Share

KABANATA 96  

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-10-14 16:54:35
Natameme si Natalie pero tinraydor siya ng puso niya. Ang pagtanggi sa tunay niyang nararamdaman para kay Mateo ay isang malaking kasinungalingan. Sa buong buhay niya, mabibilang lang ang taong tinrato siya ng mabuti. Sa sobrang konti, pinaka-iingatan niya ang mga pagkakataong iyon. Ang bawat tulong na natanggap niya, ibabalik niya ng sampung beses kung kaya niya.

Pagkaalis sa ospital, bumalik siya sa bahay ng mga Garcia sa Antipolo. Labis na natuwa ang matanda ng makita siya sa bahay at agad na ipinatawag si Mateo. Hinawakan pa nito ng mahigpit ang mga kamay niya.

“Halos isang linggo din tayong hindi nagkita at ito namang si Mateo, abala din at hindi na rin kami nagkikita. Kumain naman tayo ng hapunan ng sabay mamaya.”

Ng tinawagan nila si Mateo, iba ang sinagot nito sa paanyaya ng matanda. [Lo, pasensya na, marami akong ginagawa dito at hindi pa ako makakabalik dyan.]

“Saan ka naman na-busy?” Tanong ni Antonio sa apo. “Masyado ka na bang abala para kumain? Isa pa, kakabalik l
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Hteik Laiuq Yalaps
unlock please
goodnovel comment avatar
Vicky Ramos
Hahaha hindi rin napigilan ni Nathalie ang sarili nya na magtanong kay Mateo Thanks po Ms. A...
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
pangit na tampuhan sila tapos dipa alam ni Mateo si Natalie yung babae na ikama niya huhu...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 97

    Panandaliang nagulat si Mateo sa tanong na iyon. Pero sinagot pa rin niya ng buong katotohanan iyon. “Yes, why?” “Salamat,” seryoso ito. “Talagang nagpapasalamat ako. Lumaki akong kaunti lang ang mga taong mabait sa akin.” May kakaibang sensasyon ang gumapang sa kabuuan ni Mateo, umabot iyon hanggang sa puso niya. Pigil na pigil ang pagngiti niya. Tumango lang siya. “Pero…” may sasabihin pa sana ito pero tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong sinagot. “Andrew, oo, tatawagan pa sana kita. Mabuti at tinawagan mo na ako. Ano kasi, naiwan ng kaibigan ko ang coat niya dyan sa dorm room mo. Tsaka hindi pa ako nakakapagpasalamat dahil pinatulog mo siya dyan. Kung hindi lang sa lakas ng ulan, nag-hotel na sana siya. Totoo bang sa supply room ka natulog? Sorry, libre na lang kita para quits na tayo.” Habang nagsasalita si Natalie, itinuro na niya ang MRT para sabihing mauuna na siya. “Dahan-dahan!” Sigaw ni Mateo sa babae. Hindi niya sigurado kung narinig pa siya nito pero ang n

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 98  

    Halos malunok ni Leo ang usok ng sigarilyong ibubuga sana niya. “What the…sinong tinatawag mong babaero? Lahat ng mga nakarelasyon ko ay mga kaibigan ko lang talaga…” Napansin ni Leo na lahat ay nagsi-taasan ng kilay. “Hmph. To answer your question, hindi pa ako nag-date ng babaeng may anak.” “Weh?” Pambubuska ni Stephen. “Wala pa sa ngayon dahil hindi mo pa nakikita yung babaeng may anak na iyon na gusto mo. Kung gusto mo siya, walang kaso kung may anak siya o wala, diba?” “Ah, pinagtatawanan mo ako at ang prinsipyo ko, Stephen?” Nagtawanan sila at nag-alaskahan gaya ng lagi nilang ginagawa kapag magkakasama sila. Pero nagseryoso ulit si Leo. “Pero seryoso, what if may anak nga siya? Mahaba ang buhay at hindi sapat ang isang anak para matali ang isang tao.” “Alam mo, tama at mali yung sinabi mo,” pasok naman ni Aries na kanina pa nakikinig lang. “Sabi nga nila, it’s not about the time we live in. Kahit noong panahon pa ng mga mananakop, uso na yung mga single mothers. Madalas

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 99

    Makalipas ang ilang araw, binisita ni Drake ang Garcia Corporation. Masusi niyang sinunod ang mga prosesong kailangan para sa partnership ng Pascual Technology sa kumpanya nila at ngayong araw ay may meeting siya kasama si Mateo Garcia. Dinala siya ng sekretarya nito sa isang maliit na conference room. Pagka-upo ni Drake, pumasok na si Mateo. Muli siyang tumayo. “Mr. Garcia.” “Mr. Pascual, please, maupo ka.” Hindi nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinag-usapan ang collaboration ng mga kumpanya nila. Natuwa naman si Mateo sa kapasidad ni Drake at napagdesisyunan niyang pirmahan na ang deal. “It’s a pleasure working with you,” sabi ni Mateo. “I’m grateful for your trust, Mr. Garcia. I look forward to a fruitful partnership.” Gaya ng nakagawian, isang piging ang nakahanda para sa tagumpay ng dalawang kumpanya. “Mr. Pascual, hindi mo ba kami sasamahan mamaya sa dinner?” “Maraming salamat. Hindi sa hindi ko gustong kumain kasama kayo pero may prior commitment kasi ako

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 100  

    Kumpara kina Natalie, mas maagang dumating ang grupo nina Mateo doon. Nagsilapitan sina Stephen at Aries sa kanila at huling-huli nila ang pagtingin ni Mateo kay Natalie, halos hindi na ito kumukurap. “Alam mo, noong una, nagiisip pa ako kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, dito sa isang putchu-putchung park mo kami hinatak---yun pala, yung misis ng isa dyan ay narito.” Tukso ni Aries sa kanya. As usual, hindi siya pinansin ni Mateo, naglakad ito papunta sana kina Natalie, pero bigla itong tumigil. Nagdadalawang-isip ito. Si Mateo Garcia ay hindi nagdadalawang-isip kung kaya para itong isang palabas na pinapanood ng mga kaibigan. “Hala, ano kayang problema? Wala silang ticket? Hindi mo ba tutulungan ang asawa mo?”Sarkastiko ang ngiting namutawi sa labi ni Mateo. “Ang tanong, kailangan ba talaga niya ng tulong ko?” “Natalie!” Dumating si Drake, kakapark pa lang nito ng sasakyan. “May problema ba?” “Meron…ganito ang nangyari…” nagsimula ng magkwento si Natalie, baka

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 101   

    Sa pagkakataong ‘yon, agad na napansin ni Natalie ang kakaibang kislap sa mga mata ni Mateo. Ngunit agad niya rin iyong iwinaksi sa isipan niya dahil baka isa lamang iyong ilusyon. Minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon kaya sasabihin niya na ang dapat niyang sabihin sa lalaki. Dahan-dahang lumapit si Mateo sa kaniya. Hindi nito inaalis ang mga mata sa babae. “Ano ‘yon?” Nang mapagtanto ni Natalie kung gaano kalapit ang mukha ni Mateo sa kaniya, agad niyang naramdaman ang pagtalbog ng kaniyang puso. Makalipas ang ilang saglit ay naapuhap niya na ang mga salitang nais niyang sabihin. Pinilit niya ang sarili huwag magpakita ng kung ano mang emosyon sa kaniyang mukha o boses. “Mateo, tigilan mo na ang pagiging mabait mo sa ‘kin.” Siguro nga ay may kung ano sa koneksyon na mayroon sila.  At inaamin niya na hinayaan niya ang sarili niyang magpadala roon. Ngunit sinampal na siya ng katotohanan. Si Mateo ay nobyo ni Irene. Hindi siya pumayag na makipaghiwalay rito sa papel dahil gu

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 102 

    “Huh?” Napatingin si Mateo sa babaeng nasa di kalayuan. Nakatalikod ito sa kanila pero base sa pagtaas at pagbaba ng balikat nito ay batid niyang umiiyak ito. Naningkit ang mata niya ng makilala ito. “Si Natalie ba ‘yon? Bakit siya umiiyak?” Ibinaling niya ang paningin sa tauhang nasa bandang likuran niya. “Alex, alamin mo kung ano ang nangyayari.” “Yes, sir.” Pawang mga hindi kanais-nais na salita lang ang nangibabaw sa isipan ni Mateo nang makitang nakapatong ang mga kamay ni Drake sa mga balikat ni Natalie. Gustuhin man niyang itago, may hindi maipaliwanag na galit sa kalooban niya. Galit na sapat para mag-apoy ang galit sa mga mata niya. … “Diyos ko po, lahat ng ito ay kasalanan ko,” bakas ang pagsisisi at sakit sa tinig ni Drake. “Hindi ko nabantayan si Justin. Pero, Nat…nakausap ko na ang manager dito. Hinahanap na ng mga staff nila si Justin.” Kanina lang ay napakasaya nila. Masyadong nag-enjoy si Justin. Hindi nga ito halos magkandamayaw sa pagparoon at pagparito ka

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 103 

    Kung saan-saan na sila naghanap. Ngunit ayaw panghinaan ng loob si Mateo. Mahal na mahal ni Natalie ang nakababatang kapatid at alam niya kung gaano kahalaga sa babae ang nawawalang bata. Ito na lang ang natitirang pamilya nito. Kung kailangan niyang baliktarin ang buong park ay gagawin niya. Ring! Ring! Telepono iyon ni Mateo, mabilis naman niyang sinagot ang tawag. “Okay, good. Papunta na ako dyan.” Tumigil siya saglit at pagkatapos ay idinugtong, “sabihan niyo din si Drake.” [Pero sir…] Nagaalinlangan si Alex sa kabilang linya dahil sa inutos sa kanya ni Leo kanina. Pare-pareho nilang gustong maging maayos ang estado ng relasyon ng boss nila at ni Natalie. [Sigurado po ba kayo na sasabihan natin si Mr. Drake Pascual?] Mabilis na uminit ang ulo ni Mateo. “Bingi ka ba? Kailangan ko pa bang ulitin ang mga sinabi ko, Alex?” [H-hindi po, sir. Sasabihan ko din po agad si Mr. Pascual.] Tinapos n ani Mateo ang tawag na iyon at tinungo ang likurang bahagi ng building na iyon. Ang

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 104 

    Dahil sa sinabing iyon ng boss nila, parehong nalito sina Alex at Tomas. Hindi nila lubos akalain na ganon ang mangyayari. Malayong-malayo ito sa gusto sana  nilang maging takbo ng senaryo. Ang buong akala nila ay hihintayin nila ang pagdating ni Natalie doon at magpapasalamat ito sa kanila lalo na sa boss nila dahil ito naman talaga ang nakahanap at nakapagpababa ng bata mula sa batuhan. “Drake, huwag mo na sanang sasabihin pa kay Natalie ang tungkol dito.” Paalala ni Mateo. Labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Hiniling sa kanya ni Natalie na huwag maging mabait sa kanya kaya iyon ang ginagawa niya. … “Justin!” Humahangos si Natalie. Matapos niyang matanggap ang tawag galing kay Drake ay halos liparin niya ang kinaroroonan ng kapatid. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog ang kapatid kaya agad niyang sinuri ang buong katawan nito para makasigurong talagang ligtas ito. Tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. “Thank you, Drake. Pasensya na tal

    Huling Na-update : 2024-12-27

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 250

    Magniningning ang mga mata ni Nilly sa determinasyon habang papalapit kay Natalie. Matagal na niyang kinukumbinsi ang kaibigan na ipaglaban ang karapatan nito. At kahit na may mga inaalok sa kanya si Mateo, alam ni Nilly na hindi to tatanggapin ng kaibigan. Pero ibang usapan kapag sarili niyang karapatan ang nakataya. “Come to think about it, dati, hindi ka lumalaban dahil alam mong wala kang panalo. Pero iba na ngayon---si Rigor mismo ang nagbukas ng pagkakataon para sayo. Senyales na ito galing sa universe, Nat! Kaya pakiusap, huwag mong sayangin ito!”Nag-alinlangan si Natalie, isang palatandaan ang paglalaro niya ng mga daliri sa kanyang kandungan. “Hindi ko lang maintindihan kasi, Nilly. Bakit ngayon? Nagbago na ba talaga siya? Hindi mawala sa isip ko na siguradong may dahilan siya.”“Eksakto!” Sang-ayon ni Nilly. “Isipin mo, kung may plano nga ‘yang tatay mo, may karapatan kang kunin ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Nasa tamang gulang ka na at ikaw ang tumatayong guardia

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 249

    Kung tutuusin, hindi naman ito ang unang beses na pinuna ni Mateo si Natalie ng ganoon, kung meron mang hindi kumupas, iyon ay ang sakit ng mga salita galing sa kanya. Tumigil sa paghakbang palayo si Natalie. Mistulang napako siya sa kinatatayuan, litong-lito at muling sinubukan unawain kung saan nagmumula ang galit nito.“Mag-isip ka, Natalie! Ano nga ba ang hindi mo maintindihan?” Tanong niya sa sarili. Alam niyang nagkamali siya at alam niyang sa dami ng mga araw na pwede siyang magkamali----nataon pa sa araw na iyon.Umikot siya at humakbang pabalik kung nasaan ito at may sinseridad na nagsalita. “Mali ako dahil na-late ako at dahil sa akin, maantala ang mga plano niyo. Gusto mo bang magpa-reschedule ako para bukas ng umaga?”Humagalpak ng tawa si Mateo. Ang mukha ay nanatiling kalmado ngunit ang kanyang madilim na mga mata ay nag-aalab ng malinaw na mensahe ng pagkadismaya.“Busy akong tao, Natalie at hindi ko pwedeng pagbigyan kung kailan mo lang maisip na gawin ito. May kumpany

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 248

    Hindi man magsalita si Mateo, alam n ani Isaac na hindi na ito natutuwa sa pagdaan ng mga oras. Likas na maikli ang pasensya ng boss niya at hindi ito sanay na naghihintay. Dalawang tasa na ng matapang na kape ang naubos nito ngunit imbes na maging aktibo ito---tila lalong lumalim ang inis sa bawat galaw ng kamay ng malaking orasan na nakasabit sa pader.Hindi maisatinig ni Isaac pero hindi niya maiwasang magtanong. “Ano bang ginagawa ni Natalie? Sinasadya ba talaga niyang subukin ang pasensya ni sir?”Palubog na ang araw at humahaba na ang mga anino sa lobby ng family court, wala pa ring pinagbago, mabigat at tahimik pa rin ang atmospera doon. Paminsan-minsan ay sinisira ng malakas na pag-ring ng telepono ni Natalie ang katahimikan. Ngunit, ganoon pa rin. Wala pa ring sagot.**Alas singko na ng matapos ang kabuuan ng operasyon.“Naku po!” bulong ni Natalie sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis. Pagkatapos ay tinungo ang opisina para kunin a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 247

    Maagang nagising si Natalie. Magiging abala siya buong maghapon kaya napagpasyahan niyang simulant ang araw ng mas maaga kaysa nakasanayan niya. Abala siya sa pagsuot ng uniporme sa trabaho nang mag-vibrate ang telepono niya. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, saglit siyang natigilan bago sagutin ang tawag.“Hello?”[Natalie,] mahinahon na bungad sa kanya ni Jose Panganiban sa kabilang linya. [May oras ka ba mamayang hapon? Kung oo,Kung oo, pwede na nating puntahan ang family court para tapusin ang proseso.]Parang malamig na simoy ng hangin ang mga salitang iyon kay Natalie. Alam niyang mabilis na abogado si Jose Panganiban pero hindi niya inakalang mabilis din pala ito.“Ang bilis naman.”Sa palagay ni Natalie ay naging epektibo ang pag-arte ni Irene kagabi kaya hindi na nag-aksaya ng oras pa si Mateo at sinimulan na ang lahat. Ang isiping iyon ay nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib, ngunit maagap naman niyang napigilan.Sa mahinahong tono, may sagot si Natalie. “Sure, may

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 246

    “Magalit ka na lang, saktan mo ako. O maglabas ka ng sama ng loob, murahin mo ako---matatanggap kong lahat ‘yon. Pero hindi ito. Huwag ito, Nat. Hindi ko kakayanin! Hindi ko tatanggapin! Please, huwag mong gawin sa akin ito!” Nanginginig na pakiusap ni Drake. Puno ng desperasyon ang bawat salitang binitawan.“Drake,” malumanay na sagot ni Natalie. Nagningning ang mga mata dahil sa luhang hindi niya pinapayagang bumagsak habang magkatitig sila. “Kumalma ka muna. Pakinggan mo ako, okay?”Ang pagkakasabi ni Natalie ay banayad, halos nakakaaliw ngunit hindi rin makaila na naroon ang distansya. Labis itong naghatid ng kirot sa puso ni Drake ngunit tumango pa rin siya kahit alanganin. Pilit niyang pinipigilan ang bagyo ng damdaming nag-aalimpuyo sa loob niya.Sa hindi kalayuan, isang itim at magarang sasakyan ang nakaparada sa kanto. Mababa ang huni ng makina, ang nakasakay ay nagmamasid lang. Nasa likuran si Mateo---ang kanyang matalas na mga mata ay naka-focus sa dalawang pigurang nakatay

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 245

    Biglang tumigas ang mga matalim na linya sa mukha ni Mateo at ang dati niyang matatag na tingin ay nagpakita ng alinlangan. Ang mga sinabi ni Irene sa kanya ay may bigat at bumalot sa kanya kaya saglit siyang nagdalawang-isip. Madali ang magsinungaling, ngunit kapag tungkol kay Natalie ang usapan, tila imposible para sa kanya ang maging mapanlinlang.“Irene,”mahinahon niyang simula, kalmado ang boses ngunit mahina. “Minsan siyang naging asawa ko. Kung may mangyari sa kanya o kung maging mahirap ang buhay niya, hindi ko pwedeng balewalain ‘yon. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”Natigilan si Irene, ang hininga at tila naputol habang ang mga salita ni Mateo ay parang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Ang katapatan ni Mateo ay parang espadang matalim na humiwa sa kanyang humihinang kumpyansa.“P-pero…paano naman ako?” Nagawa niyang itanong sa nanginginig na boses, hayag ang kanyang kahinaan.Napabuntong-hininga si Mateo, parang pagod na ito. “Irene, ikaw ang pinili ko.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 244

    Magkaibang-magkaiba ang dalawang babae. Kung anong ikinakalma, ikinahinahon at itinatag ni Natalie, ay siyang kabaligtaran naman ng galit na galit na reaksyon ni Irene. Hinahayaan lang ni Natalie na maglabas ng sama ng loob ang babae. Sa totoo lang, nauunawaan niya kung ano ang pakiramdam ng makita ang kasintahan kasama ang ex nito---ngunit hindi din naman siya santo. May hangganan ang kanyang simpatya.“Hindi ako lapit ng lapit sa nobyo mo,” paliwanag ni Natalie. Nanatili pa rin siyang kalmado. “Sa maniwala ka o hindi, nagkataon lang talaga.”“Ha!” Muling tumawa ng mapait at nakakainsulto si Irene, napailing din ito at muling tumaas ang boses dahil hindi pa rin ito naniniwala. “Talaga lang, ha? Kung ganoon, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ang tagal mong pirmahan ang mga papeles ng diborsyo kung wala ka talagang pakialam at talagang nagkataon lang ‘to.”Natigilan si Natalie, nabigla siya sa narinig at nalipat ang mga nagtatanong niyang mata kay Mateo.“Irene, kasalanan ko ‘yon,”

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 243

    Hindi nagkamali si Mateo, makalipas ang limang minuto, muling bumalik si Natalie. Ang una niyang tinapunan ng tingin ay si Mateo. Naabutan pa niyang tila pinariringan ng lalaki si Drake kaya agad itong tumigil at ibinaling ang tingin palayo.Sunod naman pinuna niya si Drake. “Bakit narito ka pa? Hindi ba kailangan niyo ng umalis? Sige na, umalis ka na.” Malumanay na wika ni Natalie, ang tono ng pananalita niya ay ganoon pa din. Malamig at may distansya.Nagdalawang-isip si Drake ngunit halata ang pag-aalala sa mga mata. “Salamat, Nat. Ihahatid ko lang si Jean pauwi sa kanila. Babalik ako kaagad para sayo. Pangako. Please, huwag kang magalit o masyadong mag-isip ng kung ano-ano, ha? Wala lang ‘to.”Ngumiti si Natalie ng bahagya, ang ekspresyon ay hindi mabasa. “Sige.”“Hintayin mo ako,” paalala pa ni Drake bago umalis dahil nauna na sa paglalakad si Jean.Habang lumalayo ang dalawa, naiwan ang nakakabagabag na katahimikan. Saglit lang ang ginawang pagtapon ng tingin ni Natalie sa papal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 242

    Samantala, balot ng nakakailang na katahimikan ang paligid sa labas ng conference room na iyon. Nakapwesto malapit sa may pintuan si Mateo at nakasandal sa pader. Ang matalas niyang mata ay nakatuon sa nakasarang pinto. Habang nasa di kalayuan naman sina Jean at Drake, lahat sila ay hindi mapakali. Isang napakabigat na tensyon ang nasa pagitan nila.Nabasag lamang ang katahimikan ng mag-ring ang telepono ni Jean. Sinagot naman niya iyon kaagad. “Ma? O-opo, tapos na po ang dinner party. Pauwi na po ako.”Matapos niyang ibaba ang tawag, bumaling siya kay Drake ng may alinlangan sa mukha. “Drake, si mama ‘yon. Sabi niya, kailangan ko ng umuwi dahil malalim na ang gabi.”Tinapunan siya ng mabilis na tingin ng lalaki, pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa pinto. “Mauna ka na, mag-taxi ka na lang, hihintayin ko si Natalie.”Inaasahan na ni Jean ang bagay na ‘yon pero nag-atubili pa rin siya ng kaunti. “S-sigurado ka ba?”Tumango si Drake, may tatag sa boses nito. “Oo, kailangan ko siyan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status