Kinubukasan ng umaga.Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa. “Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huwag mo munang aawayin ang asawa mo, ha? Pagod ‘yan.” Saglit na nagtama ang mga mata nila pero walang nagsalita. Matapos ang masaganang almusal, sabay nilang nilisan ang bahay ni Antonio. Sumabay na si Natalie kay Mateo para hindi magduda ang matanda. Hinatid siya ng lalaki hanggang dormitory niya. “Akala ko sa ospital ka na didiretso, wala ka bang pasok ngayon?” “Meron.” Isinabit ni Natalie ang bag niya sa balikat. “Night shift ako ngayon, kaya pwede akong magpahinga buong araw.” Sinilip pa ni Mateo ang dorm na tinitirhan ni Natalie. “Luma na talaga ang lugar na ito.” Hindi na pinansin ni Natalie ang komentong iyon. Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinuna ng lal
Sinuklian din ni Drake ang ngiti niya. “Ako nga. Invited ka din ba sa launch?” May bahid ng pagtataka ang tono nito. Mahirap para sa kaniya na isipin na a-attend si Natalie ng mga ganoong pagtitipon. Walang pakialam ang babae sa mga negosyo kaya ganon na lamang ang pagtataka niya. “Oo, eh.” Tipid na sabi ni Natalie. “Naging pasyente ko ang may-ari ng Lobregat project.” “Si Roberto Villamor?” “Oo, isa siya sa mga naging pasyente ko.” “Ah, I see.” Tumunog muli ang cellphone ni Natalie. Hindi na niya iyon sinagot dahil alam niyang si Mateo iyon at mamadaliin lamang siya. Nagpaalam na siya kay Drake. “Mauna na ako.” “Ingat ka!” Hindi na natuloy pa ni Drake ang iba pa sana niyang sasabihin dahil humahangos na si Natalie papasok. Nalungkot siya dahil gusto pa sana niyang makausap ang babae. “See you later, Nat.” … Si Isaac ang sumalubong kay Natalie. Hapong-hapo siya dahil sa pagmamadali niya. “Sorry, na-late ako!” “No worries, Miss Natalie. May mga binabating tao lang si
Hindi nakakapagtaka kung bakit naroon si Irene. Nobya ito ni Mateo kaya natural lang na naroon din ito. Kabaligtaran ang naging reaksyon ni Irene, parang nakakita ito ng multo ng makita si Natalie doon. “At anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa kaharap. Ang lalong ikinaputok ng butsi ni Irene ay ang suot na gown nito. Hindi siya maaring magkamali dahi nakita niya iyon sa loob ng private room ni Mateo. Walang kalam-alam si Natalie kaya matipid na lang siyang ngumiti, “wala namang batas na nagsasabing hindi ako pwedeng pumunta dito.” Nasa isang malaking pagtitipon sila at walang balak si Natalie na pagbigyan ang pambubuska ng kapatid----bukod pa doon ay gutom siya. Sinubukan niyang iwasan si Irene sa pamamagitan ng pag-alis pero hinila siya nito pabalik. “Hindi pa tayo tapos!” Galit na sabi nito sa kanya. “Nahihibang ka na ba, Irene? Gusto mo talagang gumawa ng eksena dito? Bitawan mo ako!” Lalong hinigpitan ni Irene ang pagkakahawak sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata n
Parehong magaling lumangoy sina Mateo at Drake, kaya mabilis nilang nasagip sina Irene at Natalie. Nasa mga bisig ni Mateo si Irene, tinapik-tapik niya ang mukha ng babae. “Irene, okay ka lang ba?” Nagbuga ng maraming tubig si Irene, bumabalik na ang ulirat nito. Yumakap ito kaagad sa kaniya at umiyak. “Mateo! I was so scared! Grabe ang nangyari sa akin!” Samantala, wala pa ring malay si Natalie. Hawak siya ni Drake at pilit na ginigising ngunit wala pa ring nangyayari. Inihiga niya sa semento si Natalie. “Nat, Nat! Gising na! Sh*t! Bahala na kahit magalit ka pa sa akin, sorry na agad!” Bulong niya habang aktong gagawin na ang CPR. Hindi pa man siya nagsisimula ay may malakas na tumabig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Drake ng makita kung sino iyon. “M-mateo?” “Umalis ka dyan!” Utos nito sa kanya. Walang ekspresyon sa mukha nito pero may kung ano sa mga mata ni Meteo. Tinabig niya si Drake para malaya siyang makalapit kay Natalie. Lumuhod siya sa tabi nito, pinisil ang
Habang nagsasalita si Irene, sinenyasan niya ang ina para tumigil na ito sa pag-arte at kalmahin ang sarili. Naintindihan naman kaagad ni Janet ang nais iparating ng anak kaya itinigil na niya ang ginagawang pang-aaway kay Mateo.Bago sila umalis para mag-usap, napansin ni Mateo si Drake. “Sino ka naman?” Natama ang mga mata ng dalawang lalaki at pareho silang nakaramdam ng tension na tila ba may pinaglalabanan sila. Sumimangot si Drake pero magalang pa ring sinagot ang tanong sa kanya. “Drake Pascual, kaibigan ako ni Natalie.” Tinitigan siya ulit ni Mateo, pilit niyang kinakalkal sa isipan kung saan niya nakita ang lalaki. Biglang bumalik sa kaniya ang alaala kung saan iyon. Natatandaan na niya----gabi iyon. Sigurado na siya, sa Tagaytay. Ito ang lalaking nakasalubong niya sa kusina. Ito din ang lalaking tinutukoy ng kitchen staff na nagluto ng bulalo. Pinagtagpi-tagpi ni Mateo ang lahat…para kay Natalie ang bulalong iyon. Napaisip din siya kung gaano kalalim ang pagkakaibiga
Naguusap pa sina Irene at Mateo ng mag-ring ang cellphone niya. Si Isaac ang tumatawag sa kanya. Maagap naman niya itong sinagot. [Sir, gising na po si Miss Natalie.] “Okay,” tipid ang naging tugon niya bago binaba ang tawag. Tinitigan niya si Irene, “gising na siya, titingnan ko lang kung maayos na ang kalagayan niya.” “Teka,” nagmamadaling habol ni Irene sa lalaki, agad siyang pumulupot sa braso nito. “Sasama ako sayo.” Determinado siyang huwag bigyan ng pagkakataong magsolo sina Natalie at Mateo. Napansin niyang sumimangot ng bahagya si Mateo. “Don’t worry, hindi ako makikipagtalo sa kanya. Naniniwala ako na may mga rason ang mga babae para sa lahat ng bagay, mapag-uusapan naman namin ang lahat.” Ramdam ni Irene na may pag-aalinlangan pa rin ito dahil saglit siyang tinitigan ni Mateo na para bang iniisip kung ano ang tamang gawin. Matapos ang ilang segundo pumayag din ito. “Fine.” … Sa loob ng kwarto kung nasaan si Natalie, naroon din si Drake. Kanina pa niya pinagm
Natagpuan ni Natalie ang sarili niyang nakaupo sa isang batong upuan sa tapat ng magarang building na iyon. Nagbook na siya ng taxi dahil pagkatapos ng mga nangyari ngayong gabi, wala ng saysay ang manatili pa doon. Yun nga lang, parang paborito na yata si Natalie ng kaguluhan dahil walang plano ang mag-inang Janet at Irene na tigilan siya. Malayo pa lang ay nagsisigaw na si Janet. “Natalie! Natalie! Ikaw nga! Ikaw pala ang haliparot na pumilit kay Mateo para pakasalan niya! Wala na ba talagang natitirang hiya dyan sa katawan mo? Nobyo siya ni Irene!” Kinisap ni Natalie ang mga mata niya, hindi siya makapaniwala na nalaman na nila. Talaga ngang walang sikretong naitatago habangbuhay at totoo ngang napakabilis kumalat ang balitang kagaya ng kanya. “Janet,” nagawa pa ding ngumiti ni Natalie. “Sa lahat ba naman ng tao na pwedeng tumawag sa akin ng walang hiya, ikaw talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob? Nakakalimutan niyo yata na kayo ang reyna ng mga walang hiya. Kung hindi dahil
[Sir, sabi po ni Alex,” pagpapatuloy ni Ivan, [nasa private room niyo po si Miss Irene kanina. Pinapasok na niya, pero hindi naman daw po nagtagal. Nainip daw yata dahil natagalan kayo.] Naging mas malinaw kay Mateo ang lahat----nakita ni Irene ang damit kanina. Iyon ang dahilan kung bakit hinila niya si Natalie. Natural na manlalaban si Natalie kaya nahulog sila sa pool. Numipis ang labi niya, nag-init ang tenga niya dahil sa napag-alaman. Hindi na nagpaalam pa si Mateo sa mga kausap niya, dire-diretso na niyang nilisan ang venue. Mabilis ang mga hakbang niya gaya ng pagtaas ng dugo niya. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakasalubong na niya si Irene. Mabilis na pinulupot ni Irene ang sarili sa kanya, “saan ka ba nagpunta? Aray!” Hindi na naituloy ng babae ang pag-angkla kay Mateo dahil tila bakal ang kamay nito na pinigilan siya. Tsaka lamang napagtanto ni Irene na may mali sa mga oras na iyon. Kapag kasama niya si Mateo ay bihira ito kung ngumiti pero kakaiba ngayon, may galit