Share

KABANATA 105 

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-12-27 16:10:54
“Anong sabi?” Tanong ni Natalie sa kaibigan matapos nitong ibaba ang tawag.

“Nat, sabi nila, ang mga notification raw para sa taong ito ay pinadala via physical mail. Pinapadala daw nila ito sa mga home address na nakasaad sa application ninyo. Sabi sa akin ng nakausap ko, pinadalhan ka daw ng notification sa bahay niyo at ang tumanggap ay si Irene.”

Nag-alinlangan pa si Nilly bago ituloy ang sasabihin, “Nat, mukhang sinabotahe ng step sister mong pinaglihi kay Satanas!”

Nawala ang kulay sa maamong mukha ni Natalie dahil sa narinig. Malaki nga ang posibilidad na mangyari ang bagay na iyon dahil normal na gawain na iyon nina Janet at Irene. Bagama’t inasahan na niyang hindi siya makakapasa, hindi niya pa rin inaakalang mabibigo siya dahil sa pananabotahe ni Irene.

“Nat,” kinunsulta ni Nilly ang wristwatch nito. “Alas diyes pa magsisimula ang interview, may oras pa.”

Tsaka lang napagtanto ni Natalie na hindi siya pwedeng sumuko ng ganon kadali. Kailangan niyang makuha ang noti
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kurtmalou Villacacan
malapit na karma ng mag ina na yan Waiting
goodnovel comment avatar
Lorna Sancho
ay nku KY sarap hmpasin ni Janet.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 106 

    “Anong kaguluhan ang nangyayari dito?”  Tanong ni Rigor. Nagmadali siya ng makarinig ng ingay mula sa pangalawang palapag ng bahay. Nadatnan niya ang asawang nakaupo sa sahig at umiiyak ng walang tigil. “Janet, diyos ko po! Napaano ka?” “Rigor! Ang magaling mong anak, si Natalie! Siya ang may gawa ng lahat ng ito! Tatawag ako ng pulis!” Masama ang mga tingin na tinatapon ni Natalie sa madrasta. Sa inis niya ay dinuraan niya ito sa mukha. “Ahhh!” Sigaw ni Janet ulit. “Nakita mo na? Nasisiraan na siya ng bait! Nakita mo kung anong ginawa niya sa akin at sa kwarto ni Irene? Gawain pa ba yan ng isang matinong tao? Ano, hahayaan mo lang na lapastanganin niya ako at si Irene?” Bago pa man madepensahan ni Natalie ang sarili laban sa mga akusasyon ng madrasta ay mabilis ng nakalapit si Rigor sa anak at dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Natalie. “Huwag mong hayaang masampal pa kita ulit, Natalie. Humingi ka ng tawad kay Janet, ngayon din! Napakawalang-galang mo!” Hinim

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 107 

    Hindi lang basta isang pagkakataon ang graduate school admission letter na iyon. Para kay Natalie, ito na lang ang natitirang paraan nilang dalawa ng nakababatang kapatid. Iyon ang daan para magkaroon sila ng marangal na pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap at pagtatagumpayan niya iyon. “Sabi ng bitawan mo ako!” Nakawala mula sa pagkakasabunot ni Natalie si Irene. Dinuro pa siya nito habang may isang nakakalokong ngiti sa labi. “Syempre, Natalie! Alam na alam ko kung gaano kaimportante sayo ang sulat na iyon, kaya nga siniguro kong hindi mo makukuha ‘yon. Wala na, sinira ko na!” “Hindi…” Nanlaki ang mga mat ani Natalie sa narinig at nagsimulang manginig ang mga labi niya. “Ulitin mo ang sinabi mo!” “Ang sabi ko,” inayos pa ni Irene ang nagkalat niyang buhok. Mayabang niyang hinarap ulit ang kapatid. “Bingi ka ba? Ang sabi ko, wala na ang admission letter na hinahanap mo dahil sinira ko na ‘yon!”  Sinundan iyon ng nakakabinging halaklak mula rito. Ligayang-ligaya itong

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 108 

    Napapalibutan si Natalie ng mga gwardiya. Lahat sila ay determinadong gampanan ang tungkulin nila. Dalawa sa kanila ay tinangkang lumapit at sinubukang hawakan siya. “Huwag ninyo akong hahawakan!” Sigaw ni Natalie. Gamit ang hindi sugatang kamay, dahan-dahan siyang tumayo. “Hindi ka makakaalis dito, miss!” Giit ng manager ni Irene. Nakahalukipkip ito at may ngiting nakausli sa mga labi. “Sinaktan mo ang isa sa mga tao ko, wala kang kawala dahil kitang-kita sa CCTV ang lahat. Papunta na ang mga pulis dito!” Hindi man lang nagpatinag si Natalie. Ikinagulat ito ng manager dahil imbis na matakot ay nagawa pa nitong ngumiti. “Ah, ganoon ba? Sige, walang problema. Hihintayin ko na lang sila dito.”  Maging ang mga gwardya ay nagulat sa reaksyong ito mula sa babaeng nanakit sa isa sa mga artista nila. Kalmado ito at umupo sa pinakamalapit na upuan na para bang walang nangyari sa silid na iyon. Napatigil at napaisip ang manager, sa palagay niya ay hindi man lang ito natatakot. Pumasok

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 109 

    Naumpisahan na niya kaya hindi na niya magawang pigilan pa ang sarili. Nag-atubili pa si Mateo noong una dahil pangingialam nga naman ang ginagawa niya sa mga personal na gamit ni Natalie subalit nanaig pa rin ang kuryosidad niya kaya imbes na ibalik sa loob ang unang sobreng nakita niya, lalo pa niyang binuksan ang paperbag. Doon tumambad sa kanya ang sangkaterbang sulat---lahat ng iyon ay galing kay Drake. Ang paper bag na hawak niya ay puno ng love letter. Dahan-dahan niyang ibinalik ang mga iyon sa loob ng paper bag. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng panlalamig. Nawala na ang interes niyang magbasa pa. -- Hindi na niya mahanap si Natalie sa presinto kaya nagpasya na siyang hanapin ito sa labas. Nag-kotse na siya para kung sakaling nakalayo na ito, mabilis niya itong masusundan. Hindi nga siya nagkamali dahil natanaw niya sa bungad ng gate ng presinto ang babaeng kanina pa hinahanap. Binusinahan niya ito ng ilang ulit pero hindi siya pinansin ni Natalie. Sa ini

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 110 

    “Natalie!” Kinakabahan si Mateo, mabilis niyang binuhat si Natalie. “Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin na kita sa ospital!” Sa tindi ng sakit na nararamdaman, wala nang nagawa si Natalie kundi ang tanggapin ang tulong na inaalok ni Mateo sa kanya. Simula kasi nang malaman niyang buntis siya, hindi pa siya nakakaranas ng ganoong klase ng kirot. Si Natalie naman ang kinabahan dahil sa ideyang namumuo sa isipan niya---marahil ay ang bata na ang mismong nagpasya---hindi na nito hinintay pa ang magiging desisyon niya. Ni hindi nga alam ng tatay ng batang nasa sinapupunan niya na isa na siyang ama. At kung sakaling nalaman man nito, marahil ay hindi rin nito tanggapin ang batang pinagbubuntis niya. At ang ina? Mahina. Litong-lito. Sa dami ng hinaharap niyang hamon sa buhay, wala ng lugar ang isa pang inosenteng tao sa buhay niya. “Diyos ko po, ito na ba yun?” Tanong niya sa sarili. Humigpit ang pagkakapit ni Natalie sa kuwelyo ni Mateo, sapat para umumbok ang mga ugat nito sa leeg.

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 111 

    Nagkaroon ng mga pira-pirasong panaginip si Natalie. Ang ilan sa kanila ay hindi niya maalala pero may mangilan-ngilang nanatili sa isipan niya dahil ang mga ito ay bangungot na nakakatakot, bawat isa ay mas nakakatakot kaysa sa huli. “Ah…” Nagising siyang balot ng malamig at malagkit na pawis. Ang lamig na iyon ay tagos hanggang sa mga buto niya. “Nat…” Ang pamilyar an tinig na iyon ay maingat siyang tinatawag. Ang buong akala ni Natalie ay bahagi pa iyon ng kanyang bangungot. Mabuti na lang ay naramdaman niya ang isang mainit at marubdob na yakap. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong gising na siya at kung sino ang nagmamay-ari ng mga matigas na bisig na yumayakap sa kanya. Itinaas niya ang ulo ng dahan-dahan, kumpara sa itsura niya kagabi, mas maayos na ang pakiramdam ni Natalie ngayon. “Natalie,” marahang sambit ni Mateo. “May nararamdaman ka ba? M-may masakit pa ba sayo?” Kasabay ng pag-aalala na iyon ay ang awtomatikong pag-abot sa kanyang noo para makit

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 112 

    Ilang araw na ang lumipas, napagkasunduan ng magkaibigang sina Natalie at Nilly na magkita para mananghalian. Ikinuwento ni Natalie kung ano ang nangyari sa kanila ni Irene. Halos mahati sa dalawa ang pinggan ni Nilly dahil sa paulit-ulit na pagbagsak ng kutsara at tinidor dito dahil doon na lamang nito inilalabas ang galit para sa mga nangyari sa matalik na kaibigan. “Naku! Naku! Kung hindi sayo nangyari ang mga bagay na ‘yan, hindi talaga ako maniniwala na may ganyang klase ng pamilya sa mundo! Akala ko sa teleserye lang meron nyan, eh.” Isang tipid na ngiti na lang ang naging sagot niya sa panggagalaiti ng kaibigan. Nakakapagtaka pero masasabi ni Natalie na lumipas na ang matinding daluyong ng emosyon niya, ang galit niya ay humupa na rin. Bukod doon, alam din niyang kailangan niyang magpatuloy sa buhay. “Nilly, atin-atin na lang ang nangyari, okay? Huwag na sanang makarating pa ito kay Chandon. Alam mo naman ‘yon.” Paalala ni Natalie. Kung hindi niya uunahan ng paalala si N

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 113 

    “Si Drake yun, ah.” Sambit ni Amanda, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Teka, si…si Natalie ba ang kasama niya?” Gusto niyang makasigurado kaya tinanggal niya ang suot na sunglasses. May kasamang babae ang anak niya at malakas ang kutob niya na si Natalie iyon. May edad na siya at hindi na ganoon kalinaw ang paningin niya kaya sinundan niya ang dalawa. Kabisado niya ang mga tindahan malapit sa opisina ng anak at alam niyang sa kapihan papunta ang dalawa. --Nag-order si Drake ng brownies at fresh orange juice para kay Natalie. “Nat, okay na ba sayo ang mga ito?” “Oo, okay lang,” tipid na sagot niya. Sa loob-loob niya ay napangiti siya dahil kabisado pa rin nito ang paborito niya. “Okay ba ang lasa?” Tanong ulit ni Drake matapos tikman ni Natalie ang brownies. “Mmm. Masarap.” “Mabuti naman,” dahil hiningal kanina, minabuti ni Drake na uminom muna ng tubig. Ang sumunod na tanong galing kay Natalie ay muntik nang magpabuga ng tubig mula sa bibig niya. “Drake, nasaan

    Huling Na-update : 2024-12-27

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 210

    Naghihintay ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan ni Isaac ng pinto ang boss niya. Matapos masigurong nakasakay na si Mateo at tsaka pa lang nito tinungo ang driver’s seat. Mula naman sa kinaroroonan nina Drake, kitang-kita niya si Mateo. Kahit saan magpunta ang lalaki ay lumulutang ang presensya nito. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit umalis na lang ito ng basta-basta. Malaki ang posibilidad na nakita sila nito. Naguluhan si Drake, minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa kasama. Abala si Natalie sa pag-aayos ng strap ng bag niya. Interesado sana si Drake at gusto niyang magtanong pero itinago na lang niya iyon. “Nat, kayo ba ni…” simula sana niya, ngunit naputol ang kung anong sasabihin sana niya ng titigan siya ni Natalie. “Kalimutan mo na.” Ang gusto sana niyang itanong ay kung paano nagagawa nina Mateo at Natalie na ipakita na wala na silang pakialam sa isa’t-isa, oo, hiwalay na sila pero hindi pa naman iyon ganoon katagal. Kung ituring nilang dalawa ang isa’t-is

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 209

    Nagkatinginan ng alanganin sina Isaac, Alex at Tomas. Tanging ang mahinang ugong ng pagpanhik ng elevator lang ang maririnig dahil sa katahimikan nila. Ultimo paghinga nila ay maingat, paminsan-minsan ay tinatapunan nila ng mabilis na tingin ang boss nila na matikas na nakatayo ngunit halata namang may bumabagabag sa kanyang isipan. Awtomatikong nagsasara ang pintuan ng elevator, bigla na lang pinigilan ni Mateo ang tuluyang pagsara nito. “Sir!” Bulalas ni Isaac ng makita ang matalim na bahagi ng gilid ng pintong bakal na tumama sa kamay ng amo. “Anong ginagawa mo?” “Ah,” ungol ni Mateo dahil sa pagkakaipit ng kamay pero nagtagumpay siya dahil bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Nagsilapitan sina Isaac at ang iba na puno ng pag-aalala. “Sir, kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang. Gagawin naming. Huwag mong saktan ang sarili mo!” Sermon ni Isaac. Hinarap ni Mateo ang mga tauhan matapos alisin ang kamay sa pinto. “Ayos lang ako.” Si Mateo mismo ay nagulat sa sarili niy

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 208

    Dito na napagtanto ni Natalie na nagsinungaling sa kanya si Drake. Habang unti-unti niyang pinagtagpi-tagpi ang katotohanan, bumagsak siya sa maliit niyang sofa. Hawak pa rin niya ang sulat galing Wells Institution, nanginginig pa siya. Kung ganoon, si Drake na ang nagbayad ng mga bayarin para sa evaluation at malinaw rin na ito ang sasagot sa buong programa ng kapatid. Parang tinitirintas ang kanyang sikmura habang bumalot sa kanya ang muling pagkabigo. “Kahit kailan talaga, Drake…hanggang kailan mo ba gusto na may utang na loob ako sayo?” Isinubsob ni Natalie ang mukha sa mga palad. Ayaw niya ng ganito. Ang mga pagkakataong ganito ay nagdudulot ng bigat sa kanya dahil alam niyang mahihirapan siyang tumbasan ito. Sa loob ng maraming taon, marami na siyang natanggap galing kay Drake—lahat ng iyon ay higit pa sa kaya niyang bayaran. Ang dagdag na bigat na ito ay lalong nagpalubha sa kanyang nararamdaman. Sa halip na direkta niyang harapin si Drake, napagpasyahan ni Natalie na ta

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 207

    “Panaginip lang ‘to,” usal ni Natalie sa sarili. Napako siya sa kinatatayuan. Ramdam niyang tila bumigat ang hangin. Pamilyar na pamilyar ang tinig na ‘yon. Kumulo ang dugo ni Natalie at sumiklab ang inis sa kanyang dibdib ng makita kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Ang kanilang ama. Si Rigor Natividad. “Anong ginagawa niya dito?” Muling tanong ni Natalie sa isip. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Ibang klase din ang kanilang ama, may gana pa itong guluhin si Justin sa kabila ng ginawa nila ng asawa niya sa kanila. Nagkuyom ang mga kamao ni Natalie at dahan-dahang pumasok sa loob. Puno siya ng tanong at hinala. Sa loob ng silid, nakaluhod si Rigor sa harapan ni Justin at may hawak na makulay na lollipop. Masayahin din ang tinig nito. “Justin, anak. Tingnan mo kung ano ang hawak ko. Hindi ba paborito mo ‘to?” Ngunit hindi siya pinapansin ng bata. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Nakatuon ang atensyon nito sa laruan. Nakasa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 206

    Kanina, maingat niyang pinaghiwalay ang sarili niyang mga gamit mula sa mga mamahaling bagay. Hindi maitatangging magaganda iyon at minsan siyang natuwa dahil nagkaroon siya ng mga ganoong bagay. Pero ngayon, parang hindi niya kayang ariin o gamitin alinman sa mga ‘yon. Maingat niyang tinupi ang bawat piraso at itinabi ang mga ito hanggang sa makapag-desisyon siya kung ano ang gagawin sa mga gamit na ‘yon. Naputol ang malalim na pag-iisip ni Natalie nang mag-vibrate ang kanyang telepono. Si Nilly ang tumatawag sa kanya kaya maagap niyang sinagot ito. “Nilly,” sumigla ang boses ni Natalie. “Nasaan ka na? Nandito ka na ba?” [Buksan mo kaya ang gate!] Sagot ni Nilly sa kabilang linya. Nagmadali si Natalie na tunguhin ang gate. Laking gulat niya ng makitang hindi ito nag-iisa. Kasama ni Nilly si Chandon na may simangot sa mukha. Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita ang mga kahon at maleta sa loob ng bahay. “Chandon, anong ginagawa mo dito?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya mu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 205  

    Alas otso na ng gabi. Biglang tumunog ang telepono ni Natalie. Nang tingnan niya ang screen, nakita niyang si Tomas ang tumatawag sa kanya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?” “Nat, papunta ako dyan sa inyo sa Taguig.” Diretsong sabi nito. “Nasa bahay ka ba?” Nagtaka si Natalie. “Sa Taguig? Bakit mo ako pupuntahan doon, Tomas?” “Inutusan kasi ako ni sir,” agad itong nagpaliwanag. “Si Ben ang nag-empake ng mga naiwan mong gamit, tapos ako naman ang maghahatid dyan sayo. Sabi kasi sa bahay sa Taguig ka titira.” Tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie. Inaasahan na niya ang mangyayari pero iba pa rin pala kapag nangyari na ito. “Ah, ganoon ba. Pero wala ako doon.” “Walang problema,” kalmado ang sagot ni Tomas. “Hihintayin kita.” Wala nang nagawa pa si Natalie, “sige.” Pagkatapos ng tawag na iyon, kinuha na ni Natalie ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng pintuan. Mas mabilis sana siyang makakarating doon kung nagbook siya ng sasakyan, pero dahil we

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 204

    “Inaamin ko naman, Mateo, eh. Dahil sa hindi ko pag-iingat, lumala ang kondisyon ni lolo,” sabi ni Irene na sinabayan pa ng panginginig ng boses at pagtulo ng luha. “Ganito na lang, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Gusto mo bang maglabas ako ng pahayag para linawin ang lahat?” Tahimik lang si Mateo sa kinauupuan niya. Naroon pa rin ang simangot sa mukha niya habang iniisip ang bigat ng sitwasyon na kinakaharap niya. Matagal bago ito muling nagsalita. “Hindi na kailangan, tapos na rin naman ang lahat. Pabayaan mo na lang.” “Pabayaan na lang?” Inulit ni Irene ang sinabi ng lalaki para makasigurong tama siya ng dinig. “A-anong ibig mong sabihin sa pabayaan na lang?” “Umalis na si Natalie sa bahay sa Antipolo. Nakapagpasya na ako, paninindigan kita at ang bata.” Natigilan si Irene. Nasapo niya ang sariling bibig sa gulat at para na din mapigilan ang sarili na mapahiyaw sa kagalakan. Nagulat siya sa umpisa pero agad naman niyang naunawaan ang sinabi ni Mateo. Mataga

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 203

    Sa lahat ng mga napuntahang establisimyento ni Mateo, ang mga ospital na yata ang lugar kung saan hindi natutulog ang mga tao. Lagi itong bukas para sa lahat at kailanman ay hindi ito nagpatay ng mga ilaw. Kahit may liwanag ng araw ay may mga silid itong nakabukas pa din ang ilaw. Ngunit pakiramdam ni Mateo ay nababalot siya ng mabigat at madilim na ulap. Ang tunog ng iba’t-ibang aparato at monitor na nakakabit sa mga pasyente, ang banayad na yapak ng mga nurse—-dinig niyang lahat ng iyon ngunit paulit-ulit pa rin ang alingawngaw ng mga salitang binitawan sa kanya ni Natalie sa kanyang isipan. “Hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan, Mateo. Ayaw na kitang makita. Kung magkikita man tayo, ituturing kita na hindi ko kakilala.”  Ni minsan ay hindi niya akalaing masasaktan siya dahil lang sa mga salitang galing sa isang babae. Nagkamali siya dahil napakasakit pala. Parang punyal itong paulit-ulit na humiwa sa kanyang dibdib at nag-iwan ng isang sugat na hindi gumagaling. Hindi la

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 202

    “Gusto kong malaman kung mas maganda ba kaysa kay Natalie, Mateo. Mas mahinahon at maunawain? Mas maalaga ba ang babaeng artista na iyon kaysa sa asawa mo?! Ano ang pumasok dyan sa kokote mo para gawin mo ito? Hindi kita pinalaki para maging isang salawahang asawa, Mateo!” Dumadagundong ang boses ni Antonio. Hindi pa nasiyahan ay sinabayan pa nito ng matalim na tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa marmol na sahig. Napuno ang sala ng galit at tila bulkan itong malapit ng umabot sa rurok at pumutok.  Tahimik lang at natiling nakatayo lang si Mateo. Ang ulo niya ay nakatungo at hindi niya masalubong ang tingin ng lolo niya habang sinesermonan siya. Ramdam niya na tila sinasakal siya sa tindi ng tensyon sa paligid, napakagulo ng sitwasyon—kasing gulo ng kanyang damdamin ngayon. Dahil sa kawalan ng sagot mula kay Mateo, lalo lamang umigting ang galit ni Antonio. Matalim ang mga titig na tinatapon nito sa kanya. Mahal siya ng lolo niya kaya ang makitang ganito ang pakikitungo sa kanya

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status