dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Natalie. “Huwag mong hayaang masampal pa kita ulit, Natalie. Humingi ka ng tawad kay Janet, ngayon din! Napakawalang-galang mo!” Hinim
Hindi lang basta isang pagkakataon ang graduate school admission letter na iyon. Para kay Natalie, ito na lang ang natitirang paraan nilang dalawa ng nakababatang kapatid. Iyon ang daan para magkaroon sila ng marangal na pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap at pagtatagumpayan niya iyon. “Sabi ng bitawan mo ako!” Nakawala mula sa pagkakasabunot ni Natalie si Irene. Dinuro pa siya nito habang may isang nakakalokong ngiti sa labi. “Syempre, Natalie! Alam na alam ko kung gaano kaimportante sayo ang sulat na iyon, kaya nga siniguro kong hindi mo makukuha ‘yon. Wala na, sinira ko na!” “Hindi…” Nanlaki ang mga mat ani Natalie sa narinig at nagsimulang manginig ang mga labi niya. “Ulitin mo ang sinabi mo!” “Ang sabi ko,” inayos pa ni Irene ang nagkalat niyang buhok. Mayabang niyang hinarap ulit ang kapatid. “Bingi ka ba? Ang sabi ko, wala na ang admission letter na hinahanap mo dahil sinira ko na ‘yon!” Sinundan iyon ng nakakabinging halaklak mula rito. Ligayang-ligaya itong
Napapalibutan si Natalie ng mga gwardiya. Lahat sila ay determinadong gampanan ang tungkulin nila. Dalawa sa kanila ay tinangkang lumapit at sinubukang hawakan siya. “Huwag ninyo akong hahawakan!” Sigaw ni Natalie. Gamit ang hindi sugatang kamay, dahan-dahan siyang tumayo. “Hindi ka makakaalis dito, miss!” Giit ng manager ni Irene. Nakahalukipkip ito at may ngiting nakausli sa mga labi. “Sinaktan mo ang isa sa mga tao ko, wala kang kawala dahil kitang-kita sa CCTV ang lahat. Papunta na ang mga pulis dito!” Hindi man lang nagpatinag si Natalie. Ikinagulat ito ng manager dahil imbis na matakot ay nagawa pa nitong ngumiti. “Ah, ganoon ba? Sige, walang problema. Hihintayin ko na lang sila dito.” Maging ang mga gwardya ay nagulat sa reaksyong ito mula sa babaeng nanakit sa isa sa mga artista nila. Kalmado ito at umupo sa pinakamalapit na upuan na para bang walang nangyari sa silid na iyon. Napatigil at napaisip ang manager, sa palagay niya ay hindi man lang ito natatakot. Pumasok
Naumpisahan na niya kaya hindi na niya magawang pigilan pa ang sarili. Nag-atubili pa si Mateo noong una dahil pangingialam nga naman ang ginagawa niya sa mga personal na gamit ni Natalie subalit nanaig pa rin ang kuryosidad niya kaya imbes na ibalik sa loob ang unang sobreng nakita niya, lalo pa niyang binuksan ang paperbag. Doon tumambad sa kanya ang sangkaterbang sulat---lahat ng iyon ay galing kay Drake. Ang paper bag na hawak niya ay puno ng love letter. Dahan-dahan niyang ibinalik ang mga iyon sa loob ng paper bag. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng panlalamig. Nawala na ang interes niyang magbasa pa. -- Hindi na niya mahanap si Natalie sa presinto kaya nagpasya na siyang hanapin ito sa labas. Nag-kotse na siya para kung sakaling nakalayo na ito, mabilis niya itong masusundan. Hindi nga siya nagkamali dahil natanaw niya sa bungad ng gate ng presinto ang babaeng kanina pa hinahanap. Binusinahan niya ito ng ilang ulit pero hindi siya pinansin ni Natalie. Sa ini
“Natalie!” Kinakabahan si Mateo, mabilis niyang binuhat si Natalie. “Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin na kita sa ospital!” Sa tindi ng sakit na nararamdaman, wala nang nagawa si Natalie kundi ang tanggapin ang tulong na inaalok ni Mateo sa kanya. Simula kasi nang malaman niyang buntis siya, hindi pa siya nakakaranas ng ganoong klase ng kirot. Si Natalie naman ang kinabahan dahil sa ideyang namumuo sa isipan niya---marahil ay ang bata na ang mismong nagpasya---hindi na nito hinintay pa ang magiging desisyon niya. Ni hindi nga alam ng tatay ng batang nasa sinapupunan niya na isa na siyang ama. At kung sakaling nalaman man nito, marahil ay hindi rin nito tanggapin ang batang pinagbubuntis niya. At ang ina? Mahina. Litong-lito. Sa dami ng hinaharap niyang hamon sa buhay, wala ng lugar ang isa pang inosenteng tao sa buhay niya. “Diyos ko po, ito na ba yun?” Tanong niya sa sarili. Humigpit ang pagkakapit ni Natalie sa kuwelyo ni Mateo, sapat para umumbok ang mga ugat nito sa leeg.
Nagkaroon ng mga pira-pirasong panaginip si Natalie. Ang ilan sa kanila ay hindi niya maalala pero may mangilan-ngilang nanatili sa isipan niya dahil ang mga ito ay bangungot na nakakatakot, bawat isa ay mas nakakatakot kaysa sa huli. “Ah…” Nagising siyang balot ng malamig at malagkit na pawis. Ang lamig na iyon ay tagos hanggang sa mga buto niya. “Nat…” Ang pamilyar an tinig na iyon ay maingat siyang tinatawag. Ang buong akala ni Natalie ay bahagi pa iyon ng kanyang bangungot. Mabuti na lang ay naramdaman niya ang isang mainit at marubdob na yakap. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong gising na siya at kung sino ang nagmamay-ari ng mga matigas na bisig na yumayakap sa kanya. Itinaas niya ang ulo ng dahan-dahan, kumpara sa itsura niya kagabi, mas maayos na ang pakiramdam ni Natalie ngayon. “Natalie,” marahang sambit ni Mateo. “May nararamdaman ka ba? M-may masakit pa ba sayo?” Kasabay ng pag-aalala na iyon ay ang awtomatikong pag-abot sa kanyang noo para makit
Ilang araw na ang lumipas, napagkasunduan ng magkaibigang sina Natalie at Nilly na magkita para mananghalian. Ikinuwento ni Natalie kung ano ang nangyari sa kanila ni Irene. Halos mahati sa dalawa ang pinggan ni Nilly dahil sa paulit-ulit na pagbagsak ng kutsara at tinidor dito dahil doon na lamang nito inilalabas ang galit para sa mga nangyari sa matalik na kaibigan. “Naku! Naku! Kung hindi sayo nangyari ang mga bagay na ‘yan, hindi talaga ako maniniwala na may ganyang klase ng pamilya sa mundo! Akala ko sa teleserye lang meron nyan, eh.” Isang tipid na ngiti na lang ang naging sagot niya sa panggagalaiti ng kaibigan. Nakakapagtaka pero masasabi ni Natalie na lumipas na ang matinding daluyong ng emosyon niya, ang galit niya ay humupa na rin. Bukod doon, alam din niyang kailangan niyang magpatuloy sa buhay. “Nilly, atin-atin na lang ang nangyari, okay? Huwag na sanang makarating pa ito kay Chandon. Alam mo naman ‘yon.” Paalala ni Natalie. Kung hindi niya uunahan ng paalala si N
“Ano ka ba, Mateo. Bisita namin kayo,” nag-alinlangan pa ang matandang babae.“Honey, hayaan mo na sila.” Saway ng matandang lalaki sa asawa. “Asikasuhin mo na lang ang dinner natin mamaya.”“Ay, oo nga pala.” Nakangiting tugon ng babae. “Oh, siya, paano ba ‘yan…”“Salamat po, ako na po ang bahala sa kanya,” magalang na sabi ni Mateo sa babae.Napatawa ito ng mahina, may kislap ng kasiyahan sa mga matandang babae. “Napakabuti mong asawa, Mateo. Ingatan mo at buntis ang asawa mo.”Nakaawang ang bibig ni Natalie sa palitan ng salita ng tatlo ngunit hindi siya nagsalita para itama ang maling akala ng mag-asawa. Tumango lang si Mateo ay marahang hinawakan ang kamay ni Natalie para akayin paakyat sa kahoy na hagdan. Ang bawat hakbang nila ay nagdulot ng langitngit sa kahoy.Pagdating nila sa guest room, binuksan ni Mateo ang pinto at pinapasok si Natalie sa loob. Namangha siya, simple ngunit maaliwalas ang loob ng kwarto---may nakahanda ng mga sariwang kumot, tuwalya at comforter para sa l
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
“Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai
Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa
May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal