Share

KABANATA 90

Sa affiliated hospital…

Pababa na sana si Natalie ng sasakyan. Pero napansin niyang tila may gustong sabihin sa kanya si Mateo. Minabuti niyang maging mabagal para bigyan ito ng panahon at hindi nga siya nagkamali.

“Nat…” Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. “May sasabihin ako.”

“Ano ‘yon?”

Pero hindi pa nakakabwelo ng sagot ang lalaki ay may tumawag na kay Natalie mula sa labas. “Natalie! Halika na! Male-late na tayo!”

Nakagat ni Natalie ang labi. Kailangan na niyang bumaba. “Mauna na ako, kailangan ko nang mag-duty, eh. Kung gusto mo, pagkatapos ng duty, pwede nating pag-usapan ulit kung ano man ang sasabihin mo. May sasabihin din naman ako sa ‘yo.”

Biglang bumalik ang gana sa mga mata ni Mateo dahil sa narinig. “Sige. Sabi mo ‘yan, ha?”

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Natalie. Bumaba na siya ng sasakyan at pinuntahan ang mga kasamang intern. Marami silang gagawin ngayon kaya kailangan nila ang lahat ng tao na meron sila para sa registration at patient transfers. Nar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status