Natameme si Natalie pero tinraydor siya ng puso niya. Ang pagtanggi sa tunay niyang nararamdaman para kay Mateo ay isang malaking kasinungalingan. Sa buong buhay niya, mabibilang lang ang taong tinrato siya ng mabuti. Sa sobrang konti, pinaka-iingatan niya ang mga pagkakataong iyon. Ang bawat tulong na natanggap niya, ibabalik niya ng sampung beses kung kaya niya. Pagkaalis sa ospital, bumalik siya sa bahay ng mga Garcia sa Antipolo. Labis na natuwa ang matanda ng makita siya sa bahay at agad na ipinatawag si Mateo. Hinawakan pa nito ng mahigpit ang mga kamay niya. “Halos isang linggo din tayong hindi nagkita at ito namang si Mateo, abala din at hindi na rin kami nagkikita. Kumain naman tayo ng hapunan ng sabay mamaya.” Ng tinawagan nila si Mateo, iba ang sinagot nito sa paanyaya ng matanda. [Lo, pasensya na, marami akong ginagawa dito at hindi pa ako makakabalik dyan.] “Saan ka naman na-busy?” Tanong ni Antonio sa apo. “Masyado ka na bang abala para kumain? Isa pa, kakabalik l
Panandaliang nagulat si Mateo sa tanong na iyon. Pero sinagot pa rin niya ng buong katotohanan iyon. “Yes, why?” “Salamat,” seryoso ito. “Talagang nagpapasalamat ako. Lumaki akong kaunti lang ang mga taong mabait sa akin.” May kakaibang sensasyon ang gumapang sa kabuuan ni Mateo, umabot iyon hanggang sa puso niya. Pigil na pigil ang pagngiti niya. Tumango lang siya. “Pero…” may sasabihin pa sana ito pero tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong sinagot. “Andrew, oo, tatawagan pa sana kita. Mabuti at tinawagan mo na ako. Ano kasi, naiwan ng kaibigan ko ang coat niya dyan sa dorm room mo. Tsaka hindi pa ako nakakapagpasalamat dahil pinatulog mo siya dyan. Kung hindi lang sa lakas ng ulan, nag-hotel na sana siya. Totoo bang sa supply room ka natulog? Sorry, libre na lang kita para quits na tayo.” Habang nagsasalita si Natalie, itinuro na niya ang MRT para sabihing mauuna na siya. “Dahan-dahan!” Sigaw ni Mateo sa babae. Hindi niya sigurado kung narinig pa siya nito pero ang n
Halos malunok ni Leo ang usok ng sigarilyong ibubuga sana niya. “What the…sinong tinatawag mong babaero? Lahat ng mga nakarelasyon ko ay mga kaibigan ko lang talaga…” Napansin ni Leo na lahat ay nagsi-taasan ng kilay. “Hmph. To answer your question, hindi pa ako nag-date ng babaeng may anak.” “Weh?” Pambubuska ni Stephen. “Wala pa sa ngayon dahil hindi mo pa nakikita yung babaeng may anak na iyon na gusto mo. Kung gusto mo siya, walang kaso kung may anak siya o wala, diba?” “Ah, pinagtatawanan mo ako at ang prinsipyo ko, Stephen?” Nagtawanan sila at nag-alaskahan gaya ng lagi nilang ginagawa kapag magkakasama sila. Pero nagseryoso ulit si Leo. “Pero seryoso, what if may anak nga siya? Mahaba ang buhay at hindi sapat ang isang anak para matali ang isang tao.” “Alam mo, tama at mali yung sinabi mo,” pasok naman ni Aries na kanina pa nakikinig lang. “Sabi nga nila, it’s not about the time we live in. Kahit noong panahon pa ng mga mananakop, uso na yung mga single mothers. Madalas
Makalipas ang ilang araw, binisita ni Drake ang Garcia Corporation. Masusi niyang sinunod ang mga prosesong kailangan para sa partnership ng Pascual Technology sa kumpanya nila at ngayong araw ay may meeting siya kasama si Mateo Garcia. Dinala siya ng sekretarya nito sa isang maliit na conference room. Pagka-upo ni Drake, pumasok na si Mateo. Muli siyang tumayo. “Mr. Garcia.” “Mr. Pascual, please, maupo ka.” Hindi nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinag-usapan ang collaboration ng mga kumpanya nila. Natuwa naman si Mateo sa kapasidad ni Drake at napagdesisyunan niyang pirmahan na ang deal. “It’s a pleasure working with you,” sabi ni Mateo. “I’m grateful for your trust, Mr. Garcia. I look forward to a fruitful partnership.” Gaya ng nakagawian, isang piging ang nakahanda para sa tagumpay ng dalawang kumpanya. “Mr. Pascual, hindi mo ba kami sasamahan mamaya sa dinner?” “Maraming salamat. Hindi sa hindi ko gustong kumain kasama kayo pero may prior commitment kasi ako
Kumpara kina Natalie, mas maagang dumating ang grupo nina Mateo doon. Nagsilapitan sina Stephen at Aries sa kanila at huling-huli nila ang pagtingin ni Mateo kay Natalie, halos hindi na ito kumukurap. “Alam mo, noong una, nagiisip pa ako kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, dito sa isang putchu-putchung park mo kami hinatak---yun pala, yung misis ng isa dyan ay narito.” Tukso ni Aries sa kanya. As usual, hindi siya pinansin ni Mateo, naglakad ito papunta sana kina Natalie, pero bigla itong tumigil. Nagdadalawang-isip ito. Si Mateo Garcia ay hindi nagdadalawang-isip kung kaya para itong isang palabas na pinapanood ng mga kaibigan. “Hala, ano kayang problema? Wala silang ticket? Hindi mo ba tutulungan ang asawa mo?”Sarkastiko ang ngiting namutawi sa labi ni Mateo. “Ang tanong, kailangan ba talaga niya ng tulong ko?” “Natalie!” Dumating si Drake, kakapark pa lang nito ng sasakyan. “May problema ba?” “Meron…ganito ang nangyari…” nagsimula ng magkwento si Natalie, baka
Sa pagkakataong ‘yon, agad na napansin ni Natalie ang kakaibang kislap sa mga mata ni Mateo. Ngunit agad niya rin iyong iwinaksi sa isipan niya dahil baka isa lamang iyong ilusyon. Minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon kaya sasabihin niya na ang dapat niyang sabihin sa lalaki. Dahan-dahang lumapit si Mateo sa kaniya. Hindi nito inaalis ang mga mata sa babae. “Ano ‘yon?” Nang mapagtanto ni Natalie kung gaano kalapit ang mukha ni Mateo sa kaniya, agad niyang naramdaman ang pagtalbog ng kaniyang puso. Makalipas ang ilang saglit ay naapuhap niya na ang mga salitang nais niyang sabihin. Pinilit niya ang sarili huwag magpakita ng kung ano mang emosyon sa kaniyang mukha o boses. “Mateo, tigilan mo na ang pagiging mabait mo sa ‘kin.” Siguro nga ay may kung ano sa koneksyon na mayroon sila. At inaamin niya na hinayaan niya ang sarili niyang magpadala roon. Ngunit sinampal na siya ng katotohanan. Si Mateo ay nobyo ni Irene. Hindi siya pumayag na makipaghiwalay rito sa papel dahil gu
“Huh?” Napatingin si Mateo sa babaeng nasa di kalayuan. Nakatalikod ito sa kanila pero base sa pagtaas at pagbaba ng balikat nito ay batid niyang umiiyak ito. Naningkit ang mata niya ng makilala ito. “Si Natalie ba ‘yon? Bakit siya umiiyak?” Ibinaling niya ang paningin sa tauhang nasa bandang likuran niya. “Alex, alamin mo kung ano ang nangyayari.” “Yes, sir.” Pawang mga hindi kanais-nais na salita lang ang nangibabaw sa isipan ni Mateo nang makitang nakapatong ang mga kamay ni Drake sa mga balikat ni Natalie. Gustuhin man niyang itago, may hindi maipaliwanag na galit sa kalooban niya. Galit na sapat para mag-apoy ang galit sa mga mata niya. … “Diyos ko po, lahat ng ito ay kasalanan ko,” bakas ang pagsisisi at sakit sa tinig ni Drake. “Hindi ko nabantayan si Justin. Pero, Nat…nakausap ko na ang manager dito. Hinahanap na ng mga staff nila si Justin.” Kanina lang ay napakasaya nila. Masyadong nag-enjoy si Justin. Hindi nga ito halos magkandamayaw sa pagparoon at pagparito ka
Kung saan-saan na sila naghanap. Ngunit ayaw panghinaan ng loob si Mateo. Mahal na mahal ni Natalie ang nakababatang kapatid at alam niya kung gaano kahalaga sa babae ang nawawalang bata. Ito na lang ang natitirang pamilya nito. Kung kailangan niyang baliktarin ang buong park ay gagawin niya. Ring! Ring! Telepono iyon ni Mateo, mabilis naman niyang sinagot ang tawag. “Okay, good. Papunta na ako dyan.” Tumigil siya saglit at pagkatapos ay idinugtong, “sabihan niyo din si Drake.” [Pero sir…] Nagaalinlangan si Alex sa kabilang linya dahil sa inutos sa kanya ni Leo kanina. Pare-pareho nilang gustong maging maayos ang estado ng relasyon ng boss nila at ni Natalie. [Sigurado po ba kayo na sasabihan natin si Mr. Drake Pascual?] Mabilis na uminit ang ulo ni Mateo. “Bingi ka ba? Kailangan ko pa bang ulitin ang mga sinabi ko, Alex?” [H-hindi po, sir. Sasabihan ko din po agad si Mr. Pascual.] Tinapos n ani Mateo ang tawag na iyon at tinungo ang likurang bahagi ng building na iyon. Ang
Naghihintay ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan ni Isaac ng pinto ang boss niya. Matapos masigurong nakasakay na si Mateo at tsaka pa lang nito tinungo ang driver’s seat. Mula naman sa kinaroroonan nina Drake, kitang-kita niya si Mateo. Kahit saan magpunta ang lalaki ay lumulutang ang presensya nito. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit umalis na lang ito ng basta-basta. Malaki ang posibilidad na nakita sila nito. Naguluhan si Drake, minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa kasama. Abala si Natalie sa pag-aayos ng strap ng bag niya. Interesado sana si Drake at gusto niyang magtanong pero itinago na lang niya iyon. “Nat, kayo ba ni…” simula sana niya, ngunit naputol ang kung anong sasabihin sana niya ng titigan siya ni Natalie. “Kalimutan mo na.” Ang gusto sana niyang itanong ay kung paano nagagawa nina Mateo at Natalie na ipakita na wala na silang pakialam sa isa’t-isa, oo, hiwalay na sila pero hindi pa naman iyon ganoon katagal. Kung ituring nilang dalawa ang isa’t-is
Nagkatinginan ng alanganin sina Isaac, Alex at Tomas. Tanging ang mahinang ugong ng pagpanhik ng elevator lang ang maririnig dahil sa katahimikan nila. Ultimo paghinga nila ay maingat, paminsan-minsan ay tinatapunan nila ng mabilis na tingin ang boss nila na matikas na nakatayo ngunit halata namang may bumabagabag sa kanyang isipan. Awtomatikong nagsasara ang pintuan ng elevator, bigla na lang pinigilan ni Mateo ang tuluyang pagsara nito. “Sir!” Bulalas ni Isaac ng makita ang matalim na bahagi ng gilid ng pintong bakal na tumama sa kamay ng amo. “Anong ginagawa mo?” “Ah,” ungol ni Mateo dahil sa pagkakaipit ng kamay pero nagtagumpay siya dahil bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Nagsilapitan sina Isaac at ang iba na puno ng pag-aalala. “Sir, kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang. Gagawin naming. Huwag mong saktan ang sarili mo!” Sermon ni Isaac. Hinarap ni Mateo ang mga tauhan matapos alisin ang kamay sa pinto. “Ayos lang ako.” Si Mateo mismo ay nagulat sa sarili niy
Dito na napagtanto ni Natalie na nagsinungaling sa kanya si Drake. Habang unti-unti niyang pinagtagpi-tagpi ang katotohanan, bumagsak siya sa maliit niyang sofa. Hawak pa rin niya ang sulat galing Wells Institution, nanginginig pa siya. Kung ganoon, si Drake na ang nagbayad ng mga bayarin para sa evaluation at malinaw rin na ito ang sasagot sa buong programa ng kapatid. Parang tinitirintas ang kanyang sikmura habang bumalot sa kanya ang muling pagkabigo. “Kahit kailan talaga, Drake…hanggang kailan mo ba gusto na may utang na loob ako sayo?” Isinubsob ni Natalie ang mukha sa mga palad. Ayaw niya ng ganito. Ang mga pagkakataong ganito ay nagdudulot ng bigat sa kanya dahil alam niyang mahihirapan siyang tumbasan ito. Sa loob ng maraming taon, marami na siyang natanggap galing kay Drake—lahat ng iyon ay higit pa sa kaya niyang bayaran. Ang dagdag na bigat na ito ay lalong nagpalubha sa kanyang nararamdaman. Sa halip na direkta niyang harapin si Drake, napagpasyahan ni Natalie na ta
“Panaginip lang ‘to,” usal ni Natalie sa sarili. Napako siya sa kinatatayuan. Ramdam niyang tila bumigat ang hangin. Pamilyar na pamilyar ang tinig na ‘yon. Kumulo ang dugo ni Natalie at sumiklab ang inis sa kanyang dibdib ng makita kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Ang kanilang ama. Si Rigor Natividad. “Anong ginagawa niya dito?” Muling tanong ni Natalie sa isip. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Ibang klase din ang kanilang ama, may gana pa itong guluhin si Justin sa kabila ng ginawa nila ng asawa niya sa kanila. Nagkuyom ang mga kamao ni Natalie at dahan-dahang pumasok sa loob. Puno siya ng tanong at hinala. Sa loob ng silid, nakaluhod si Rigor sa harapan ni Justin at may hawak na makulay na lollipop. Masayahin din ang tinig nito. “Justin, anak. Tingnan mo kung ano ang hawak ko. Hindi ba paborito mo ‘to?” Ngunit hindi siya pinapansin ng bata. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Nakatuon ang atensyon nito sa laruan. Nakasa
Kanina, maingat niyang pinaghiwalay ang sarili niyang mga gamit mula sa mga mamahaling bagay. Hindi maitatangging magaganda iyon at minsan siyang natuwa dahil nagkaroon siya ng mga ganoong bagay. Pero ngayon, parang hindi niya kayang ariin o gamitin alinman sa mga ‘yon. Maingat niyang tinupi ang bawat piraso at itinabi ang mga ito hanggang sa makapag-desisyon siya kung ano ang gagawin sa mga gamit na ‘yon. Naputol ang malalim na pag-iisip ni Natalie nang mag-vibrate ang kanyang telepono. Si Nilly ang tumatawag sa kanya kaya maagap niyang sinagot ito. “Nilly,” sumigla ang boses ni Natalie. “Nasaan ka na? Nandito ka na ba?” [Buksan mo kaya ang gate!] Sagot ni Nilly sa kabilang linya. Nagmadali si Natalie na tunguhin ang gate. Laking gulat niya ng makitang hindi ito nag-iisa. Kasama ni Nilly si Chandon na may simangot sa mukha. Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita ang mga kahon at maleta sa loob ng bahay. “Chandon, anong ginagawa mo dito?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya mu
Alas otso na ng gabi. Biglang tumunog ang telepono ni Natalie. Nang tingnan niya ang screen, nakita niyang si Tomas ang tumatawag sa kanya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?” “Nat, papunta ako dyan sa inyo sa Taguig.” Diretsong sabi nito. “Nasa bahay ka ba?” Nagtaka si Natalie. “Sa Taguig? Bakit mo ako pupuntahan doon, Tomas?” “Inutusan kasi ako ni sir,” agad itong nagpaliwanag. “Si Ben ang nag-empake ng mga naiwan mong gamit, tapos ako naman ang maghahatid dyan sayo. Sabi kasi sa bahay sa Taguig ka titira.” Tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie. Inaasahan na niya ang mangyayari pero iba pa rin pala kapag nangyari na ito. “Ah, ganoon ba. Pero wala ako doon.” “Walang problema,” kalmado ang sagot ni Tomas. “Hihintayin kita.” Wala nang nagawa pa si Natalie, “sige.” Pagkatapos ng tawag na iyon, kinuha na ni Natalie ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng pintuan. Mas mabilis sana siyang makakarating doon kung nagbook siya ng sasakyan, pero dahil we
“Inaamin ko naman, Mateo, eh. Dahil sa hindi ko pag-iingat, lumala ang kondisyon ni lolo,” sabi ni Irene na sinabayan pa ng panginginig ng boses at pagtulo ng luha. “Ganito na lang, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Gusto mo bang maglabas ako ng pahayag para linawin ang lahat?” Tahimik lang si Mateo sa kinauupuan niya. Naroon pa rin ang simangot sa mukha niya habang iniisip ang bigat ng sitwasyon na kinakaharap niya. Matagal bago ito muling nagsalita. “Hindi na kailangan, tapos na rin naman ang lahat. Pabayaan mo na lang.” “Pabayaan na lang?” Inulit ni Irene ang sinabi ng lalaki para makasigurong tama siya ng dinig. “A-anong ibig mong sabihin sa pabayaan na lang?” “Umalis na si Natalie sa bahay sa Antipolo. Nakapagpasya na ako, paninindigan kita at ang bata.” Natigilan si Irene. Nasapo niya ang sariling bibig sa gulat at para na din mapigilan ang sarili na mapahiyaw sa kagalakan. Nagulat siya sa umpisa pero agad naman niyang naunawaan ang sinabi ni Mateo. Mataga
Sa lahat ng mga napuntahang establisimyento ni Mateo, ang mga ospital na yata ang lugar kung saan hindi natutulog ang mga tao. Lagi itong bukas para sa lahat at kailanman ay hindi ito nagpatay ng mga ilaw. Kahit may liwanag ng araw ay may mga silid itong nakabukas pa din ang ilaw. Ngunit pakiramdam ni Mateo ay nababalot siya ng mabigat at madilim na ulap. Ang tunog ng iba’t-ibang aparato at monitor na nakakabit sa mga pasyente, ang banayad na yapak ng mga nurse—-dinig niyang lahat ng iyon ngunit paulit-ulit pa rin ang alingawngaw ng mga salitang binitawan sa kanya ni Natalie sa kanyang isipan. “Hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan, Mateo. Ayaw na kitang makita. Kung magkikita man tayo, ituturing kita na hindi ko kakilala.” Ni minsan ay hindi niya akalaing masasaktan siya dahil lang sa mga salitang galing sa isang babae. Nagkamali siya dahil napakasakit pala. Parang punyal itong paulit-ulit na humiwa sa kanyang dibdib at nag-iwan ng isang sugat na hindi gumagaling. Hindi la
“Gusto kong malaman kung mas maganda ba kaysa kay Natalie, Mateo. Mas mahinahon at maunawain? Mas maalaga ba ang babaeng artista na iyon kaysa sa asawa mo?! Ano ang pumasok dyan sa kokote mo para gawin mo ito? Hindi kita pinalaki para maging isang salawahang asawa, Mateo!” Dumadagundong ang boses ni Antonio. Hindi pa nasiyahan ay sinabayan pa nito ng matalim na tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa marmol na sahig. Napuno ang sala ng galit at tila bulkan itong malapit ng umabot sa rurok at pumutok. Tahimik lang at natiling nakatayo lang si Mateo. Ang ulo niya ay nakatungo at hindi niya masalubong ang tingin ng lolo niya habang sinesermonan siya. Ramdam niya na tila sinasakal siya sa tindi ng tensyon sa paligid, napakagulo ng sitwasyon—kasing gulo ng kanyang damdamin ngayon. Dahil sa kawalan ng sagot mula kay Mateo, lalo lamang umigting ang galit ni Antonio. Matalim ang mga titig na tinatapon nito sa kanya. Mahal siya ng lolo niya kaya ang makitang ganito ang pakikitungo sa kanya