Natagpuan ni Natalie ang sarili niyang nakaupo sa isang batong upuan sa tapat ng magarang building na iyon. Nagbook na siya ng taxi dahil pagkatapos ng mga nangyari ngayong gabi, wala ng saysay ang manatili pa doon. Yun nga lang, parang paborito na yata si Natalie ng kaguluhan dahil walang plano ang mag-inang Janet at Irene na tigilan siya. Malayo pa lang ay nagsisigaw na si Janet. “Natalie! Natalie! Ikaw nga! Ikaw pala ang haliparot na pumilit kay Mateo para pakasalan niya! Wala na ba talagang natitirang hiya dyan sa katawan mo? Nobyo siya ni Irene!” Kinisap ni Natalie ang mga mata niya, hindi siya makapaniwala na nalaman na nila. Talaga ngang walang sikretong naitatago habangbuhay at totoo ngang napakabilis kumalat ang balitang kagaya ng kanya. “Janet,” nagawa pa ding ngumiti ni Natalie. “Sa lahat ba naman ng tao na pwedeng tumawag sa akin ng walang hiya, ikaw talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob? Nakakalimutan niyo yata na kayo ang reyna ng mga walang hiya. Kung hindi dahil
[Sir, sabi po ni Alex,” pagpapatuloy ni Ivan, [nasa private room niyo po si Miss Irene kanina. Pinapasok na niya, pero hindi naman daw po nagtagal. Nainip daw yata dahil natagalan kayo.] Naging mas malinaw kay Mateo ang lahat----nakita ni Irene ang damit kanina. Iyon ang dahilan kung bakit hinila niya si Natalie. Natural na manlalaban si Natalie kaya nahulog sila sa pool. Numipis ang labi niya, nag-init ang tenga niya dahil sa napag-alaman. Hindi na nagpaalam pa si Mateo sa mga kausap niya, dire-diretso na niyang nilisan ang venue. Mabilis ang mga hakbang niya gaya ng pagtaas ng dugo niya. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakasalubong na niya si Irene. Mabilis na pinulupot ni Irene ang sarili sa kanya, “saan ka ba nagpunta? Aray!” Hindi na naituloy ng babae ang pag-angkla kay Mateo dahil tila bakal ang kamay nito na pinigilan siya. Tsaka lamang napagtanto ni Irene na may mali sa mga oras na iyon. Kapag kasama niya si Mateo ay bihira ito kung ngumiti pero kakaiba ngayon, may galit
“Bakit mo pinatay? Si Mateo yun, diba? Mukhang nagaalala siya sayo.” “Ha? Wala lang ‘yon,” sagot ni Natalie sabay ngiti. “Gaya ni Mr. Roberto Villamor, pasyente ko din si Mateo Garcia. Alam mo naman ang mga mayayaman. Kunwari, concerned. Naalala mo ba yung nangyaring pananaksak na nabalita sa TV? Si Mateo ang biktimang tinutukoy nila. Ako ang attending physician niya that time.” Tumango-tango si Drake. “Ah, ganon pala ang nangyari.” Kahit na ganon ang sinabi niya, batid ni Drake na interesado si Mateo kay Natalie. Lalaki din siya at kabisado niya ang galawan ng isang lalaking may interes sa isang babae. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “Nat, sa tingin ko concerned talaga siya sayo----baka nga gusto ka ‘non.” Namilog ang mga mata ni Natalie. “Huy! Umayos ka nga! Ano-anong pinagsasabi mo dyan. Buti na lang walang nakakarinig sa 'yo dito. May girlfriend yung tao. Si Irene.” Nagbuga ng hangin si Drake. Napangiti ito dahil naginhawaan siya. “Oo nga, ano? O.A lang tala
“Justin!! Anong nangyari? Diyos ko po…” Humahangos si Natalie pabalik, napatigil siya dahil nakita na niya kung ano ang gumawa ng kalabog na iyon.Itinapon ng bata ang cellphone at pinulot iyon ni Drake. Tinitigan niya ang screen at ipinakita kay Natalie ‘yon----nagalit marahil ito dahil natapos na niya ang buong laro. Hindi malaman ni Natalie kung paano ipo-proseso ito. Magulo ang utak niya at hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin.“Alam kong alam mo na ito, pero sasabihin ko pa rin, may maliit na percentage ng mga batang may autism ang may extraordinary talents sa isang specific na talent. Palagay ko, ganon si Justin, Nat.”Tinakpan ni Natalie ang bibig niya, maiiyak siya. Kailan man ay hindi niya inakala ang ganito, buhat ng ma-diagnose si Justin ng autism, ang pinagtuunan lang niya ang ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Hindi sumagi sa isip niya ang higit pa roon.Ngayon ay nakokonsensya siya. “Kung totoo yan…ibig sabihin, pinagkaitan ko ang kapatid ko ng mga pagka
Nagbago ang reaksyon ng gwapong mukha ng lalaki. Kaya pala tinanggap nito agad ang pagso-sorry niya dahil may nakahanda itong resbak sa kanya. Ganon pa man ay hindi niya ito masisi. Hindi rin niya magawang magalit kay Natalie. Pakiramdam niya ay nasampal siya ng ilang ulit sa mukha. Masasakit at malalakas na sampal. Yung tipong magpapa-ugong ng tenga. “Damit lang ‘yan. Ibibili ko siya ng mas maganda.” Sagot niya. “Okay,” nagkibit-balikat lang ito na parang wala lang. “Pasok na ako.” Umalis na ito ng walang paalam. Sinundan lang ni Mateo ng tingin ang babae. Akmang itatapon na niya ang paper bag na naglalaman ng damit pero napatigil siya. “Anong ginagawa ko? Kung ayaw niya nitong pesteng damit na ito, bakit naman ako magagalit?” Minabuti din niyang umalis na lang at bumalik sa bahay. Pagkarating niya ay pasalampak siyang naupo sa sofa, nauwi ang tingin niya sa painting na nabili kamakailan lamang. Nasa coffee table din ang bracelet na dapat ay para kay Natalie. Ngayon naman ay
Sinagot na ni Mateo ang cellphone niya, “Hello?” “Mateo,” malambing ang boses ni Irene sa kabilang linya. “Wala akong trabaho ngayong gabi. Sabi ni mama, pwede ka daw dumalaw dito sa bahay para mag-dinner. Kailan ba tayo magkikita ulit? Namimiss na kita.”Siguradong-sigurado si Irene na mapapapayag niya si Mateo gaya ng nakagawian na. Pero walang balak ang lalaki na iwan ang lolo niya lalo na sa sitwasyon nito ngayon. Gugustuhin niyang bantayan lang ito buong gabi kesa pumunta kina Irene. “Sorry, hindi ako pwede ngayon. May importante akong aasikasuhin.” Tinapos na niya ang tawag matapos sabihin iyon. Tinitigan lang ni Irene ang cellphone niya---binabaan siya ng tawag ni Mateo! Ni minsan ay hindi pa ito ginawa sa kaniya ito ng lalaki. Kaya laking gulat niya ngayon. “Natalie…” sigurado siyang dahil iyon kay Natalie. Asawa pa rin siya ni Mateo at malamang at pinagbawalan nito ang lalaki na puntahan siya. Gumuhit ang matinding galit sa mukha ni Irene. Sa sobrang galit ay naihag
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Mateo. Agad niyang inasikaso ang discharge papers ng matanda kagaya ng kagustuhan nito. Sa mismong gabi ding iyon, lahat sila ay sabay-sabay na dumating sa ancestral house ng mga Garcia sa Antipolo. Matapos ma-ipark ang sasakyan, tumuloy na si Mateo sa loob ng bahay. Maluwang at magarbo ang bahay na iyon, hindi ito modern pero hindi rin maitatangging maganda ang bahay na iyon. Dumiretso na si Antonio sa silid niya dahil napagod ito sa mahabang biyahe pauwi. Nadatnan niya si Natalie na kausap si Manong Ben, ang caretaker at housekeeper ng bahay na iyon. “Manong Ben, ibibigay ko po sa inyo ang meal plan at medication plan ni lolo. Ganito na lang, kunin ko na lang po messenger niyo. Isesend ko na lang din po doon para in case makalimutan niyo, may kopya kayo sa phone niyo. Tsaka para mamonitor ko din po si lolo kung wala ako dito.” Sabi ni Natalie. “Ay, magandang ideya nga po ‘yan, Dok. Medyo mahina ako sa pag-sasaulo,” nakangiting sagot ni Manong B
“Si Justin…na-food poisoning daw…” namumula ang mga mata ni Natalie, bigla niyang naalala na hindi nga pala nito kilala ang kapatid niya. “Bunso kong kapatid si Justin.” Ito ang unang beses na narinig niyang magbanggit si Natalie ng anumang tungkol sa pamilya niya. Ngayon ay alam na niyang may pamilya pa ito. Bumangon na din ito at nagbihis. “Sasama ako sayo,” saad ng lalaki. “Hindi na, hindi mo na kailangang----” “Kailangang ano?” Putol sa kaniya ni Mateo. “Dis oras ng gabi, wala kang makukuhang taxi dito sa Antipolo, Natalie! Kaya halika na!” Hinila na niya ang babae palabas ng kwarto nila. “Hindi ka ba nag-aalala para sa kapatid mo?” “Syempre, oo!” Binilisan na din ni Natalie at sumakay na sila sa kotse nito. “Pasensya ka na, mag-uumaga na. Inistorbo ko pa ang pahinga mo.” Tinapunan lang siya ng tingin sandali ni Mateo. “Huwag mong sabihin ‘yan. Tinulungan mo din ako ng maraming beses. Kapag hindi kita tinulungan ngayon, parang wala na rin akong kwentang tao.” “Salamat