Nauutal si Nilly ng masigurong hindi nga siya namalikmata. “A-anong…M-ateo…a-anong…gina..” Maiksi ang pisi ni Mateo. Salubong ang kilay nito ng muling magsalita. “Nilly, tinatanong kita, anong nangyari kay Natalie?” Ramdam ni Marlo na kailangan na nilang kumilos kaya siya na ang nagpaliwanag sa bagong dating. Wala siyang iniwang detalye, lahat ay ikinwento niya. “Hindi namin siya matawagan at sigurado akong walang signal doon.” Habang nakikinig si Mateo, unti-unting nagdilim ang ekspresyon nito sa mukha. Kahit sino ay masasabing hindi ito natutuwa sa mga nangyari, lalo na sa taong may pakana ng lahat. “Tsk. Hindi man lang nag-iingat.” Hindi na siya nag-aksaya pa ng isang segundo. Tiningnan niya ang mga kasama. “Ivan, Tomas, Alex, pupunta tayo sa danger zone.” “Yes, sir.” Sabay-sabay na sagot ng tatlo. Narating ng grupo nina Mateo ang danger zone ng landslide at nagsimulang magtanong-tanong. Gaya nga ng sabi ni Marlo, wala sa mga naroon ang nakakita kay Natalie. Wala ni isa
Wala ni isa sa kanila ang nagsalita ng magtama ang mga mata nila. Parehong malakas ang tibok ng mga puso nila, sa sobrang lakas ay halos dinig nila ang isa’t-isa. “Ayaw mo ba?” Mababa ang boses ni Mateo habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang labi ni Natalie. “Tinatanong kita, Nat. Hindi mo ba gusto kapag hinahalikan kita?” Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Natalie, parang wala siyang boses kaya wala siyang masabi. Ng wala siyang maisagot sa tanong sa kanya, muling sinakop ng labi ng Mateo ang labi niya. Kahit na ilang oras na sa loob ng gubat na iyon---mabango pa rin si Natalie, halos mabaliw siya sa amoy ng babae. Isang boses ang nanggambala sa espesyal na sandali nila. “Mr. Garcia!” Si Natalie ang unang bumalik sa realidad. Itinulak pa niya ng marahan palayo si Mateo sa kanya. Dahil sa ginawa niyang iyon, napaismid ang lalaki at napagbuntungan ng inis niya ang lalaking umistorbo sa kanila. “Ano!?” Ang lalaking iyon ay isang local guide na kasama ng rescue team. Dahil
Nawala ang antok ni Nilly sa pagsulpot ni Mateo sa sleeping quarters nila at karga-karga si Natalie. Hindi pa siya nakaka-recover ay bumalik na naman ito para magtanong. Hindi lang basta tanong ang mga iyon. Personal ito at may aura si Mateo na mahirap tanggihan kaya tumango na lang siya. “O-oo. May karelasyon siya dati.” Ang unang naisip ni Mateo ay marahil ang lalaking iyon ang ama ng batang dinadala ni Natalie. Aminin man niya o hindi, nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Para hindi mahalatang apektado siya, pinilit niyang maging kalmado at ngumiti ng sapilitan. “Nillly, kilala mo ba kung sino ang lalaking ito? I need a name.” Nag-alinlangan muna si Nilly, “hindi mo siya kilala, pero ang pangalan niya ay Drake Pascual. Siya ang bunsong anak ng may-ari ng Pascual Tech. Pamilyar ka ba sa kanila?” “Drake Pascual.” Ang pangalang iyon ay parang isang malakas na daloy ng kuryente na tumama sa kanya. Syempre kilala niya ang lalaking ‘yon. Nagkuyom ang mga kamao niya habang pin
Sa affiliated hospital… Pababa na sana si Natalie ng sasakyan. Pero napansin niyang tila may gustong sabihin sa kanya si Mateo. Minabuti niyang maging mabagal para bigyan ito ng panahon at hindi nga siya nagkamali. “Nat…” Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. “May sasabihin ako.” “Ano ‘yon?” Pero hindi pa nakakabwelo ng sagot ang lalaki ay may tumawag na kay Natalie mula sa labas. “Natalie! Halika na! Male-late na tayo!” Nakagat ni Natalie ang labi. Kailangan na niyang bumaba. “Mauna na ako, kailangan ko nang mag-duty, eh. Kung gusto mo, pagkatapos ng duty, pwede nating pag-usapan ulit kung ano man ang sasabihin mo. May sasabihin din naman ako sa ‘yo.” Biglang bumalik ang gana sa mga mata ni Mateo dahil sa narinig. “Sige. Sabi mo ‘yan, ha?” Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Natalie. Bumaba na siya ng sasakyan at pinuntahan ang mga kasamang intern. Marami silang gagawin ngayon kaya kailangan nila ang lahat ng tao na meron sila para sa registration at patient transfers. Nar
Mahigpit ang pagkakakapit ni Irene sa bewang ni Mateo. “Nagisip-isip ako over the past two days, Mateo. Hindi ko talaga kaya…” Tinitigan ni Mateo ang babaeng nasa mga bisig niya. Gusto niyang maawa pero nagkunot lang ang noo niya. “Irene…” Bigla na lang pumasok si Natalie sa opisina niya at mabilis ding lumabas. Marahil ay dahil sa naabutan niya sa loob. Nagulat pa si Alex ng makita ang babae dahil namumutla ito. “Miss Natalie, galing po kayo sa loob?” Pinilit ni Natalie ang ngumiti pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata niya. “Ha, oo. Pero paalis na din ako. Busy siya. Huwag mo na lang sabihin na nandito ako.” Mabilis niyang linisan ang lugar na iyon. Hindi niya kayang manatili doon kahit na isang segundo lang. Kung tutuusin ay isang minuto lang ang itinagal niya doon pero sa loob ng isang minutong iyon----sinampal na siya ng katotohanan. Galing siya sa ospital bago dumaan doon, puno pa siya ng pag-asa at ngayon ay durog na durog ang pag-asang iyon. Dahil lang s
Pababa na sa underground parking lot si Mateo, panay pa din ang pag-dial niya sa cellphone number ni Natalie pero hindi ito sumasagot. Nakabalik na sa ospital si Natalie. Tinutulungan niya ang medical team para mag-empake at maghanda para sa pag-alis nila. Sa katunayan, ginusto niyang sumama ulit sa huling team pero hindi niya itinuloy. Ngayon, parang gusto na lang niyang makipag-palitan sa kanila dahil wala naman siyang dahilan para manatili. Patuloy sa pagba-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng white coat niya. Sinilip niya iyon at nakitang si Mateo ang tumatawag. Para hindi na siya maistorbo, inactivate niya ang airplane mode. Dumating si Mateo sa ospital at naabutan pa niyang paalis na ang medical team. Hinarang siya ng guwardiya. “Bawal po mag-park dyan, sir. Doon lang po pwede sa central parking lot.” Sabi pa nito sa kanya. Sinunod niya ang utos sa kaniya kahit na naiinis siya. Dumiretso siya sa emergency reception desk para magtanong. “Excuse me, hinahanap ko si Dok Na
Biglang naalala ni Natalie ang sinabi ng lalaki na pagtulong sa bunsong kapatid. “Tungkol ba ‘yan kay Justin?” [Nangako ako diba?] Natawa pa ito. [Syempre, tutuparin ko iyon. Tinutupad ko ang mga pinangako ko, Nat.] Dahil tungkol ito sa kapatid niya, hindi na nagtanong pa si Natalie. “Okay, sige. Tawagan mo ako ulit kapag nandito ka na.” [Syempre naman.] Napangiti si Drake pagkatapos ng tawag na iyon. Kahit na para kay Justin ang ginagawa niya, okay na din. Iyon lang ang paraan para muli siyang patuluyin ni Natalie sa buhay nito. Gusto niyang maging bahagi siya ng buhay nito ngayon at maging dependent ito sa kaniya hanggang sa ito na mismo ang makiusap na manatili siya. … Lumakas lalo ang buhos ng ulan. Sinipat ni Nilly si Natalie na nakatayo sa may bungad ng pintuan. “Grabe, may bagyo ba? Parang gigil na gigil ang langit, ah. Tsaka, kanina ka pa dyan, may hinihintay ka ba? Malapit ka ng tubuan ng ugat dyan.” Hindi pa siya tapos sa pambubuska sa kaibigan ay muli itong nag
Bumukas ang pintuan at ang bumungad sa kay Mateo ay ang mukha ni Drake Pascual. Sa itsura nito, mukhang kakatapos lang nitong maligo, wala itong pang-itaas na suot. Ang tanging suot lang nito ay isang kulay asul na sweatpants. Hiniram lang ito ni Natalie sa isang kaklaseng lalaki dahil walang kasya sa kaniya sa mga gamit ni Natalie. Matiim na tinitigan ni Mateo ang bisita ni Natalie. “Mr. Garcia,” si Drake na ang naunang magsalita. “Hinahanap mo ba si Natalie? Nasa banyo pa siya.” Alam ni Drake na magiging ganon ang reaksyon ng lalaki. Sinadya niyang sabihin iyon dahil sa simula pa lang, nagdududa na siya tungkol sa tunay na kaugnayan ng dalawa. Malakas ang kutob niya na higit pa sa patient-Doktor ang relasyon nila. Kahit sinong lalaki ay magagalit pero pinili ni Mateo na maging sibil. “Nasaan si Natalie? Gusto ko siyang makausap.” “Drake, sino ‘yan?” Galing ang boses ni Natalie sa loob ng banyo. Nagulat pa siya ng makita kung sino ang kausap ni Drake sa may pintuan. “Mateo?