Parehong magaling lumangoy sina Mateo at Drake, kaya mabilis nilang nasagip sina Irene at Natalie. Nasa mga bisig ni Mateo si Irene, tinapik-tapik niya ang mukha ng babae. “Irene, okay ka lang ba?” Nagbuga ng maraming tubig si Irene, bumabalik na ang ulirat nito. Yumakap ito kaagad sa kaniya at umiyak. “Mateo! I was so scared! Grabe ang nangyari sa akin!” Samantala, wala pa ring malay si Natalie. Hawak siya ni Drake at pilit na ginigising ngunit wala pa ring nangyayari. Inihiga niya sa semento si Natalie. “Nat, Nat! Gising na! Sh*t! Bahala na kahit magalit ka pa sa akin, sorry na agad!” Bulong niya habang aktong gagawin na ang CPR. Hindi pa man siya nagsisimula ay may malakas na tumabig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Drake ng makita kung sino iyon. “M-mateo?” “Umalis ka dyan!” Utos nito sa kanya. Walang ekspresyon sa mukha nito pero may kung ano sa mga mata ni Meteo. Tinabig niya si Drake para malaya siyang makalapit kay Natalie. Lumuhod siya sa tabi nito, pinisil ang
Habang nagsasalita si Irene, sinenyasan niya ang ina para tumigil na ito sa pag-arte at kalmahin ang sarili. Naintindihan naman kaagad ni Janet ang nais iparating ng anak kaya itinigil na niya ang ginagawang pang-aaway kay Mateo.Bago sila umalis para mag-usap, napansin ni Mateo si Drake. “Sino ka naman?” Natama ang mga mata ng dalawang lalaki at pareho silang nakaramdam ng tension na tila ba may pinaglalabanan sila. Sumimangot si Drake pero magalang pa ring sinagot ang tanong sa kanya. “Drake Pascual, kaibigan ako ni Natalie.” Tinitigan siya ulit ni Mateo, pilit niyang kinakalkal sa isipan kung saan niya nakita ang lalaki. Biglang bumalik sa kaniya ang alaala kung saan iyon. Natatandaan na niya----gabi iyon. Sigurado na siya, sa Tagaytay. Ito ang lalaking nakasalubong niya sa kusina. Ito din ang lalaking tinutukoy ng kitchen staff na nagluto ng bulalo. Pinagtagpi-tagpi ni Mateo ang lahat…para kay Natalie ang bulalong iyon. Napaisip din siya kung gaano kalalim ang pagkakaibiga
Naguusap pa sina Irene at Mateo ng mag-ring ang cellphone niya. Si Isaac ang tumatawag sa kanya. Maagap naman niya itong sinagot. [Sir, gising na po si Miss Natalie.] “Okay,” tipid ang naging tugon niya bago binaba ang tawag. Tinitigan niya si Irene, “gising na siya, titingnan ko lang kung maayos na ang kalagayan niya.” “Teka,” nagmamadaling habol ni Irene sa lalaki, agad siyang pumulupot sa braso nito. “Sasama ako sayo.” Determinado siyang huwag bigyan ng pagkakataong magsolo sina Natalie at Mateo. Napansin niyang sumimangot ng bahagya si Mateo. “Don’t worry, hindi ako makikipagtalo sa kanya. Naniniwala ako na may mga rason ang mga babae para sa lahat ng bagay, mapag-uusapan naman namin ang lahat.” Ramdam ni Irene na may pag-aalinlangan pa rin ito dahil saglit siyang tinitigan ni Mateo na para bang iniisip kung ano ang tamang gawin. Matapos ang ilang segundo pumayag din ito. “Fine.” … Sa loob ng kwarto kung nasaan si Natalie, naroon din si Drake. Kanina pa niya pinagm
Natagpuan ni Natalie ang sarili niyang nakaupo sa isang batong upuan sa tapat ng magarang building na iyon. Nagbook na siya ng taxi dahil pagkatapos ng mga nangyari ngayong gabi, wala ng saysay ang manatili pa doon. Yun nga lang, parang paborito na yata si Natalie ng kaguluhan dahil walang plano ang mag-inang Janet at Irene na tigilan siya. Malayo pa lang ay nagsisigaw na si Janet. “Natalie! Natalie! Ikaw nga! Ikaw pala ang haliparot na pumilit kay Mateo para pakasalan niya! Wala na ba talagang natitirang hiya dyan sa katawan mo? Nobyo siya ni Irene!” Kinisap ni Natalie ang mga mata niya, hindi siya makapaniwala na nalaman na nila. Talaga ngang walang sikretong naitatago habangbuhay at totoo ngang napakabilis kumalat ang balitang kagaya ng kanya. “Janet,” nagawa pa ding ngumiti ni Natalie. “Sa lahat ba naman ng tao na pwedeng tumawag sa akin ng walang hiya, ikaw talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob? Nakakalimutan niyo yata na kayo ang reyna ng mga walang hiya. Kung hindi dahil
[Sir, sabi po ni Alex,” pagpapatuloy ni Ivan, [nasa private room niyo po si Miss Irene kanina. Pinapasok na niya, pero hindi naman daw po nagtagal. Nainip daw yata dahil natagalan kayo.] Naging mas malinaw kay Mateo ang lahat----nakita ni Irene ang damit kanina. Iyon ang dahilan kung bakit hinila niya si Natalie. Natural na manlalaban si Natalie kaya nahulog sila sa pool. Numipis ang labi niya, nag-init ang tenga niya dahil sa napag-alaman. Hindi na nagpaalam pa si Mateo sa mga kausap niya, dire-diretso na niyang nilisan ang venue. Mabilis ang mga hakbang niya gaya ng pagtaas ng dugo niya. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakasalubong na niya si Irene. Mabilis na pinulupot ni Irene ang sarili sa kanya, “saan ka ba nagpunta? Aray!” Hindi na naituloy ng babae ang pag-angkla kay Mateo dahil tila bakal ang kamay nito na pinigilan siya. Tsaka lamang napagtanto ni Irene na may mali sa mga oras na iyon. Kapag kasama niya si Mateo ay bihira ito kung ngumiti pero kakaiba ngayon, may galit
“Bakit mo pinatay? Si Mateo yun, diba? Mukhang nagaalala siya sayo.” “Ha? Wala lang ‘yon,” sagot ni Natalie sabay ngiti. “Gaya ni Mr. Roberto Villamor, pasyente ko din si Mateo Garcia. Alam mo naman ang mga mayayaman. Kunwari, concerned. Naalala mo ba yung nangyaring pananaksak na nabalita sa TV? Si Mateo ang biktimang tinutukoy nila. Ako ang attending physician niya that time.” Tumango-tango si Drake. “Ah, ganon pala ang nangyari.” Kahit na ganon ang sinabi niya, batid ni Drake na interesado si Mateo kay Natalie. Lalaki din siya at kabisado niya ang galawan ng isang lalaking may interes sa isang babae. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “Nat, sa tingin ko concerned talaga siya sayo----baka nga gusto ka ‘non.” Namilog ang mga mata ni Natalie. “Huy! Umayos ka nga! Ano-anong pinagsasabi mo dyan. Buti na lang walang nakakarinig sa 'yo dito. May girlfriend yung tao. Si Irene.” Nagbuga ng hangin si Drake. Napangiti ito dahil naginhawaan siya. “Oo nga, ano? O.A lang tala
“Justin!! Anong nangyari? Diyos ko po…” Humahangos si Natalie pabalik, napatigil siya dahil nakita na niya kung ano ang gumawa ng kalabog na iyon.Itinapon ng bata ang cellphone at pinulot iyon ni Drake. Tinitigan niya ang screen at ipinakita kay Natalie ‘yon----nagalit marahil ito dahil natapos na niya ang buong laro. Hindi malaman ni Natalie kung paano ipo-proseso ito. Magulo ang utak niya at hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin.“Alam kong alam mo na ito, pero sasabihin ko pa rin, may maliit na percentage ng mga batang may autism ang may extraordinary talents sa isang specific na talent. Palagay ko, ganon si Justin, Nat.”Tinakpan ni Natalie ang bibig niya, maiiyak siya. Kailan man ay hindi niya inakala ang ganito, buhat ng ma-diagnose si Justin ng autism, ang pinagtuunan lang niya ang ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Hindi sumagi sa isip niya ang higit pa roon.Ngayon ay nakokonsensya siya. “Kung totoo yan…ibig sabihin, pinagkaitan ko ang kapatid ko ng mga pagka
Nagbago ang reaksyon ng gwapong mukha ng lalaki. Kaya pala tinanggap nito agad ang pagso-sorry niya dahil may nakahanda itong resbak sa kanya. Ganon pa man ay hindi niya ito masisi. Hindi rin niya magawang magalit kay Natalie. Pakiramdam niya ay nasampal siya ng ilang ulit sa mukha. Masasakit at malalakas na sampal. Yung tipong magpapa-ugong ng tenga. “Damit lang ‘yan. Ibibili ko siya ng mas maganda.” Sagot niya. “Okay,” nagkibit-balikat lang ito na parang wala lang. “Pasok na ako.” Umalis na ito ng walang paalam. Sinundan lang ni Mateo ng tingin ang babae. Akmang itatapon na niya ang paper bag na naglalaman ng damit pero napatigil siya. “Anong ginagawa ko? Kung ayaw niya nitong pesteng damit na ito, bakit naman ako magagalit?” Minabuti din niyang umalis na lang at bumalik sa bahay. Pagkarating niya ay pasalampak siyang naupo sa sofa, nauwi ang tingin niya sa painting na nabili kamakailan lamang. Nasa coffee table din ang bracelet na dapat ay para kay Natalie. Ngayon naman ay
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
“Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai
Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa
May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal
“Sasaktan niya ba ako? Diyos ko po.”Nanigas si Natalie at ang nanlalaki niyang mga mata ay nakatuon kay Mateo. Bawat kalamnan ng kanyang katawan ay napuno ng takot habang hinihintay ang kahihinatnan niya.Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi niya habang lumilipad ang kamao nito---ipinikit niya ang mga mata. Ngunit ang inaasahan niyang sakit mulo sa suntok nito ay hindi dumating.Sa halip…Bang!Ang puno sa tabi niya ay umuga ng bumagsak ang kamao ni Mateo doon. Umalingawngaw ang tunog ng pagtama ng mga buto sa kahoy at may mga nalaglag na dahoon sa paanan niya.Hindi mahina ang suntok na pinakawalan nito.“Mateo!” bulalas ni Natalie. Nabahala siya at inabot ang kamay ng lalaki. “Nasaktan ka ba? Patingin---”Ngunit bago niya makuha ang kamay nito, mabilis na naiiwas ni Mateo ang kamay. May ngiti ito sa labi. Isang ngiting may sakit kaysa nakakatawa.“Titingnan mo? Para saan, Natalie?” May pait na tanong nito. “Mahalaga ba talaga ako sayo?”Para siyang sinampal ng mga salitang