Share

KABANATA 72

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-10-14 16:53:47
Parehong magaling lumangoy sina Mateo at Drake, kaya mabilis nilang nasagip sina Irene at Natalie. Nasa mga bisig ni Mateo si Irene, tinapik-tapik niya ang mukha ng babae.

“Irene, okay ka lang ba?”

Nagbuga ng maraming tubig si Irene, bumabalik na ang ulirat nito. Yumakap ito kaagad sa kaniya at umiyak. “Mateo! I was so scared! Grabe ang nangyari sa akin!”

Samantala, wala pa ring malay si Natalie. Hawak siya ni Drake at pilit na ginigising ngunit wala pa ring nangyayari. Inihiga niya sa semento si Natalie.

“Nat, Nat! Gising na! Sh*t! Bahala na kahit magalit ka pa sa akin, sorry na agad!” Bulong niya habang aktong gagawin na ang CPR.

Hindi pa man siya nagsisimula ay may malakas na tumabig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Drake ng makita kung sino iyon. “M-mateo?”

“Umalis ka dyan!” Utos nito sa kanya. Walang ekspresyon sa mukha nito pero may kung ano sa mga mata ni Meteo.

Tinabig niya si Drake para malaya siyang makalapit kay Natalie. Lumuhod siya sa tabi nito, pinisil ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (20)
goodnovel comment avatar
Sheryl Compuesto
next please
goodnovel comment avatar
Dorina Monsanto
I love this stories ...️
goodnovel comment avatar
Ressie A. Maden
sana malaman na ni mateo ang totoo next episode pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 73  

    Habang nagsasalita si Irene, sinenyasan niya ang ina para tumigil na ito sa pag-arte at kalmahin ang sarili. Naintindihan naman kaagad ni Janet ang nais iparating ng anak kaya itinigil na niya ang ginagawang pang-aaway kay Mateo.Bago sila umalis para mag-usap, napansin ni Mateo si Drake. “Sino ka naman?” Natama ang mga mata ng dalawang lalaki at pareho silang nakaramdam ng tension na tila ba may pinaglalabanan sila. Sumimangot si Drake pero magalang pa ring sinagot ang tanong sa kanya. “Drake Pascual, kaibigan ako ni Natalie.” Tinitigan siya ulit ni Mateo, pilit niyang kinakalkal sa isipan kung saan niya nakita ang lalaki. Biglang bumalik sa kaniya ang alaala kung saan iyon. Natatandaan na niya----gabi iyon. Sigurado na siya, sa Tagaytay. Ito ang lalaking nakasalubong niya sa kusina. Ito din ang lalaking tinutukoy ng kitchen staff na nagluto ng bulalo. Pinagtagpi-tagpi ni Mateo ang lahat…para kay Natalie ang bulalong iyon. Napaisip din siya kung gaano kalalim ang pagkakaibiga

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 74

    Naguusap pa sina Irene at Mateo ng mag-ring ang cellphone niya. Si Isaac ang tumatawag sa kanya. Maagap naman niya itong sinagot. [Sir, gising na po si Miss Natalie.] “Okay,” tipid ang naging tugon niya bago binaba ang tawag. Tinitigan niya si Irene, “gising na siya, titingnan ko lang kung maayos na ang kalagayan niya.”  “Teka,” nagmamadaling habol ni Irene sa lalaki, agad siyang pumulupot sa braso nito. “Sasama ako sayo.” Determinado siyang huwag bigyan ng pagkakataong magsolo sina Natalie at Mateo. Napansin niyang sumimangot ng bahagya si Mateo. “Don’t worry, hindi ako makikipagtalo sa kanya. Naniniwala ako na may mga rason ang mga babae para sa lahat ng bagay, mapag-uusapan naman namin ang lahat.” Ramdam ni Irene na may pag-aalinlangan pa rin ito dahil saglit siyang tinitigan ni Mateo na para bang iniisip kung ano ang tamang gawin. Matapos ang ilang segundo pumayag din ito. “Fine.” … Sa loob ng kwarto kung nasaan si Natalie, naroon din si Drake. Kanina pa niya pinagm

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 75

    Natagpuan ni Natalie ang sarili niyang nakaupo sa isang batong upuan sa tapat ng magarang building na iyon. Nagbook na siya ng taxi dahil pagkatapos ng mga nangyari ngayong gabi, wala ng saysay ang manatili pa doon. Yun nga lang, parang paborito na yata si Natalie ng kaguluhan dahil walang plano ang mag-inang Janet at Irene na tigilan siya. Malayo pa lang ay nagsisigaw na si Janet. “Natalie! Natalie! Ikaw nga! Ikaw pala ang haliparot na pumilit kay  Mateo para pakasalan niya! Wala na ba talagang natitirang hiya dyan sa katawan mo? Nobyo siya ni Irene!” Kinisap ni Natalie ang mga mata niya, hindi siya makapaniwala na nalaman na nila. Talaga ngang walang sikretong naitatago habangbuhay at totoo ngang napakabilis kumalat ang balitang kagaya ng kanya. “Janet,” nagawa pa ding ngumiti ni Natalie. “Sa lahat ba naman ng tao na pwedeng tumawag sa akin ng walang hiya, ikaw talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob? Nakakalimutan niyo yata na kayo ang reyna ng mga walang hiya. Kung hindi dahil

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 76

    [Sir, sabi po ni Alex,” pagpapatuloy ni Ivan, [nasa private room niyo po si Miss Irene kanina. Pinapasok na niya, pero hindi naman daw po nagtagal. Nainip daw yata dahil natagalan kayo.] Naging mas malinaw kay Mateo ang lahat----nakita ni Irene ang damit kanina. Iyon ang dahilan kung bakit hinila niya si Natalie. Natural na manlalaban si Natalie kaya nahulog sila sa pool. Numipis ang labi niya, nag-init ang tenga niya dahil sa napag-alaman. Hindi na nagpaalam pa si Mateo sa mga kausap niya, dire-diretso na niyang nilisan ang venue. Mabilis ang mga hakbang niya gaya ng pagtaas ng dugo niya. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakasalubong na niya si Irene. Mabilis na pinulupot ni Irene ang sarili sa kanya, “saan ka ba nagpunta? Aray!” Hindi na naituloy ng babae ang pag-angkla kay Mateo dahil tila bakal ang kamay nito na pinigilan siya. Tsaka lamang napagtanto ni Irene na may mali sa mga oras na iyon. Kapag kasama niya si Mateo ay bihira ito kung ngumiti pero kakaiba ngayon, may galit

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 77  

    “Bakit mo pinatay? Si Mateo yun, diba? Mukhang nagaalala siya sayo.” “Ha? Wala lang ‘yon,” sagot ni Natalie sabay ngiti. “Gaya ni Mr. Roberto Villamor, pasyente ko din si Mateo Garcia. Alam mo naman ang mga mayayaman. Kunwari, concerned. Naalala mo ba yung nangyaring pananaksak na nabalita sa TV? Si Mateo ang biktimang tinutukoy nila. Ako ang attending physician niya that time.” Tumango-tango si Drake. “Ah, ganon pala ang nangyari.” Kahit na ganon ang sinabi niya, batid ni Drake na interesado si Mateo kay Natalie. Lalaki din siya at kabisado niya ang galawan ng isang lalaking may interes sa isang babae. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “Nat, sa tingin ko concerned talaga siya sayo----baka nga gusto ka ‘non.” Namilog ang mga mata ni Natalie. “Huy! Umayos ka nga! Ano-anong pinagsasabi mo dyan. Buti na lang walang nakakarinig sa 'yo dito. May girlfriend yung tao. Si Irene.” Nagbuga ng hangin si Drake. Napangiti ito dahil naginhawaan siya. “Oo nga, ano? O.A lang tala

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 78

    “Justin!! Anong nangyari? Diyos ko po…” Humahangos si Natalie pabalik, napatigil siya dahil  nakita na niya kung ano ang gumawa ng kalabog na iyon.Itinapon ng bata ang cellphone at pinulot iyon ni Drake. Tinitigan niya ang screen at ipinakita kay Natalie ‘yon----nagalit marahil ito dahil natapos na niya ang buong laro. Hindi malaman ni Natalie kung paano ipo-proseso ito. Magulo ang utak niya at hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin.“Alam kong alam mo na ito, pero sasabihin ko pa rin, may maliit na percentage ng mga batang may autism ang may extraordinary talents sa isang specific na talent. Palagay ko, ganon si Justin, Nat.”Tinakpan ni Natalie ang bibig niya, maiiyak siya. Kailan man ay hindi niya inakala ang ganito, buhat ng ma-diagnose si Justin ng autism, ang pinagtuunan lang niya ang ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Hindi sumagi sa isip niya ang higit pa roon.Ngayon ay nakokonsensya siya. “Kung totoo yan…ibig sabihin, pinagkaitan ko ang kapatid ko ng mga pagka

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 79  

    Nagbago ang reaksyon ng gwapong mukha ng lalaki. Kaya pala tinanggap nito agad ang pagso-sorry niya dahil may nakahanda itong resbak sa kanya. Ganon pa man ay hindi niya ito masisi. Hindi rin niya magawang magalit kay Natalie. Pakiramdam niya ay nasampal siya ng ilang ulit sa mukha. Masasakit at malalakas na sampal. Yung tipong magpapa-ugong ng tenga. “Damit lang ‘yan. Ibibili ko siya ng mas maganda.” Sagot niya. “Okay,” nagkibit-balikat lang ito na parang wala lang. “Pasok na ako.” Umalis na ito  ng walang paalam. Sinundan lang ni Mateo ng tingin ang babae. Akmang itatapon na niya ang paper bag na naglalaman ng damit pero napatigil siya. “Anong ginagawa ko? Kung ayaw niya nitong pesteng damit na ito, bakit naman ako magagalit?” Minabuti din niyang umalis na lang at bumalik sa bahay. Pagkarating niya ay pasalampak siyang naupo sa sofa, nauwi ang tingin niya sa painting na nabili kamakailan lamang. Nasa coffee table din ang bracelet na dapat ay para kay Natalie. Ngayon naman ay

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 80

    Sinagot na ni Mateo ang cellphone niya, “Hello?” “Mateo,” malambing ang boses ni Irene sa kabilang linya. “Wala akong trabaho ngayong gabi. Sabi ni mama, pwede ka daw dumalaw dito sa bahay para mag-dinner. Kailan ba tayo magkikita ulit? Namimiss na kita.”Siguradong-sigurado si Irene na mapapapayag niya si Mateo gaya ng nakagawian na. Pero walang balak ang lalaki na iwan ang lolo niya lalo na sa sitwasyon nito ngayon. Gugustuhin niyang bantayan lang ito buong gabi kesa pumunta kina Irene. “Sorry, hindi ako pwede ngayon. May importante akong aasikasuhin.” Tinapos na niya ang tawag matapos sabihin iyon. Tinitigan lang ni Irene ang cellphone niya---binabaan siya ng tawag ni Mateo! Ni minsan ay hindi pa ito ginawa sa kaniya ito ng lalaki. Kaya laking gulat niya ngayon. “Natalie…” sigurado siyang dahil iyon kay Natalie. Asawa pa rin siya ni Mateo at malamang at pinagbawalan nito ang lalaki na puntahan siya. Gumuhit ang matinding galit sa mukha ni Irene. Sa sobrang galit ay naihag

    Last Updated : 2024-10-14

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 299

    May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 298

    “Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 297

    “Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 296

    Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 295

    Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 294

    Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 293

    Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 292

    Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 291

    Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status